Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pangkat: Tatlo Subject Code: FIL167 - Wika at Kapayapaan

Mga Kasapi: Petsa: Marso 1, 2023


De Guzman, Michelle Grace S.
Flores, Farrel L.
Resurreccion, Lowe

BUOD: Wika at Kapayapaan


Ni: Kate Aubrey Tadlip

Ang Wika at Kultura ay magkabuhol, subalit kagaya ng wika at kultura,


maiiuuganay rin sa wika ang kapayapaan lalo pa’t bahagi ng kahalagahan ng wika
ang pagsulong ng kapayapaan.

WIKA AT IDENTIDAD
Ang wika ay pagkakakilanlan, ito ang nagsisilbing identidad mapa-
personal, communal, societal, rehiyunal, nasyunal at internasyunal man. Ang wika ay
makapangyarihan, ito ay may kakayanang magbuklod at gumawa ng gulo o magdala
ng kapayapaan o pagkakaisa sa bawat tao, komunidad o lipunan.

KAPANGYARIHAN NG WIKA
Ang wika at mga salita ay nakapagkikintal ng bakas at epekto sa
tagapakinig at mamabamasa nito sa pementeng long-term at short term basis na
maaring magdulot ng pagpapakahulugan sa isang bagay. Ang bawat tao ay may
kakayahang magbigay kahulugan batay sa kung ano ang kaniyang naring, nabasa, o
naobserbahan. Ito ay isang kognitibong proseso na maaring isagawa sa paraan ng:
1.) Obserbasyon, 2.) Repleksyon, 3.) Paghatol 4.) Pagtugon, 5.) Reaksyon,
6.) Klaripikasyon, 7.) Pagpapaliwanag, atbp.

WIKA AT HINDI PAGKAKAINTINDIHAN


Ang bawat hindi pagkakasundo ng tao ay nangangahulugan lamang na
may pangangailangan itong marapat tugunan na maaring maresolba lamang ng
isang materyal o sikolohikal na bagay. Subalit, ang pagkakaroon ng iisang wikang
ginagamit sa pagitan ng conflicting elements ay isang krusyal na bagay sapagkat sa
pamamagitan ng wika, ang tao ay may kakayahang maipabatid ang kaniyang
pangangailangan na dapat tugunan.
Ang kalidad ng komunikasyon ay nakadepende sa linggwistikang
kakayahan ng isang indibidwal, kamalayan sa saling wik at kultura, kamalayan ng
maging sa iba, kamalayan sa personal al at communal na nakaraan ng tao,
kapaligiran, sitwasyon at antas ng pamumuhay. Ang hindi pagkakasundo ay hindi
maiiwasan dahil nga ito ay likas. Subalit, marapat na maging bukas ang tao sa
mabisang pakikipagkomunikasyon para sa pagresolba ng conflict.

1|Page
REPLEKSYON

WIKA NG KAPAYAPAAN

Napakalaki ng ginagampanan ng wika sa kapayapaan at napakalaki


rin ng ginagampanan ng kapayapaan sa wika. Sapagkat malaking bahagi ang wika
sa ating identidad; ang wika ay makapangyarihan; at ang wika rin ay hadlang o
maaaring maging sanhi ng hindi pagkakaintindihan na kung saan ang mga ito ay
malaking mga bagay na dapat ikonsidera para sa pagkakaroon ng kapayapaan.
Ang wika ay napakahalaga dahil gamit ito sa pakikipagtalastasan. Sa
pamamagitan ng pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon ay napapanatili
natin ang kapayapaan sa ating sarili, sa kapwa at sa komunidad. Sa pamamagitan ng
wika ay natutugunan at nasusulusyonan ang ating mga pangangailangan (needs) na
maaaring materyal o sikolohikal—sa tuwing natutugunan ang mga pangangailangan
ay nababawasan ang posibilidad ng kaguluhan. Samantala, ang kapayapaan ay
napakahalaga sa tao dahil ito ang isa sa nagbibigay ng katiyakan at kaginhawaan sa
tao. Ang kapayapaan ay nakaiimpluwensiya sa wika dahil ang kapayapaan ay isa sa
dahilan upang maiwika ng tao ang kaniyang identidad, mga saloobin at mga ideya.
Ang maayos na paggamit ng wika ay may mabuting dulot upang
mapanatili ang kapayapaan. Subalit ang hindi maayos na paggamit ng wika ay
maaaring magdulot ng kaguluhan, kawalan ng pagkakaisa at kalituhan. Kailangan
mayroong sapat na kaalaman ang lahat ng tao sa wika dahil maaari itong makaayos
o makasira ng anumang bagay sa mundo

SANGGUNIAN:
Tadlip, K. (n.d). Wika at Kapayapaan [docs]. Nakalap mula sa:
https://www.scribd.com/document/513350938/Wika-at-kapayapaan

2|Page

You might also like