Batayang Kaalaman Sa Mapanuring Pagbasa NG Teksto

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa ng Teksto

Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog
ang pangarap upang matuto. amgbasa ka upang mabuhay.
-Gustave Flaubert
Pagbasa

Kalamang Ponemiko Pag-aaral ng


Ponolohiya
Katatasan

Komprehensyon Bokabularyo

Anderson et al. – pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat


Wixson et al.-
1. Imbak na Kaalaman
2. Impormasyon sa Teksto
3. Konteksto o sitwasyon sa pagbabasa ng binabasa.

Intensibong pagbasa- masinsin at malalim na pagbasa


- gramatikal, panandang diskurso, estruktura, bukabularyo
Ekstensibong Pagbasa- masaklaw at maramihan
- gist, malaya at bulontaryo, ginagawa upang malibang
- nagbabasa ayon sa interes

Scanning- mabilisang pagbasa (pangalan, petsa, simbolo larawan, tiyak na sipi)


Skimming- nauunawaan ang kabuluhan ng teksto (pagorganisa, kabuuang diskurso, pananaw at
layunin ng manunulat)

Ang Bataan Nuclear Power Plant

Ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) ay isang plantang nukleyar sa Morong, Bataan. Itinayo
ito sa ilalim ng panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, ngunit sa kasamaang
palad, hindi ito nagamit at napakinabangan.

Noong Hulyo 1973, inanunsiyo ni Pangulong Marcos ang pagtatayo ngisang plantang nukleyar sa
Bataan sa ilalim ng kaniyang programang nukleyar na nagsimula noong 1958. Ang programa ay
bilang tugon sa krisis sa langis sa Gitnang Silangan at solusyon sa pangangailangan sa enerhiya
ng bansa.

Sinimulan ang konstruksyon ng planta noong 1976 ngunit pinatigil noong 1979 dahil di umano,
nakitaan ito ng mga eksperto mula sa Estados Unidos ng napakaraming depekto. Naging suliranin
ng ilan sa mga naging alkalde ang lokasyon ng planta na malapit sa fault line at Bundok Pinatubo,
isa sa mga aktibong bulkan sa Pilipinas. Nang malapit nang matapos ang BNPP noong 1984,
umabot sa $US2.3 bilyon ang naging gastos sa konstruksyon nito. Ang halagang ito ay inutang
lamang ng Pilipinas sa World Bank. Ang BNPP ay idinisenyo upang lumikha ng 621 megawatts ng
elektrisidad, ngunit hanggang sa kasalukyan ay hindi ito napagana kahit isang minuto.
Nang mapaalis sa puwesto si Pangulong Marcos noong 1986, nagpasya ang pumalit sa kaniyang
si Pangulong Corazon Aquino na huwag nang patak buhin ang planta dahil sa takot na magaya ito
sa Chernobyl Disaster sa Rusya Gayundin, maraming residente ng Bataan at mga organisasyon
ang nagpakita ng matinding pagtutol dito. Kalaunan ay kinasuhan ng gobyerno ng Pilipinas ang
Westinghouse, ang kontraktor ng planta, dahil sa overpricing at panunuhol, ngunit hindi rin ito
nilitis ng gobyerno ng Estados Unidos.
Hanggang sa kasalukuyan ay binabayaran pa rin ng Pilipinas, mula sa bu wis ng mga
mamamayan nito, ang napakalaking utang ng bansa dahil sa BNPP. Bukod sa isyu ng overpricing
at korupsiyon ng mga kroni ni Marcos, nakapanlulu- mong hindi napakinabangan ng mga
mamamayan ang proyektong ito.

Globalisasyon

Ano ang kahulugan ng globalisasyon? Sa larangan ng ekonomiya, ito ang pagkakaroon ng nag-
iisang dambuhalang pamilihan sa buong mundo. Kung dati ay may kani-kaniyang sistema ng
ekonomiya ang bawat bansa, inaalis ng globalisasyon ang mga pambansang saklaw at
hangganan upang pag-isahin ang mga ekonomiya ng bawat bansa. Ito ang dahilan kung bakit
borderless society ang kadalasang tawag sa mga bansang pumapaloob dito. Ibig sabihin ay
inaalis ang mga border o hangganan ng pagpapalitan ng mga produkto at serbisyong pang-
ekonomiya.

Paano inaalis ang hangganan ng mga bansa at pinag-iisa ang mga ito? Ito ay sa pamamagitan ng
pagpapabilis ng transportasyon at komunikasyon upang maging mas madali ang daloy ng mga
produkto. Mahalaga rin ang pag-aalis ng mga pang-ekonomikong hadlang tulad ng buwis at taripa.
Taripa ang tawag sa buwis na ipinapatong sa mga produktong pumapasok sa isang bansa.
Halimbawa, may isang toneladang pantalon mula sa Tsina na papasok sa Pilipinas upang ibenta
rito. Sa kasalukuyan, karaniwan ay 5-10% ng kabuuang halaga nito ang ibabayad sa gobyerno ng
Pilipinas bilang taripa. Sa panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos, iniisip niyang sa taong 2015
ay aabot sa 0-1% ang taripa ng mga produktong papasok sa bansa. Plano ng dating pangulo na
pababain ang taripa upang makisabay sa pandaigdigang kalakaran. Ibig sabihin ay mas maluwag
na makapaglalabas ng mga hilaw na materyales (raw materials) ang Pilipinas patungo sa ibang
bansa habang magiging tambakan naman ang Pilipinas ng mga yaring produkto (finished
products) upang ibenta sa lokal na pamilihan. Sagotang globalisasyon sa suliranin ng sobrang
produksyon sa mayayamang bansa habang kumukuha ng murang hilaw na materyales sa mga
mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas. Dahil sa kalagayang ito, may mga ekonomistang nagsasabi
na lalong yayaman ang mga bansang mayayaman at maghihirap ang mga bansang mahirap.

You might also like