Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Hunyo 7, 2021

PAKI BASA PO……….

Magandang araw po!

Dahil sa lockdown at Community Quarantine na ipinatupad sa Barangay Liminangcong mula buwan ng Mayo hanggang
Hunyo ay nagkaroon ng suspensyon ang Distribution at Retrieval ng modyul. Lubhang naepektuhan dahil dito ang
pagsisimula ng Ika-apat na Markahan para sa Taong Kasalukuyan. Dahil sa dito ay magsasagawa ang ating paaralan ng
proseso upang masiguro na maipapatupad pa rin ang nararapat para sa Ika-apat na Markahan, upang matulungan ang
mga mag-aaral na matapos at maipasa ang kanilang pag-aaral sa taong kasalukuyan.

Ibinigay na sa envelope ang lahat ng mga Modyul na kelangan masagutan at kumpletuhin para sa Ika-apat na Markahan.
Kinakailangan itong magawa sa mas maagang panahon dahil nalalapit na ang pagtatapos ng klase, ang huling araw ng
klase ay sa unang Linggo ng Buwan ng Hulyo, halos isang buwan na lamang.

Ang bawat Answer Sheets ng bawat subject ay naka-stapler, sinadya kong ilagay sa gitna ang stapler nito upang
masiguro na ito ay inyong tatanggalin at malalagyan ng pangalan ang bawat isa. Pagnatapos na sagutan ang LAHAT ng
Answer Sheet ng isang subject ay maari lamang ipagsama-sama ito at i-istapler upang hindi magwatak-watak.

Sa mga mag-aaral na may kapalitan, pagnatapos mo na ang hawak mong mga modyuls ay makipagpalitan na sa iyong
kagrupo upang ang bawat isa sainyo ay magkaroon ng sapat na panahon sa pagsagot.

Sikapin na sa isang linggo ay makakatapos ka ng dalawang subject upang masiguro na makakapasa ka sa takdang
panahon.

Sa oras na makatapos ka na sa iyong pagsagot sa lahat ng Modyuls at Answer Sheet ay maari lamang ipahatid ito sa
eskwelahan o sa iyong guro, inaasahan na maipapasa ang Modyuls at Answer Sheets sa Hulyo 1 hanggang 5, 2021.

Kung merong katanungan ay tumawag lamang sa numerong nakasaad sa ibaba, o di kaya ay magtext o kumontak sa FB
Messenger. Inaasahan ko ang inyong kooperasyon at maraming salamat po.

Gumagalang,

CHESSA MAECCA P. CANTONJOS

CP No.: 09051410952
Class Adviser

You might also like