ARALING PANLIPUNAN 4 TVBI Script - Docx - Mitch

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
DIVISION OF CAMARINES SUR
Sipocot South District
AWAYAN ELEMENTARY SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN 4 -WEEK 6 QUARTER 1


MELC- Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang mabawasan ang epekto ng kalamidad. (AP4AAB-Ii-
j-12).

VIDEO AUDIO
OBB
Scene 1
TM Intro spiel Teacher Mitch Teacher Mitch:
Makabayang araw mga bata! Batang Pilipino,
Handang matuto!
Akosi Teacher Mitch ang gabay ninyo sa inyong
paglalakbay sa asignaturang Araling
Panlipunan. Tara na!

Scene 2
TM gesture of pointing ballpen, Bago tayo magsimula tsek muna natin kung
kwaderno at modyul. meron n kayo ballpen, kwaderno at modyul.
Magaling.Tayo na mag umpisa.

Scene 3
GFX: Title Card Teacher Mitch:
Araling Panlipunan 4 Welcome sa Araling Panlipunan 4 Quarter 1
Kuwarter 1, Leksyon 6 week 6
“Mga Paraan upang Mabawasan ang “Mga Paraan upang mabawasan ang epekto ng
Epekto ng Kalamidad.” kalamidad”.

Scene 4
TM: Teacher Mitch:
Sinasabi ang objectives. Sa pagtatapos ng aralin ito, inaasahang ikaw ay
makakagawa ng mga mungkahi upang
mabawasan ang masamang epekto dulot ng
kalamidad.

Scene 5
Balik-aral: Teacher Mitch:
GFX pop text picture with sound and Bago tayo magsimula. Balik-aralan muna natin
voice over. ang nakaraang aralin. Pinag-aralan natin ang
Mga larawan ng Anyong Lupa at Anyong tungkol sa Anyong Lupa at Anyong Tubig sa
Tubig. bansa.

Scene 6
Pictures Anyong Lupa Teacher Mitch:
Ang mga Anyong Lupa ay ang kapatagan,
bundok, burol, talampas, bulkan at lambak.

Scene 7
Pictures Anyong Tubig Teacher Mitch:
Ang mga anyong tubig ay ang karagatan, dagat,
look, golpo, tsanel, kipot, ilog , lawa, talon at
bukal.
Scene 8
Pop text: Teacher Mitch:
Pag-usapan Natin 1. Ano ang dapat gawin para maging handa sa
kalamidad?
2. Ano ang mga paraan o hakbang na dapat
sundin sa oras na magkaroon ng kalamidad?
Scene 9
GFX Pictures/ Videos: Teacher Mitch:
Nagpapakita ng paglindol 1. LINDOL
Tingnan ang mga larawan. Ano kaya ang nangyayari sa mga larawang ito?
Tama! Mayroon Lindol.
Ang lindol ay isang natural na phenomena kung
saan ang lupa ay yumayanig.
GFX Text: Teacher Mitch:
Bago lumindol Narito ang mga dapat tandaan bago lumindol.
1. Alamin ang mga panganib dulot ng lindol sa
inyong lugar.
2. Ilagay o itago sa pinakaibaba at ligtas na parte ng
istante ang mga babasahin, mga nakakalasong
kemikal at mga bagay na madaling magliyab.
3. Alamin ang mga daan palabas.
GFX Pictures:
Ano ang nakikita sa larawan?
Fire
First Aid Kit
Extinguisher 4. Alamin kung saan matatagpuan at matutong
gamitin ang mga fire extinguisher, first aid kit, alarm,
gamit pang komunikasyon at emergency kit.
5.Magdala ng “Emergency Kit” na naglalaman ng
first aid kit, pagkain, tubig, damit, kumot, flashlight,
extra baterya at iba pa.
6. Regular na magsagawa at makilahok sa mga
Earthquake drill.
GFX Text: Teacher Mitch:
Habang Lumilindol Narito naman ang mga dapat tandaan habang
lumilindol.
Pictures of “ Duck, cover and hold”
1. Gawin ang “ duck, cover and hold.”
2.Kung nasa loob ng isang matibay na bahay o
gusali, manatili sa loob. Maging mahinahon.
3. Kung kakayanin buksan nang mabilis ang
pintuan.
4. Magtago sa ilalim ng matibay na mesa at
humawak sa paanan nito. Kung walang mesa,
takpan ng mga kamay ang ulo at batok.
5. Lumayo sa bintana at pintong babasagin istante,
cabinet at iba pang mabibigat na mga bagay.
6. Mag-ingat sa maaring bumagsak na mga bagay.
Maging alerto at mapagmasid sa kapaligiran.
7. Kung nasal abas, pumunta sa isang ligtas na
lugar.
8. Lumayo sa mga puno, poste ng kuryente, pader
at iba pang istraktura na maaring bumagsak o
matumba.
9. Lumayo sa gilid at dalisdis na lumikas sa mas
mataas na lugar.
GFX text: Teacher Mitch:
Matapos ang Lindol Narito ang mga dapat tandaan matapos ang
lindol.
1. Matapos ang pagyanig, piliin ang pinakamabilis at
pinakamaligtas na daan palabras sa gusali.
2. Maging handa sa aftershocks.
3. Huwag gumamitng elevator or escalator
4. Huwag pumasok sa mga gusaling may sira.
5. Suriin ang sarili at mga kasama kung nagtamo ng
pinsala.
6. Kung kinakailangan lisanin ang tahanan, mag –
iwan ng mensahe na nakasaad ang lugar na
patutunguhan. Dalhin ang emergency supply kit.
7. Patuloy na making sa mga anunsyo at babala
gamit ang radyong de baterya.
8. Maaaring magkaroon ng tsunami.
Scene 10
GFX pictures Teacher Mitch:
-Tsunami 2. TSUNAMI
Tingnan ang mga larawan.
Tsunami – ang Tsunami ay di pangkaraniwang
paglaki ng alon sa dalampasigan dulot ng malakas
na paglindol sa ilalim o sa baybay dagat.
GFX pop-up text and pictures Teacher Mitch:
-Mga paraan sa paghahanda sa 1. Ihanda ang emergency kit att ilagay sa lugar na
Tsunami madaling makita.
2. Maging pamilyar sa inyong lugar, alamin ang taas
ng inyong lugar mula sa lebel ng dagat at ang layo
nito mula
3. Maging handa sa anumang bababala o senyales
ng tsunami gaya ng mabilis na pagtaas ng lebel ng
tubig sa dagat.
4.Kapag nagkaroon ng isang paglindol at ikaw ay
nasa baybying dagat, buksan ang inyong radio at
alamin kung mayroong babala para sa tsunami.
Pop up Chart:
TSUNAMI ALERT LEVEL SA PILIPINAS
ALERT LEVEL MGA DAPAT GAWIN
0 - Huwag mabahala Walang pinaiiral na utosng paglikas
1 - Maghanda Walang babala. Hindi kailangan lumikas
2 - Magmatyag Maging alerto sa mga di-pangkaraniwang alon sa karagatan.
Lumayo samga baybaying dagat at huwag magtungo sa
dalampasigan.
3 - Lumikas Agarang lumikas patungo sa mas mataas na lugar o
papalayo sa baybaying sagat.

Scene 11
GFX pop-up pictures Teacher Mitch:
3. BAGYO
Pictures Bagyo Tinganan ang larawan.
Ano ang nakikita ninyo?
Tama Bagyo ang nakikita ninyo.
Ang bagyo ay napakasamang lagay ng panahon
na may dalang malakas na hangin at ulan.
Tinatawag ding ito “ Buhawing tropical” or “
Tropical Cyclone”
GFX pop-up text Teacher Mitch:
-Signal No. 1 Isang bagyo ang paparating sa lugar.
Inaasahan ang hangin may bilis na 30 hanggang 60
kph.
Inaasahan ang pabugso-bugsong ulan sa loob ng
36 oras. Kung nabuo ang bagyo malapit sa lugar,
mas maikli ang palugit na ilalagay sa ulat panahon
hinggil sa pagdating ng hangin.
GFX pop-up text Teacher Mitch:
Mga Paalala:  Kapag lumakas atkumilos papalapit ang
bagyo maaaring itaas ang warning signal.
 Pinapayuhan ang lahat na making sa
pinakahuling- ulat panahon mula sa
PAGASA kada anim na oras.
 Maaaring isagawa ang pang- araw-araw na
mga trabaho at gawain maliban na lang
kung bumaha.
 Itinas na ang pagkaalerto ng mga pangkat
na tutugon sa epekto ng bagyo.
 Suspendido ang pasok ng mga mag-aaral sa
kinder.
GFX pop-up text Isang bagyo ang paparating sa lugar
Signal no. 2 Inaasahan ang hangin may bilis na 60 kph
hanggang 100 kph sa loob ng 24 oras.
GFX po-up text Teacher Mitch:
Mga Paalala:  Mapanganib sa maliliit na sasakyang
pandagat ang karagatan pati na ang mga
dalampasigan.
 Higit na atensyon ang kailangan ibigay sa
pinakahuling posisyon, direksyon, bilis at
lakas ng bagyo habang kumikilos ito
patungo sa isang lugar.
 Pinag-iingat ang publiko lalo na ang mga
naglalakbay sa karagatan.
 Huwag palabasin ng bahay ang mga bata.
 Itago o ihanda ang mga ari-arian bago pa
tumaas ang warning sgnal.
 Kumikilos na ang disaster preparedness
agencies/ organization para paghandain ang
kanilang mga komunidad.
 Suspendido ang pasok hanggang
highschool.
GFX Text Teacher Mitch:
Signal no. 3 Isang bagyo ang paparating sa lugar.
Inaasahan ang hangin may bilis na 100 kph
hanggang 185 kph sa loob ng 18 oras.

GFX TEXT Teacher Mitch:


Mga Palala:  Delikado ang lagay ng panahon sa mga
apektadong lugar.
 Lubhang delikado sa lahat ng uri ng
sasakyanng pandagat ang karagatan at mga
dalampasigan.
 Mapanganib ang paglalakbay lalo na sa
dagat at papawirin.
 Kumikilos na ang mga disaster
preparedness unit.
 Pinapayuhan ang lahat na manatili sa mga
gusaling matibay ang pagkakatayo, lumikas
sa mababang lugar at luamayo sa mga
pampang ng ilog o sa mgadalampasigan.
 Maging alerto sa pagdaan ng mata ng bagyo
na maaaring matukoy sa pamamagitan ng
biglang pagbuti ng panahon na agad
namang susundan ng pagsama na may
dalang malakas na hangin na madalas na
madalas nagsisimula sa hilaga.
 Suspendido na ang mga klase sa lahat ng
antas at hindi pinapayagang lumabas ang
mga bata.
GFX text Teacher Mitch:
Signal No. 4 Inaasahan ang hanging may bilisna 185 kph o
mahigit pa sa loob ng 12 oras.
GFX Text Teacher Mitch:
Mga Paalala:  Maaaring maging sanhi ng matinding
pagkawasak sa komunidadang sitwsyon.
 Dapat ng isagawa ang lahat ng paglikas
patungo sa mas ligtas na lugar.
 Habang papalapit ang mata ng bagyo
patuloy ang paglala ng lagay ng panahon na
may hatid na mga hangin galling hilaga
papalakas hanggang sa opinakamatindi nito.

SCENE 6
GFX Text Teacher Mitch:
Isang ubodng lakas na bagyo ang paparating sa
Super typhoon lugar.
Inaasahan ang hanging may bilis na 220 kph o
mahigit pa sa loob ng 12 oras.

GFX Text  Maaaring maging sanhi ng ubod ng tinding


Mga Paalala pagkawasak o delobyo sa komunidad.
 Dapat ng isagawa ang lahat ng paglikas
patungo sa mga ligtas na lugar.
 Isang biglaang pag buti ng panahon ang
mararanasan na nangangahulugang nasa
ilalim na ng mata ng bagyo ang lugar.
Scene 12
GFX TEXT Teacher Mitch:
STORM SURGE 4. STORM SURGE
Dahil sa malakas na hangin dulot ng bagyo.
Maaaring makaranas ng daluyong na bagyo o
tinatawag na storm surge ang mga taong nakatira
malapit sa dalampasigan.
Ang storm surge ay maaaring makapinsala at
tangayin ang anumang bagay na dadaanan nito.
GFX TEXT Teacher Mitch:
Mga Paalala kapag may storm surge  Maghanda sa posibilidad na paglikas sa mas
mataas na lugar o evacuation center bago
bago pa man magkaroon ng storm surge.
 Maging Mahinaghon.
 Maghanda at magdala ng mga gamit tulad
ng damit, pagkain, inumin, first aid kit,
flashlight at radyong de baterya.
Scene 13
GFX Pictures and Text Teacher Mitch:
5. BAHA
BAHA
Mararanasan tuwing walang tigil ang pagbuhos ng
ulan.
GFX TEXT Teacher Mitch:
Mga Paalala bago ang baha  Makinig sa kinauukulan. Tumutok sa radio,
TV o internet para sa mga ulat panahon
mula sa PAGASA at ilan pang katuwang na
ahensiya sa gobyerno.
 Maghanda sa posibilidad na paglikas sa mas
mataas na lugar o evacuation center bago
pa man magkaroon nag pag baha.
 Magdala ng mga gamit tulad ng damit,
pagkain at inumin, frist aid kit, flashlight at
radyong de baterya.

GFX TEXT Teacher Mitch:


Mga Paalala kung may babala nag Baha  Makinig sa radio omanood sa telebisyon
para sa emergency instructions.
 Mag-imbak ng malinis na tubig na tatagal sa
tatlong araw sakaling mawalan ng water
supply.
 Kung kinakailangan lumikas gawin ito agad
ng mahinahon bago malubog sa tubig baha.
 Ilagay ang mga kagamitan sa mataas na
bahagi ng bahay.
GFX TEXT Teacher Mitch:
Mga Paalala pagkatapos ng baha  Mag-ingat sa pagpasok sa bahay at
gumamit ng flashlight.
 Huwag kainin ang natirang pagkain at tubig
sa loob ng bahay, kung hindi pa tiyak na
hindi ito naabot ng baha.
 Ipagbigay sa mga kinauukulan ang mga
putol na kawad ng kuryente at telepono.
Gawaing Pagkatuto Teacher Mitch:
Panuto: Ipaliwanag sa pamamagitan ng dalawa o
tatlong pangungusap ang mga sakunang naidudulot
ng mga sumusunod na kalamidad sa ibaba. Ipasa
ito sa inyong portfolio.
1. Lindol
2. Tsunami
3. Bagyo
4. Storm Surge
5. Baha
Generalization Teacher Mitch:
TM: Nasasabi ang kalagayan ng  Ang kalagayan ng Bansang Pilipinas sa
Bansang Pilipinas. Pacific Ring of Fire ay nagdudulot ng
madalas na paglindol, pagputok ng bulkan,
at pagpasok ng mga bagyo sa ating
bansa.Hindi natin ito maiiwasan ngunit ang
sakunang dulot nito ay maaari nating
paghandaan.
 Ang kalamidad ay maituturing na mga
pangyayaring nagdudulot ng malaking
pinsala sa kapaligiran, ari-arian kalusugan at
sa mga tao sa lipunan.
 Maraming paraan upang maiwasan ang mga
sakuna dulot ng kalamidad.
 Sa tulong ng Disaster Risk Reduction
Management Council or (DRRMC) itinuturo
sa ating paaralan ang mga paraan kung
paano paghandaan at iligtas ang sarili at
pamilya sa panahon ng kalamidad.
 Ang maagap at wastong pagtugon sa mga
panganib ay malaking tulong upang
mabawasan ang masamang epekto dulot ng
kalamidad.
GFX text Teacher Mitch:
Gawaing Pagkatuto Panuto: Pagmasdan ang larawan sa ibaba. Anong
kalamidad ang ipinapakita nito? Paano natin ito
Larawan ng Baha maiiwasan sakaling maulit muli itis a ating bansa?

Teacher Mitch:
Magaling mga bata.
GFX Text Teacher Mitch:
Gawaing Pagkatuto Panuto: Sa pamamagitan ng isang Role Play
gumawa ng isang interview sa isang kawani ng
Disaster Risk Reduction Management Council or
DRRMC na magbibigay ng mga mungkahi kung
paano makakaiwas sa mga sakunang dulot ng mga
kalamidad. Ikaw ang reporter sa Role Play at
maaari isa sa mga magulangmo, kasama sa bahay,
kapitbahay o kaibigan ang tatayo bilang kawani ng
DRRMC.

Kawani ng
Reporter
DRRMC

Teacher Mitch:
Binabati ko kayo mga bata. Natapos moa ng mga
gawain sa ika-anim na lingo sa Araling Panlipunan
4.
Muli ako si Teacher Mitch ang inyong gabay sa
paglalakbay ……Paalam!
….
Prepared by:

MESHIEL O. PAGAO
Grade IV- Adviser

Noted:

TERRY SD. OYA SR.


Teacher In- Charge

You might also like