Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ano nga ba ang isang pelikula?

Ang pelikula, na kilala din bilang sine at pinilakang tabing (mula sa kastila película at cine), ay isang
larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng
industriya ng gumagalaw na larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang
larangang ito ng akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula. Isang anyo ito ng sining, at tanyag na anyo
ng mga libangan, at negosyo. Nililikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao at
bagay (kabilang ang inarte na pantasya at mga peke) sa kamera, at/o sa pamamagitan ng kartun.

Pelikula: Ang pangarap kong holdap

Introduction: Makikita sa haka-haka na Barangay Husay, nakipagtulungan si Eman(Pepe Herrera) sa


kanyang dalawang kaibigan, sina Toto(Jerald Napoles) at Carlo(Jelson Bay) na nagsimula bilang mga
underdog, na nabigo sa bawat pagkakataon na magtagumpay sa kanilang maliliit na panloloko.
Pagkatapos ay nakilala nila si Nicoy(Paolo Contis) na naging bahagi ng grupo ni Eman na lumalabag sa
tradisyon ng pagkakaroon lamang ng 3 miyembro bawat gang.

Gamit ng Wika sa Lipunan( Halliday )

Ang ginamit nila na Wika ay pang heuristiko sapagkat sa pag tatanong ng isang matabang lalake kung
asan boss niya na si badjao. Naging pang heuristiko siya sapagkat sa pag tatanong niya doon sa
mekaniko kung asan si badjao, ito ay nag papakita ng pag hahanap o pagkuha ng impormasyon sa
pamamagitan ng interbyu. at sa pag tatanungan nalang dalawa, napapansin ko din na sa kanilang pag
uusap nagiging interbyu yung istilo nila dahil sa kanilang pag babalikan ng salita.

Barayti ng wika: Sosyolek

Ang ginagamit nila na barayti na wika dito ay sosyolek sapagkat ang kanyang mga pananalita at tila
parang mas nakakataas siya sa kanyang kinakausap sapagkat siya ay kabilang sa isang mataas o kilalang
grupo sa brgy. Husay.

You might also like