Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Labagala, Marienelie C.

11 - ABM (A)

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK (WEEK 1, QUARTER 2)

Module 1.1: Sitwasyong Pangwika: Sitwasyong Pangwika sa


Telebisyon, Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Dyaryo
Pagyamanin
Gawain 1.
1. Sa isang noon time show o pantanghaliang variety show
Sang-ayon ako na ang nananaig na tono ng wika sa mass media ay impormal at
hindi gaanong istrikto ang pamantayan ng propesyonalismo dahil ang mga noon
time show o pantanghaliang variety show ay nagnanais lamang magbigay ng
kasiyahan sa mga manonood lalo na habang sila ay kumakain ng kanilang mga
tanghalian. Hindi na kinakailangan na gamitan pa ito ng mga formal na wika at
hindi ganoon ka-istrikto ang pamantayan ng propesyalismo.
(Showtime)
Obserbasyon mo sa ginamit na wika sa programang ito.
Ang wika na ginamit sa programang ito ay masasabing informal dahil ang mga
hosts, audiences, at mga staffs ay kadalasang nagbibiruan gamit ang iba’t ibang
mga wika at wala ring kaso kung ano ang gusto nilang sabihin o ibahagi sa isa’t
isa.

2. Sa isang programang nagbabalita o news public affairs program.


Hindi ako sang-ayon na ang nananaig na tono ng wika sa mass media ay
impormal at hindi gaanong istrikto ang pamantayan ng propesyonalismo dahil
sobrang halaga na maipahayag ng bawat programa ang balita sa maayos at
pormal na paraan. Sa mga gantong programa kasi nangangalap ang mga tao ng
impormasyon at mga nangyayari saan mang dako ng mundo.
(24 Oras)
Obserbasyon mo sa ginamit na wika sa programang ito.
Naobserbahan ko na ang mga wika na ginamit sa programang ito ay pormal.
Nilallahad ng programang ito ang mga balita na nagaganap sa ating bansa sa
pormal na pamamaraan. Nangangahulugang kailangan ng mga nagbabalita na
sumunod sa pamantayan ng propesyonalismo.

3. Sa isang teleserye o telenovela


Sang-ayon ako na ang nananaig na tono ng wika sa mass media ay impormal at
hindi gaanong istrikto ang pamantayan ng propesyonalismo dahil kadalasan ang
mga eksena sa teleserye ay kagaya lamang ng sa totoong buhay. Kapag tayo ay
nakikipaghalubilo sa iba ay hindi naman nangangailangang pormal na wika ang
ating gamitin, ganoon din sa mga teleserye at telenovela.
(Pangako Sa’yo)
Obserbasyon mo sa ginamit na wika sa programang ito.
Naobserbahan ko na ang wika na ginamit sa programang ito ay informal
sapagkat napansin ko na ang mga salita na kanilang sinasabi ay karaniwan kong
naririnig sa aking pangaraw-araw na pamumuhay. Ang mga karakter din sa
programang ito ay gumagamit ng iba’t ibang mga biro na tunay na
nagpapaganda sa palabas.

4. Sa isang diyaryo o tabloid


Hindi ako sang-ayon na ang nananaig na tono ng wika sa mass media ay
impormal at hindi gaanong istrikto ang pamantayan ng propesyonalismo dahil
may mga importanteng bahagi ang diyaryo at tabloid na kinakailangang
nakasulat sa pormal na pamamaraan upang mas maintindihan ng mga
bumabasa.
(Pilipino Star Ngayon)
Obserbasyon mo sa ginamit na wika sa programang ito.
Naobserbahan ko na ang ginamit na wika sa programang ito ay informal. Ang
inaasahan kong bubungad sa akin ay mga pormalna balita ngunit ang bumungad
sa akin ay mga balita nga ngunit maituturing na ring isang chismis. Kadalasan
kasi ng mga nakalagay sa tabloid tulad nito ay ang mga hot issues na nangyayari
sa bansa.

5. Sa isang programa sa radyo


Sang-ayon na ang nananaig na tono ng wika sa mass media ay impormal at
hindi gaanong istrikto ang pamantayan ng propesyonalismo dahil kadalasan ng
mga napapakinggan kong programa sa radyo ay mga nagpapatugtog ng kanta,
nagbabahagi ng advice, at nagkekwento ng mga pangyayari sa buhay.
(MOR 101.9)
Obserbasyon mo sa ginamit na wika sa programang ito.
Naobserbahan ko na ang ginamit na wika sa programang ito ay informal
sapagkat para akong nakikinig ng chikahan tuwing ito’y aking pinakikinggan.
Marami ring mga ganap ang nangyayari rito tulad ng pagbibigay ng DJ ng advice
sa isang babaeng heartbroken.

Gawain 2.

1. Sineskwela
PROGRAMANG 2. Mathdali
PANTELEBISYON
3. Aha!
NA TUNGKOL SA
EDUCATIONAL 4. Matanglawin
PROGRAM 5. Mathtinik

ISTASYON NG 1. DZMM RADYO PATROL 630


RADYO NA 2. DZRH
MADALAS NA 3. DZXL
NAGHAHATID NG
4. AKSYON RADYO
BALITANG
PAMBANSA 5. DZBB 594 SUPER RADYO

1. Abante
MGA TITULO NG
2. Philippine Daily Inquirer
PAHAYAGANG
3. Manila Bulletin
TUMATALAKAY
SA MGA 4. The Manila Times
BALITANG 5. The Philippine Star
PANDAIGDIG

You might also like