Lakbay Sanaysay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Lakbay Sanaysay

Camp Goducate
Ang Camp Goducate o tinatawag din na
Goducate Training Center ay matatagpuan
sa Brgy. Sto. Angel San Miguel, Iloilo. Ito ay
isang family resort at isa ring training
center. Pagpasok palang sa resort na ito
matatanaw agad ang malapad na taniman
ng palay, mga tanim na gulay at ang mga
matatayog na puno sa paligid. Meron din
ditong aquaculture pond kung saan pwede
kang mangisda. Meron din silang ibat ibang
recreational facilities tulad ng zip lines,
horse trails, swimming pool/dipping pool at
restaurant.
Ito rin ay lugar kung saan sinasanay ang
mga mahihirap na komunidad ng mga
asyano upang matulungan nila ang
kanilang mga sarili. Malaking bahagi ng
kanilang pagsasanay ay sa agrikultura at
aquaculture. Ang organisasyong ito ay
itinatag ng isang medical doctor na
nagngangalang Dr. Peter Choo mula sa
Singapore. At ito naman ay
pinangangasiwaan ng mga Baptist young
professional volunteers na nanggaling sa
ibat ibang lugar. Ang kanilang layunin rin ay
matulungan ang iba na tulungan ang
kanilang mga sarili at maibahagi sa kanila
ang salita ng diyos.
Tunay ngang napakaganda ng lugar na ito.
Ito ay isa sa mga paglalakbay na di
malilimutan sapagkat kakaibang saya ang
hatid kapag napuntahan mo ito. At mas
sasaya pa ang iyong paglalakbay kapag
kasama mo ang iyong pamilya o mga
kaibigan.

You might also like