Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: _____________________________ ________Baitang at Seksyon: __________________

Asignatura: Araling Panlipunan 9 Guro: ______________________________________Iskor:______


Aralin : Ikaapat na Markahan, Ikalawang Linggo, LAS 1
Pamagat ng Aralin : Konsepto ng Palatandaan ng Pambansang Paaralan
Layunin : Natutukoy ang iba’t ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang
makatulong sa pambansang kaunlaran
Sanggunian : MELC (AP9MSP-Ivb-3), Araling Panlipunan 9 Learning Module
Manunulat : Catherine L. Vidad

Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kanyang mga mamamayan. Bawat isa ay
may gampanin sa pag-unlad ng bansa. Maaaring ang pagbibigay ng kontribusyon sa pag-unlad ng
bansa ay sa pamamagitan ng pansariling pagsisikap o sama-samang pagtutulungan. Ang paglaya sa
kakapusan ng bawat isa ay isang paraan na maaaring gawin ng isang indibidwal sa pamamagitan ng
matalinong pamamahala ng pananalapi. Kailangan ng sama-samang pagkilos ng lahat ng
mamamayan. Maaaring gawin ang sumusunod bilang ilan sa mga estratehiya na makatutulong sa pag-
unlad ng bansa; mapanagutan sa pamamagitan ng pagbabayad ng tamang buwis, makialam (ang mali
ay labanan ang tama ay ipaglaban), maabilidad (sumali sa kooperatiba, pagnenegosyo), makabansa
(makilahok sa pamamahala ng bansa, pagtangkilik ng produktong pilipino) at maalam (tamang
pagboto, Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad).
Problema Iyong Solusyunan. Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong gamit ang mga konseptong
iyong natutuhan mula sa binasang teksto.
1. Datapwat seryoso ang pamahalaan na labanan ang korapsyon, patuloy pa rin ang maling paggasta
ng kaban ng bayan. Bilang isang mapanagutang mag-aaral, paano ka makatutulong upang masugpo
ito?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
2. Maraming tao na ang nagpatunay na hindi hadlang ang kahirapan upang magtagumpay sa kahit
anumang negosyo. Ilan sa mga ito sina Lucio Tan, Henry Sy, at Manny Villar. Bilang isang maabilidad
na mag-aaral, paano ka makapag-aambag sa ekonomiya ng bansa kahit sa maliit na pamamaraan?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
3. Maliban sa mga nabanggit na halimbawa, paano mo ipinakikita ang iyong pagiging makabansa?
_______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
4. Ang pagboto ay isang obligasyon ng mga mamamayan ng bansa. Hindi natatapos sa pagboto ang
obligasyong ito. Kinakailangang makilahok ang bawat isa sa mga proyektong pangkaunlaran. Bilang
isang mag- aaral, paano mo ginagamit ang iyong pagiging maalam sa pagpili ng mga pinuno at
pakikilahok sa mga gawaing pampaaralan at pampamayanan?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

You might also like