Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang globalisasyon ay ang pagtutulungan ng mga bansa sa buong mundo upang

malayang makaikot ang mga produkto at serbisyo sa bawat bansa kung kaya’t, makikita
sa logo ang mga kamay sa likuran, na kung titingnan ay iba’t iba ang kulay, ibig sabihin,
sinisimbolo nito ang iba’t ibang lahi sa buong mundo na nagtutulong-tulong. Makikita
rin sa logo ang mga epekto ng globalisasyon na makakatulong sa advocacy campaign;
una ay ang paglago ng pandaigdigang transaksiyon sa pananalapi (babae at lalaki na
nagpapalitan ng pera), ikalawa, paglaganap ng teknolohiya at kaalaman sa tulong ng
mabilis na transportasyon at komunikasyon sa iba’t ibang panig ng daigdig (tren,
technology symbol, chat symbol), ikatlo, pagtaas ng antas ng kaunlaran sa
pamamagitan ng pagbibigay ng maraming oportunidad para sa mga trabaho sa ibang
bansa (‘yung may tao na may arrow), ikaapat, pagdami ng mga estudyanteng nakapag-
aral sa ibang bansa (‘yung bata na may flag sa taas), ikalima, pagbilis ng pagbibigay
tugon at tulong (dalawang tao sa may tren kung saan tinutulungan ng isa ang isa--ang
‘bilis’ ay sinisimbolo ng tren kaya sila malapit rito), ikaanim, ang paglago ng iba’t ibang
sangay ng agham na nakakatuklas ng gamot sa pagsugpo ng iba’t-ibang sakit at mga
epidemya (sinisimbolo ng bandage at gamot). Ang palaso naman at torch ay
sumisimbolo sa ‘on point’ at ‘success’, ibig sabihin, ang layunin ng globalisasyon ay
direktang nakakatulong sa mga bansa at mamamayan nito, ito rin ang dahilan ng
kadalasang paglago at tagumpay na pagunlad ng isang bansa. Ang ‘bridge’ sa ibaba ay
sumisimbolo sa konseksyon sapagkat ang globalisasyon ay nakakatulong upang
mapalapit rin tayo sa ibang tao at makakabuo ng koneksyon. Ang bilog na gintong
disenyo sa palibot ay sumisimbolo sa walang hanggang tagumpay (color gold for
success), na sana ay makamtan ng lahat dulot ng globalisasyon.

You might also like