Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 7

RELIHIYON – isang organisadong Sistema ng pananampalataya, pamimitagan, paggalang, kaugalian, at pananalig na


Nakasentro sa isa o higit pang kinikilalang Diyos.
-isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga sistemang kultural, at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng
Sangkatauhan sa espirituwalidad at minsan ay sa moralidad.
PILOSOPIYA – ito ay mula sa dalawang salitang Latin na Philo na nangangahulugang “Pag-ibig” at Sophia “ Karunungan”
MONOTEISMO/MONOTHEISM – tumutukoy sa paniniawala sa iisang Diyos
POLYTEISMO / POLYTHEISM – pananampalataya sa higit sa iisang Diyos
Mga relihiyong sumibol sa Asya:
Silangang Asya: - Taoismo , Shintoismo, Confucianismo
Timog Asya: - Hinduismo , Budismo , Jainismo , Sikhismo
Kanlurang Asya: - Islam, Judaismo , Kristiyanismo , Zoroastrianismo

HINDUISMO: Pinakamatandang relihiyon sa daigdig na nagmula sa kabihasnang Vedic


- Hindi ito isang organisadong institusyon na may malinaw na pamantayan. – ito ay isinasabuhay
- Pinasimulan nito ang Caste System – pag-uuri /pagpapangkat ng tao sa lipunan
- Vedas – pinakamatandang kasulatan ng mga Hindu. Banal na aklat
AUM – Simbolo ng Hinduismo. Ang tunog ng Om o AUM pinakasagradong pantig ng mga Hindu.
Ito ay ginagamit sa oras ng panalangin.
Ilog Ganges – pinakabanal na ilog ng mga Hindu. Ito ay simbolo ng buhay na walang katapusan
Baka – pinakabanal at sagradong hayop. “Simbolo ng mundo”
Trimutri – taguri sa pangunahing Diyos ng mga Hindu. Brahma-manlilikha, Vishnu-tagapag-ingat, Shiva-tagawasak
MGA PANINIWALA/ARAL:
Karma – ang bawat aksyon ay may katumbas na reaksyon sa hinaharap
Moksha - makalaya sa siklo ng muling pagkabuhay at kamatayan
Dharma - ibig sabihin “Nararapat” nangangahulugang tungkulin, mabuting pag-uugali, o moralidad
Reinkarnasyon – proseso ng muling pagkabuhay (Samsara)

BUDISMO: ang relihiyong nakatuon sa espirituwal na paglinang at pagkamit sa malalim na pag-unawa sa totoong
Likas ng buhay. Binibigyang halaga ang “Pagkadalisay, kapatiran, at Kababaang Loob.”
DHARMA WHEEL - Gulong ng batas ang simbolo ng Budismo, kumakatawan sa mga aral ni Buddha
DALAI LAMA – tradisyunal at pinakamataas na pinuno na pari ng dominanteng sekta ng buddhism sa Tibet
SIDDHARTA GAUTAMA – tunay na pangalan ni Buddha
THERAVADA – Nangangahulugang “Doktrinang matatanda” pinanatiliang orihinal na katuruan ni Buddha
PARAAN – Meditasyon at pagsunod sa Eightfold Path
LAYUNIN – Estado ng Nirvana at kaliwanagan
PANGUNAHING ARAL - ang paghihirap ng tao ay dulot ng paghahangad o pagnanasa
Nirvana – pagtatamo ng spiritual na kapayapaan walang pagpapakasakit, kasakiman, kapootan, at panlilinlang
Tripitaka – “Three Basket” banal na aklat
Buddha – Ang naliwanagan “ The Enlighten One” at itinalaga ang sarili bilang tagapaglingkod sa kanyang kapwa
Four Noble Truth (apat na katotohanan) natutuhang aral ni Buddha habang siya ay nagninilay sa ilalim ng puno
Eight Fold path –(Walong Landas) – Buod ng katuruan ni Buddha at mga dapat sundin ng tao upang makamit
Ang kaliwanagan.

JAINISMO: Sinaunang relihiyong itinuturo ang paraan upang makalaya at makamit ang kaligayahan sa pamamagitan
ng pag-iwas sa karahasan.
THE JAIN EMBLEM (JAINISM) ang banal na aklat ay “ Kalpa Sutra” ang nagtatag ay si Mahavira
. Ang pinakamahalagang aral nito ay ang pagpapahalaga sa kapakanan ng bawat nilalang. Naniniwala sa pagiging vegetarian. Ang
pangaral ay nakasentro sa buhay na walang karahasan hindi lang sa tao pati sa hayop
AHIMSA –prinsipyo ng pag-iwas sa karahasan
SIKHISMO: Ang relihiyong binibigyang halaga ang paggawa ng mabuti gaya ng pagiging matapat, masipag,
mapagbigay, at pantay na pagtrato sa kapwa.
THE KHANDA (SIKHISM) - , Nagmula sa Punjab India, kombinasyon ng elementong islam at Hinduism
GURU NANAK - nagtatag , Guru Granth – Sahib - aklat, himno SIKH – kahulugan Tagasunod o didipulo, (Timog Asya)
MUKTI – Estado kung saan ay magagawa ng isang tao ang makipag-ugnayan sa Diyos
PARAAN – Paggawa ng mabuti at Meditasyon
LAYUNIN - Ganap na kaalaman at pakikipag-ugnayan sa Diyos

CONFUCIANISMO : tumutukoy sa isang praktikal na sistemang sosyo-etikal na pinapahalagahan ang mga tungkulin
ng tao sa lipunan. KUNG FU-TZU – tunay na pangalan na nangangahulugang “Grand Master”
PARAAN – wastong ugnayan ng bawat tao
LAYUNIN: : Reporma sa lipunan at maayos na pamumuhay ng mga tao
Matatagpuan ang maraming tagasunod sa Silangang asya (China)
LUN YU / ANALECTS – iisang koleksyon ng mga paniniwala at kasabihan ni Confucius ukol sa dapat na maging pamumuhay ng tao.

TAOISM – May prinsipyong pagpapahalaga sa kalikasan, Nagmula sa salitang TAO (Dao) “ang Daan” (Silangang Asya
TAO TE CHING - ibig sabihin ay” aklat ng daan ng kabutihan” ditto nakapaloob ang paniniwala ni Lao Tzu
TAO – nangangahulugang “Daan”
PANINIWALA : Feng Shui, Pakikipag-ugnayan kay TAO ay maghahatid ng kaligayahan at kapayapaan , Nagsasagawa ng Exorcis

SHINTOISM- Katutubong paniniwala at relihiyong Gawain ng mga Hapones


Kahulugan “Ang gawi ng mga Diyos” KAMI- Kinikilalang Diyos ang nag-uugnay sa tao at pisikal na kapaligiran
SHIN- NANGANGAHULIGANG “Mga Diyos” at TO – nangangahulugang “DAAN”
SHIMENAWA – tradisyonal na lubid na kadalasan ay nakasabit sa Torii, tanda sa mga banal na lugar sa loob ng dambana
SHINTOISMISTER – Mga tagasunod MUSUHI – tawag sa kapangyarihan ng KAMI
*Pagbisita sa dambana(Jinja) kung may pagdiriwang
*Moralidad ay nababatay sa pagganap ng isang indibidwal para sa kabutihan ng nakakarami
MATSURI – (Festival) tawag sa pag-aalay ng pasasalamat sa kanilang mga Diyos at diyosa
JUDAISMO : pinakamatandang relihiyon na nagturo ng pagsamba sa iisang Diyos
STAR OF DAVID – simbolo “Shield of david”
TORAH – pinakamahalagang dokumento at banal na teksto para sa mga Hudyo
EXODUS – (Mahimalang Pagtakas) Paglikas ng mga Hudyo mula sa Egypt patungong Mt. Sinai
Moses – pinakadakilang lider sa kasaysayan ng mga Hudyo

ISLAM : Relihiyong batay sa mga aral ng propeta na si Muhammad


STAR & CRESCENT (ISLAM) - Nangangahulugang “Pagsunod sa kalooban ng Diyos
CRESCENT MOON – ito ay may kaugnayan sa bagong buwan na nagsisimula sa bawat buwan
ng kalendaryong lunar ng mga Muslim
ALLAH – kanilang Diyos QUR’AN – banal na aklat
Muhammad /Mohammed- nagtatag at kanilang propeta
HIGERA – tawag sa pagtakas ni Muhammad mula Mecca patungong Medina
FIVE PILLARS/Limang Haligi ng Islam
1. Shahada – paniniwala na walang ibang Diyos 4. Sawm/Saun – pag aayuno sa buwan ng Ramadan
2. Salat – pagdarasal ng limang beses sa isang araw 5. Hajj –Paglalakbay sa banal na lupain ng Mecca
3. Zakat – Pagtulong/Paglilimos

KRISTIYANISMO – pinakamalaking relihiyon sa mundo

ZOROASTRIANISMO – ipinagbabawal ng relihiyong ito ang pagsakripisyo ng mga hayop at ipinakilala ang
ang konsepto ng kaligtasan sa pamamagitan ng mga gawaing moral at paghuhukom.
ZEND AVESTA – banal na aklat ZOROASTER - nagtatag

You might also like