Ikaw Ang Sagot

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ikaw Ang Bigay.

Nagmula pa ng araw na ikaw ay nakilala,


Alam ng Dios kung ana agad ang aking nadarama,
Mas naging maliwanag ang aking mundo;
Anong saya ang hindi maitago ng aking puso!

Ginawa ang lahat, dasal, pagpakilala at iba pa,


Hiningi sa Maykapal ang gabay para ikaw ay makasama,
Hindi pala hadlang ang distansya at anumang bagay na imposibleng magawa;
Sa taong puro kung magmahal at sa Maykapal ay buong pusong nagtitiwala.…

Sumisigaw, humihiyaw, ang puso’t isip araw-araw;


Saksi ang kalangitan , maging ang buong kalawakan,
Sa buhay kong ito, ikaw ang tanging ligaya,
Wala ng ibang hinihingi kundi ikaw lamang aking sinta..

Anong handog ng buhay na sa akin ay ibinigay!


Kahit mahirap paniwalaan pero regalo ka sa aking buhay,
Ang pusong hindi lang pinagpala sa pagmamahal;
Nabuo ang pagkatao, at ikaw ang halaga ng aking dangal.

Dahil tayo’y may iisang adhikain at pananampalataya,


Hawak kamay nating naitaguyod ang ating paniniwala;
Hindi lang nabuo , mas dumami pa ang ating mga pangarap,
Makapangyarihan ang ating Dios, at unti -unti itong naganap !

Anong sagot na dala mo sa aking mga panalagin!


Araw ‘t gabi ikaw ang inspirasyon ng mga adhikain,
Salamat sa tapang at lakas na bigay mo, mahal ko;
Dahil mas nagkakulay ang buhay kong ito..

Tayo’y mas nagmamahalan at mas nagbibigayan;


Kaya tayo’y nagkapamilya at mas naging masaya,
Salamat sa walang hanggang awa at pag-ibig ng Dios,
Kaya tayo’y andito kahit ano pamang darating na unos!

O aking mahal ating palaging pagkatandaan;


Magpakailanman, at kahit saan paman,
Tayo’y magtagumpay , magtiwala ka lamang;
Sandata natin ang walang hanggang pagmamahalan!

You might also like