Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang aking Kaisipan tungkol sa Kahirapan

Ni Ronjiel Lurenz D. Caranto

Magandang hapon sa naggagandahan at naggagwapohang mga panauhin, Gng.


Principal Nick A. Mendoza,ang aking guro sa asignaturang Filipino Gng. Rhodora
V. Macareg, Gng. Lady Anne Fernandez, at sa mga mahal kong kaklase. Ako po si
Ronjiel Lurenz D. Caranto na nagmula sa Ika-10 baitang, seksyong diyamante.
Nais kong hingiin ang inyong atensyon dahil nais kong ibahagi ang aking kaisipan
tungkol sa kaharipan.

Bilang isang mag-aaral, kabataan at mamamayan may alam ba o may kaalaman


ba kayo sa salitang kahirapan? Sa mga sanhi o dahilan kung bakit may
kahirapan? At bilang isang mag-aaral, kabataan at mamamayan ano-ano ang
pwede nating gawin upang mapababa o maalis ang kahirapan sa ating
komunidad at bansa? Ang kahirapan ay isang napakalaking problema sa
maraming bansa lalo sa ating bansang Pilipinas. Ang kahirapan dito sa ating
bansa ay umabot ng 18.1% noong 2021, kasabay ito ng kasagsagan ng
pandemya. Kaya marami ang naghirap noong pandemya dahil marami ang
nagsarang mga trabaho at mga establishemento,. maraming Pilipino ang
nawalan ng trabaho kaya't tumaas ang porsyento ng kahirapan sa Pilipinas.
Bilang Isang mag-aaral naranasan ko, naranasan ng aking pamilya, naranasan
nating lahat ang hirap noong pandemya. Dahil nawalan ng trabaho ang aking ina
kaya't nawalan kami ng pagkukunan ng pera o source of income Ika nga nila di po
ba. Ngunit nakabalik lamang din ang aking ina sa pagtatrabaho matapos ang
ilang buwan simula noong siya ay nawalan ng trabaho kaya't kami ay nakahinga
ng maluwag dahil mayroon na kaming pagkukunan ng pera kaya't di na namin
poproblemahin ang perang gagastusin namin linggo-linggo.

Ngunit maraming ang nagtatanong, anu-ano nga ba ang mga dahilan kung bakit
marami ang mahihirap sa Isang lipunan o pamayanan? Bilang Isang mag-aaral,
ito ang ilan sa aking naiisip na sa tingin ko ay mga dahilan kung bakit maraming
mahihirap. Una, dahil may iilang mga mahihirap ang nakapag-aral ng
elementarya lamang at ang iba ay hindi na nakapag-aral dahil mas pinili nila na
magtatrabaho sa murang edad para sila ay may panggastos sa araw-araw nilang
pangangailangan. Ikalawa, dahil sa pagtaas ng presyo ng bilihin na dulot ng
inflation, dahil sa mataas na bilihin mas ginusto nilang maghanap ng
pagkakakitaan upang sila ay may perang panggastos araw-araw. Ikatlo, dahil sa
katamaran. Mamaya na, bukas nalang, sa susunod nalang yan ang mga
katagang mandalas nilang sinasabi. Maraming Pilipino ang tamad kaya’t walang
nababago sa estado ng kanilang buhay, at minsan ay sila pa ang may ganang
magreklamo bakit sila ay naghihirap. At huling dahilan na sa tingin ko ay
malaking impluwensya kung bakit maraming mahihirap sa Pilipinas ay korapsyon.
Korapsyon ay hindi lang ang Pilipinas ang may problema nito ngunit pati na rin sa
iba pang bansa tulad ng Sri Lanka na kung saan ang matataas na opisyal ay
kumukuha ng pera sa kaban ng bayan. Dahil sa korapsyon mas pinapalaki nito
ang porsyento ng mahihirap sa isang lipunan o bansa. Ang korapsyon ay ang
problemang laging natatalakay sa eleksyon, dito sa Pilipinas ay talamak pa rin
maraming opisyal ang nagsabi na tatanggalin nila ang korapsyon sa pamahalaan,
ang iba ay nabawasan nila ang korapsyon ngunit ang iba ay hanggang pangako
lamang.

Maraming Pilipino ang nagtatanong paano malulutas ang problema sa kahirapan


dito sa Pilipinas, ito rin ay natalakay na sa mga eleksyon noong nagdaang taon.
Marami sa kanila ang napababa ang porsyento ng kahirapan sa Pilipinas ngunit
ang iba ay hanggang sa salita lamang. Ang pwede nating gawin upang
mabawasan o mapababa ang kahirapan sa ating pamayan. Ay una, maaari
tayong gumawa ng programa na naglalayong maturuan ang mahihirap na
mamamayan sa pagnenegosyo at mga skills na pwedeng pangkabuhayan tulad
ng paggawa ng mga hinabi na bag na gawa sa rattan, mga hinabing tela,
magluto, magmasahe at pagbibigay ng tulong pinansyal upang sila ay makapag-
umpisa ng negosyo. Ikalawa, pagtuturo sa kanila tungkol sa “reproductive health”
at "family planning" upang sila ay magkaroon ng kaalaman sa paggamit ng mga
birth controls, condom, at iba. Dahil napapansin ko karamihan sa mga mahihirap
ay maraming anak lalo na sa mga kabataan na maagang nabubuntis dahil sa
kawalan ng kaalaman sa reproductive health or sex education na isang problema
kaya't di sila nakaka-ahon sa kahirapan. Pangatlo, pagbibigay ng magandang
edukasyon na libre, elementarya hanggang kolehiyo, upang makapag-aral ang
mga bata at matatandang gustong makapag-aral dahil kahit anong edad o
estado sa buhay sila ay may karapatan makapag-aral dahil gusto nilang maihaon
ang mga pamilya nila sa kahirapan. At dahil ang edukasyon ay yaman na hindi
makukuha o mananakaw nino man hanggang sa pagtanda. At huli,
pagsusumbong sa mga tiwaling opisyal upang masibak sila sa kanilang puwesto
para ating mapigil ang pagiging korap at magkaroon tayo ng maayos at mahusay
na pamahalaan na makaka-ayos ng problema sa kahirapan sa ating bansa.

Ako bilang isang mag aaral, may layunin ako na isang araw ako naman ay
makatulong sa mga mahihirap at makatulong papaano sa kanila. Sa simpleng
pamamaraan, akoly magsisikap makapagtapos nang pag aaral ng sa gayon ay
magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lamang ako kundi ikaw, siya, at
tayong lahat ay kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran Lahat tayo ay
may magagawa para sa kinabukasan ng ating bayan isang bansa na magagamit,
mapagmamalaki at higit pa ay maipapamana sa susunod pang henerasyon.
Sadyang mahirap ang maging mahirap pero madaming paraan upang itoy
labanan kung ating gugustuhin marami na tayong nabalitaan mula sa pagiging
maralita ngayon ay nagtatamasa na ang kaginhawaan Dahil ayon sa kanilang
pagsisikap at pagpupursigi na makaalis sa kahirapan.

Ulit ako po si Ronjiel Lurenz D. Caranto ang ikalawang nagtalumpati ngayong


araw, na nagiiwan ng mga katagang;
“Tayo ay magkaisa at tayo ay magtulungan, dahil hindi hadlang ang kahirapan
para sa ika-uunlad at ikagaganda ng ating inaasam na magandang
kinabukasan.”
Magandang hapon at Salamat sa inyong pakikinig.

You might also like