Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang salitang kabayanihan ay ang papapakita ng paglilingkod o pagmamahal sa sariling

bayan. Nagkakaroon ng silbi sa mundo ang isang ordinaryong tao kapag nakagagawa siya ng
mga bagay na maaring maiambag para sa kanyang bayan.
Libre lang ang pagtamo ng kabayanihan para sa bawat isa ngunit mahirap itong gawin
sapagkat marami kang isasakripisyo rito at maraming mga tao ang umaasa sa iyong kakanyahan
at kakayahan. Taglay dapat ng isang tao ang kakayahang makapagpahayag ng mga hakbang para
sa ikauunlad ng bansa at sa mataas na pagtingin ng kapwa sa kanya, bukod pa rito ay tapat din
siya sa kung anomang binitawang pangako at turuan ang kaniyang sarili na maging isang
huwaran.
Sa lahat ng natamo nilang sugat at hinagpis,mga luhang pumatak sa kanilang mga mata
ay dapat natin silang pasalamatan at bigyan ng pugay.Ito ang paraan upang tayo ay
makapagbigay pasasalamat at galang sa kanilang mga naging ambag sa ating bansa.Dahil sa
kanila namulat ang mga sambayanan sa totoong kadahilanan ng digmaan at ito ay dahil sa
kasakiman.Maraming krimen ang nangyari ngunit ang ating mga bayani ay di nagpasakop sa
takot at luban ng may puri.
Lahat tayo ay may kakanyahang maging isang bayani. Kailangan lang ng pagkilod,
pagmamahala sa bayan, pananalig sa Poong Maykapal, at kabutihang aral para maging mabisa
ang kalutasan para sa isang suliranin at posibleng bawat isa sa atin ay maging ehemplo at modelo
ng mga susunod na salinlahi. Ang isang tunay na bayani ay may pagkukusang tumulong din sa
mga nangangailangan sa oras ng kagipitan at panganib at ang pinakahigit dito na hindi dapat
mawala ay ang pananalig sa Diyos.

You might also like