Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MARTIAL LAW HORROR STORY DRAFT# 1

Sa Silid ni Tinay

Magsimula pa nu’ng ako'y paslit pa lamang, hindi na nawaglit sa’king isipan ang mga
karanasang paulit-ulit na kinukuwento ni inay patungkol sa Batas Militar na iprinoklama noong
ika-21 ng Setyembre taong 1972.

"Iginapos nila ako gamit ang..."

"...alambre't piniringan nila ang iyong mga mata habang paulit-ulit na tinatanong ang
mga katagang nasaan ang kasamahan mo?" dugtong ko rito na siyang nagpatigil sa kaniyang
litanya. "At sa bawat pagtanggi mo ay siyang paglapat nila ng mga binalatang kawad ng
kuryente sa iyong mga balat."

"Ginapos nila ako at pilit na ipinagsalita." Pautal niyang pagkakasabi.

"Ngunit ano nga ba ang sasabihin ko? Sino ang ipagkakalulo ko? Ni hindi ko alam kung
sinong pangalan ang dapat kong banggitin." Bagaman nakangiti ay ramdam pa rin ang siphayo
sa kanyang mga tinuran.

"Anak, huwag sana itong mangyari pang muli." Sambit niya habang hinahaplos ang
tutok ng aking ulo. Tumango na lamang ako bago inihalig ang aking katawan sa kama. Humalik
siya sa aking nuo at tuluyang umalis sa'king silid.

Kinabukasan, nagising na lamang ako nang marinig kong may nailapag sa aking mesa.
"Kain na Tinay, at inumin mo ang gamot mo," aniya ng aking amain.

"Maari ba akong sumama sa inyo samakalawa?" pagpapaalam ko sa kaniya habang tila


pinag-iisipan ang kaniyang isasagot. "Tatlong taon ko na po itong pinagpapaalam, payagan niyo
naman po sana ako sa ngayon."

"Tinay kakagaling mo lamang sa hospital mas makakabuting magpahinga ka muna."

"Ayos lang po ako, walang masama sa'kin. Sige na ho payagan niyo na ako."

Dahil sa aking pagpupumilit ay pabuntong-hininga na lamang siyang tumango. "Saglit


lamang tayo ‘run, Tinay, at uuwi rin tayo kaagad. Kasama rin natin ang mga tito mo." Huling
sambit niya bago lumisan sa aking silid.

Kinagabihan ay may kung anong bumabagabag sa'kin na dahilan upang hindi ako
makahimbing ng maayos. Mga tinig. Mga hikaos. Mga pagsusumamo. Dahan-dahan ‘kong
idinilat ang aking mga mata at nasilayan kong muli— ang isang trahedya.

Sa loob ng aking silid— may babaeng hubo't hubad na nakahilata sa sahig habang
kinukuryente siya ng mga unipormadong lalaki. "Nasaan ang mga kasamahan mo!" sigaw ng
isang pamilyar na boses. Umiling ang babae na siyang dahilan upang ilapat ng lalaki ang kawad
sa pagkababae nito. Napaigtad sa hapdi at sakit ang babae.

Mga wala silang awa. Matapos pa nun ay ibinalot nila sa supot ang mukha ng babae at
tinapalan ito ng "duct tape." Wala itong ibang ginawa kundi magpumiglas kahit pa'y ang mga
MARTIAL LAW HORROR STORY DRAFT# 1

kamay ay nakagapos ng mahigpit sa alambre. Nakakatigatig pagmasdan, tila ang puso ko'y
sasabog na sa sobrang kaba at takot.

Ilang segundo lang ay unti-unting nawalan ng lakas ang babae at humandusay na


lamang ito sa sahig. Akala ko'y matatapos na rito ang lahat nang biglang humarap ang mga
lalaki sa gawi ko at pawang ako naman ang kanilang isusunod. Bagaman malabo sa paningin
ang kanilang mukha ngunit aninag ang mga mata nilang nanlilisik at mga ngising abot tenga.
Tumili lamang ako ng napakalakas nang dumapo na ang kanilang mga kamay sa akin.

"Tinay! Tahan na! Andito na ako." Agad akong nahimasmasan sa aking narinig.

“Si mama, pinatay nila si mama!" Hagulgol ko habang balot sa bisig ni itay.

"Tahan na." Pagpapakalma niya sakin.

Datapuwa'y batid kong delusiyon lamang ang lahat — pati na rin si inay— hindi ko pa
rin lubos maitanggi na hulmado sa isip ko ang mga pangyayaring ito. Dalawampu’t limang taon
na rin ang nakalilipas matapos ‘kong masilayan ang litrato ni inay sa isang arkibo ng mga
nasawing biktima ng Batas Militar. Bakas sa kanyang hitsura ang dahas na sinapit, pati na rin
ng mga taong nadamay tulad niya.

Ito’y mga pangyayaring imposibleng mawaglit sa ala-ala ng mga biktima. At mga


pangyayaring pilit itinatanggi ng mga bulag sa katotohanan kahit ilang beses man hainan ng
ebidensya.

Lumipas ang dalawang araw, tuluyan nga kaming nagtungo ni itay sa lugar na tatlong
taon ko nang gustong mabisita — ang “Bantayog ng mga Bayani.”

Nilibot ko ang aking paningin at napakaraming tao ang nasa paligid; mga taong patuloy
na ipinaglalaban ang hustisya ng mga pumanaw nilang pamilya bunga ng Batas Militar. Sa
patuloy na pagmamasid ay napahinto ako sa tilad kung saan nakaukit ang pangalan ni inay.
Pinagmasdan ko ito habang taimtim na bumubulong.

"Ma, balang araw makakamit mo rin ang hustisya sa kamatayan mo." Mapait kong
pagkakasabi. Napalingon pa ako saglit kina itay sa bandang malayo.

"Ma, gagawin ko ang lahat upang mabigyan ka ng katarungan mula sa mga gumawa sa
iyo nito ..."

"... sa ginawa sayo ni itay."

Horror Story | Pawey

You might also like