Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PINALAGAD ELEMENTARY

SCHOOL HYMN
I
Nagsilbing tahanan at kanlungan,
Lubos na hinasa ang aking puso’t isipan.
Binuhay mo ang aming mumunting pangarap,
Upang kinabukasan ay hindi maging mahirap.

KORO
Paaralang elementarya ng Pinalagad,
Pandayan ka ng karunungan.
Sa oras ng pangangailangan,
Ako’y hindi mo sinukuan.

Paaralang elementarya ng Pinalagad,


Pandayan ka ng galing at husay.
Aking bibitbitin lahat ng natutunan,
Patungo sa aking tatahakin pang mga daan.

II
Nakatatak ang iyong pangalan sa aming mga puso,
Ang mga ala-ala ay mananatili na parang mga lumang litrato.
Kahit gaano man kataas ang aking mapatutunguhan,
Tiyak na babalik at babalik ako sa aking pinanggalingan.

III
Pinahalagahan mo ang aking kinabukasan,
Sinamahan sa lahat ng aking laban.
Ginabayan ako sa lahat ng mga pagsubok,
Iningatan sa panahong ako’y nalugmok.

KORO
Paaralang elementarya ng Pinalagad,
Binigyan ako ng tiyansa at mas malawak na oportunidad.
Pandayan ka ng kumpiyansa at disiplina,
Na naging instrument ko tungo sa mas maliwanag na umaga.

Paaralang elementarya ng Pinalagad,


Pandayan ka ng pagiging makatao.
Pag-aalaga’t pagmamahal,
Sa iyo’y tunay na naramdaman ng totoo.

IV
Mabuhay ka paaralang elementarya ng Pinalagad!
Salamat sa pagtaguyod ng aking karunungan.
Salamat sa paaralang elementarya ng Pinalagad!
Ako’y iyong pinakainingatan at pinahalagahan.

You might also like