Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KWARTER: IKA-APAT

Sabjek: EsP Baitang: 5


Petsa Sesyon: 5
Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pananalig sa Diyos na nagbibigay ng
Pangnilalaman buhay.
Pamantayan sa Naisasabuhay ang tunay na pasasalamat sa Diyos na nagkaloob ng buhay.
Pagganap
Nakapagpapakita nang tunay na pagmamahal sa kapwa tulad ng:
Kompetensi
 pagkalinga at pagtulong sa kapwa EsP5PD - IVa-d – 14
I. LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang
Kaalaman Natutukoy ang mga paraan ng pagkalinga at pagtulong sa kapwa.
Saykomotor Nakasusulat ng mga paraan ng pagkalinga at pagtulong sa kapwa.
Apektiv Naisasapuso ang kahalagahan ng pagkalinga at pagtulong sa pamamagitan ng paggawa ng
poster.
II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa Pagkalinga at Pagtulong sa Kapwa
B. Sanggunian Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1: Mapanuring Pag-iisip, Mayroon
Ako
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5
MELCs p. 79
(https://news.abs-cbn.com/news/12/09/17/bata-nabiktima-ng-dugo-dugo-gang)
C.Kagamitang Modyul, Batayang Aklat
Pampagtuturo
A. Paghahanda Naranasan nyo na bang tumulong sa inyong kamag-aral?
Pangmotibeysyunal Ano ang pakiramdam pagkatapos mong matulungan sila?
na Tanong
Aktiviti/Gawain Iparinig ang balita.

https://news.abs-cbn.com/life/05/04/18/

grade-1-student-na-ayaw-mag-absent-binibitbit-angkapatid-sa-klase Grade 1 student na


ayaw mag-absent, binibitbit ang kapatid sa klase
Pagsusuri/Analysis Ano ang napakahalagang katangian na taglay ni Justin Gargacera?
Ano ang masasabi mo sa mga mag-aaral ngayon na lumiliban sa klase dahil lamang sa
walang baong pera?
B. Paglalahad Ilahad ang kwento.
Abstraksyon
(Pamamaraan ng Ang Batang Matulungin
Pagtalakay)
Ni: Glenda D. Evangelio

Si Nestor ay nasa ikalimang baitang ng Mahalimuyak Elementary School. Dahil sa kanyang


kasipagan, paborito siya ng kanyang mga kaklase. Marami siyang kaibigan. Isang araw,
habang naglalaro sila nakita ni Nestor ang isang batang nadapa sa may di kalayuan. Walang
tumulong sa kanya sa halip ay pinagtatawanan ito ng mga batang nakakita. Lumapit si
Nestor at tinulungang tumayo ang bata. Marami itong butlig sa katawan at pinandidirihan
ng kanyang kapwa mag-aaral. Pero iba si Nestor. Sinamahan niya ang bata at inihatid sa
kanyang silid-aralan.

Sagutin ang mga Tanong.

1. Sino ang mga tauhan sa kwento?


2. Paano mo ilalarawan si Nestor?
3. Paano tinulungan ni Nestor ang bata?
4. Kung ikaw si Nestor, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Bakit?
C. Pagsasanay Pangkatang Gawain.
(Mga Paglilinang na Atasan ang mga mag-aaral na bumuo ng grupo. Bawat grupo ay gagawa ng isang palabas na
Gawain) nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa mag-aaral.

Rubriks sa pangkatang Gawain:

Pamantayan 3 2 1
Husay ng Lahat ng ksapi ng 1-2 kasapi ng 3-4 kasapi ng
pagkakagawa pangkat ay pangkat ay hindi pangkat ay hindi
nagpapakit a ng nagpapakit a ng nagpapakit a ng
kahusayan sa kahusayan sa kahusayan sa
paggawa paggawa. paggawa.
Tamang saloobin sa Naipakita nang Naipakita nang Hindi naipakita ang
sitwasyon. maayos at may tiyak maayos at ngunit tamang saloobin sa
ang tamang may pagalinlangan sitwasyon.
saloobin sa ang tamang
sitwasyon. saloobin sa
sitwasyon.
D. Paglalapat Sumulat ng isang liham pasasalamat para sa iyong kamag-aral na naging matulungin sa iyo.
(Aplikasyon)
E. Paglalahat Ang pagtulong sa kamag-aral at pagdarasal para sa kanila ay isa sa mabuti at kaaya-ayang
(Generalisasyon) ugali na dapat paunlarin ng bawat batang katulad mo
IV. PAGTATAYA Isulat ang Tama o Mali sa patlang.
_________1. Ipagdadasal ang kamag-aral na may karamdaman.
_________2. Nasisiyahan kapag may kamag-aral na nalulungkot.
_________3. Ipinagdiriwang ang talunan na kaklase.
_________4. Masaya kapag nanalo sa paligsahan ang kapwa mag-aaral.
_________5. Sama-samang nagdadasal ang mga magaaral bago kumain.
_________6. Tulong-tulong ang mga mag-aaral sa mga gawain ng paaralan.
_________7. Pinagtatawanan ang kaklase na nagkamali ng sagot.
_________8. Ilagay sa loob ng basurahan ang bag ng kaklase.
_________9. Tutulungan ang kamag-aral na nahihirapan sa paggawa ng kanyang proyekto.
_________10. Pahihiramin lamang ang kamag-aral na malapit sayo.
V. KARAGDAGANG Gumawa ng isang panayam sa inyong kamag-aral tungkol sa naranasan nilang pagsubok.
GAWAIN 1. Paano mo ipinakita ang iyong pagmamalasakit sa kamag-aral na may pinagdaanan?
2. Ano ang maari mong gawin upang mabawasan ang kanilang bigat na nararamdaman?
VI. PAGNINILAY-
NILAY

Inihanda nila:

JEAN B. MOLDE
Teacher III

IMELDA A. TAN

Teacher III

You might also like