Q3 Grade-3 Esp

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO III

Name: _______________________ Grade & Section: ____________


School: ______________________ District: ANAO
School Head: ________________ Teacher: _____________________

I. Bilugan ang titik ng tamang sagot:

1. Alin sa mga sumusunod na larawan ang hindi nagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino.

a. b. c. d.

2. Isa sa mga kaugaliang Pilipino ay ang _________________.


a. paghalik sa paa b. pagmamano c. pagkaway d. pagyakap

3. Bakit kailangang mapanatili ang pagmamano?


a. Sapagkat tayo ay tao.
b. Upang tayo ay maging tanyag.
c. Para ito maipagmalaki natin sa buong mundo.
d. Dahil ito ay isa sa mga magagandang kaugalian nating mga Pilipino.

4. Bakit mahalaga ang pagsasabi ng po at opo sa mga nakatatanda?


a. Dahil ito ay tanda ng paggalang sa kanila.
b. Dahil mayroon akong kailangan.
c. Para sabihing mabait ako.
d. Wala lang, gusto ko lang.

5. Tinatanong ka ng iyong ate kung nakita mo ba ang lapis niya. Paano mo siya sasagutin
na hindi mo ito nakita?
a. Hindi ko alam. Bakit ako ang tinatanong mo?
b. Malay ko, bumili ka na lang ng bago.
c. Hindi ko po nakita, ate.
d. Ewan ko sa iyo.

6. Ang bilin ng guro, pag-aralan ang aralin sa Fiipino. Sumunod naman si Elmer.
Kinabukasan, _________________________.
a. napagalitan siya ng guro niya
b. nangopya siya sa kaniyang katabi
c. naiinis sa kaniya ang mga kaklase niya
d. pinuri siya ng guro dahil mataas ang marka niya

7. Pinagsasabihan ng tatay si Ramon na kumain ng mga gulay at mga masustansiyang


pagkain. Sinusunod naman ni Ramon ang sinasabi ng kaniyang tatay. Kaya si Ramon ay
isang batang _____________.
a. masakitin
b. walang nutrisiyon
c. payat at matamlay
d. malusog at masayahin

8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi alituntunin ng ating pamayanan.


a. Tumawid sa tamang tawiran.
b. Itapon ang basura sa bangin.
c. Bawal ang umakyat sa puno.
d. Sumunod sa mga batas trapiko.

9. Sa muling pagbubukas ng klase, ang Kagawaran ng Kalusugan ay naglabas ng mga


panuntunan upang tayo ay makaiwas at hindi mahawa sa sakit na COVID-19. Alin sa
mga sumusunod ang hindi pagsunod sa tuntunin.
a. Maghugas ng kamay.
b. Social distancing o layo-layo muna.
c. Gumamit ng panyo o bimpo bilang panakip ng bibig kong uubo o babahing.
d. Tanggalin ang facemask kapag makikipag usap sa kaklase.

10. Ang pagsunod sa tuntunin ng pamayanan ay nagdudulot ng positibong bunga para


sa mga namumuno at nasasakupan nito. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang.
a. Nagtatapon ng basura sa tamang lagayan.
b. Pumipila sa pagpasok sa grocery store.
c. Nagkakalat ng balat ng kendi sa kalsada.
d. Sumusunod sa “Curfew Time”.

11. Bilang isang batang Pilipino may tungkulin kang dapat gampanan sa bahay,
paaralan, komunidad at pamahalaan. Tama bang sundin mo ang mga tuntunin ng ating
pamayanan?

a. Hindi po
b. Opo
c. Ewan ko po
d. Wala akong pakialam

12. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang wastong pagsunod sa tuntunin ng ating
pamayanan.
a. Paglalaro sa halaman sa palaruan.
b. Pagsusulat sa pader at bakod.
c. Pagtatapon ng basura sa kanal.
d. Pagsunod sa pila kapag bumibili ng pagkain sa kantina.

13. Anong ahensya ng gobyerno ang nagsasabing ang kalinisan sa tahanan ay isang uri
ng pagdidisiplina sa sarili?
a. Kagawaran ng Kalusugan
b. Kagawaran ng Edukasyon
c. Kagawaran ng Katarungan
d. Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman

14. Paano mo masasabi na ikaw ay isang responsableng estudyante?


a. Nagtatapon ng mga basura sa gilid.
b. Walang disiplina sa pagtatapon ng basura.
c. Nakikiisa sa mga proyekto ng barangay upang malinis ang komunidad.
d. Nakikilahok sa mga batang nagtatapon ng basura sa maling lalagyan.

15. Ang sumusunod ay nagpapakita ng maling naidudulot ng pagtatapon ng mga


basura maliban sa isa:
a. pagkalbo ng kagubatan
b. kalamidad tulad ng pagbaha at landslide
c. pagkakaroon ng maruruming tubig inumin
d. pagdami ng mga lamok na namumugad sa gulong

16. Ang wastong pagtatapon ng basura ay isa sa mga paraan upang makamit ang
kalinisan ng ating pamayanan. Alin sa mga sumusunod ang hindi angkop upang maging
malinis at ligtas ang ating pamayanan.
a. Inihihiwalay ang di nabubulok at nabubulok.
b. Binibigyan ng importansiya ang alintuntunin sa paaralan ukol sa tamang pagtapon
ng basura.
c. Inilalagay kung saan ang mga basurang itinatapon.
d. Nasisiyahan gawin ang tungkol sa pagpatuloy ng adhikain ng kalinisan at
kaayusan.

17. Saan nagsisimula ang paglilinis upang makamit ang maayos na pangangatawan?
a. Sa lipunan b. Sa tahanan c. Sa paaralan d. Sa simbahan

18. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pakikilahok sa proyekto ng


pamayanan na may kinalaman sa kapaligiran.
a. Pagsuporta sa pagputol ng puno ng illegal loggers.
b. Pakikiisa sa pagtatanim ng halaman sa paaralan at barangay.
c. Pagsusunog ng basura tulad ng plastic o goma.
d. Pagtatapon ng mga basura sa bangin.

19. Alin sa mga larawan ang wastong pangangalaga ng ating kapaligiran?


a. b.
c. d.

20. Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay makakakita ng ganitong babala?
a. Sundin ito.
b. Burahin ito.
c. Ipagsabi ito sa iba.
d. Itabi upang hindi makita.

21. Bakit mahalaga ang babalang ito?


a. Ito ang magpapasikat sa isang tao.
b. Ito ang magpapayaman sa isang tao.
c. Makatutulong ito upang maging ligtas.
d. Ito ang magdadala sa kapahamakan.

22. Maraming ________________ ang mangyayari kung hindi susunod sa mga


tuntunin.
a. tawiran b. aksidente c. pumila d. bumaba

23. Alin sa mga sumusunod ang hindi wastong paraan sa pagsakay at


pagbaba ng sakayan.
a. Maging alerto sa pagsakay at pagbaba.
b. Tumingin at makinig bago sumakay at bumaba ng sasakyan.
c. Bumaba at sumakay sa tamang sakayan o babaan.
d. Bumaba ng sasakyan sa gitna ng daan.

24. Hintaying huminto ang sasakyan bago______________.


a. tawiran b. aksidente c. pumila d. bumaba

25. Ano ang iyong gagawin kong gusto mong sumakay sa itinalagang sasakyan?
a. tawiran b. aksidente c. pumila d. bumaba

26. Alin sa mga pahayag ang paraan upang paghandaan ang sakuna
o kalamidad?
a. Ilagay ang survival bag sa isang lugar sa bahay kung saan madali itong makukuha.
b. Mamasyal sa labas kahit bumabagyo.
c. Huwag pansinin ang mga sakuna o kalamidad sa paligid.
d. Ilagay sa survival bag ang mga mahahalaga at hindi mahahalagang gamit.
27. Alin sa mga pangungusap ang nagpapakita ng kahandaan sa sakuna?
a. Naglalaro at naliligo sa ulan kapag may bagyo.
b. Hindi sumusunod sa mga babala ng lokal na opisyales ng inyong barangay.
c. Nag iimbak ng mga ready to eat na pagkain at naghahanda ng emergency survival
kit.
d. Ilagay sa survival bag ang mga mahahalaga at hindi mahahalagang gamit.

28. Alin sa mga pangungusap ang hindi nagpapakita ng kahandaan sa


sakuna.
a. Makinig sa balita para sa kalagayan ng pamayanan.
b. Ayusin ang bahay at gawing matibay ito sa pagdating ng sakuna.
c. Manatili sa bahay at ihanda ang paglilikas kung kinakailangan.
d. Hindi sumusunod sa mga babala ng lokal na opisyales ng inyong barangay.

29. Alin sa mga larawan ang hindi mahalagang bagay na kailangan mong
ihanda tuwing may sakuna at kalamidad.
a. b. c. d.

30. Ano ang dapat gawin ng batang tulad mo para maiwasan ang sunog at
baha?
a. Paglaruan ang posporo.
b. Bantayan nang mabuti ang niluluto.
c. Hayaang nakabara ang mga basura sa kanal.
d. Huwag tumulong sa pagpapanatiling malinis at ligtas ang buong
pamayanan.

Prepared by:

JESSA S. GARCIA
Teacher I, Dolores Ongsiako Central ES

Reviewed by:

ALMA C. DE LEON
District ESP Specialist
Validated and Quality Assured by:

CRISTETA G. GUERERO
Master Teacher I, Lac Leader Grade III

BEBITH M. POLICARPIO
Head Teacher I, Consultant Grade III

APPROVED:

ELIZA Z. GOMEZ, EdD


Public School District Supervisor

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO III
TABLE OF SPECIFICATION

Bilang ng Kabuuang Kabuuang Bilang ng Kinalalagy


Layunin/kasanayan araw ng Araw ng bilang ng Aytem an ng
Pagtuturo markahan Aytem Aytem
Nakapagpapakita ng mga kaugaliang
Pilipino tulad ng: pagmamano
paggamit ng "po" at "opo" pagsunod
sa tamang tagubilin ng mga 9 45 30 7 1-7
nakatatanda
EsP3PPP-IIIa-b–14
Nakapagpapahayag na isang tanda ng
mabuting pag -uugali ng Pilipino ang
pagsunod sa tuntunin ng pamayanan
EsP3PPP-IIIc-d–15 8 45 30 5 8-12
Nakapagpapanatili ng malinis at ligtas
na pamayanan sa pamamagitan ng:
paglilinis at pakikiisa sa gawaing
pantahanan at pangkapaligiran
wastong pagtatapon ng basura
palagiang pakikilahok sa proyekto ng
pamayanan na may kinalaman sa
kapaligiran 11 45 30 7 13-19
EsP3PPP-IIIe-g–16

Nakasusunod sa mga tuntuning may


kinalaman sa kaligtasan tulad ng mga
babala at batas trapiko
pagsakay/pagbaba sa takdang lugar
EsP3PPP-IIIh–17 9 45 30 6 20-25

Nakapagpapanatili ng ligtas na
pamayanan sa pamamagitan ng
8 45 30 5 26-30
pagiging handa sa sakuna o kalamidad
EsP3PPP-IIIi–18
TOTAL 45 45 30 30 30

Prepared by:

JESSA S. GARCIA
Teacher I, Dolores Ongsiako Central ES

Reviewed by:

ALMA C. DE LEON
District ESP Specialist

Validated and Quality Assured by:

CRISTETA G. GUERERO
Master Teacher I, Lac Leader Grade III

BEBITH M. POLICARPIO
Head Teacher I, Consultant Grade III

APPROVED:

ELIZA Z. GOMEZ, EdD


Public School District Supervisor
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO III

Key to correction 15. a


1. c 16. c
2. b 17. b
3. d 18. b
4. a 19. a
5. c 20. a
6. d
7. d
8. b
9. d
10. c
11. b 21. c
12. d 22. b
13. d 23. d
14. c 24. d
25. c
26. a
27. c
28. d
29. c
30. b

You might also like