Alay 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Repleksyon ng Balintataw

Mga batang naglalaro sa kalsada, mga pamilyang nagyayakapan at nagsasaya, mga


matingkad na ngiting palagi ko noong nakikita, mga tawa at asaran ng bawat isa. Mayroong mga
naglilinis nang kay aga, at mga naghihintay sa parada, mayroong ding mga dumadayo sa plaza
tuwing may okasyon gaya ng pasko at piyesta.

Sandali akong matitigilan, at imumulat ang aking mga mata…mga alaala. Mga alaalang
hindi ko alam kung kailan pa muling mangyayari at hindi na lang puro bisita sa aking memorya.
Kalungkutan, pagsisisi, at paghihinayang, ang makikita sa repleksyon ng aking mga balintataw. At
ako’y magpapatuloy na ng aking araw na may ngiti ngunit mga mata’y malumbay.

Alam kong ang lahat ay hindi ito inaasahan, sino nga ba naman ang magaakala na darating
ang araw na ang lahat nang nakasanayan natin ay bigla na lang mawawala. Na darating pala ang
araw na kung saan ni mahawakan ang mahahalagang tao sa atin ay hindi na maaari, at na darating
pala ang araw na ang mga bagay at taong iniignora natin noon, ay siyang mga bagay na bibigyan
natin ng importansya sa ngayon. Hindi maipagkakailang nang dahil sa pandemyang ito, buong
mundo ay nagmistulang tahimik; konting taong namamasyal at lumalabas ng bahay, at mga
paaralang walang bakas ni isang estudyante, ngunit aking napagtanto na sa katahimikan na kung
saan kadalasang sumisigaw ang ating isipan, ay mas marami tayong natututunan at napapagtanto.

May mga pagkakataon na parang nawawalan ako ng gana sa lahat ng bagay. Hindi ko alam
na magiging possible iyon sa akin, dahil ako ay isang masayahin at positibong tao, laging puno ng
buhay, kaya ngayon ay nahihirapan akong makasabay sa agos ng oras at pagpapatuloy ng buhay.
Gusto kong isipin na hindi lang ako ang hindi nakakasunod sa ritmo, ngunit may mga
pagkakataon talagang pakiramdam ko ay nakakulong pa rin ang kalahati ng aking pragmento sa
ilusyon ng nakaraan, pero sa kasalukuyan, gaya ng lahat, ay akin ring sinusubukan. At sa bawat
subok, masaya akong may natututunan. Napagtanto ko kung gaano ako kaswerte. Hindi lahat sa
panahon ngayon ang nakakapag-aral, ang nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, at hindi
lahat ng tahanan ay kompleto ang miyembro ng pamilya. Natutunan ko na hindi ko dapat
ipagsawalang bahala ang oportunidad na ibinigay sa akin, dapat kong seryosohin ang pag-aaral
pero hindi ko rin dapat kalimutan ang mag saya. Sa tuwing tinatamad akong pumasok at gusto na
lang magpalusot na mahina ang signal o internet connection, pipiliin kong iwaksi ang mga
ganitong kaisipan dahil naiisip ko ang milyon milyong mga kabataan na dapat sana ay nag-aaral
pa rin. Naiisip ko ang mga sakripisyo ng aking mga magulang na patuloy ang kayod sa gitna ng
banta ng pandemya para lang may maisustento at mabigay ang kompletong kagamitan para sa
aming lahat. Mahirap iwasan ang ganitong tukso, bawat araw ay isang batalya ng pagpipili ng
tama at mali, at sa mga pagkakataong ito, hindi lang sarili ang iniisip ko, ginagawa kong
inspirasyon ang iba at ginagawa ang lahat ng aking makakaya sa oportunidad na ibinigay sa akin,
para na rin sa mga walang kapasidad na magpatuloy sa pageskwela dahil naniniwala ako na isang
kabastusan sa mga taong gustong makapag-aral, kung ako ay magpapabaya. Natutunan kong
pahalagahan ang mga simpleng bagay na madalas nating ipagsawalang bahala gaya ng oras.
Kadalasan nating ginagamit na dahilan ang oras; bagay na akala natin ay palagi tayong mayroon,
oras at pagkakataon na akala natin ay palaging nariyan lang, ipinaunawa sa aking ng panahon
ngayon na hindi lahat ay may ikalawang pagkakataon, na bawat segundo ay mahalaga kaya dapat
natin itong pahalagahan, sa ngayon na kaliwa’t kanan ang balita ng pagkamatay ng mga tao,
gawin natin itong pagkakataon na iparamdam ang pagmamahal natin sa iba, baka bukas
makalawa ay wala na tayo o sila, gawin natin itong pagkakataon upang humingi ng tawad at
pagpatawad sa iba, gawin natin itong pagkakataon na ipaalala kung gaanong sila saiyo ay
mahalaga. Ipinaunawa rin nito sa akin, sa atin, ang kahalagahan ng pamilya, pinalapit nito ang loob
natin sa isa’t isa. Binigyan ako nito ng pagkakataong kilalanin pa ang aking sarili at ang aking mga
hilig, ipinaintindi rin nito sa akin kung gaaano kaimportante ang pahinga, ang kalusugan, ang
todong gawa at pag-aaral ay magandang bagay pero ‘wag din dapat nating kalimutan ang sariling
kalagayan. Nang dahil rin sa pandemya natutunan ko ang kahalagahan ng mental health na kasing
importante ng physical health. Sapagkat sa mga oras na walang kasiguraduhan ang kinabukasan
ng lahat, hindi ko maiwasang matakot na nakakaapekto sa aking pag-iisip na maaaring makasama
sa akin. Natatakot ako sa maaaring kahahantungan ng lahat, natatakot ako sa maaaring mangyari
sa susunod na bukas at sa susunod pa. Mamamalayan ko na lang ang isip ko na tila nakakulong sa
walang katapusang bangin ng “paano kung”, at sa mga pagkakataon ring ito, nakakahanap ako ng
kapayapaan sa pakikipagusap sa aking pamilya at mga kaibigan. Nakakahanap ako ng kakampi sa
Kaniya, ang pinagsasabihan ko ng lahat, ikinukumpisal ang takot, mga pagaalinlangan, mga
pagkakamali, dahil Siya sa lahat ang alam kong makakaintindi, Siya sa lahat, ang ilaw, ang
nagbibigay lakas at kapayapaan sa puso ng bawat isa. At sa tulong nila, matatapos ang araw ko na
mayroong liwanag na sisilip sa kagubatang ibinuo ko sa aking kaisipan.

Mga batang naglalaro sa kalsada, mga pamilyang nagyayakapan at nagsasaya, mga


matingkad na ngiting palagi ko noong nakikita, mga tawa at asaran ng bawat isa. Mayroong mga
naglilinis nang kay aga, at mga naghihintay sa parada, mayroong ding mga dumadayo sa plaza
tuwing may okasyon gaya ng pasko at piyesta.

Sandali akong matitigilan…mga alaala. Mga alaalang hindi ko alam kung kailan pa muling
mangyayari at hindi na lang puro bisita sa aking memorya. Kapanatagan, kapayapaan, at pag-asa,
ang makikita sa repleksyon ng aking mga balintataw. At ako’y pipikit na’t magpapahinga, ngiti ay
nakaukit sa aking mga labi, at mga mata na nakatago sa talukap, ay masaya.

You might also like