Ap9 Q4 W1 Las4 PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: _____________________________________Baitang at Seksyon: __________________

Asignatura: Araling Panlipunan 9 Guro: _____________________________________Iskor:_______


Aralin : Ikaapat na Markahan, Unang Linggo, LAS 4
Pamagat ng Aralin : Mga Palatandaan ng Pag-unlad
Layunin : Nakikilahok sa pagpaplano ng pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng
pagbibigay opinyon
Sanggunian : MELC (AP9MSP-IVa-2), Araling Panlipunan 9 Learning Module
Manunulat : Catherine L. Vidad
Maliban sa mga ideya ng iba’t-ibang manunulat tungkol sa mga palatandaan ng ng pag-unlad
ng isang bansa, may iba pang mga palatandaan upang masukat ang pag-unlad ng bansa gaya ng HDI
(Human Development Index) ito ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang
bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao: kalusugan, edukasyon at
antas ng pamumuhay. Ito ay nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan
ang dapat na pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa, hindi lang
ang pagsulong ng ekonomiya nito. Ang United Nations Development Programme (UNDP) ay
naglalabas ng Human Development Report ukol sa estado ng kaunlarang pantao sa mga kasaping
bansa nito. Ini-emphasize nila na ang “Ang mga tao ang tunay na kayamanan ng isang bansa.”
Pinasimulan ni Mahbub ul Haq noong 1990 ang Human Development Report. Ayon sa kaniya, ang
pangunahing hangarin ng pag-unlad ay palawakin ang pamimilian (choices) ng mga tao sa pagtugon
sa kanilang mga pangangailangan. Ilan sa mga ito ang mas malawak na akses sa edukasyon, maayos
na serbisyong pangkalusugan, mas matatag na kabuhayan, kawalan ng karahasan at krimen, kasiya-
siyang mga libangan, kalayaang pampulitika at pangkultura, at pakikilahok sa mga gawaing
panlipunan. Ang Human Development Report Office (HRDO) ng UNDP ay gumagamit din ng ibang
palatandaan gaya ng;
Inequality-adjusted HDI - ginagamit upang matukoy kung paano ipinamamahagi ang kita, kalusugan,
at edukasyon sa mga mamamayan ng isang bansa
Multidimensional Poverty Index - ginagamit upang matukoy ang paulit-ulit na pagkakait sa mga
sambahayan at indibidwal ng kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay
Gender Development Index - sumusukat sa puwang o gap sa pagitan ng mga lalaki at babae
Problema Iyong Solusyunan. Panuto: Sagutan ang mga tanong. Isulat sa sagot sa puwang na
nakalaan.

1. Kung ikaw ang pangulo ng Pilipinas, anong mga salik ang gagamitin mo para sa pagsulong ng
ekonomiya ng bansa?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
2. Kung ikaw ay isang tagapagsalita ng Human Development Index anong aspekto ang gagamitin
mong panukat?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, sapat na kaya ang mga panukat ng HDI upang ganap na masukat ang antas ng
pag-unlad ng isang bansa? May iba pa bang palatandaan para masukat ang HDI? Kung mayroon,
ano ang mga ito?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

You might also like