Filipino Reviewer

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ANG PAPEL PANANALIKSIK

“Ang pananaliksik ay isang barometro ng kahusayan ng Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik


isang mag-aaral – pinatutunayan nito na
Tungkulin ng mananaliksik ang sumagot sa sarili niyang
napagtatagumpayan niya ang mga hamon ng akademya
sa pagtuklas ng malawak na karunungang matatagpuan katanungan at patunayan sa sarili ang kaniyang mga
pag-aakala at pananaw nito.
sa labas nito” – ito ay tahasang sinabi nina Mayor at
Ganaban, 2011 Dapat ding isaalang-alang ng mananaliksik ang
paggalang sa mga datos na nakalap, sa pamamagitan ng
Kalikasan ng Pananaliksik
pagpapahalaga sa intellectual property at mga taong
Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa papel kakapanayamin.
pananaliksik at mga pamamaraan nito.
Lalong-lalo na mahalaga ang kredibilidad ng isang
Konsepto sa Pananaliksik mananaliksik. Ang pagiging orihinal sa ginawang papel
pananaliksik na magtatakda ng kahusayan sa pagtuklas
Ang lahat ng mga tanong mo sa buhay kaibigan ay unti-
unting mabibigyan ng sapat na sagot sa pamamagitan Plagiarism
ng pananaliksik.
Ang plagiarism o panunulad ay nakuha mula sa salitang
Ang pananaliksik ay isang maingat at sistematikong Latin “plagiaries” na ang literal na ibig sabihin ay
pag-aaral at pagsisiyasat sa ilang larangan ng kaalaman kidnapper. Ayon sa diksyunaryo, ito ay isang paraan ng
na isinasagawa upang tangkaing mapagtibay ang pagnanakaw; kung saan ang isang tao ay gumamit o ng
katwiran. hiram ng ideya o gawa ng iba at hindi nilagay ang
pinagkunan o binigyan ng credit ang kanyang
Ang research ay hango sa matandang salitang Pranses pinagkukunan. Maraming tao ang gumagawa nito pero
na recherchḝ galing na ang ibig sabihin sa Ingles ay to kadalasan ay hindi nila alam na nakagawa na sila ng
seek and to search again. pagkakamali.
Kung gayon kaibigan, marami ka nang alam. Sa ibabang
bahagi, maaaring buuin ang konseptong nawawala
gamit ang graphic organizer. Mga Anyo ng Plagiarism

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga anyo ng plagiarism


na kadalasang ginagawa tulad ng:
Mga Kabutihang Dulot ng Pananaliksik
Minimalistic Plagiarism
1. Nadagdagan at lumalawak ang kaisipan
Ito ay isang uri ng plagiarism kung saan ang mga ideya o
Sa puntong ito ay inaasahang taglay mo na bilang mag- konsepto na nakuha o nabasa mo mula sa kanilang
aaral ang kasanayang mag-ipon ng mga impormasyong sources ay kanilang ginamit pero sarili nilang salita o
hinggil sa isang paksa at magulat ng iyong natuklasan. paraphrasing.
Lumalawak ang kaisipan ng isang mananaliksik dahil sa
walang humpay na pagbabasa, pag-iisip, panunuri, Full Plagiarism
paglalahad at paglalapat ng interpretasyon.
Ito ay karaniwang tumutukoy sa iyong ginawa na
2. Lumalawak ang karanasan parehong pareho mula sa iyong pinagkunan. Bawat
salita, parirala o talata ay gayang-gaya mula sa
Tunay ngang mahalagang taglayin ang kasanayan sa pinagkukunan.
paghahanap at pagtingin sa mga naisulat hinggil sa
paksang pinag-aralan upang mapalawak ang karanasan Partial Plagiarism
ng isang manunulat sa mundo ng pananaliksik. Ang
kasanayang ito ay napauunlad dahil sa marami siyang Ito ay may dalawa o mahigit pa ang iyong pinagkukunan
at kombinasyon ng mga ito ang kinalabasan ng iyong
nakasalamuha sa pangangalap ng mga mahahalagang
datos, pagbabasa at paggalugad sa mga kaugnay na ginawa. Dito nangyayari ang rephrasing o pagbabago ng
ilang salita.
literatura.

3. Nalilinang ang tiwala sa sarili Source Citation

Ito ay tumutukoy sa uri ng plagiarism kung saan maaring


Ang kasanayan ay mapakikinabangan hindi lamang sa
pag-aaral kundi pati na rin ang pagkaroon ng respeto at binigay ang pangalan ng may-akda o pinagkunan pero
hindi na madaling mahanap dahil kulang o hindi sapat
tiwala sa sarili kung maayos at matagumpay na
naisakatuparan ang alinmang pag-aaral na isinagawa. ang impormasyon na binigay. Minsan naman ay mali
ang ibinibigay na pinanggalingan ng impormasyon o
Bilang isang mag-aaral sa pananaliksik, marapat lamang
na tingnan ang sarili bilang isang iskolar na masigasig na pinagsasama ang ilang sariling sinulat sa akda ng iba.
Ang isang ‘ghostwriter’ ang matatawag na isang ganap
kabahagi ng isang gawaing pang-iskolar.
na plagiarist dahil gawain nila ang sumulat ng mga Etikal na Pananaliksik at mga Responsibilidad ng
sulatin na ginawa ng iba ang inaako na parang sila ang Mananaliksik
gumawa.
• Ang pagiging etikal ay tumutukoy sa pagiging
Self-Plagiarism matuwid, makatarungan, matapat, at
mapagpahalaga sa kapuwa ng isang tao. Kung
Ito ay isang uri ng plagiarism kung saan inilathala mo ilalapat ito sa pagsasagawa ng pananaliksik,
ang isang materyal na nalathala na pero sa ibang mahihinuha na ang pagiging etikal sa larangang
medium. Maaring sa iyong ginawang artikulo, libro ito ay pagsunod sa mga pamantayang may
atbp.,ay may katulad o sadyang ginaya at hindi mo pagpapahalaga sa katapatan, kabutihan, at
tinukoy kung saan mo ito nakuha o ginaya. Ito ay kilala pagpapanguna sa kapakanan ng kapuwa.
din bilang “recycling fraud”.
Mga Gabay sa Etikal na Pananaliksik

Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Ideya sa


Intellectual Property Law Pananaliksik
Ang Intellectual Property Law ay uri ng batas kung saan Ang pananaliksik ay maihahalintulad sa paglahok sa
ang mga nagimbentong mga manunulat, artist atbp., ay isang pampublikong diyalogo. Ibig sabihin, bukod sa
binibigyan ng ‘exclusive property rights’ o sila ang mananaliksik ay maaaring marami nang naunang
kinikilalang nagmamay-ari ng kanilang ginawa. Dahil sa nag-isip tungkol sa partikular na paksang nais mong
exclusive property rights na ito, hindi natin basta- unawain at pagyamanin. Mahalaga ang pagbanggit
bastang magagamit o makikita ang bagay na kanyang at pagkilala sa iba pang mananaliksik at iskolar na
ginawa o naimbento hanggang hindi niya pinapayagan. naging tuntungan at pundasyon ng iyong
Sa Lehislatura ng Pilipinas kinikilala ito bilang Republic pananaliksik. Sa pamamagitan ng diyalogong ito,
Act No. 8293 o Intellectual Property Code of the nakalilikha ng isang komunidad ng mga
Philippines. Ilan sa uri ng intellectual property rights ay mananaliksik na may malasakit at iisang layunin.
copyrights,trademarks,patents,industrial design rights
and trade secrets. Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok

Napakahalaga sa isang pananaliksik ang tamang proseso Kinakailangang hindi pinilit ang sinomang kalahok o
at sistema ng pangangalap ng mga datos. Samakatuwid, respondente sa pagbibigay ng impormasyon o
maipapalagay na ang pananaliksik ay ang muling anomang partisipasyon sa pananaliksik. Bago
pagtuklas ng impormasyon o bagong kaalaman. Ang simulan ang pagsagot sa sarbey, pakikipanayam, o
isang pananaliksik ayon kina O’Hare at Funk ( 2000 sa eksperimento, kailangang maging malinaw muna sa
Bernales et al., 2012) ay isang pangangalap ng mga tagasagot ang kabuuang layunin ng
impormasyon mula sa iba’t ibang hanguan sa pananaliksik at halaga ng kanilang partisipasyon.
pamamaraang impormatibo at obhektibo. Ito ay isang Kung eksperimental, mahalagang maunawaan din
paraan o proseso ng pagtuklas o pagdiskubre sa ng kalahok ang bigat o inaasahang peligro ng
pamamagitan ng makaagham na paraan upang masagot eksperimento at kailangang buong-loob ang
ang mga katanungan, matugunan ang mga kaniyang paglahok sa kabila nito.
pangangailangan, at mapagtibay ang mga dating
kaalaman. Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa
Pagkakakilanlan ng Kalahok

Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang


Etika ng Pananaliksik anomang impormasyon na magmumula sa kanila ay
gagamitin lamang sa kapakinabangan ng
Sa pagsasabatas ng Intellectual Property Rights, pananaliksik. Dapat ding pag-isipan ng mananaliksik
kailangan ang mahigpit na pagsunod sa mga probisyong kung paano ikukubli ang pagkakakilanlan ng
nito upang makaiwas sa anumang kasong sibil at tagasagot lalong-lalo na sa mga pananaliksik na may
kriminal na maaaring kahantungan ng isang sensitibong paksa. Sa mga pagkakataong kailangang
mananaliksik. isapubliko ang resulta ng pananaliksik o kaya’y
ibahagi sa colloquium o publikasyon, kailangan pa
ring ipagpaalam at hingin ang permiso ng mga
Narito ang ilang matatawag na Etika ng Mananaliksik. tagasagot na pangunahing pinagmulan ng datos ng
pananaliksik.
1. Paggalang sa karapatan ng iba
2. Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik
confidential
3. Pagiging matapat sa bawat pahayag Mahalagang ipaalam sa mga tagasagot ang
4. Pagiging obhektibo at walang kinikilingan sistematikong pagsusuri ng mananaliksik sa
kinalabasan ng pag-aaral. Madalas na
nararamdaman ng mga kalahok, lalo na yaong mga
nasa komunidad, na ginagamit lamang sila ng ng ispesipikong anggulo at mapaliit ang saklaw
mananaliksik upang kumuha ng datos at pagkatapos nito.
ay parang bulang nawawala ang mga ito. Ito ay dahil
• Gayundin, makapagbibigay ng ideya sa
sa mangilanngilan lamang na mananaliksik ang
bumabalik upang ibahagi sa mga kalahok ang mananaliksik ang pagbabasa ng mga kaugnay na
literatura kung ang pinaplanong paksa ay may
kinalabasan ng pag-aaral. Kung may awtput tulad ng
modelo, pagbuo ng polisiya, o iba pang kahalintulad na o kaya naman ay wala pang
sapat na batayan o sanggunian.
mahahalagang rekomendasyon ang pananaliksik,
makabubuti kung ipaalam ito sa kinauukulan upang • Mahalaga rin ang masinop na pagtatala ng
makatulong sa kapakinabangan ng komunidad o makabuluhang impormasyon, konsepto, at
kaugnay na institusyong pinag-aaralan. teorya na maaaring gumabay sa pananaliksik at
kalaunan ay sa pagsusuri at interpretasyon ng
Plagiarism at ang mga
Responsibilidad ng Mananaliksik datos.

• Sa antas na ito, may sapat nang kahandaan ang


• Ayon sa Purdue University Online Writing Lab
(2014), ang plagiarism ay ang tahasang mananaliksik na isulat ang mga sumusunod na
mga preliminaryong bahagi ng pananaliksik:
paggamit at pangongopya ng mga salita at/o
ideya ng walang kaukulang pagbanggit o Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral, Paglalahad
ng Suliranin, Layunin at Kahalagahan ng
pagkilala sa pinagmulan nito.
Pagaaral, at Rebyu ng Kaugnay na Literatura.
• pag-angkin sa gawa, produkto o ideya
Pagdidisenyo ng Pananaliksik
ng iba;

• hindi paglalagay ng maayos na panipi sa • Ang bahaging ito ay mas nagbibigay ng


katiyakan sa tatakbuhin ng pananaliksik. Sa
mga siniping pahayag;
antas na ito, kinakailangang natukoy na ng
• pagbibigay ng maling impormasyon sa mananaliksik ang tiyak na suliranin ng
pinagmulan ng siniping pahayag; pananaliksik upang malapatan ng tiyak na
disenyo.
• pagpapalit ng mga salita sa katulad na
wika o kaya ay pagsasalin ng teksto • Sa bahaging ito, inaakda na ng mananaliksik ang
ngunit pangongopya sa ideya nang teoretikal na gabay ng pananaliksik na resulta
walang sapat na pagkilala; ng naunang pagbabasa. Pagkatapos ay bubuuin
ang konseptuwal na balangkas na maglalatag ng
• ang pangongopya ng napakaraming kabuuang lawak ng pananaliksik at paraan ng
ideya at pananalita sa isang pinagkunan magiging pagsusuri.
na halos bumuo na sa iyong produkto,
tukuyin mo man o hindi ang pinagmulan • Kapag natukoy na ang suliranin at lawak ng
nito pananaliksik, itatakda ng mananaliksik ang
disenyo ng pag-aaral at kaukulang pamamaraan
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik kung paanong matatamo ito. Gayundin,
tutukuyin na ang mga kalahok o populasyon ng
pananaliksik.

• Sa antas na ito, maaari na ring iakda ang iba


pang bahagi ng pananaliksik: Teoretikal na
Gabay at Konseptuwal na Balangkas, Sakop at
Delimitasyon ng Pagaaral, at Daloy ng Pag-aaral.

Pangangalap ng Datos

Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng • Sa bahaging ito nangyayari ang produksiyon ng


Pananaliksik bagong datos na pagbabatayan ng kalalabasan
ng pananaliksik kung kaya’t mahalagang maging
• Makabubuti kung sa unang bahagi pa lamang ng masinop, matiyaga, at matapat ang
pananaliksik ay may malawak nang pagkaunawa mananaliksik.
sa paksa ang mananaliksik upang maging madali
sa kaniya ang mga susunod na bahagi. • Pagkatapos tukuyin ang disenyo at pamamaraan
sa nakaraang bahagi, kailangan nang ihanda ang
• Kung minsan, kapag masyado pang malawak instrumento o kasangkapang gagamitin upang
ang paksang nais saliksikin, nakatutulong ang mangalap ng datos. Sa bahaging ito, isasagawa
pagbabasa tungkol sa paksa upang makahanap na ang pakikipanayam, sarbey, obserbasyon, o
pagsusuri ng dokumento depende sa itinakdang
pamamaraan ng pag-aaral. Pagkatapos antas ng pananaliksik na ito, titiyakin na
mangalap ng datos mula sa mga nabanggit na maibabahagi ng mananaliksik ang
pamamaraan, isasaayos at ihahanda ng mahahalagang naging kongklusyon ng
mananaliksik ang datos para sa presentasyon at pananaliksik.
pagsusuri.

• Sa antas na ito, handa na ang mananaliksik na


iakda ang Metodolohiya at Pamamaraan sa ANG PAMANAHONG PAPEL
Pananaliksik.
Pagbibigay paliwanag sa pahayag ni BOOTH ET. AL
(2008)
Pagsusuri ng Datos
    “Kung kaya mong i-manage ang mga bahagi,
• Sa bahagi namang ito ginagawa ang isa sa makakaya mo rin ang kadalasang nakatatakot na
kabuoan, at makaaasa kang isang makapagsasaliksik
pinakamahalagang tungkulin ng mananaliksik,
nang higit na tiwala sa sarili
ang lumikha ng bagong kaalaman sa
pamamagitan ng pagsusuri at interpretasyon ng Ang pamanahong papel ay isang uri ng
mga datos na nakalap. pananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga
estudyante sa mataas na paaralan bilang isa sa mga
• Tandaan na ang sistematikong presentasyon ng pangangailangang akademiko. 
datos ang magtatakda sa husay ng panunuri at Ito ay kadalasang nagsisilbing kolminasyon ng
interpretasyon kung kaya’t kailangang pag- mga pasulat na gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang
isipang mabuti ng isang mananaliksik ang paksa sa isang kurso o subject sa loob ng isang panahon
o term.
pinakamabisa at angkop na presentasyon.

• Pagkatapos ng paglalatag ng resulta at MGA BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL


pagtalakay nito, mahalaga rin na lagumin ng
PAHINANG PRELIMINARI
mananaliksik ang pangkalahatan at Fly leaf 1 
mahahalagang natuklasan ng pananaliksik mula   * pinakaunang pahina ng pamanahong papel. 
sa datos at bumuo ng mga kongklusyon mula  * walang nakasulat na kahit ano sa pahinang
rito. Ang rekomendasyon ng pananaliksik ay ito.
binubuo batay sa mga natukoy na kongklusyon
ng pag-aaral. Maaari ding maging Pamagating Pahina 
*tawag sa pahinang nagpapakilala sa pamagat
rekomendasyon ang mga suhestiyon ng
ng pamanahong papel. 
pagpapalawak o pagpapalalim sa susunod na   *kung kanino iniharap o ipinasa ang papel,
mananaliksik. *kung saang asignatura ito pangangailangan,
*kung sino ang gumawa at panahon ng             
• Handa na ang mananaliksik na isulat ang Resulta kumplesyon. 
at Diskusyon sa bahaging ito kasunod ang   *kailangang magmukhang inverted pyramid
Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon ng ang pagkakaayos ng mga impormasyon
pananaliksik.
Dahon ng Pagpapatibay 
Pagbabahagi ng Pananaliksik ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa
pagkakapasa ng mananaliksik at
• Ang huling bahagi ng proseso ng pananaliksik ay pagkakatanggap ng guro ng pamanahong papel.
labas na sa mismong pagsulat ng papel-
pananaliksik kaya’t madalas na nakaliligtaan o Pasasalamat o Pagkilala
napagwawalangbahala ito. Gayunpaman, tinutukoy ng mananaliksik ang mga indibiduwal,
pangkat, tanggapan o institusyong maaaring
kailangan bigyang-pansin at paunlarin ang
nakatulong sa pagsulat ng pamanahong papel at
bahaging ito upang maipalaganap ang resulta ng kung gayo’y nararapat pasalamatan o kilalanin
pananaliksik.
Talaan ng Nilalaman 
• Kapag natatapos ang isang semestre sa klase sa *nakaayos nang pabalangkas ang mga bahagi at
pananaliksik o kaya ay nakatapos ng tesis o nilalaman ng pamanahong papel at nakatala
disertasyon sa isang programa, kadalasang ang kaukulang bilang ng pahina kung saan
inilalagak na lamang sa silid-aklatan ang mga matatagpuan ang bawat isa.
natatapos na pananaliksik. Madalas na hindi na
Talaan ng mga Talahanayan at Grap
ito nababasa o nabubuklat man lang liban na
*nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan
lamang kung may susunod na mananaliksik na at/ o grap na nasa loob ng pamanahong papel
magiging interesado rin sa paksa ng at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan
pananaliksik. ang bawat isa.

• Sa kalakhan ay bansot ang kultura ng Abstrak


pagbabahagi ng kaalaman sa mga paaralan o *buod ng pananaliksik
unibersidad sa kasalukuyan. Sa pinakahuling
  Fly Leaf 2 KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG
*blankong pahina bago ang katawan ng MGA DATOS
pamanahong papel. Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na
nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng tekstuwal
KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO at tabular o grapik na presentasyon. 
Panimula o Introduksyon *Inilalahad ng mananaliksik ang kanyang analisis o
*isang maikling talataang kinapapalooban ng pagsusuri.
pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng
pananaliksik.  KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON AT
  REKOMENDASYON
Paglalahad ng Suliranin/ Layunin ng Pag-aaral  Lagom
*inilalahad ang pangkalahatang layunin o *binubuod ang mga datos at impormasyong
dahilan kung bakit isinagawa ang pag-aaral.  nakalap ng mananakisik na komprehensibong
*suliranin na nasa anyong patanong. Tinutukoy tinalakay sa Kabanata IV.
din dito ang mga ispesipikong tanong.
Kongklusyon
Kahalagahan ng Pag-aaral  *mga inference,  abstraksyon, implikasyon,
*inilalahad  ang  significance  ng pagsasagawa interpretasyon, pangkalahatang pahayag at/ o
ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral paglalahad batay sa mga datos at
impormasyong nakalap ng mananaliksik.
Saklaw ng Limitasyon 
*tinutukoy ang simula at hangganan ng Rekomendasyon 
pananaliksik.  * mga mungkahing solusyon para sa mga
*Dito tinatakda ang parameter ng pananaliksik suliraning natukoy o natuklasan sa pananaliksik.

Depinisyon ng mga Terminolohiya MGA PANGHULING PAHINA


 ang mga katawagang makailang ginamit sa Listahan ng Sanggunian 
pananaliksik ang bawat isa’y binigyan ng *isang kumpletong tala ng lahat ng mga
kahulugan. hanguan o sorses na ginamit na mananaliksik sa
pagsulat ng pamanahong papel.
Ang pagpapakahulugan ay maaaring
konseptwal (ibinibigay ang standard na Apendiks 
depinisyon ng mga katawagan bilang mga *tinatawag ding Dahong-Dagdag
konsepto) o operasyonal (binigyang-kahulugan
ang mga katawagan kung paano iyon ginamit sa
pamanahong papel.)

May mga pamanahong papel na kakikitaan


ninyo ng Theoretical o Conceptual  Framework,
Hypothesis  at  Assumptions sa Kabanata 1.

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT


LITERATURA
Sa kabanatang ito, tinutukoy ang mga pag-aaral
at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng
pananaliksik.
 
KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG
PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik 
*nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang
kasalukuyang pag-aaral.
 *tinutukoy din ang mga Respondente ng
sarbey, kung ilan sila at paano at bakit sila
napili.

Instrumento ng Pananaliksik, inilalarawan ang


paraang ginamit ng mananaliksik sa
pangangalap ng mga datos at impormasyon. 

*Iniisa-isa rito ang mga hakbang na kanyang


ginawa at kung maaari, kung paano at bakit niya
ginawa ang bawat hakbang. 
*maaaring mabanggit ang interbyu o
pakikipanayam, pagko-conduct o sarbey at
pagpapasagot ng sarbey-kwestyoneyr sa mga
respondent

You might also like