Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

“ Tahanan at Pahinga “

Sa gitna ng gulo

Sa loob ng nakakapagod na mundo

Natagpuan kita,

Tahanan at pahinga ko

Hindi ko man batid san patungo ang landas natin na ‘to

Wala mang kasiguraduhan sa mundong ito

Ngunit sa’yo, sa mga mata mo

Natagpuan ko ang mga titik na nagsasabing “sigurado”

Hindi man tugma ang nota sa mga liriko

Wala mang destinasyon ang byaheng ito

Kagaya sa isang laro, kalahati ng isang daang porsyento na ikaw ay manalo

Pero sa’yo, buong-buo, susugal ako

Dumating man sa puntong mapagal kang ipaglaban ako

Huwag sana mawaglit sa isipan mo na nandito lang ako

Ako naman muna ang gawin mong tahanan at pahinga mo

Tahanan na lagi kang aantayin at mauuwian mo

Sapagkat naroon ako, inaantay ka sa pag-uwi mo

-Stephanie Gail G . Valdez

You might also like