Eleksyon 2022

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pamahalaan, ang isang salitang makapagpapalabas ng napakaraming reaksyon

sa sangkatauhan; maaaring positibo at kadalasan ay negatibo. Negatibo dahil sa mga


corrupt at buktot na pamamahala ng ibang mga nasa posisyon, kung kaya’t ang halos
lahat ng sisi sa mga suliranin sa ating bansa ay naibubunton sa kanila. Ngunit, kadalasan
ay nakakalimutan natin kung sino ang nagluklok sa kanila sa posisyon; tayo, tayo ay
mayroon ding kasalanan, ngunit hindi pa huli ang lahat, may pagkakataon ka pang
bumoto ulit at mas maging mapanuri. (3)

Para sa mga nakikinig, sa mga botante, at sa lahat nang naririto ngayon,


Magandang Araw. Sa nalalapit na eleksyon ngayong taong 2022, maraming
kontrobersiyal na isyu ang lumutang lalo na sa mga kandidato. Nang dahil sa mga
isyung ito, kung saan mayroon ding mga sikreto at bahong naglalabasan at mga
magkakalabang nagsisiraan, ang iba sa atin ay nawawalan na nang gana pang umalam
at makialam dito. Kaya naman ang iba ay nagdadalawang-isip na bumoto dahil sa
kawalan ng pag-asa at tiwala sa pamahalaan. Pero tandan natin na ang ating
pananahimik at pagiging ignorante sa mga ganitong pagkakataon, ay nangangahulugan
ng ating pagpapabaya bilang mamamayang Pilipino. Kung ikaw ay magiging mapanuri
at rasyonal sa pagpipili at pagboto ng kandidato, hindi pa huli ang lahat para sa
kaayusan at katagumpayan ng ating bansa. Nawa’y maging makatwiran ang inyong
pagpapasya, isaisip ninyo ang inyong mga anak, o kapamilya at ang susunod pang mga
henerasyon na aabutin ng kanilang administrasyon. Huwag tayong masisilaw sa pera at
magpauto sa kanilang mabubulaklak na salita. Piliin ang may kakayahang mamuno, at
ang may tamang pag-uugali o maayos na moralidad. Piliin ang taong sa tingin mo ay
may paninindigan. (10)

Ang pagboto at pagkilatis ng tama at karapat-dapat sa posisyon ay mahirap,


kahit na minsan ay natatakot kang pumili kung sino at takot na baka magsisi bandang
huli, kailangan mo pa ring bumoto. Tandaan na ang pagboto ay nangangahulugan ng
pangingialam at ang kagustuhan ng mabuting pagbabago. (2)

You might also like