Ap10 Melc3 LP5 Q1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Araling Panlipunan- Grade 10

Pangalan:____________________ Antas:_______________ Marka:___________

I. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs

Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na


dulot ng mga suliraning pangkapaligiran. (MELC 3)
3.1 Ang Unang Yugto ng CBDRRM Plan: Disaster Prevention and Mitigation at
Ikalawang Yugto ng CBDRRM Plan: Disaster Preparedness

II. Overview/Pangkalahatang Ideya

Unang Yugto ng CBDRRM (Community-Based Disaster Risk Reduction


Management) Plan: Disaster Prevention and Mitigation
Sa bahaging ito, ang Disaster Management Plan ay tinataya o inaalam ang mga
hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang suliraning
pangkapaligiran. Mula sa mga impormasyon na nakuha sa pagtataya ay bubuo ng
plano upang maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna at
kalamidad. Isinasagawa ang Disaster Risk Assessment kung saan nakapaloob dito
ang: Hazard Assessment, Vulnerability Assessment at Risk Assessment.
Tinataya naman ang kakayahan at kapasidad ng isang komunidad sa pamamagitan
ng Capacity Assessment. Bakit kailangang mauna ang pagsasagawa ng pagtataya
sa yugto ng Prevention and Mitigation? Ito ay dahil kailangang maunawaan ng mga
babalangkas ng plano kung ano ang mga hazard, mga risk, at sino at ano ang
maaaring maapektuhan at masalanta ng kalamidad.

Hazard Assessment - tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na


maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad
sa isang partikular na panahon. Sa pamamagitan ng hazard assessment, natutukoy
kung ano ang mga hazard na gawa ng kalikasan o gawa ng tao na maaaring maganap
sa isang lugar. Sa pagsasagawa ng hazard assessment, dapat bigyang pansin ang
Pisikal at Temporal na katangian nito.

Pisikal na Katangian ng Hazard


Pagkakilanlan - Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard at kung
paano ito umusbong sa isang lugar.
Katangian - Pag-alam sa uri ng hazard

1
RO_AP_Grade 10_Q1_LP 5
Intensity - Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard
Lawak - Pag-aaral tungkol sa sakop at tagal ng epekto ng hazard
Saklaw - Pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan o maapektuhan ng hazard
Predictability - Panahon kung kailan maaaring maranasan ang isang hazard
Manageability - Pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard
upang mabawasan ang malawakang pinsala

Mahalagang maunawaan ng isang komunidad ang mga pisikal na katangian


ng hazard sa kanilang lugar upang maging malinaw ang mabubuong hazard
assessment. Bukod dito, ang impormasyon na maibibigay sa pagtukoy sa mga pisikal
na katangian ng hazard ay magdudulot ng higit na ligtas na pamayanan.

Temporal na Katangian ng Hazard

Frequency- Dalas ng pagdanas ng hazard. Maaaring ang hazard ay nagaganap


taon-taon, isang beses sa loob ng lima o sampung taon o kaya ay biglaan lamang.
Duration- Pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard. Maaaring ito ay
panandalian lamang tulad ng lindol; sa loob ng ilang araw tulad ng baha o kaya ay
buwan tulad ng digmaang sibil.
Speed of onset - Bilis ng pagtama ng isang hazard. Maaaring mabilisan o walang
babala tulad ng lindol o kaya ay may pagkakataon na magbigay ng babala tulad ng
bagyo o baha.
Forewarning - Tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at
oras ng pagtama nito sa isang komunidad
Force- Maaaring natural tulad ng hazard na dala ng hangin, tubig tulad ng malakas
na pagbuhos ng ulan, baha, pag-apaw ng ilog, flashflood, tidal wave at storm surge,
lupa tulad ng landslide at lahar; apoy tulad ng pagkasunog ng kagubatan o
kabahayan; seismic tulad ng lindol at tsunami; gawa ng tao tulad ng conflict gaya ng
digmaang sibil, rebelyon, at pag aaklas; industrial/technological tulad ng polusyon,
pasabog, pagtagas ng nakalalasong kemikal at iba pang hazard tulad ng taggutom,
tagtuyot, at pagsalakay ng peste sa mga pananim.
Matapos maunawaan ang mga pisikal at temporal na katangian ng hazard na
maaaring maranasan sa isang komunidad, maaari nang isagawa ang dalawang
mahalagang proseso sa pagsasagawa ng hazard assessment: ang Hazard Mapping
at Historical Profiling/Timeline of Events.

1. Hazard Mapping ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng


mga lugar na maaaring masalanta ng hazard at ang mga elemento tulad ng gusali,
taniman, kabahayan na maaaring mapinsala.

2
RO_AP_Grade 10_Q1_LP 5
2. Historical Profiling/Timeline of Events naman, gumagawa ng historical
profile o timeline of events upang makita kung ano-ano ang hazard na naranasan sa
isang komunidad, gaano kadalas, at kung alin sa mga ito ang pinakamapinsala.

Ang talahanayan sa ibaba ay isang halimbawa ng historical profile na ginagamit


sa pagsasagawa ng hazard assessment.

Gaya ng ipinakikita sa talahanayan, ang Historical Profile ay isang paraan sa


pagsasagawa ng Hazard Assessment. Kinakailangan ang koordinasyon sa mga
opisyales ng barangay o kaya ng pamahalaang panlungsod o pambayan upang ito ay
mapunan ng tamang impormasyon. Alinman sa dalawang nabanggit na halimbawa
ang gamitin sa pagsasagawa ng hazard assessment, mahalaga pa rin sa CBDRM
(Community-Based Disaster Risk Management) Approach ang partisipasyon ng
mga mamamayan dahil mayrooon silang personal na karanasan sa mga hazard sa
kanilang lugar. Mas mabibigyan ng sapat na kaalaman ang mga mamamayan kung
sila ay kabahagi sa pagsasagawa ng hazard assessment sa kanilang pamayanan.
Vulnerability at Capacity Assessment (VCA)- sumusukat sa kahinaan at
kapasidad ng isang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard na maaaring
maranasan sa kanilang lugar.

3
RO_AP_Grade 10_Q1_LP 5
Vulnerability Assessment- tinataya nito ang kahinaan o kakulangan ng isang
tahanan o komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard.

Mayroong tatlong kategorya ang Vulnerability, ito ay ang:

1. Pisikal o Materyal- Tumutukoy sa mga materyal na yaman tulad ng suweldo mula


sa trabaho, pera sa bangko at mga likas na yaman. Ang kawalan o kakulangan ng
mga nabanggit na pinagkukunang-yaman ay nangangahulugan na ang isang
komunidad ay vulnerable o maaaring mapinsala kung ito ay makararanas ng hazard.

Halimbawa: Di sapat na kita, pagkakaroon ng utang, kakulangan ng sapat


na kakayahan at edukasyon, kawalan ng pangunahing serbisyo tulad ng edukasyon,
pangkalusugan, sistema ng komunikasyon at transportasyon.

2. Panlipunan- Tumutukoy sa pagiging vulnerable o kawalan ng kakayahan ng grupo


ng tao sa isang lipunan at iba pang pangkat na maaaring maging biktima ng hazard.
Kasama rin dito ang pagiging vulnerable ng institusyong panlipunan tulad ng
pamahalaan.

Halimbawa ay mga kabataan, mga matatanda, mga may kapansanan,


maysakit, kawalan ng pagkakaisa ng mga miyembro ng pamilya, ng mga
mamamayan, hindi maayos na ugnayan sa pagitan ng mamamayan at pamahalaan
at kawalan ng maaayos na sistema ng pamahalaan tungkol sa Disaster Management.

3. Pag-uugali tungkol sa Hazard- May mga paniniwala at gawi ang mga


mamamayan na nakahahadlang sa pagiging ligtas ng isang komunidad. Bunga nito,
nagiging vulnerable ang isang komunidad.

Halimbawa: Kawalan ng interes sa mga programa ng pamahalaan, pagiging


negatibo sa mga pagbabago, kawalan ng sapat na kaalaman tungkol sa hazard sa
kanilang komunidad at pagiging palaasa sa pamahalaan at sa tulong ng pribadong
sektor.

Ang pagiging vulnerable ng isang lugar ay nangangahulugang mayroon itong


kakulangan sa mga nabanggit na kategorya. Bunga nito, nagiging mas malawak ang
pinsala na dulot ng hazard. Halimbawa, kung ang isang komunidad ay walang
pakialam sa mga programang pangkaligtasan ng kanilang pamahalaan, hindi nila
alam ang kanilang gagawin sa panahon ng sakuna o kalamidad. Ang mga
mamamayang ito ay matatawag na vulnerable dahil sila ang mga posibleng maging
biktima ng sakuna o kalamidad. Samantala, ang mga mamamayan naman na may
maliit na kita ay maituturing rin na vulnerable dahil maaaring hindi sapat ang kanilang
suweldo upang tustusan ang dagdag na gastusin sa panahon ng sakuna tulad ng
bagyo o baha. Sa usapin ng vulnerability ng isang komunidad, kailangan na maging

4
RO_AP_Grade 10_Q1_LP 5
mulat ang mga mamamayan sa mga hazard sa kanilang lugar. Tungkulin nila na
magkaroon ng kaalaman sa mga panganib at banta na maaari nilang maranasan.
Bukod dito, dapat na maging aktibo rin sila sa paglahok sa mga programa ng
pamahalaan kabilang na dito ang tungkol sa disaster management. Sa panig naman
ng pamahalaan, dapat na maging seryoso ito sa pagbuo ng disaster management
plan. Hindi dapat kalimutan ng pamahalaan ang kahalagahan ng partisipasyon ng mga
mamamayan sa lahat ng aspekto ng pagbuo ng Disaster Management Plan. Sa
pamamagitan nito, magkakaroon ng maayos na ugnayan sa pagitan ng mamamayan
at pamahalaan. Higit na mauunawaan ng mamamayan ang programa ng pamahalaan
kung sila ay kabahagi sa pagbalangkas nito.

Sa pagsasagawa ng Vulnerability Assessment, kailangang suriin ang sumusunod:


1. Elements at risk.Tumutukoy ang elements at risk sa tao, hayop, mga pananim,
bahay, kasangkapan, imprastruktura, kagamitan para sa transportasyon at
komunikasyon, at pag-uugali. Pagkatapos matukoy ang mga elements at risk, sinusuri
rin kung bakit sila maituturing na vulnerable. Halimbawa, may mga bahay sa
pamayanan na maituturing na vulnerable. Ilan sa mga dahilan ay ang lokasyon nito,
dahil malapit sa anyong-tubig, nasa paanan ng bundok, nasa mababang bahagi ng
pamayanan, o kaya ay gawa sa mga kasangkapang madaling masira ng bagyo.
Mahalaga ang pagsasagawa nito dahil makatutulong ito sa pagbuo ng disaster risk
reduction and management plan ng pamayanan.

2. People at risk. Sa people at risk naman, tinutukoy ang mga grupo ng tao na
maaaring higit na maapektuhan ng kalamidad. Halimbawa, ang mga buntis ay10 na
beses maituturing na vulnerable sa panahon ng kalamidad dahil sa kanilang
kondisyon. Gayundin, ang mga may kapansanan ay maituturing na vulnerable o
elements at risk. Itinuturing silang vulnerable dahil nangangailangan sila ng higit na
atensyon sa panahon ng kalamidad. Ang mga nabanggit na people at risk ay
kailangang ikonsidera sa pagbuo ng warning system, pagbuo ng evacuation plan, at
ng disaster risk reduction and management plan ng isang pamayanan.

5
RO_AP_Grade 10_Q1_LP 5
3. Location of People at risk. Sa usapin naman ng location of people at risk, tinutukoy
ang lokasyon o tirahan ng mga taong natukoy na vulnerable.

Ang vulnerability ng isang pamayanan ay nakabatay sa lokasyon nito,


halimbawa, mas vulnerable sa pagbaha, ang mga mabababang lugar. Samantalang
vulnerable naman sa landslide ang mga naninirahan malapit sa paanan ng bundok.

Halimbawa ng Vulnerability Assessment Chart


LUGAR URI NG HAZARD
Elements at risk Dahilan

People at risk

Location of People at risk

Sa Capacity Assessment tinataya at sinusuri ang kakayahan at kapasidad


ng komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazard. May tatlong kategorya ng
Capacity Assessment ito ay ang:

1. Pisikal o Materyal na aspekto, sinusuri kung ang mga mamamayan ay may


kakayahan na muling isaayos ang mga istruktura tulad ng bahay, paaralan, gusaling
pampamahalaan, kalsada at iba pa na nasira ng kalamidad.

2. Aspektong Panlipunan naman, masasabing may kapasidad ang isang komunidad


na harapin ang hazard kung ang mga mamamayan ay nagtutulungan upang ibangon
ang kanilang komunidad mula sa pinsala ng mga sakuna at kung ang pamahalaan ay
may epektibong disaster management plan.

Ang mga mamamayan na bukas ang loob na ibahagi ang kanilang oras,
lakas, at pagmamay-ari ay nagpapakita na may kapasidad ang komunidad na harapin
o kaya ay bumangon mula sa dinanas na sakuna o panganib.

6
RO_AP_Grade 10_Q1_LP 5
Sa pagsasagawa ng Capacity Assessment, itinatala ang mga kagamitan,
imprastraktura, at mga tauhan na kakailanganin sa panahon ng pagtama ng hazard
o kalamidad. Mahalaga ang pagsasagawa nito sapagkat magbibigay ito ng
impormasyon sa mga mamamayan at sa mga pinuno ng pamayanan kung ano at
kanino hihingi ng tulong upang mapunan ang kakulangan ng pamayanan. Tandaan
na hindi lahat ng pamayanan ay mayroong magkakatulad na pisikal na katangian.
Kung kaya’t maaaring makaapekto ito sa kanilang kapasidad. Gayundin, ang
pagkakaiba ng antas ng kita ng bawat pamayanan ay mayroon ding malaking epekto
sa pagiging handa nila sa panahon ng kalamidad.
Risk Assessment
Kung ang Disaster prevention ay tumutukoy sa pag-iwas sa mga hazard at
kalamidad, sinisikap naman ng mga gawain sa disaster mitigation na mabawasan ang
malubhang epekto nito sa tao, ari-arian, at kalikasan. Ito ay tumutukoy sa mga
hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may
layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan.

Dalawang uri ng Mitigation


1. Structural mitigation- Tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa sa pisikal na
katayuan ng isang komunidad upang ito ay maging matatag sa panahon ng pagtama
ng hazard. Ilan sa halimbawa nito ay ang pagpapagawa ng dike upang mapigilan ang
baha, paglalagay ng mga sand bags, pagpapatayo ng mga flood gates, pagpapatayo
ng earthquakeproof buildings, at pagsisiguro na may fire exit ang mga ipinatatayong
gusali.

2. Non Structural mitigation-Tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda


ng pamahalaan upang maging ligtas ang komunidad sa panahon ng pagtama ng
hazard. Ilan sa halimbawa nito ay ang pagbuo ng disaster management plan,
pagkontrol sa kakapalan ng populasyon, paggawa ng mga ordinansa at batas,
information dissemination, at hazard assessment.

7
RO_AP_Grade 10_Q1_LP 5
Kahalagahan ng Disaster Risk Assessment
1. Nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy, pagsusuri, at pagtatala
sa mga hazard na dapat unang bigyang pansin.

2. Nagiging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard na mayroon sa kanilang


komunidad na noon ay hindi nila alam. Sa pamamagitan ng risk assessment ay
nagkakaroon ng mas matibay na batayan ang maaaring maging epekto ng hazard sa
kanilang komunidad.

3. Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng disaster risk reduction and management plan.


Nagiging gabay sa pagbuo ng mga polisiya, programa, proyekto, at istratehiya upang
maging handa ang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard.

4. Nagbibigay ng impormasyon at datos na magagamit sa pagbuo ng plano at


magsisilbing batayan sa pagbuo ng akmang istratehiya sa pagharap sa mga hazard.

5. Isa sa mahalagang produkto ng risk assessment ay ang pagtatala ng mga hazard


at pagtukoy kung alin sa mga ito ang dapat bigyan ng prayoridad o higit na atensyon.
Ito ay tinatawag na Prioritizing risk.

Ikalawang Yugto: Disaster Preparedness


Madalas tayong nakakapanood ng mga patalastas sa telebisyon tungkol sa
mga dapat gawin sa panahon ng sakuna. Mayroon ding mga anunsyo sa radyo, sa
mga pahayagan, at maging sa ating pamayanan tungkol sa mga gagawin natin kung
sakaling tayo ay makaranas ng iba’t ibang kalamidad. Ito ay ilan lamang sa mga
gawaing nakapaloob sa ikalawang yugto ng DRRM plan.

Ang ikalawang yugto ay tinatawag na Disaster Response. Ito ay tumutukoy sa


mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna
o hazard. Mahalagang malaman ng mga miyembro ng pamilya, ng mga mamamayan
sa komunidad, at maging ng mga kawani ng pamahalaan ang mga dapat gawin sa
panahon ng sakuna o kalamidad. Dapat ring maliwanag sa bawat sektor ng lipunan
ang kanilang gagawin upang magkaroon ng koordinasyon at maiwasan ang pagkalito
at pagkaantala na maaari pang magdulot ng dagdag na pinsala o pagkawala ng
buhay.

Layunin ng mga gawaing nakapaloob sa yugtong ito na mapababa ang bilang


ng mga maapektuhan, maiwasan ang malawakan at malubhang pagkasira ng mga
pisikal na istruktura at maging sa kalikasan, at mapadali ang pag-ahon ng mga
mamamayan mula sa dinanas na kalamidad.

8
RO_AP_Grade 10_Q1_LP 5
Bago tumama at maging sa panahon ng kalamidad, napakahalaga ang
pagbibigay ng paalala at babala sa mga mamamayan. Ito ay may tatlong pangunahing
layunin:

1. To inform – magbigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability, at pisikal


na katangian ng komunidad.
2. To advise – magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa proteksiyon,
paghahanda, at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad, at hazard.

3. To instruct- magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na


dapat puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng tulong sa oras ng sakuna,
kalamidad, at hazard.

III. Mga Gawain

Gawain 1: SAGOT KO, HANAPIN MO!

Tukuyin ang angkop na konsepto ng mga kahulugan ng nasa ibaba ng kahon.


Piliin lamang ang mga sagot mula sa loob ng kahon at isulat ito sa patlang.

-Hazard mapping - vulnerability assessment -Hazard assessment


-Disaster Management Plan -Capacity assessment

________________1. Tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na


maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad
sa isang partikular na panahon.
________________2. Tinataya nito ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o
komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard.
________________3. Tinataya at sinusuri ang kakayahan at kapasidad ng
komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazard.
________________4. Tinataya nito ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa
pagharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran. Mula sa mga impormasyon na
nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang maging handa ang isang pamayanan
sa panahon ng sakuna at kalamidad.
________________5. Isinasagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga
lugar na maaaring masalanta ng hazard at ang mga elemento tulad ng gusali, taniman,
kabahayan na maaaring mapinsala.

9
RO_AP_Grade 10_Q1_LP 5
Gawian 2: Isa- isahin Mo!

Ibigay ang mga wastong konsepto na hinihingi sa bawat bilang.

1. Ang vulnerability ay may tatlong katangian, ang mga ito ay:


1.
2.
3.
2. Ang Capacity Assessment ay tumataya at sumusuri sa kakayahan at kapasidad ng
komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazard. May tatlong kategorya ang
Capacity Assessment, ito ay ang:
1.
2.
3.
3. May dalawang uri ang mitigation, ang mga ito ay:
1.
2.
4. Ibigay ang Pisikal na Katangian ng Hazard
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
5. Ibigay ang Temporal na Katangian ng Hazard
1.
2.
3.
4.
5.

Gawain 3: Call Out

Kumpletuhin mo ang pahayag na iyong makikita sa loob ng speech balloon.


Ang iyong sagot ay hindi bababa sa 20 salita.

10
RO_AP_Grade 10_Q1_LP 5
11
RO_AP_Grade 10_Q1_LP 5
IV. Rubrik sa Pagpupuntos

Gawain 1: Talasalitaan - Bawat tamang sagot- 1 puntos


Gawain 2: Pag isa- isa- Bawat Tamang Sagot – 1 puntos
Gawain 3: Call-out
Nilalaman- 5
Organisasyon ng Ideya- 3
Gramatika- 2
KABUUAN- 10

V. Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. Hazard assessment
2. Vulnerability assessment
3. Capacity assessment
4. Disaster Management Plan
5. Hazard mapping

Gawain 2
1. Ang vulnerability ay may tatlong katangian
1. Pisikal o Materyal
2. Panlipunan
3. Pag-uugali tungkol sa hazard

2. Tatlong kategorya ng Capacity Assessment


1. Pisikal o Materyal
2. Panlipunan
3. Pag-uugali ng mamamayan tungkol sa hazard.

3. Dalawang uri ang mitigation


1. Structural mitigation
2. Non Structural mitigation

4. Pisikal na Katangian ng Hazard


1. Pagkakilanlan
2. Katangian
3. Intensity

12
RO_AP_Grade 10_Q1_LP 5
4. Lawak
5. Saklaw
6. Predictability
7. Manageability

5. Temporal na Katangian ng Hazard


1. Frequency
2. Duration
3. Speed of onset
4. Forewarning
5. Force
Gawain 3
Ang sagot ng mag-aaral ay batay sa kanilang pagkaunawa sa talakayan kaya
ito ay maaaring magkakaiba.

VI. Sanggunian

1. Learning Module in Araling Panlipunan 10 pp.103-117

Inihanda ni:

ROWENA A. DELFIN
Balud National High school
Masbate Province Division

Editor- ULYSSES A. VALERA II

Tagaguhit- Em Jhun A. Fajel

Tagalapat- Yrroprem O. Yanson

13
RO_AP_Grade 10_Q1_LP 5

You might also like