Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Sa isang nayon, ang mga tao ay

masaya at masaganang
namumuhay. Mapagpala ang
kalikasan sa kanila. Ang
pangunahing hanapbuhay nilay
ay ang pangingisda. Sagana sa
maraming isda ang karagata.
May isang diwatang
nagbabantay at nag-aalaga sa
mga isda at ito'y nalalaman ng
mga taganayon. Ngunit may
mga taong sakim, ibig nilang
makahuli ng maraming-
maraming isda upang
magkamal ng maraming salapi.
Gumamit sila ng dinamita
kaya't labis na napinsala ang
mga isda, pati ang maliliit ay
namatay.
Nagalit ang diwata sa
kasakiman ng mga tao kaya't
mula noon ay wala nang mahuli
kahit na isda ang mga tao.
Naghirap at nagutom ang mga
tao at naging pangit na rin ang
karagatan na dati'y sakdal
ganda. Nagpulong ang mga
taganayon at napagpasyahan
nilang humingi ng tawad sa
diwatang nangangalaga sa
karagatan. Nakiusap din silang
ibalik na ang dating ganda ng
karagatan at gayundin ang mga
isda. Nangako sila na hindi na
gagamit ng anumang makasisira
sa kalikasan.
Mula nang sila'y humingi ng
tawad sa diwata ay bumalik na
ang ganda ng karagatan at
muling dumami ang mga isda.
Nanaganang muli ang
kabuhayan ng mga tao.

You might also like