Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

(Basahin muna ng magtuturo ang bahaging ito sa mga sumasamba bago pasimulan ang bahaging tanong at sagot.

Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan


Mayo 30, 2021

KASAYSAYAN NG BIBLIA

Sina Jacob at Esau


(Batay sa Genesis 25-27)

Si Isaac, na anak ni Abraham, ay nagkaroon ng asawa na ang pangalan ay


Rebecca. Pinagkalooban sila ng Diyos ng kambal na anak na lalake. Ang unang
isinilang ni Rebecca ay mamula-mula ang kutis at ang buong katawan ay
mabalahibo. Esau ang ipinangalan sa kaniya. Nang lumabas ang ikalawang
sanggol ay nakakapit ito sa sakong ni Esau. Jacob naman ang ipinangalan sa
kaniya.
Nang lumaki ang magkapatid, si Esau ay naging mahusay na mangangaso
o manghuhuli ng hayop at palagi siyang nasa parang. Si Jacob naman ay isang
lalaking tahimik at palaging nasa bahay.
Minsan, dumating si Esau mula sa parang. Inabutan niyang nagluluto si
Jacob. Sinabi ni Esau kay Jacob, “Madali, bigyan mo ako ng niluto mong may
sabaw! Gutom na gutom na ako!”
Sumagot si Jacob kay Esau, “Ipagbili mo muna sa akin ang
pagkapanganay mo.”
Sinabi ni Esau, “Payag na ako, aanhin ko pa ang pagkapanganay kung
mamamatay naman ako sa gutom?” Sumumpa nga si Esau at ipinagpalit niya
ang kaniyang pagkapanganay sa pagkaing niluto ni Jacob.
Pagkatapos kumain ni Esau ay agad siyang umalis. Hindi ganap na
pinahalagahan ni Esau ang kaniyang karapatan sa pagkapanganay. Dahil dito,
sa halip na si Esau, ay si Jacob ang tumanggap ng pagpapala at basbas na
nakalaan sa panganay mula sa kanilang amang si Isaac.
Nang malaman ni Esau na naibigay na ni Isaac ang kaniyang basbas kay
Jacob, si Esau ay lumuha at nagsisi. Nagsumamo siya sa kanilang amang si
Isaac. Ang sabi niya, “Basbasan mo rin ako, ama!” Ngunit huli na ang lahat
para sa kaniya. Siya ay itinakuwil at nawalan ng pagkakataon sa pagsisisi.
Sa panahong Cristiano, tayong mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang
tagapagmana ng mga biyayang pangako ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit
dapat tayong mag-ingat na huwag gawin ang kalapastanganang katulad ng
ginawa ni Esau. Matuto tayong magtiis, huwag tayong magpakasama at
magpawalang-halaga sa mga bagay na espirituwal. Bagkus ay maglinis tayo sa
lahat ng karumihan o kasalanan ng laman at espiritu. Hinahanap din sa atin
ang paggalang sa ating ama’t ina upang magtamo ng buhay na walang
hanggan at hindi maparusahan sa dagat-dagatang apoy.
Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan
Mayo 30, 2021

KASAYSAYAN NG BIBLIA

Ang Kasaysayan Ni Jacob At Ni Esau

1. T. Sino si Jacob at Esau, ayon sa pagpapakilala ng Biblia?


S. Sila ang kambal na mga anak nina Isaac at Rebecca .............. Gen. 25:20-26

2. T. Sino ang panganay sa magkapatid?


S. Si Esau na siyang unang isinilang ni Rebecca ......................... Gen. 25:24-25

3. T. Ano ang kapansin-pansin sa pagkapanganak kay Jacob?


S. Nang lumabas si Jacob ay nakakapit siya
sa sakong ni Esau ...................................................................... Gen. 25:26

4. T. Ano ang naging gawain nina Esau at Jacob nang magsilaki na sila?
S. Si Esau ay naging mangangaso o manghuhuli ng hayop
sa parang, samantalang si Jacob ay lalaking tahimik
na tumatahan sa mga tolda ...................................................... Gen. 25:27

5. T. Ano ang naganap noong minsang inabot ng matinding gutom si Esau


pagkagaling sa parang?
S. Inabutan niyang nagluluto si Jacob at ipinagpalit
ni Esau ang kaniyang pagkapanganay
sa isang pinggang pagkain ........................................................ Gen. 25:29-34
Heb. 12:16

6. T. Ano ang ibinunga kay Esau ng kawalan niya ng pagpapahalaga


sa kaniyang karapatan bilang panganay?
S. Hindi siya kundi si Jacob ang tumanggap ng pagpapala
at basbas mula kay Isaac .......................................................... Gen. 27:17-29

7. T. Nagkaroon ba ng kabuluhan ang pagsisisi ni Esau at ang kaniyang mga


pagluha?
S. Ninasa niyang magmana subalit itinakuwil si Esau
at nawalan ng pagkakataon sa pagsisisi ................................... Heb. 12:17

8. T. Ano ang aral na itinuro ng mga apostol mula sa pangyayari kina Esau
at Jacob?
S. Dapat mag-ingat ang mga Cristiano at baka hindi makaabot
sa biyaya ng Diyos ..................................................................... Heb. 12:15

9. T. Alin ang sinabi ng mga apostol na makasisira sa karapatan


sa pagmamana ng kaligtasan ng mga Iglesia Ni Cristo?
S. Ingatang huwag magpakasama at huwag magpawalang-halaga
sa mga bagay na espirituwal tulad ng ginawa ni Esau ............. Heb. 12:15-16 MB

10. T. Ano ang itinuro ng mga apostol na dapat matutuhan ng mga tagapagmana?
S. Ang mga tagapagmana ay dapat matutong magtiis ................ Roma 8:17

11. T. Ano pa ang tungkulin ng mga nagtamo ng pag-asa sa pagmamana


ng mga pangako ng Diyos?
S. Dapat maglinis sa lahat ng karumihan ng laman
at ng espiritu .............................................................................. II Cor. 7:1

12. T. Sino ang itinuro ng mga apostol na mabubuhay nang malaon sa lupa
o may buhay na walang hanggan?
S. Ang mga anak na gumagalang sa ama’t ina ............................ Efe. 6:1-2

13. T. Ano ang itinakda ng Diyos na parusa sa mga lapastangan sa magulang?


S. Mamamatay sa dagat-dagatang apoy ....................................... Mat. 15:4
Apoc. 20:14
(Aawitin: “Ako’y Iglesia Ni Cristo”)

BY: ERAÑO G. MANALO

You might also like