Professional Documents
Culture Documents
Soslit Module 3
Soslit Module 3
Soslit Module 3
- Kahirapan
- Uri ng Kahirapan
- Teorya sa Sanhi ng Kahirapan
- Sanhi ng Kahirapan
- Epekto ng Kahirapan
- Solusyon sa Kahirapan
KAHIRAPAN
-ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng mas kakaunting mga mapagkukunan ng kitang salapi
kaysa ibang mga tao sa loob isang lipunan o bansa. Kapag inihahambing sa mga karaniwang
bilang sa buong mundo. Ang suplay ng mga pagkain na pangangailangan ay maaaring
malimitahan ng mga limitasyon sa mga serbisyo ng pamahalaan gaya ng korupsyon, illegal ng
paglisang capital, mga kondisyonalidad sa utang at sa pagkaubos ng utak ng mga propesyonal
na pang-edukasyon at pangkalusugan.
Ayon sa United Nation, ang kahirapan ang pagtanggi sa mga pagpipilian at oportunidad na
isang paglabag sa dignidad na pantao. Ito ay nangangahulugang kawalan ng basikong kapasidad
na epektibong makilahok sa lipunan. Ito ay nangangahulugang kawalan ng kasapatan ng
pagkain o madamitan ang isang pamilya, hindi pagkakaroon ng mapupuntahang paaralan o
klinika at hindi pagkakaroon ng lupain na pagtataniman ng pagkain o kawalang trabaho upang
mabuhay.
Ayon sa World Bank ang kahirapan ay isang pagtanggi sa kapakanan at binubuo ng
maraming mga dimension. Ito ay kinabibilangan ng mga mababang sahod at kawalang
kakayahan na magkamit ng mga basikong kalakal at mga serbisyong kailangan para mabuhay
nang may dignidad.
1. Pangingibang bansa
2. Matinding gutom
3. Kawalan ng trabaho
4. Maagang pagbubuntis
5. Gulo
SOLUSYON SA KAHIRAPAN;
1. Ang bilang ng magiging anak ay dapat ibatay sa kinikita o kakayahang buhayin ito.
2. Ang bawat tao ay dapat mag-aaral hanggang sa makapagtapos ng isang kurso.
3. Agrikultural, propesyonal, bokasyonal, teknikal o iba pa. Ang mga natutuhang karunungan,
(knowledge), kaalaman at kakayahan (skill) mula sa tinapos na kurso ang siyang magiging
batayan ng papasukang trabaho.
4. Ang isang tao ay huwag munang mag-asawa kung wala pa siyang matibay na trabaho at
kinikita pagmumulan ng ipantustos sa mga pangangailangan ng asawa at mga anak.
5. Ang bawat isa sa atin ay dapat na matutong makapagsarili o maging independent.