GRADE – I Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang inyong sagot. _____1. Alin dito ang dapat na ugaliin ng magkakapitbahay? a. Huwag magbatian sa araw-araw b. Magtulungan lalo na sa oras ng pangangailangan c. Magpayabangan sa buhay _____2. Paano mo maipadama ang pagmamalasakit sa iyong kapwa? a. Huwag pansinin kung nanghingi ng tulong b.Magbigay ng mga damit na butas-butas c. Sumali sa mga itinakdang pagpupulong _____3. Ano ang kabutihang naidudulot ng pakikipag-ugnayan ng mabuti sa ibang pamilya? a. Maging magulo ang pamumuhay b. May mahihingan tayo ng tulong araw-araw c. Maging masaya at maayos ang ating buhay _____4. Magiging masaya at tahimik ang bawat pamilya kung may a. Nag-aawayan c. nagbibigayan b. Nagtsitsismisa d. Nagkukulitan _____5. Ang pagiging makasariling pamilya ay a. Mabuti c. Maganda b. Nakakatuwa d. Masama
Lagyan ng √ kung ang pangungusap ay nagsasabi
tungkol sa mabuting pakikipag-ugnayan sa ibang pamilya at x kung hindi. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel _____6. Nagbibigay ng regalo ang Pamilyang Reyes tuwing pasko. _____7. Tulong-tulong ang magkakapitbahay sa paglilinis ng paligid. _____8. Nagbabangayan ang mga tao sa aming lugar. _____9. Masaya ang aming lugar dahil nagkakaunawaan ang bawat isa. _____10. Hindi nagpapansinan ang magkakapitbahay .