Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

SINESOSYEDAD/PELIKULANG

PANLIPUNAN FILSOS 1115

PANUNURING PAMPELKULA
GAMIT ANG IBA’T IBANG TEORYANG PAMPANITIKAN

PAGSUSURI SA PELIKULANG

“THE LAST WORD”

Ni

Tracy Shane W. Viterbo


BSED_4-5

JACKSON A. PARCHAMENTO
GURO

MAIKLING PAGSUSULIT
Unang Semestre 2022-2023
I. PANIMULA

Ang pelikulang “Die Beautiful” ay tumatalakay sa makulay na buhay at


paglalakbay ni Trisha Echevarria, bilang isang transgender, na namatay pagkatapos
niyang koronahan sa isang Miss Gay Beauty Contest dahil sa brain aneurysm. Dito
tinupad ng kaniyang kaibigan na si Barbs ang hiling na burol ni Trisha, ang
magkaroon ng iba’t ibang mukha sa bawat gabi ng burol nito. Ang pelikulang ito ang
isa sa mga pumuputol ng estigma ng mga Pilipino pagdating sa komunidad ng
LGBTQIA. Ang Die Beautiful ay inisyal na inilabas sa mga sinehan sa 29 th Tokyo
Film Festival noong ika-27 ng Oktubre taong 2016 sa pagdidirehe at kwento ni Jun
Robles Lana, kasama sina Ferdinand Lapuz at Perci Intalan sa produksyion at
panunulat naman ni Rody Vera at opisyal na pumasok sa 2016 Metro Manila Film
Festival (MMFF).

Ito ay pinagbibidahan ng mga kilalang artista na sina Paolo Ballesteros bilang


Patrick na kalaunan ay naging Trisha Echevarria, Christian Bables bilang Barbs ang
pinaka malapit na kaibigan ni Trisha, Joel Torre bilang Tatay ni Trisha, Gladys
Reyes bilang Beth na kapatid ni Trisha, Luis Alandy bilang Jesse na naging
kasintahan ni Trisha at isa sa mga gumahasa sa kaniya, Albie Casino bilang Migs
ang gumahasa kay Trisha, Faye Alhambra at Ina De Belen bilang Shirley Mae ang
batang inampon ni Trisha, Mimi Juareza bilang Mother Celine at si Jade Lopez
bilang Diana na asawa ni Jesse. Bukod pa rito, tumanggap si Paolo Ballesteros ng
Pinakamahusay na Pangunahing Aktor mula sa Gawad Urian Awards, at
Pinakamahusay na Direktor naman si Jun Lana sa FAP Awards Philippines.
Tinagurian itong “Movie of the Year” sa 2017 Star Awards for Movies.

Ibinahagi ni Jun Robles Lana sa panayam sa kaniya sa press conference ng


pelikula, kung paano naging inspirasyon sa pelikula ang kwento ng buhay ni Jennifer
Laude, isang transgender na pinatay dahil sa kaniyang kasarian, ang pagkamatay
niya ang nagbukas ng mga usapin ukol sa mga karapatan ng miyembro ng
LGBTQIA+,

II. Buod ng Pelikula


Ang unang bahagi ng pelikula ay nagpapakita ng mga litrato ng pangunahing
tauhan sa mga nagdaang taon. Ang sumunod na tagpo ay ang pagpapakita sa
pangunahing tauhan na si Harriet Lauler, at kung paano niya kinokotrol ang mga
bagay sa kaniyang paligid. Mapapansin din sa bahaging ito na tila mag-isa ang
matanda, at tinangka niyang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng
sobrang gamot. Lingid sa kaniyang kaalaman na alam ito ng doctor at hindi
aksidente ang nangyari kung hindi sadya.
Matapos ang insidente, pinauwi rin si Ms. Lauler ng kaniyang doktor, at
habang kumakain mag-isa ay naitapon niya ang serbesang kaniyang iniinom, sa
pagmamadaling humanap ng pamunas ay ang katabi niyang diyaryo ang kaniyang
naipamunas. Dito aksidente niyang nabasa ang seksyon ng obituwaryo ng isang
kilalang pahayagan, namangha siya kung paano ginawang interesado ng manunulat
ang buhay ng isang tao, ang manunulat na ito ay si Anne Sherman. Pinuntahan ni
Ms. Lauler ang pahayagang pinagtatrabahuhan ni Anne, at sinabi niyang nais niyang
isulat ng dalaga ang kaniyang obituwaryo habang siya ay nabubuhay pa.
Noong una ay nahirapan si Anne, sapagkat halos lahat ng tao sa paligid ni
Ms. Lauler ay ayaw sa kaniya o di kaya ay galit sa kaniya dahil sa kaniyang ugali.
Hindi nagustuhan ni Ms. Lauler ang unang draft ni Anne, at muntik nang sumuko.
Subalit nilatagan niya si Anne ng mga halimbawang obituwaryo ay sinabi na
kailangan niya ay apat na bagay,una ay minamahal ng pamilya, pangalawa ay
hinahangaan ng katrabaho, pangatlo ay tumataka sa buhay ng isang tao at wild
card. Sa pagsulat ito ang sinundan ni Anne, dito rin nila nakilala si Brenda, sang
batang bratinela. Sa kabilang banda nagdesisyon si Harriet, sa kabila ng kaniyang
edad, ay gusto niya maging isang disc jockey. Napasok siya sa KOXA, isang
istasyon, at habang siya ay on air, dumating si Anne at sinabing pamilya na lang ang
kulang sa kaniyang sinusulat. Kaya naman pinuntahan nilang tatlo ang anak ni
Elizabeth, at dito niya nalaman ang sakit nilang mag-ina na Obsessive-compulsive
personality Disorder. Hindi nagtapos ng maayos ang kanilang usapang mag-ina.
Umuwi sila at nalaman ni Harriet na bilang na lamang ang kaniyang mga araw
sapagkat ang puso niya ay itinuturing nang overworked. Araw lamang ang lumipas
nang tuluyan na rin nawala si Harriet, at sa kaniyang burol binasa ni Anne ang
isinulat niyang obituwaryo, at mensahe kung paano niya naging inspirasyon si
Harriet, sapagkat siya ang taong, na hindi makakalimutan si Harriet.

III. Mga Teoryang Pampanitikan na Makikita sa Pelikula


Linya ng Tauhan/Eksena/Sitwasyon: “I was diagnosed with obsessive-compulsive
personality disorder. It's a condition. That, unfortunately, we both have.”

Running time: 1:10:37

Teoryang Ginamit: Sikolohikal

Pagtalakay/Paliwanag: Ang bahaging ito ng pelikula ay nagpapakita ng teoryang


Sikolohikal. Sinabi ni Elizabeth rito na siya ay na-diagnosed sa Obsessive-
Compulsive Personality Disorder, na sa kasamaang palad ay mayroon din ang
kaniyang ina (Harriet), ito ay isang paniniwala na ang lahat ng tao o bagay sa iyong
paligid ang problema at ang kapansin pansin na pagkahumaling sa perpektonismo.
Sinabi rin ni Elizabeth na hindi pa huli ang lahat para pakawalan ang kondisyon na
ito. Ito ay isang dahilan kung bakit papasok ang teoryang sikolohikal sa pelikulang ito
sapagkat ito ang nagpapaliwanag sa katauhan at pag-uugali ni Harriet sa simula pa
lamang ng pelikula. Ang kaniyang OCPD ang dahilan kung bakit pati ang pagputol
ng mga halaman ay kailangan pantay-pantay at kung bakit wala siyang pakielam sa
mga masasaktan niyang tao sa kaniyang paligid, dahil madalas ang may mga
ganitong disorder ay hindi self-aware na maituturing. Ang mga taong may OCPD ay
madalas ipinipilit ang kanilang mga pamamaraan upang gawin ang mga espesikong
bagay, halimbawa nito ay ang isang eksena kung saan naka ayos ng ayon sa
alpabeto ang mga koleksyon ni Harriet ng vinyl. Pangalawang dahilan kung bakit
papasok ang sikolohikal dito ay dahil sa takbo ng pelikula makikita ang unti-unting
pagbabago ng karakter ni Harriet, Anne at Brenda. Ipinakita rin ang mga maaring
dahilan ng kanilang pagbabago, maaring halimbawa sa karakter ni Brenda na mas
natutong gumamit ng mga tamang salita.

Linya ng Tauhan/Eksena/Sitwasyon: “You want to teach me some sh*t. You want


to teach me some stuff. Seems like we've already begun.” At ang “You don't make
mistakes. Mistakes make you.”

Running time: Ang eksenang ito ay matatagpuan sa ika-tatalumpu’t anim na minuto


at apatnapu’t pitong segundo ng pelikula at ika-isang oras, dalawampu’t walong
minuto ng pelikula (36:47-36:57 at 1:28:41)
Teoryang Ginamit: Pormalismo
Pagtalakay/Paliwanag: Ang mga linya ito ay ilan lamang sa patunay na papasok
ang teoryang pormalistiko sa pelikula sapagkat ang mga linyang ito ay binibigyang
diin ang mga bagay na nasa labas nan g pelikula at ang mismong teksto ang
binibigyang pokus. Halimbawa ang unang linya, ang porma ng paggamit ng wika ni
Brenda ay ipinakita kung paano nagbago, mabilis niyang natutuhan ang paggamit ng
tamang salita o wika na naaayon sa kaniyang edad. Ang estilong ito ay isang
halimbawa ng pormalistiko sapagkat binibigyan nito ng markadong atensyon ang
kaayusan, o paraang artistiko ng teksto. Ang ikalawang linya naman ay nagbibigay
ng payo tungkol sa mga pagkakamaling nagawa natin, sapagkat ito ang humuhubog
sa atin, kung kaya’t ang linyang ito ay mayroong malaking impak sapagkat kung
minsan ito ang reyalidad, hindi lamang nabibigyang pansin madalas, ngunit kapag
tayo ay nagkakamali, kalimitang nagsisilbing aral ito sa atin. Ang linyang ito ay isa rin
halimbawa ng teoryang pormalistiko sapagkat iniiwasan nito ang pagtatalakay ng
mga elementong labas sa teksto mismo, tulad ng kasaysayan, politika, at
talambuhay.

Linya ng Tauhan/Eksena/Sitwasyon: Ang simula ng pelikula kung saan ipinakita


na mag-isa sa buhay si Binibining Lauler
Running time: 5:37-6:57
Teoryang Ginamit: Realismo
Pagtalakay/Paliwanag: Hindi katulad ng mga indie film sa halimbawa, ang tagpong
ito ay isa sa mga reyalidad ng mga matatandang Amerikano. Ito’y sapagkat madalas
na kapag lumampas na ng 70 ang edad ay iniiwan na sa Home for Aged, o bahay
para sa mga matatanda na laganap sa bansa ng Amerika. Hindi lingid sa kaalaman
ng mga pamilyang gumagawa nito na mag-isa ang pakiramdam ng karamihang
matandang amerikano sa mga ganoong lugar. Ang ganitong bagay ay kakaiba sa
ating mga Pilipino dahil inaalagaan natin an gating magulang hanggang sa
pagtanda, maging ang mga lolo at lola natin, subalit sa kanila ay normal lamang ito.
Isa ang bagay na ito sa mga obligado nilang gawin, dahil madalas kapag tumuntong
ng legal na edad sa Amerika ay umaalis na sa puder ng magulang, kung kaya’t
kapag wala nang mag-aalaga sa magulang ay iniiwan na lamang sa mga Home for
Aged at minsanang dinadalaw. Makikita rin sa bahagi ng tagpong ito na tinangka ni
Harriet, kunin ang sarili niyang buhay, na nagiging kaso kung sa tingin nila ay wala
na silang halaga o silbi sa kanilang pamilya, at dahil na rin sa bigat ng emosyon ng
pagiging mag-isa, bagaman si Harriet ay nasa sarili niyang pamamahay, wala pa rin
siyang kasamang pamilya, ang tanging kasama niya lamang ay ang kaniyang
katulong.

IV. Pangkalahatang Teorya

Linya ng Tauhan/Eksena/Sitwasyon: “Elizabeth, I am who I am.”


Teoryang Ginamit: Eksistensiyalismo
Pagtalakay/Paliwanag: Ang buong pelikula ay umikot sa buhay ni Harriet
Lauler, at sa kagustuhan niyang maisulat ni Anne Sherman ang kaniyang
obituwaryo sa paraang na kaniyang gusto, bago siya mamatay. Sa unang
bahagi pa lamang ng pelikula ay ipinakita na ang pagpasok ng
eksistensiyalismo kung saan malayang nagdesisyon si Harriet na uminom ng
maraming gamot. Maraming tao ang galit kay Harriet dahil sa lahat ng bagay
ay mayroon siyang espesipikong paraan ng paggawa, gayundin ay mayroon
siyang buong kontrol sa takbo ng kaniyang buhay. Makikita rin ang unti unting
pagbabago ni Harriet dahil ito ay ginusto niya. Sinimulan niya sa pagtuturo
kay Brenda, isang batang may katigasan ng ulo, kung saan bahagyang
lumambot ang kaniyang puso. Nang tuluyan niyang makilala si Anne ay
naging mas malapit din siya rito. Ang kagustuhan niyang maisulat ang
kaniyang obituwaryo ni Anne mismo ay halimbawa rin ng eksistensiyalismo
sapagkat siya mismo ang pumili ng taong papapasukin niya sa kaniyang
buhay. Ang pagiging mag-isa ni Harriet ay maaring hindi niya ikinalulungkot
sapagkat isa ito sa bagay na kaniya rin malayang pinili, sapagkat sa teoryang
ito, binibigyang kapangyarihan ang pagpili.
Papasok din ang bahagi kung saan nagdesisyon si Harriet Lauler na
maging isang disc jockey, kahit na may katandaan na siya. Sinabi niya pa na
gusto niya ito kaya ginawa niya, ito ay isang paraan ng pagpili sa sariling
kagustuhan at kaligayahan. Ang lahat ng naging desisyon ni Harriet sa
kaniyang buhay, simula sa hindi pagkuha ng apelyido ng kanyang asawa, sa
hindi paghabol sa kaniyang anak, sa pagiging matabil, at pagpapakita ng
totoo niyang katauhan. Ang lahat ng ito ay alam niyang may kasamang
suliranin subalit hindi niya ito masyadong inisip at mas pinili na paligayahin
ang sarili, sa sarili niya rin na paraan. Malugod niya rin tinanggap ang
katotohanang mabubuhay siya kasama ang mga problema o naging sularanin
sa mga desisyong ginawa niya sa buhay. Gayundin, ang pagtanggap ng buo
sa kaniyang sarili, gaya ng nabanggit sa linya. Alam niya sa kanyang sarili na
kahit therapist ay hindi na siya mababago sa ganoong edad sapagkat sa
ganoong paraan na niya nahanap ang kasiyahan niya bilang isang tao at ito
ang naging haylayt ng kaniyang eksistens.

You might also like