Professional Documents
Culture Documents
Ibaibangpaaranngpagpapahayag Edulan Carpio PDF
Ibaibangpaaranngpagpapahayag Edulan Carpio PDF
Pagpapahayag
Presented by: Carpio and Edulan
IBA-IBANG PAMARAAN
NG Pagpapahayag
May iba-ibang pamaraan ang isang tao upang maipahayag ang
kaniyang damdamin o kaisipan. Nakakatulong din ang
pagsusulat sa pagpapahayag na maaaring gawin sa
pamamagitan ng paglalarawan, pagsasalaysay,
pangangatwiran at paglalahad.
PAG-IISA-ISA
Ito ay nagpapakita ng pagkakasunod-
sunod ng mga detalye. Iniisa-isa rito ang
mga konsepto upang mailahad ang
kaibahan nito.
Halimbawa:
Ang pag-aaral nang mabuti, pagsasabuhay ng mga aral na natutuhan
mula sa paaralan, at pagkakaroon ng magandang pag-uugali ay
nagpapakita lamang ng pagkakaroon ng magandang edukasyon.
PAGHAHAMBING
Ito ay ginagamit sa pagtutulad o pag-iiba ng
mga bagay.
Halimbawa:
Mas makabubuti sa mga kabataan ang pagkakaroon ng
magandang edukasyon sapagkat magbibigay ito sa
kanila ng mas maraming pagkakataon sa pagkakaroon
ng magandang buhay kaysa hindi pagtatapos ng
kanilang pag-aaral.
PAGLALARAWAN
Ginagamit ito upang makabuo ng
malinaw na larawan sa isipan o
imahinasyon sa mambabasa.
Halimbawa:
Ang entablado ay napapalamutian ng mga magagandang bulaklak at abalang-abala
ang lahat sa pag-aayos nito dahil sa gagawing programa para sa pagtatapos ng mga
mag-aaral. Masisilayan ang mga ngiti sa mga mag-aaral na magsisipagtapos at ang
kagalakan sa mukha ng mga kanilang mga magulang na nagsikap upang ang bawat isa
sa kanila'y makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang kinabukasan
PAGSASALAYSAY
-Ito ay may maayos na pagkakaugnay-ugnay
ng mga pangyayari upang kawili-wili.