You are on page 1of 8

Mga Ahensya ng Pamahalaan

Department of Education (DepEd)


Kagawaran ng Edukasyon
Current Secretary: Sara Z. Duterte

Tungkulin:
Bumubuo, nagpapatupad at nag-uugnay ng mga plano, programa at proyekto sa aspeto ng
pormal at di-pormal na edukasyon
Mangasiwa sa elementarya at sekundaryong institusyon ng edukasyon kabilang na ang mga
pribado at pampublikong eskuwelahan at iba pang alternatibong sistema ng edukasyon
Sustentuhan ang kumpleto at magkakaugnay na sistema ng edukasyon na naaayon sa
adhikain ng pambansang pag-unlad

Department of Social Welfare and Development (DSWD)


Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad
Current Secretary: Rex Gatchalian

Tungkulin:
Pababain ang antas ng kahirapan
Mamahagi at mag-ugnay ng mga serbisyong panlipunan
Proteksiyunan ang mga dukha, nangangailangan at may kapansanan

Department of Agriculture (DA)


Kagawaran ng Pagsasaka
Current Secretary: Ferdinand Marcos Jr.

Tungkulin:
Siguraduhing may sapat na panustos na pagkain at mga
pangangailangan mula sa sektor ng agrikultura at pangingisda
Palaguin ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng paglalaan ng mga patakaran,
pampublikong pamumuhunan, at mga serbisyong kinakailangan para sa lokal at
pandaigdigang kalakalan
Palaguin ang produksiyon mula sa agrikultura, mabigyan ng paraan upang magkaroon ng kita
ang mga magsasaka at mangingisda
Maengganyo ang iba pang sektor ng lipunan sa pagpapalago ng agrikultura
Magpalaganap ng mga sistemang pang agrikultura na pinapahalagahan ang hustisya,
kasaganaan at pangmatagalang paghawak sa likas yamang pang-agrikultura.
Mga Ahensya ng Pamahalaan

Department of Public Works and Highways (DPWH)


Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan
Current Secretary: Manuel M. Bonoan

Tungkulin:
Magplano ng mga pampublikong imprastraktura
Magdisenyo, bumuo at pangalagaan ang mga pambansang kalsada,
tulay at mga sistemang pang-baha
Siguraduhing ligtas, mahusay at mataas ang kalidad ng mga pampublikong imprastruktura

Department of Agrarian Reform (DAR)


Kagawaran ng Repormang Pansakahan
Current Secretary: Conrado Estrella III

Tungkulin:
Ipatupad ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP)
Magsagawa ng pagpapaunlad sa lupa sa loob ng takdang panahon
Magsagawa ng mga programang naaayon sa nasasakupan
ng kagawaran at maghanap ng mga makikinabang sa mga programang ito
Ipatupad ang hustisya sa mga kaso na pang agraryo

Department of Budget and Management (DBM)


Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala
Current Secretary: Amenah F. Pangandaman

Tungkulin:
Manguna sa pamamahala ng pampublikong paggasta para
masiguro ang pantay, nararapat, malinaw at maayos na pananagot
sa paglalaan at paggamit ng pondo ng publiko para sa ikaaangat ng
kalidad ng buhay ng mga Pilipino
Gumawa ng istratehiya na naaayon sa planong pang-ekonomiya ng gobyerno
Gawin ang plano ng paggasta na nakasaad ang programa
Gawin ang taunang plano ng paglalaan sa mga gastusin  Gawin at isakatuparan ang
pambansang sistema ng pananagutan sa pondo at pagpapahalaga ng pamumuhunan 
Pamahalaan ang pagbayad sa gobyerno
Bantayan ang mga operasyong pinansyal ng mga lokal na pamahalaan at mga kumpanya na
hawak ng gobyerno
Mga Ahensya ng Pamahalaan

Department of Finance (DOF)


Kagawaran ng Pananalapi
Current Secretary: Benjamin E. Diokno

Tungkulin:
Bumuo ng mga plano sumasaklaw sa pangangalap ng
mapapagkunan ng yaman ng gobyerno maging ito ay pribado o
publiko, lokal o sa labas ng bansa
Bumuo ng mga patakaran at mangasiwa sa pagbubuwis
Pangalagaan at mangasiwa sa pera ng gobyerno
Mangasiwa sa utang ng gobyerno sa loob at labas ng bansa
Pag-aralan, makipag-ugnayan at magmungkahi sa mga institusyong pinansyal ng gobyerno

Department of Foreign Affairs (DFA)


Kagawaran ng Ugnayang Panlabas
Current Secretary: Enrique A. Manalo

Tungkulin:
Paunlarin ang kooperasyong pang-rehiyon at pandaigdigan sa
kapakanan ng katahimikan, kaunlaran at katatagan
Pangalagaan at protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga Pilipino sa ibang bansa
Itatag ang interes ng Pilipino at gobyerno sa mundo
Ipatupad ang mga polisiyang pang-banyaga
Isulong ang maayos na relasyon sa iba’t-ibang bansa, rehiyon at organisasyon ng mga bansa

Department of Health (DOH)


Kagawaran ng Kalusugan
Current Secretary: Manuel M. Dayrit

Tungkulin:
Siguraduhin ang pagkakaroon ng pantay at de-kalidad na kalusugan
para sa lahat ng Pilipino
Gumawa ng mga plano at alituntunin sa kalusugan
Pangasiwaan ang lahat ng mga serbisyo at produktong pangkalusugan
Magbigay ng tulong sa mga manggagawang pangkalusugan
Mga Ahensya ng Pamahalaan

Department of Environment and Natural Resources (DENR)


Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan
Current Secretary: Maria Antonia “Toni” Yulo Loyzaga

Tungkulin:
Siguraduhing may nakalaang likas-yaman na magagamit,
napapalitan at mapagkukunan
Pasaganahin ang likas yaman para sa pangangailangan ng publikong mga yamang gubat,
mineral at lupa
Palakihin ang ambag ng likas-yaman sa pagkamit ng pag-unladng lipunan at ekonomiya
Siguraduhin ang pantay na pagkakaroon ng likas-yaman para sa iba’t- ibang sektor ng lipunan
Panatilihing ligtas ang natatanging likas-yaman na kumakatawan sa pambansang kultura at
bilang pamana sa susunod na henerasyon

Department of Energy (DOE)


Kagawaran ng Enerhiya
Current Secretary: Raphael P. M. Lotilla

Tungkulin:
Maghanda, mamahala at pag-ugnayin ang mga plano, programa at
gawain ng gobyerno na may kinalaman sa paghahanap,
pagpapaunlad, paggamit, pamamahagi at pagtitipid ng enerhiya

Department of the Interior and Local Government (DILG)


Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal
Current Secretary: Benjamin 'Benhur' Abalos Jr.

Tungkulin:
Tumulong sa Pangulo na mangasiwa sa lokal na pamahalaan
Magtalaga ng mga patakaran sa pangangasiwa ng batas at kaayusan
Pangasiwaan, bantayan at palakasin ang lokal na pamahalaan at
komunidad
Bumuo ng mga plano at programang nakatuon sa mga sakunang natural o gawang-tao
Magtalaga ng sistema ng pakikipagtulungan sa pagitan ng tao, lokal na pamahalaan at
departamento sa epektibong pagbigay ng saligang serbisyo sa publiko
Magbigay sanay sa PNP, BJMP at BFP
Pababain ang krimen
Pag-ibayuhin ang pangangasiwa sa mga kulungan at proteksyon sa mga sunog
Mga Ahensya ng Pamahalaan

Department of Justice (DOJ)


Kagawaran ng Katarungan
Current Secretary: Jesus Crispin C. Remulla

Tungkulin:
Mangasiwa sa sistema ng hustisya para sa mga krimen kabilang
na ang pag-iimbestiga, pagpapataw ng parusa at pagpapatawad
Legal na tagapagtanggol at tagapayo ng gobyerno
Mangasiwa sa mga batas ukol sa pagiging mamamayan o banyaga
Pangalagaan ang pandaigdigang kooperasyon kabilang na ang legal na interes ng ibang bansa
sa loob ng bansa
Pakikipagtalakayan sa mga kasunduang pangkalakalan at mga hanganan ng bansa sa
karagatan  Pagbigay ng libreng tulong-legal sa mga mahihirap at nangangailangan
Gampanan ang iba pang tungkulin ng DOJ ayon sa batas at iba pang executive orders

Department of Science and Technology (DOST)


Kagawaran ng Agham at Teknolohiya
Current Secretary: Renato U. Solidum, Jr.

Tungkulin:
Bumuo ng malawakang plano pang-aghamat teknolohiya
Paunlarin ang pananaliksik sa aghamat teknolohiya lalo na sa
ikauunlad o kapakinabangan ng bansa
Paunlarin ang lokal na teknolohiya at iangkop ang teknolohiya mula sa labas ng bansa at
gamitin ito hanggang sa antas na pang komersiyo at pakikipag-ugnayan ng pribado at
pampublikong sektor
Gawing kapaki-pakinabang ang resulta ng mga pananaliksik sa mga nangangailangan nito
Gawing accessible ang impormasyon mula sa aghamat teknolohiya sa mga pribado at
pampublikong sektor
Gumawa at mangasiwa ng mga programa para sa pagpapalakas ng kakayahan ng agham at
teknolohiya sa pamamagitan ng pagsasanay at pagbuo ng mga imprastruktura
Pag-ibayuhin ang kamalayan ng publiko sa agham at teknolohiya
Mga Ahensya ng Pamahalaan

Department of National Defense (DND)


Kagawaran ng Tanggulang Pambansa
Current Secretary: Carlito G. Galvez, Jr.

Tungkulin:
Magtanggol laban sa panloob at panlabas na banta sa
pambansang kaligtasan
Pangalagaan ang kapakanan ng mga sundalo at mga beteranong sundalo
Suportahan ang kaunlarang panlipunan at pang ekonomiya
Panindigan ang kapangyarihan at teritoryo ng Pilipinas

Department of Tourism (DOT)


Kagawaran ng Turismo
Current Secretary: Maria Esperanza Christina
Garcia Frasco
Tungkulin:
Mangasiwa sa lahat ng programa ng kalakalan na may
kinalaman sa turismo
Pangunahan at suportahan ang pag-unlad ng kalakalan at
mga programang humihikayat sa mga turista na bumisita sa
bansa

Department of Trade and Industry (DTI)


Kagawaran ng Kalakalan at Industriya
Current Secretary: Alfredo E. Pascual

Tungkulin:
Siguraduhin ang kakayanan ng bansa sa pandaigdigang
paligsahan sa larangan ng industriya at mga serbisyo
Pag-ibayuhin ang mga negosyo, pagiging produktibo,
kahusayan at kapakanan ng mga mamimili
Makalikha ng maraming trabaho
Pataasin ang kamalayan ng mga mamimili sa kanilang mga karapatan at katungkulan 
Palaguin ang pagluwas ng kalakal, pamumuhunan, MSME (malilit hangang sa di- kalakihang
mga negosyo)
Mga Ahensya ng Pamahalaan

Department of Information and Communications (DICT)


Kagawaran ng Teknolohiyang Pang-Impormasyon at
Komunikasyon
Current Secretary: Ivan John E. Uy

Tungkulin:
Mangasiwa sa mga plano, polisiya at pagpapabuti ng public access
sa impormasyon at sistema ng komunikasyon
Paunlarin at itaguyod ang mabilis, ligtas, mahusay at maaasahang
serbisyo ng komunikasyon

Department of Labor and Employment (DOLE)


Kagawaran ng Paggawa at Empleyo
Current Secretary: Bienvenido E. Laguesma

Tungkulin:
Mabigyan ang mga Pilipino ng pagkakataong makapagtrabaho
Pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa
Pangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga industriya
Bumuo ng mga patakaran, mangasiwa sa mga programa at manilbihan bilang tagapag-ugnay
ng pamahalaan sa larangan ng paggawa at empleyo

Department of Transportation (DOTr)


Kagawaran ng Transportasyon
Current Secretary: Jaime J. Bautista

Tungkulin:
Mangasiwa sa mga plano, programa, makipag-ugnayan at
isakatuparan ang mga sistema ng transportasyon
Paunlarin at itaguyod ang mabilis, ligtas, mahusay at maaasahang
serbisyo ng transportasyon
Proyekto
sa
Araling Panlipunan

Brian Joseph T. De Guzman


Matt Geoffry G. Santos


SSES 4 - Mt. Samat

You might also like