Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BOGO CALABAT INTEGRATED SCHOOL

Bogo Calabat, Josefina Zamboanga del Sur

TEST QUESTIONS
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-9
REGIONAL ACHIEVEMENT TEST

UNANG MARKAHAN

1. Alin sa sumusunod ang maaring ihambing ang isang lipunan?


A. Pamilya
B. Barkadahan
C. Organization
D. Magkasintahan
2. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mahusay na pamamahala?
A. Sabay yang pagkilos ng namumuno at mamamayan
B. May pagkilos mula sa mamamayan para sa kapuwa mamamayan lamang
C. May pagkilos mula sa namumuno patungo sa mamamayan
D. May pagkilos mula sa mamamayan patungo sa namumuno
3. Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa Likas ng Batas
B. Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa mga mga karapatan ng tao
C. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal at sa pagkakapantay-pantay,
masasakripisyo ang kabutihang panlahat
D. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihang panlahat at sa pagkapantay-pantay, masasakripisyo
ang kabutihan ng indibidwal
4. Paano masisiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang Pang-ekonomiya?
A. Tinutulungan ng estado ang mga manggagawa na makahanap ng hanapbuhay sa ibang bansa
B. Sinisikap ng estado na mabigyan ng trabaho ang bawat mamayanan kahit hindi angkop sa kakayahan
C. Sa pangunguna ng estado, napangangasiwaan at naibabagahi ng patas ang yaman ng bayan
D. Nagbibigay ng tulong pinansyal ang pamahaalan sa mga mahihirap na pamilya at kasintahan.
5. Bakit magkaugnay ang pag-unlad ng sarili sa pag-unlad ng bayan?
A. Nagkakaroon ng maraming oportunidad sa maghanapbuhay ang taong mahilig paunlarin ang sariling
kakayahan
B. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng tao ay may mabuting dulot sa pag-unlad ng bansa
C. Nakikilala at sumisikat ang mga taong umuunlad
D. Malaki ang maitutulong sa bansa kung maraming pera ang bawat tao.

IKALAWANG MARKAHAN

6. Masipag at matalinong mag-aaral si Mikay. Sa talakayan at pangkatang gawain ay hindi siya


nagpapahuli. Marami siyang mga gawain na nagpapatunay ng kaniyang galing. Dahil dito, naging
paborito siya ng kaniyang mga guro at lagi siyang nabibigyan ng papuri sa magaganda niyang
ginagawa. May pananagutan ba si Mikay kung bakit nasa kaniya ang paghanga at mataas na pagtingin
ng kaniyang mga guro?
A. Oo, dahil hindi niya pinagbigyan ang ibang kaklase upang sumagot.
B. Oo, dahil siya na lamang ang parating nagtataas ng kamay upang sumagot.
C. Wala, dahil talagang may kumpetasyon sa isang klase.
D. Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral.
7. Si Aling Renie ay nagpapalit ng malaking pera sa isang sari-sari store. Ngunit walang barya na
maaaring ipalit sa kanyang pera. Ngunit ang totoo ay mayroon naman dahil maraming benta ang
tindahan. Ang tindira ay nagsisinungaling. Anong salik ang nakaapekto sa sitwasyong ito?
A. Karahasan
B. Kamangmangan
C. Masidhing damdamin
D. Takot
8. Si Kevin ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na mahal siya ng
kaniyang mga kapit-bahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, na ang tinutulong
niya sa mga ito ay galing sa pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang mga nahuhuling tsuper sa
kalsada. Tama ba o mali ang kilos ni Kevin?
A. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos
B. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na kilos
C. Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan
D. Mali, dahil hindi sa kanya galing ang kaniyang itinutulong
9. Kaarawan ni Julie Mae, nagpunta ang kaniyang mga kaibigan at sila ay nagsaya. Humiram sila ng
videoke at sila ay nagkantahan hanggang umabot sila ng medaling araw. Naiinis na ang mga kapit-
bahay dahil sa ingay na dulot nito. Ano kayang principyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos
ang makikita nito?
A. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gaing mabuti ang masama.
B. Ang sirkumstansiya ay maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.
C. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama.
D. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.
10. Bakit hindi maaaring paghiwalayain ang panloob at panlabas na kilos?
A. Dahil hindi magiging maganda ang kalabasan ng lahat ng kilos.
B. Dahil kung ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit maubos ang panlabas.
C. Dahil maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos.
D. Dahil kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos.

IKATLONG MARKAHAN

11. Bakit isinalang-alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa dignidad ng tao?


A. Magkakasama na umiiral sa lipunan ng mga tao
B. Binubuo ng tao ang lipunan at siya ang nakatira nito
C. May halaga ang tao ayon sa kaniyang kalikasang taglay bilang tao
D. Mahalaga ang pakikipagkapuwa sa lipunang kinabibilangan
12. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
A. Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
B. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
C. Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto.
D. Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao.
13. Bakit mahalaga na dapat may kamalayan at pananagutan at pakikilahok?
A. Upang matugunan ang pangailagan sa lipunan
B. Upang magapampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtulungan
C. Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatulong sa pag kamit ng kabutihang
panlahat
D. Upang hindi maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan
14. Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kanyang?
A. Pananagutan
C. Dignidad
B Tungkulin
D.Karapatan
15. Sino sa mga sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa
pamamgitan ng kanilang paggawa?
A. Si Mark na gumagawa ng mga furniture na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong
disenyo.
B. Si Breancil na gumagawa ng mga damit na yari sa materyal na tanging sa bansa nakikita
inililipat sa yari ng mga damit ng mga banyaga.
C. Si Arnel na nag-eexport ng mga produktong gawa sa bansa sa mga kalapit na bansa.
D. si Criszel na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na
inilalahok sa mga timpalak sa buong mundo

IKAAPAT NA MARKAHAN

16. Ano ang dapat na maging aksiyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga
pagpipiling kurso para sa nalalapit na Senior High School?
A. Makinig sa mga gusto ng kaibigan ant mag enjoy lamang habang wala pa ang
pasokan
B. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
C. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-iisip at magplano
D. Humingi ng tulong sa malapit sa inyo at umusa sa kanilang desisyon
17. Ano ang inaasahan sa atin bilang tao sa lipunan na nilikha upang makipagkapuwa at
makibahagi sa buhay-sa-mundo (lifeworld) na ang layunin ay makipag-ugnayan sa isa’t-
isa at makigpagtulungan
A. Makialam
B. Makiangkop
C. Makisimpatya
D. Makipagsundo
18. Ang ibig sabihin nito ay calling o tawag?
A. Bokasyon
B. Misyon
C. Tamang Direkyon
D. Propesyon
19. Kung isasabuhay mo ang ang iyong mga pangarap, alin sa sumusunod ang maaaring
makakatulong sa iyo?
A. Pagsasabuhay ng mga kaalamang ibinabahagi ng magulang, guro, at kaibigan
B. Mga kasanayang ayon sa lipunang kinabibilangan
C. Mga karanasang pampagkatuto na gagamitin sa pagtatayo ng negosyo
D. Pagpili ng kurso ayon sa talento, hilig, at kakayahan
20. Alin sa sumusunod na suliranin ang dapat bigyan pansin ng pamahalaan na maaaring
maging susi sa pag-unlad ng ekonomiya nito?
A. Ang patuloy na pagdami ng Pilipinong walang trabahong mapapasukan
B. Ang dumaraming bilang ng manggagawang Pilipinon inaabuso sa ibang bansa
C. Ang batas na hindi naipapatupad upang makilikom ng buwis sa kita ng mga
manggagawa
D. Ang kawalan ng sapat na imporamsyon sa mga trabahong lokal o maging sa ibang
bansa na angkop sa hilig, talent, at kakayahan na ayon sa kursong natapos

Prepared by: Recommending Approval:

LANIE B. BATOY JESSIEBEL M. CANA


Teacher 1 Principal -1

Reviewed by: Approving Authority:

GEORGE B. PAYOT,JR AMBERT S. SAADVEDRA, EdD.


Master Teacher Public School District Supervisor

You might also like