Professional Documents
Culture Documents
First Quarter Exam in Filipino 6 2022-2023
First Quarter Exam in Filipino 6 2022-2023
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
TALISAY DISTRICT
MIRANDA ELEMENTARY SCHOOL
MIRANDA, TALISAY, BATANGAS
______1. Ano ang tawag sa bahagi ng pananalita na inihahalili sa ngalan ng tao, bahay, hayop,
lugar at pangyayari?
A. panghalip B. pangngalan C. pang-uri D. pang-abay
______2. Sina Karen at Kaila ay nag hahanda sa hapag kainan para sa kaarawan ng kanilang ama.
Ano ang panghalip na maaari mong ipalit sa salitang nakasalungguhit.
A. Kami B. Ako C. Sila D. Tayo
______3. Masipag na mag-aaral si Miguel. Lagi niyang ginagawa ang kanyang mga takdang-aralin.
Ang may salungguhit na mga salita ay ____________.
A. panghalip B. pangngalan C. pang-uri D. pang-abay
______4. Ang mga guro ng Miranda Elementary School ay masipag magturo. Anong uri ng
pangngalan ang nakasalungguhit na salita?
A. pambalana B. panlalaki C. pantangi D. lahat ng nabanggit
______5. Matatamo ang kapayapaan kung ang __________ ay magiging bahagi ng pagbabago.
A.sinuman B. kaninuman C. bawat isa D. Iilan
Basahin ang sumusunod at sagutin ang mga tanong.
Isang araw, may langgam na natangay ng agos, humihingi siya ng sakloo. Napadaan ang
isang kalapati sa may ilog ng may napansin siyang langgam na kumakawag-kawag, agad siyang
pumitas ng dahon at dinala sa kawawang langgam. Kumapit ito sa dahon hanggang sa mailipat
siya sa ligtas na lugar. “Maraming salamat kaibigan sa pagliligtas mo sa akin” ani ng langgam.
“Ako nga pala si Litong Langgam” pagpapakilala nito. “Walang anuman, ako nga pala si Kikang
Kalapati” sagot naman ng kalapati. Makalipas ng ilang araw habang naghahanap ng makakain si
Litong Langgam ay may napansin siyang isang lalaki na tila may inaasinta. Laking gulat niya ng
sinundan niya ito ng tingin at makitang si Kikang Kalapati ang sinisipat ng mata nito. Dali- dali
niyang tinunton ang lugar ng mangangaso at agad na kinagat ng paulit-ulit ang mga paa nito.
Napahiyaw ang mangangaso sa sakit at agad na tumalilis ng takbo. Nagulat si Kikang Kalapati at
agad na lumipad palayo. Nilapitan ni Kikang Kalapati si Litong Langgam at nagpasalamat. Dito
nagsimula ang pagiging mabuting magkaibigan ng dalawa. Naging matalik silang magkaibigan.
A. Kakahuyan B. Bukirin
C. Tabing-dagat D. Disyerto
______ 10. Ano ang posibleng nangyari kung hindi nakita ni langgam ang mangangaso?
A. Malulunod si kalapati
B. Mababaril si kalapati
C. Makakatakas si kalapati
D. Maliligaw ang mangangaso
______ 11. Kung hindi tinulungan ni kalapati si langgam, ano kaya ang mangyayari kay langgam?
A. Makakain ng isda si langgam B. Mapapadpad sa ibang lugar si langgam
C. Maaanod sa dagat si langgam D. Malulunod si langgam
______ 12. Anong kaisipan kaya ang nais na iparating ng kwento?
A. Mag-ingat lagi upang hindi mapahamak.
B. May malalapitan sa oras ng pangangailangan
C. Huwag piliting lutasin ang problema, malulutas din yan!
D. Ang pagtulong ay nagbubunga ng magandang samahan at pagtitiwala.
Tukuyin ang kahulugan ng mga sawikain na nakapaloob sa mga pangungusap. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang.
______13. Malaki ang utang na loob ko sa aking mga magulang na nagpaaral sa amin.
A. Malaking Pasasalamat B. Matalino
C. Tinandaan D. Madaling Magbago
______14. Kung minsan ang mga magkakapatid ay nagsosolian ng kandila lalo na kung mayroong
di-pagkakaunawaan.
A. Nagkagalit B. Nagkabati C. Nagsasaya D. Malungkot
______15. Ang daming naging kaso ng pantay ang mga paa sa covid-19 sa buong mundo.
A. Problemado B. Panatag C. Patay D. Problema
______16. Ako’y nabighani kay Maria dahil sa di- makabasag pinggang kilos niya.
A. Mabait B. Mahinhin
C. Matapang D. Matatakutin
_____17. Ang tanging mapapamana ko sayo ay edukasyon dahil hindi naman tayo nakahiga sa
salapi.
A. Walang Pera B. Maluho
C. Mahirap D. Mayaman
Tukuyin ang posibleng hinuha sa sumusunod na sitwasyon.
______ 18. Patuloy ang pagtatapon ng tao ng basura sa ilog.
A. Dadami ang isda sa ilog.
B. Magiging malinis ang kapaligiran.
C. Magiging sariwa ang hangin sa paligid.
D. Dudumi ang ilog at mamamatay ang mga isda rito.
______ 19. Paglanghap nang makapal at maitim na usok mula sa tambutso ng sasakyan.
A. Nakapagdudulot ng sakit sa baga.
B. Nakakatulong sa pagganda ng boses.
C. Nagiging malusog ang mga puno sa paligid.
D. Nakapagdudulot ng kaginhawaan sa mga tao.
______ 20. Dala-dala ang baong pagkain at lambat, sumakay sa bangka at pumalaot ang mag-
ama.
A. Ang mag-ama ay maliligo sa dagat.
B. Ang mag-ama ay mangingisda sa laot.
C. Ang mag-ama ay mamamasyal sa dagat.
D. Ang mag-ama ay pupunta sa kabilang isla.
______ 30. Ito ay panghalip na ginagamit na panghalili sa pangngalan upang ipakita ang
pagmamay-ari.
A. Pananong B. Paari C. Panao D. Panaklaw
Basahin ang sumusunod na pangungusap at piliin ang pinakaangkop na panghalip.
______ 31. _________ ang gustong sumama sa pamimili ng mga gamit at pagkaing ihahatid sa
Batangas?
A. Ano-Ano B. Saan C. Sino-Sino D. Kailan
______ 32. __________ ang puwedeng sumama sa paghatid sa Batangas ng mga donasyon?
A. Ano B. Sino C. Kailan D. Magkano
______ 32. ____________ dako sa mundo ay nararanasan ang pandemyang COVID-19.
A. Sinuman B. Anoman C. Saanmang D. Isa
______ 33. _____________ ay pinag-iingat sa banta ng paparating na bagyo.
A. Bawat Isa B. Anoman C. Saanmang D. Isa
______ 33. _____________ ay dapat sumunod sa batas na itinakda ng pamahalaan upang manatili
tayong ligtas sa banta ng COVID-19.
A. Siya B. Tayo C. Kami D. Sila
______ 34. _____________ mapagtatagumpayan ang bawat hamon kung tayo ay magtutulungan.
A. Ating B. Nating C. Ninyong D. Tayo
______ 35. ____________ sa malayong lugar ang pinagmulang probinsiya ng aking tatay.
A. Narito B. Naroon C. Nariyan D. Dito
Piliin ang sa palagay mo ay pinakamahusay at angkop na solusyon sa suliraning nakalahad sa
bawat bilang.
______ 36. Inabutan ka ng malakas na ulan habang pauwi sa inyong bahay galing sa eskuwelahan.
Hindi maiwasan na mabasa ang iyong paa ng tubig sa kalsada. Ano ang gagawin mo?
A. Ispreyan ng pabango ang paa.
B. Lagyan agad ng gamot ang paa.
C. Punasan ng tuyong damit ang paa.
D. Sabunin at hugasan ng malinis na tubig ang paa.
______ 37. Nakita mo na may maliliit na daga na tuma-takbo sa loob ng inyong bahay. Anong
solusyon ang maaari mong gawin upang hindi na ito makapagkalat ng sakit.
A. Bugawin hanggang umalis.
B. Mag-alaga ng pusa upang manghuli ng daga.
C. Tawagin itong mabait upang ‘di manira ng gamit.
D. Maglinis ng bahay upang walang pamahayan ito at gumamit ng mouse trap upang
mahuli ito.
______ 38. Nalaman mo na laganap ang Dengue sa inyong lugar. Bukod sa paglilinis ng paligid, alin
pa ang maaari mong gawin upang di makagat ng lamok.
A. Manatili na lamang sa loob ng kulambo.
B. Lumipat ng tirahan kung saan hindi laganap ang Dengue.
C. Gumamit ng malakas na elektrikpan upang hindi makadapo ang lamok.
D. Maglagay ng insect repellant lotion at mag-suot ng mahabang damit upang di makagat ng
lamok.
______ 39. Malakas ang naging ulan nang nakaraang gabi, dati-rati ay mabilis naming humupa ang
tubig sa inyong lugar, ngunit ngayon ay tanghali na ay di pa humuhupa. Ano ang maaari mong
gawin?
A. Hayan mong kusa itong humupa.
B. Yayain ang kaibigan na maglaro sa tubig.
humigit kumulang sa isang kilo. Mas madaling anihin ang mga ito dahil bihirang tumaas ang
kanyang puno. Ang papayang Mexican ay mas Malaki kaysa sa Hawaiian. Maaari naman itong
tumimbang ng higit sa sampung kilo. Hindi ito gaanong matamis na tulad ng Hawaiian.
A. Ang Pag-Aalaga ng Papaya C. Ang Masarap na Prutas
B. Ang Dalawang Uri ng Papaya D. May Sasarap na ba?
Basahin ang mga isyu at ipahayag ang sariling opinyon o reaksiyon.
______ 46. Pagpupuyat at pagkahilig ng kabataan sa paglalaro ng mga Online Games.
A. Suportahan ang ganitong klase ng laro.
B. Dapat tangkilikin ang ganitong klase ng laro.
C. Pabayaan ang kabataan na tangkilikin ang Online Games.
D. Dapat iwasan ang pagkalulong ng kabataan sa Online Games.
______ 47. Ang COVID 19 ay nagbigay daan sa mga Pilipino na magkaroon ng gulayan sa tahanan
para makatipid at makakain ng sariwang gulay.
A. Makapagtinda siya ng gulay sa kanilang lugar.
B. Wala kaming bakuran kaya hindi kami nakapagtanim.
C. Nadagdagan ang trabaho sa tahanan at nakapapagod.
D. Sa halip na lumabas at bumili sa tindahan mamimitas na lang ng sariwang gulay sa
mismong bakuran.
______ 48. Isyu: Pagkahilig ng mga tao sa Online Shopping sa panahon ng pandemya upang
maiwasan ang pagdami ng kaso ng COVID 19.
A. Maaawa B. Masisiyahan C. Maiiyak D. Matatakot
______ 49. Isyu: Pagbabawal sa paglabas ng bahay ng mga batang may edad 20 pababa sa
panahong may pandemyang COVID 19.
A. Susunod B. Iiyak C. Magrereklamo D. Hindi Susunod
______ 50. Isyu: Pamimigay ng ilang politiko ng gadyet para sa mga mag-aaral.
A. Maaawa B. Magagalit C. Masisiyahan D. matatakot
Piliin ang angkop na sangguniang gagamitin mo.
______ 51. Makikita sa aklat na ito ang kasingkahulugan at kasalungat ng isang salita.
A. Diksyunaryo B. Ensayklopidya C. Almanak D. Tesawro
______ 52. Gusto mong malalaman kung alin sa mga kontinente ang may pinakamalawak na
lupaing nasasakupan.
A. Atlas B. Diksyunaryo C. Almanake D. Tesawro
______ 53. Nagpatulong ang kapatid mo sa pagbibigay ng kahulugan ng salitang “kapayapaan”
A. atlas B. yearbook C. almanake D. diksyunaryo
______ 54. Nagbalik-tanaw kayo tungkol sa mga trahedya at sakunang naganap sa ating bansa
noong taong 2020.
A. Diksyunaryo B. Tesawro C. Almanake D. Peryodiko
______ 55. Mahilig kang magbasa ng iba’t ibang paksa. Madali pang maghanap ng paksa dahil ito
ay nakaayos ng paalpabeto. Ano ang babasahin mo?
A. Diksiyonaryo B. Ensiklopedya C. Almanac D. Atlas
______ 56. Ikaw ay may takdang-aralin sa Araling Panlipunan tungkol sa sukat o laki ng isang
lugar sa Pilipinas. Alin ang dapat mong gamitin?
A. Almanac B. Atlas C. Ensiklopedya D. Diksiyonaryo
______ 57. Mayroon kang nalaman na bagong salita at nais mong malaman ang kahulugan nito at
tamang pagbigkas. Anong sanggunian ang gagamitin mo?
Inihanda ni:
Iwinasto ni:
Binigyang pansin: