Kabanata V

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng buod, natuklasan, konklusyon at rekomendasyon


ng pag-aaral. Ang pamagat ng pag-aaral na ito ay “EPEKTO NG PAGTATRABAHO SA PAG-AARAL
NG MANGGAGAWANG MAG-AARAL NG ARELLANO UNIVERSITY- JUAN SUMULONG CAMPUS SA
PANAHON NG PANDEMYA”.

LAGOM

Nag-mula ang pag-aaral na ito sa layunin ng mananaliksik na malaman ang epekto ng


pagtatrabaho sa pag-aaral ng mga manggagawang mag-aaral. Gayundin ang mga dahilan kung
bakit kinailangang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho at ang mabuti at di-mabuting
naidudulot nito.Nagsimula ang mananaliksik sa paghanap sa internet ng mga ideya at
impormasyon tungkol sa mga maaari at posibleng dahilan ng pagtatrabaho habang nag-aaral
ang isang manggagawang mag-aaral. Pumili din ang mananaliksik ng paraan ng pananaliksik na
gagamitin at napili ang pagsasarbey. Sa isinagawang pagsasarbey ay kalahok dito ang mga
manggagawang mag-aaral ng Arellano University Juan Sumulong Campus.

Sunod na ginawa ay ang paghahanda at paggawa ng mga talatanungan pasasagutan sa


mga respondente. At pagkatapos ay binilang at pinag-isa nila ang mga magkakaparehong sagot
sa bawat tanong. Sa mga pinag-isang katanungan, kinuha ang bahagdan o porsyento nito sa
kalahatang bilang ng mga respondente. Dito nadetermina nila kung ano ang epekto ng
pagtatrabaho sap ag-aaral ng isang manggagawang mag-aaral. Masusing pinaghambing ang
mga resulta at inanalisa. Lumalabas sa pagsusuri ng mananaliksik na karamihan sa mga
respondente ay nakararanas ng hindi mabuting epekto ng pagtatrabaho sap ag-aaral. Para sa
mananaliksik, nakuha na nila ang kanilang mga ninanais na mga kasagutan at katanungan nila.
Higit sa lahat nakamit nila at nagawa kung ano ang kanilang layunin sa pag-aaral na ito.

KONKLUSYON

1. Karamihan sa mga manggagawang mag-aaral ay nagtatrabaho bilang crew sa isang


fastfood restaurant at call center agent. Ang iba naman ay nagtatrabaho bilang barista,
online seller,sales lady, at rider. Anim (6) hanggang siyam (9) na oras ang madalas na
bilang ng oras ang ginugugol sa pagtatrabaho ng isang manggagawang mag-aaral.
2. Karamihan sa mga manggagawang mag-aaral ay mayroon miyembro ng pamilya ang
nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Ang kanilang mga pangunahing gastosin ay ang
matrikula at pagkain.
3. Lubos na sumasang-ayon ang mga manggagawang mag-aaral na may mabuting epekto
ang pagtatrabaho sa kanilang pag-aaral gaya ng mas napabuti ang pamamahala ng
kanilang oras.
4. Marami naman ang natuklasan na masamang epekto ng pagtatrabaho sa pag-aaral ng
mga manggagawang mag-aaral gaya ng madalas makaranas ng pagod dahilan para sila
ay magkasakit at lumiban sa klase. Hindi rin nakakapagpokus sa aralin dahilan para
madalas na humingi ng mas mahabang palugit ng pagpasa ng pinapaggawa ng guro o di
kaya naman ay hindi na nakakapagpasa ng mga takdang-aralin at iba pang kailangang
gawin sa paaralan.
5. Natuklasan din na hirap balansehin ng manggagawang mag-aaral ang oras ng
pagtatrabaho at pag-aaral. Mas nagiging prayoridad na nila ang pagtatrabaho kaysa sa
pag-aaral dahilan para mas mapadalas ang kanilang pag “overtime” upang madagdagan
ang kanilang sahod na pangtustos sa kanilang mga gastosin. Natuklasan din na
kinailangan nilang magtrabaho ng isa o higit pang trabaho para sa kanilang
pangangailangan.

REKOMENDASYON

Sa mga nakalap na resulta mula sa pag-aaral at mga nabuong konklusyon ay nagkaroon


ang mananaliksik ng mga rekomendasyon ukol sa pananaliksik na ito.

Napatunayan na ang pagiging manggagawang mag-aaral ay hindi maiiwasan na


magkaroon ng epekto at karamihan dito ay negatibo ang naging resulta. Sa kabila nito, nais pa
rin payuhan ng mananaliksik ang mga mag-aaral na ito na magkaroon ng mas maayos na
pagbabalanse ng oras para sa pagtatrabaho at pag-aaral tulad ng mga sumusunod:

 pagsasaayos ng talatakdaan
 pag-alam ng mga prioridad sa buhay
 pagiging organisado sa mga gawain
 pagmu-multi tasking
 pagsasakripisyo ng mga bagay na hindi gaanong mahalaga
 pagpaprayoridad ng kalusugan

Hindi lahat ng mga mag-aaral ay may kakayahan na maging isa sa mga ito kaya naman
inirerekomenda ng mananaliksik na mas bigyan pansin ang pag-aaral at higit na magpokus dito
dahil nararapat lamang na unahin ang pag-aaral at pagtatapos. Nilalayon rin sa pag-aaral na ito
na bigyan ng kaalaman ang mga mag-aaral ukol sa pagiging manggagawang mag-aaral at
magkaroon ng ideya sa mga maaaring maging epekto nito sa kanila. Kung ang isang mag-aaral
naman ay nagbabalak na pumasok sa isang trabaho, gamitin ang pag-aaral na ito bilang
patnubay at gabay na impormasyon ukol sa maaaring epekto nito na kanilang mararanasan. At
para naman sa mga guro ng mga manggagawang mag-aaral na ito, nirerekomenda na mas
habaan pa ang pasensiya at konsiderasyon para sa mga nagsisikap na manggagawang mag-
aaral.

You might also like