Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Si Erol sa Panahon ng DDS

OPHALYN S. MORTERA

“Ma’am pano to nahuli ko mismo,nalaglag mula sa loob ng case ng cellphone niya”, wika ni

sir Dibe sabay na ipinakita ang isang maliit na paketeng may lamang kulay lumot durog-durog na

dahon at tila kinurot nang pinong-pino bago isinilid sa plastik na iyon. Hindi ako nakapagsalita

kasabay ng pagsipat sa bagay na inabot sa akin ni sir. Naunawaan ko ang kahulugan at magiging

trabaho ko nang araw na yaon. Sige sir mag-usap na lang tayo mamaya tapusin ko lang ang

diskusyon sa klase ko.

Itinalaga akong guidance coordinator sa Maogma Senior High School bukod pa sa anim na

hawak kong section sa asignaturang Filipino. Kulang ng mga guro sa paaralan kung kaya wala

kaming magawa kundi akuin ang iba pang trabaho na iniatang sa amin kahit ito ay sobra-sobra

na, ito na nga yata ang sinasabi nilang tawag ng tungkulin.

Paglabas ko sa klase ay nakaabang na si sir kasama ang sinasabi niyang mag-aaral na

nakuhaan niya ng maliit na pakete ng ipinagbabawal na gamot na kung tawagin ay marijuana.

“Saan galing ito”, tanong ko sa mag-aaral na agad umiwas na magkasalubong ang aming mga

mata. “ Napulot ko lang po maa’m.” “ Napulot? Saan ?” patanong na sabi ko. “Sa labas po maam

ng school.” “Ilang taon ka na?” Eighteen na yan maam, agap na sagot ni sir. “ipatawag natin ang

magulang nito”, sabi ko kay sir Dibe. Maraming bagay ang naglalaro sa utak ko kasabay ng pag-

iisip kung ano ang marapat na gawin sa mga ganitong sitwasyon.

Saglit akong lumapit sa punong-itinalaga at nagtanong. “Sir paanong gagawin sa

estudyanteng ito hindi na siya menor de edad at sa pagkakaalam ko ay puwede na itong ideretso

sa police station. Napailing si sir sabay nagwika “ Oo maam, deretso na ninyo sa pulis”. Eh sir

pinatawag ko pa rin ang magulang para naman kahit paano’y hindi tayo paghinanakitan at malapit

lang naman ang bahay sa ating paaralan. “O sige”, sagot ni sir.

Ilang minuto rin naming inantay ang magulang at habang kami ay nakaupo sa tanggapan

ay pinagmasdan ko ang mukha ng labing-walong taong gulang na mag-aaral.Wala akong

mabakas na pag-aalala sa kanyang mukha. Bagama’t siya ay labing-walong taon na ay tila

lamang katorse anyos ang pisikal na anyo nito.


“Maam pinatatawag niyo raw po ako” sabay na napalingon kami ng punong itinalaga sa

kanyang pagsulpot. “Magandang umaga po”, bati ko naman. “Bakit po maam ano po bang ginawa

ng anak ko? “Ah, Erol ,ang mabuti pa ikaw ang magsabi sa nanay mo kung ano ang nagyari”,

agap ko. “Nalaglag sa cellphone ko” wika niya. “Ang alin?”, yamot na tanong ng ina. “Weed”

tugon ni Erol. “Anong weed?, muling tanong ng ina. Inilabas ko ang isang pakete ng marijuana at

saka lamang naunawaan ng ina kung ano ang nagyayari at kung bakit siya agarang pinatawag sa

paaralan. “Sa iyo ba ito?” Gulat at nanghihinang tanong ng ina. “Hindi, napulot ko lang yan.

“Napulot!”, sigaw ng ina, “alam mo ba kung ano ang ginawa mong yan?, mapapahamak ka niyan!

gumagamit ka ba niyan? sabi ko sa iyo Erol!, hirap na hirap na akong buhayin kayong anim na

magkakapatid tapos ganito.” “Alam mo bang bawal yan!” Sunod-sunod na tanong, singhal at sari-

saring emosyon sa pagitan ng mga salita galing sa kanyang ina ,tila aatakihin na sa puso sa

pagkabigla. “Napulot ko nga lang yan.” “Napulot?, magsabi ka na nang totoo saan mo nakuha

iyan?” sabat ni sir . Hindi kumibo si Erol at hindi pa rin kababakasan ng anumang emosyon o

pagkatakot. Kampante lamang itong sumagot-bahagya.Isa lamang ang nauunawaan ko paulit-ulit

niyang sinasabi ang pahayag na “Hindi akin yan ,napulot ko lang.”

“Nay kaya po naming kayo ipinatawag ay upang ipaalam na ang anak ninyo ay dadalhin

naming sa pinakamalapit na pulisya.”sa wakas ay nasabi ko. “Ma’am sir kailangan pa po ba

iyon?”, tila maiiyak na sabi ng ina. “Baka naman po puwedeng ayusin natin dito sa paaralan,

tanggalin na lamang ninyo o ipalipat o dili kaya ay pahihintuin ko na lamang, o kayay

pagtratrabahuhin na lamang kitang bata ka!”, singhal sa kanyang anak. “Naku maam alam po ba

ninyo na hindi na menor de edad ang inyong anak at kung tutuusin ay puwede na naming ideretso

sa pulisya pero ipinatawag pa rin naming kayo upang malaman ninyo ang sitwasyon.”sabi ng

punong-itinalaga. “Pero sir ngayon lang naman ito hindi naman siya mabarkada sa bahay nga

lang ito palagi eh”, depensa ng ina.

Hindi ko matagalan ang ganoong eksena subalit batid ko na likas lamang sa isang ina na

depensahan ang kanyang anak. Muli kong tiningnan ang nakatungong si Erol at patuloy itong

hindi kababakasan ng pagkabahala o pagkatakot.


Tumuloy na kami sa istayon ng pulisya. Pagparada pa lamang ng tricycle na aming

sinakyan ay tumayo ang isang pulis, marahil napansin niyang kami ay mga guro sa suot naming

uniporme at suot na uniporme rin ng estudyante naming kasama. “Good morning maam, ano po

yon? agad niyang tanong. “Ah, nahulihan kasi ng titser na kasama ko itong estudyante namin,

sabay abot sa pakete ng marijuana.” Sinipat ito ng pulis sabay sabing “naku maam diretso na po

ito sa baba.” agad kung naunawaan ang babang sinasabi niya, ang pinaka istasyon ng pulis sa

kabayanan. “Para po maidulog ninyo sa womens desk kasi ala pang disi otso”,patuloy ng pulis.

“Eighteen na po siya sir”, mahina kung tugon. “Naku makukulong ito maam”, tahasang banggit ng

pulis. Napatingin ako sa ina at mukha ni Erol na hindi man lang nagulat at hind pa rin

kababakasan ng anumang takot at kaba. Nagkatinginan kami ni sir . Muli akong humarap sa pulis.

“Sir talaga bang dapat kasama kami?. “Oo maam kayo po ang mag- fifile ng kaso” sabay tingin

kay sir Dibe. “Kayo po ang nakahuli ano ho?, “Oo sir sagot ni Dibe. Yon! kayo po ang maghahabla

sa kanya.”kaswal na sabi ng pulis. Tumingin ulit sa akin si sir Dibe waring nagulat.

Tumuloy kami sa kabayanan. Lulan ng sasakyang pampulisya hindi maiwasan na maglaro

sa isip ko kung ano ang kahihinatnan ng labing walong taong gulang sa panahong ang maliliit na

hayop ay pinapatay habang ang mga higante ay patuloy na nabubuhay. Kaharap ko ang nanay na

kababakasan ng pag-aalala habang pinagmasdan ko ang kanyang itsura. Ang buhok na

nakapusod ang kalahati samantalang nakalugay ang kalahating bahagi at nakatakip nang

bahagya sa kanyang mga mata. Iniwas ko ang aking paningin bago pa man niya mahuling

pinagmamasdan ko siya, marahil natakot ako na makita o maramdaman ko ang anumang

nararamdaman niya bilang ina. Naputol lamang ang walang direksyong paglalakbay ng aking diwa

ng maaninag ko na ang ilang pulis na nakasuot ng uniporme at nakatingin habang pumaparada

ang sasakyang pampulisya na kinalululanan namin.

Habang naglalakad papunta sa tanggapan ng inspektor kung saan doon daw muna kami

tutuloy hindi maiwasang maglaro ng utak ko sa maaring mangyari sa isang labing-walong taong

gulang na para sa aki’y dapat na nasa paaralan at nagluluoy lamang sa pag-alam at pagtuklas ng

mga bagay na kaya niyang arukin sa akademya. Napansin ko ang maliit na karsel na
pinaglalagakan ng sari-saring nilalang na may mga nakangiting anghel sa braso na tila nang-

aasar.

Hindi ko na maunawaan ang mga nangyayari habang nakaupo kami at naghihintay sa

sinasabing inspektor na mag-iimbestiga. Maya’t maya ay may papasok at magtatanong ng paulit-

ulit .”Saan mo nakuha ito?Magkano iskor mo?Makukulong ka!” habang ang ina ay palakad-lakad

sa pasilyo, may kinakausap sa telepono. Namalayan ko na lamang ang oras nang maramdaman

ko ang hapdi sa aking sikmura, marahil ay umalma na rin sa ilang oras na hindi ko pagpansin sa

obligasyon ko sa kanya. Wala akong ganang ibigay yon sa mga oras na iyon. Mas inaalala ko ang

isang kaluluwa na maaring hindi na maranasan kahit kailan ang paghapdi ng kanyang

sikmura.Tila wala na ako sa aking wisyo,hindi ko na rin namalayan kun anong oras ako nakaalis

sa lugar na yon.Nanunuot sa aking tenga ang salit-salitang pahayag. “Ah siya pala ang nagbibigay

sa’yo ,sipain kita! akala mo porke nandito nanay mo di kita lulumpuhin.” “Akin na muna cellphone

mo nang magkaroon ng silbi yan.”

Pagkalipas ng tatlong araw namanhid ang kalamnan ko sa balita tungkol sa binatilyong

napatay sapagkat nanlaban habang inililipat sa ibang piitan.Pumikit ako at nakita kong muli ang

mukha ni Erol na hindi kababakasan ng takot at kaba.Naalala ko rin si Kian.

Apol

8/08/2018

1:30 n.h.

You might also like