Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PANGAKO SAYO

(Nagaaway sina diego at eduardo, inaawat ni angelo ang dalawa)

DIEGO: Kuya ano ba, making ka muna sa akin.

ANGELO: Hoy, Ano ba?

DIEGO: Makinig ka muna sa akin, PINAPAPATAY niya ako kuya, di mo ba naririnig yun, PINAPAPATAY
NIYA AKO! Rinig na rinig ko, yung mga dumukot sa akin siya ang kausap

(tatayo si Amor)

AMOR: wala akong alam sa mga sinasabi mo Diego.

(tatayo si Claudia at lalapit sa tatlo)

CLAUDIA: DIEGO! Diego wag natin dito to pagusapan, halika ka na, hindi ito iyong tamang lugar.

ANGELO: Hindi, dito natin to pag usapan para marinig ng mga tao dito ang ginawa nito, tama nga
ako gusto mong gantihan ang pamilya ko, dahil hanggang ngayon pinaninindigan mo pa din iyong
bintang mo kay Tito Diego. Sinungaling ka, dahil wala naman nangyaring rape.

(itututo si Ms. Amor at papasok si Yna sa eksena)

YNA: Totoo yun, totoong nilapastangan niya si MS. Amor. Nadinig ko naguusap si Madam pati si Tito
Diego mo. Inamin nila at nagusap sila na wala dapat makaalam ng totoo. Sinabi niya na wala dapat
makaalam ng totoong narape si Ms. Amor, dahil nandun siya at nakita niya lahat yun.

AMOR: Mga hayop kayo!

(nakatingin si Eduardo kay Amor at susugod siya kay Diego)

EDUARDO: Diego tama na yan!

DIEGO: Kuya ano ba, di ka ba makikinig.

EDUARDO: Hayaan mo kami sa labas magusap.

ANGELO: HINDI! Dito tayo mag-usap, magharapan tayo.

CLAUDIA: Lumabas nga kayong lahat, Alta palabasin mo nga lahat ng ito.

ALTA: Yes Madam. Come on!

CLADIA: Labas!

ALTA: Bilisan niyo! Bilis!

(Naglabasan lahat ng tao sa conference room)

CLAUDIA: Angelo anak, wag kang mag alala, wala ng sasabihin pang kahihiyan yang babae yan.

(ituturo ni Claudia si Yna)

AMOR: Nahihiya ka!

(lalapit si Amor kay Claudia)


AMOR: Nahihiy ka sa ginawa mo!

CLAUDIA: Wala akong ginawa! Amor wala akong ginawa dito.

AMOR: Hindi yan ang sinabi ni Yna, at kung may paniniwalaan ako s ainyong dalawa, siya yun!

(sisingit sa Angelo)

ANGELO: TITO DIEGO! Sabihin mo ngayon, nagusap ba kayo ni MAMA?

(Nagaalinlangan si DIEGO sumagot)

DIEGO: Hindi!

ANGELO: See Yna, Ano ba, bat ba pinag tatanggol to!

YNA: ANGELO! Totoo yung sinasabi ko, narinig ko lahat.

ANGELO: Kelan, PAano, May sinabi Ka ba sa akin Yna. HA MAY SINABI KA BA SA AKIN?

CLAUDIA: Wala, wala siyang sinabi kase nag iimbento lang namn siya!

YNA: Hindi ko sinabi dahil alam kong mahal mo yung pamilya mo. Naalala mo noong gumawa tayo
ng thesis para kay MADAM? Ilalagay ko dapat yun sa taguan niya. Tapos bigla silang puamsok ng Tito
Diego mo, kaya nagtago ako sa ilalim ng mesa, at narinig ko lahat. NAGAAWAY SILA! Nagagalit si
Madam sa Tito mo dahil gustong sabihin ng Tito mo kay GOV. lahat. Lahat ng ginawa niya kay MS.
Amor, pero ayaw pumayag ni Madam dahil nandun siya at nakita niya yun lahat.

CLAUDIA: HAYOP KA! Nagiimbento ka, sumusobra ka na!

(susugod si Claudia kay Yna pero hinili ito ni Amor)

AMOR: Bakit siya magsisinungaling Ha! Wala kang kasing sama, bakit mo to ginawa, para saan HA!
Para ano! Para makuha mo ang gusto mo, HA! Para makuha mo si Eduardo?!

(intense na sumagot si Claudia kay Amor)

CLAUDIA: Amor wala akong ginawa! Angelo wala akong ginawa, hindi ko alam kung ano ang sinasabi
niya. Diego magsalita ka! Hindi ko alam kung ano sinasabi ni Yna.

(si Diego ay biglang humarap kay Claudia at sumunod kay Amor)

DIEGO: Anong gusto mo sabihin ko? Wala akong alam sa sinasabi ni Yna, OKAY! Ang alam ko lang,
kami ni Lourdes ay sinubukan mong patayin. YUN LANG! dahil gumaganti ka sa amin.

EDUARDO: bakit naman gagawin ni Amor yun?

CLAUDIA: Eh kase nga baliw siya! Kase hindi kaniya nakuha!

AMOR: kung gusto ko agawin ang asawa mo matagal ko ng nagawa!

(haharap si Amor kay Diego)

AMOR: at ikaw! Kung gusto kita patayin, sana wala ka dito ngayon! Hindi ba pumunta ka sa akin, nag
makaawa ka sakin, HINDI BA!

DIEGO: Oo nag makaawa ako, pero hindi para sa akin iyon Amor. Para kay Lourdes ko ginawa iyon,
Pero ano ang ginawa mo. HA! SINUBUKAN MO PA RIN! Hindi ako papayag. Dahil bakit, Pamilya ko,
kapatid ko. SINO PA BA HA! Kung kilangan mong makulong, para pag bayarin mo kami, GAGAWIN KO
YUN AMOR!

(susugod si Amor kay Diego at itutulak ito)

AMOR: kapal ng mukha mo! HA! Sa lahat ng ginawa mo sa akin, sa lahat ng kasinungalingan mo,
KULANG ANG KAMATAYAN BILANG KAPURASAHAN! Dahil hindi kita ipapatay, ipakukulong kita at
sisiguraduhin ko NA HABANG BUHAY KA MAGDURUSA!

(nag walk out si Amor at sumunod dito si Yna)

CLAUDIA: EDUARDO!

(susunod sana si Eduardo pero pipigilan siya ni Claudia)

CLAUDIA: Subukan mong sundan si Amor, para patunayan mo sa amin kung gaano ka kawalang
kwenta.

(titingnan ni Edurado si Claudia, Diego at Angelo, at susundan si Amor)

(si Alta kasama ang mga investor ay tiningnan si Eduardo).

You might also like