Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Unang Pagbasa (Pangkatan)

Ipabasa ang kuwentong-bayan sa klase katulad


ng dulang pangradyo

Si Malakas at si Maganda (Kuwentong-bayan)

Bago nagsimula ang panahon, ang daigdig ay isang malaking kawalan. Ang
tahanan ng Diyos ay di-masukat na kalawakan. Naging malungkutin ang Diyos
sapagkat wala Siyang makita at walang marinig. Ang araw ay sumisikat, maliwanag
na parang ginto at ang langit ay napapalamutihan ng mapuputing ulap. Sa malayo
ay nakasilip ang buwang kabilugan samantalang kukuti-kutitap ang libong mga
bituin. Iniangat ng Diyos ang Kanyang kanang kamay at ito’y itinuturong pababa.Sa
isang iglap ay nalalang ang mundo. Ang mga luntiang kakahuyan ay sumibol, pati
ang damo.Namukadkad at humalimuyak ang mga bulaklak.
Ang mga dagat ay umalon at ang mga ilog ay umagos. Nagliparan ang mga ibon sa
himpapawid at nag-aawitan. Nayari ng Diyos ang sanlibutan.Ito ay isang ginintuan at
mahiwagang paraiso.
Isang araw, ang hari ng mga ibon ay lumipad at ginalugad ang papawirin.
Pagkatapos ay ikinampay ang matipunong mga pakpak at napaimbulog na pababa
sa
kakahuyan.
Mula sa malayo, kanyang natanaw ang mataas na kawayang yumuyukod sa
mahinhing paspas ng hangin.
Kanyang binilisan ang paglipad at napaimbulog na pababa. Siya’y dumapo sa
naturang kawayan upang magpahinga.
Tok! Tok! Tok!
Nadama niya ang maririig na katok na nagmumula sa loob ng kawayan. May tinig
siyang narinig!
“Palayain mo ako, oh, makapangyarihang hari ng mga ibon!” ang hinaing.
Tuktukin ng iyong tuka ang kawayang kinapapalooban ko. Hindi ako
makahinga.Para
itong karsel!”
“Baka ito’y patibong !” ang isip ng ibon. Kinamayamaya’y may butiking gumapang
na paitaas sa kawayan. Ang ibong palibhasa’y gutom, ito’y tinuka ngunit hindi
nahuli.
Buong lakas na tinuktok uli ng ibon ang kawayan.
Crack!
Nabiyak ang kawayan. Isang makisig na lalaki ang lumabas.
Ikalawang Pagbasa (Ipabasa sa isang mag-aaral ang alamat at ang paraan ng
pagbabasa ay tulad ng pagkukuwento ni Lola Basyang.)

You might also like