Professional Documents
Culture Documents
G8 Q1 Week 1-4
G8 Q1 Week 1-4
G8 Q1 Week 1-4
Dyosesis ng Malaybalay
Pilar High School
Kisolon, Sumilao, Bukidnon
FILIPINO 8
Unang Markahan
Taong Panuruan 2021-2022
Modyul Week: 1-4
MODYUL WEEK: 1
Paksa: Karunungang-Bayan at Paghahambing
Ang karunungang-bayan ito isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga
kaisipan na napapabilang sa bawat kultura ng isang tribo. Ito ay tumutukoy sa isang klase o uri ng panitikan ng
idinadaan sa pamamagitan ng pagsasagot o paghuhula. Kailangan din ng karunungang bayan malalim na pag iisip.
Ginagamit ito bilang idyomatiko na may malalim na kahulugan kesa sa literal na kahulugan nito. Ito ay ginagamit
upang mapatalas ang kaisipan. Ito ay hango sa karanasan ng mga matatanda. Nagbibigay ng payo tungkol sa
kagandahang asal at mga paalala.
1. Salawikain- Ito ay nakaugalian ng sabihin at nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga
ninunong naglalayong mangaral at umakay sa mga kabataan sa pagkakaroon ng kabutihang-asal.
Halimbawa:
Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di makakarating sa paroroonan.
2. Sawikain- Ang mga sawikain ay nagtataglay ng talinghaga sapagkat ito ay may nakatagong kahulugan. Sa ibang
sanggunian ay tinatawag din itong idyoma o kaya naman ay eupemistikong pahayag.
Halimbawa:
Bagong-tao―binata
Bulang-gugo― gastador; galante
3. Kasabihan- Ang mga kasabihan noong unang panahon ay yaong ipinapalagay ng mga sabihin ng mga bata at
matatanda na katumbas na mga tinatawag na Mother Goose Rhymes. Ang kasabihan ay karaniwang ginagamit
sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.
Halimbawa:
I II
Putak,putak Tiririt ng ibon,
Batang duwag Tiririt ng maya
Matapang ka’t Kaya lingon ng lingon
Nasa pugad. Hanap ay asawa.
4. Bugtong- Ang mga bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Ito ay binibigkas nang patula at may
lima hanggang labindalawang pantig. Ang mga tagalog ang pikamayaman sa bugtong.
Halimbawa:
Bungbong kung liwanag, kung gabi ay dagat. (Sagot: banig)
Dalawang katawan, tagusan ng tadyang. (Sagot: hagdan)
5. Palaisipan- Ito aya nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao upang bumuo ng isang
kalutusan sa isang suliranin. Ito ay nangangahulugan lamang na ang mga sinaunang Pilipino ay sanay mag-isip
at kanilang ipinamana ito sa kanilang mga inapo.
Halimbawa:
Sa isang kulungan ay may limang baboy na inaalagaan si Mang Juan. Lumundag ang isa. Ilan ang natira?
May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ng bola nang di man lang nagalaw ang
sombrero?
6. Bulong- Ang bulong ay mga pahayag na may sukat at tugma na kalimitang ginagamit na pangkulam o pangontra
sa kulam, engkanto, at masasamang espiritu.
Halimbawa:
Huwag magagalit, kaibigan, aming pinuputol lamang ang sa ami’y napag-uutusan.
Paghahambing
Ang paghahambing ay isang paraan ng paglalahad. Ito ay nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa isang
paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay na pinaghahambing.
Hindi natin namamalayan, ngunit kung papansinin, ang paghahambing ay bahagi na ng ating pang-araw-araw
na buhay, sa pagkain na ating kakainin, sa sasakyang ating sasakyan, o sa lugar na ating pupuntahan, kadalasan ang
mga ito ay naisasagawa natin kung mayroon tayong paghahambing.
Isang mahalagang sangkap sa uri ng paglalahad na ito ay hambingan ng pang-uri. Ito ay ang paglalarawan ng
tao, bagay, lugar, pook, o pangyayaring nakatuon sa dalawa o higit pa. May dalawang uri ng paghahambing:
1. Pahambing na Magkatulad – Sa magkatulad na katangian ay ginagamit ang mga panlaping gaya ng magka-,
sing-, sin-, magsing-, magsim-, magsin-, ga-, pareho, kapwa.
2. Pahambing na Di Magkatulad
a. Palamang – Nakakahigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing. Ginagamit ang higit, lalo, mas,
di-hamak.
b. Pasahol- Kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing. Ginagamit ang di gaano, di gasino, di
masyado
C. Mga Sanggunian
Ailene G. Baisa-Julian et.al, Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 8.Phoenix Publishing House
Inc. 927 Quezon Ave., Quezon City.
D. Pagpapahalaga
CULTURAL SENSITIVTY
MODYUL WEEK: 2
Paksa: Alamat (Ang Pinagmulan ng Marinduque), kuwentong-bayan (alamat at epiko) at ang mga elemento
nito at Pang-abay na pamanahon, panlunan, at iba pang uri ng pang-abay
Ang alamat at ang epiko ay ilan lamang sa mga akdang kabilang sa mga kuwentong-bayan. Ito ay mga panitikang
sumasalamin sa kinagisnan, kalinangan, at kultura ng lahing Pilipino.
Ang alamat o legend at folklore sa wikang Ingles ay isang uri ng panitikan na naglalaman ng tungkol sa mga
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Kung minsan nagsasalaysay ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na
mga tao at pook. Tumatalakay din ito sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Ito ay kadalasang mga
kathang-isip na nagpasalin-salin buhat sa ating mga ninuno.
Ang Banghay ng kuwentong-bayan ay nagtataglay rin ng tatlong bahagi: ang simula, gitna, at katapusan.
Basahin ang mga uri ng pang-abay sa ibaba.
Sa SIMULA matatagpuan ang dalawang mahalagang sangkap o elemento:
1. Tauhan―nagbibigay buhay o gumaganap sa pangyayari.
2. Tagpuan― ito ay ang pangyayarihan ng aksiyon o eksenang naghahayag ng panahon, kung tag-init o
tag-ulan; ng oras, at ng lugar.
Sa GITNA―dito makikita ang banghay o ang maayos na pagkasunod-sunod ng mga tagpo o eksena. Dito
rin nakapaloob ang pinakamahalagang bahagi ng kuwentong-bayan:
3. Diyalogo―ang usapan ng mga tauhan.
4. Saglit na Kasiglahan― nagpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
problema.
5. Tunggalian―nagpapakita ng labanan o pakikibaka ng tanging tauhang inilalahad at ito ay maaring
ang kanyang pakikipagtunggali sa sarili, sa kapwa, sa kalikasan.
6. Kasukdulan― ang pinakamadulang bahagi ng kuwento kung saan iikot ang kahihinatnan ng tanging
tauhan, kung ito ay kasawian o tagumpay.
Sa WAKAS
7. Kakalasan― sa bahaging ito mababatid ang kamalian o kawastuhan ng mga di inaasahang naganap
na pagbubuhol na dapat kalagin. Mababatid naman sa katapusan ang magiging resolusyon na
maaring masaya malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
3. Pamaraan- Pang-abay na sumasagot sa tanong na paano ginanap, ginaganap o gaganapin ang sinasabi
ng pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa: Masayang nagbabasa ang mga batang mahilig sa karunungang-bayan gaya ng alamat.
.
C. Mga Sanggunian
Ailene G. Baisa-Julian et.al, Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 8.Phoenix Publishing House
Inc. 927 Quezon Ave., Quezon City.
D. Pagpapahalaga
SIMPLICITY OF LIFESTYLE
Iba’t ibang paraan o teknik ang ginagamit sa pagpapalawak ng paksa, ilan sa mga itoangsumusunod:
1. Pagbibigay-katuturan o Depinisyon- May mga salitang hindi agad-agad maintindihan kaya’t
kailangang bigyan ng depinisyon . Ito’y mga bagay o kaisipang nangangailangan ng higit na masaklaw na
pagpapaliwanag.
2. Paghahawig at Pagtatambis- Ang mga bagay na magkakatulad ay pinaghahambing upang mapalitaw
ang kanilang mga tiyak na katangian, samantalang ang mga magkakaiba ay pinagtatambis naman upang
maibukod ang isa sa isa.
3. Pagsusuri- Ang pagsusuri ay nagpapaliwanag hindi lamang ng mga bahagi ng kabuoan ng isang bagay
kundi pati na rin ang kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa’t isa. Sa makatuwid, dahil masaklaw ito, higit
na madaling maintindihan ang kalikasan ng isang bagay sa pamamagitan ng pagsusuri.
Ang malinaw, mabisa, at lohikal na pagpapahayag ay naipakikita sa maayos na pag-uugnayan ng
mga salita, parirala, at pangungusap. Mahalaga rin sa pagpapahayag ang maingat na pagpili ng mga
salitang gagamitin upang higit itong maging malinaw sa lahat. Kagaya na lamang sa pagpapahayag
ng sanhi at bunga, may mga hudyat na ginagamit upang maipahayag ito nang may kalinawan.
Sapagkat/pagkat
Dahil/dahilan sa
Palibhasa, at kasi
Naging . . .
Hudyat na nagpapahayag ng bunga o resulta:
Kaya/kaya naman…
Kung kaya…
Bunga nito…
Tuloy…
C. Mga Sanggunian
Ailene G. Baisa-Julian et.al, Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 8.Phoenix Publishing House
Inc. 927 Quezon Ave., Quezon City.
D. Pagpapahalaga