Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

STUDENT LEARNING PLAN

Learning Plan in: FILIPINO Date: August 24- September 4


Grade Level: Baitang 12 Quarter: 1st
Teacher: Week: 1st -2nd

Paksa:
Kahulugan, Kalikasan, at Katangian ng Pagsulat ng Teknikal
PamantayangPangnilalaman:
Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t
ibang larangan (TechVoc).
PamantayansaPagganap:
Nakabubuo ng manwal ng isang piniling sulating teknikal bokasyunal.
Pamantayan sa Pagkatuto:
Nabibigyang-kahulugan ang teknikal at bokasyunal na sulatin.
Nabibigyang-kahulugan ang teknikal at bokasyunal na sulatin.
Nakikilala ang iba’t ibang teknikal bokasyunal na sulatin ayon sa:
a. Layunin
b. Gamit
c. Katangian
d. Anyo
e. Target na gagamit

Tiyak na Layunin:
Pagkatapos ng apat na araw na talakayan, ang mga mag-aaral sa baitang 12 ay inaasahang:
Task 1-2
a. Nailalahad nang pasalita/pasulat ang kahulugan ng teknikal at bokasyonal na sulatin.
b. Nasusuri ang teknikal at bokasyonal na sulatin base gamit nito sa lipunan.
c. Naiisa-isa ang proseso ng pagsulat.
Task 3-4
d. Naitataya ang teknikal at bokasyonal na sulatin ayon sa uri nito.
e. Naiisa-isa ang mga layunin at katangian ng teknikal-bokasyunal na sulatin.
Task 5-6
f. Napahahalagahan ang simulain ng teknikal-bokasyunal na sulatin.
Task 7-8
g. Nasusuri ang iba’t ibang teksto batay sa layunin at uri ng teknikal at bokasyonal na sulatin.

Task 1-2
I- Pasiunang Gawain
Pagganyak
May mga larawan na ipapakita ng guro sa mga mag-aaral at pagkatapos ay magbibigay din ng katanungan.
1. Ano ang nauunawaan mo sa larawan?
2. Ito ba ay mahalaga sa ating lipunan?
3. Ano ang gamit nito sa ating lipunan?
Talasalitaan
Basahin at unawain ang mga pahayag. Piliin ang tamang sagot na nasa loob ng kahon at isulat bago ang
numero.
1. Ito ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitibo at
sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa, at minsan, maging ng manunulat mismo.
2. Halos lahat ng pagsusulat sa paaralan ay masaabing akademiko mula sa antas primary
hanggang sa doktoradong pag-aaral.
3. Pampamamahayag ang uri ng ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamahayag
o journalist.
4. Naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o sors hinggil sa isang paksa.
5. Nakatuon o ekslusibo sa isang tiyak na propesyon.
6. Masining ang uring ito ng pagsulat.

Teknikal Journalistic Propesyonal


Akademiko Reperensyal Malikhain

Pamukaw Kaalaman
Ang bawat mag-aaral ay magbibigay ng kasingkahulugan ng Teknikal at Bokasyonal na sulatin gamit
ang Speech at Thought Balloon. Isulat ito sa isang buong papel.

TEKNIKAL-
BOKASYUNAL

II- Pagpapaunlad ng Aralin


Pamamaraan
1. Gawain “ Malayang Talakayan”
Basahin at unawain ang paksang-aralin.
2. Daloy ng Kaisipan
Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan,
pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento. Komprehensibo ang pagsulat sapagkat bilang
isang makrong kasanayang pangwika, inaasahang masusunod ng isang manunulat ang maraming
tuntuning kagunay nito.
3. Sintesis/Pagwawakas
Hindi biro ang gawaing pagsulat. Ang pagsuong sa gawaing ito ay nangangailangan ng
puspusang mental at konsiderableng antas ng kaalamang teknikal at pagkamalikhain.

Task 3-4
1. Pagbabalik-tanaw
Upang matukoy ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa naunang gawain ang guro ay magbibigay ng mga
katanungan:
a. Ano ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ayon sa iyong sariling pagkakaintindi?
b. Magbigay ng ilang mga pananaw sa pagsulat.
2. Gawain 1 “word puzzle”
Hanapin at bilugan ang mga katangian ng isang mabuting teknikal-bokasyunal na sulatin.

W A L A N G K A M A L I A N F G G T H K
G X S R A B D H J D K E L A L O C D R F
D V R R U O S G H Y T S B C K L Z B D H
I H D V U K E D I E M O S Y U N A L D D
R W K N N A F Q W W Q R T I U P Z X E S
R O W F A B Y W Y W R E T I Y A K D D Y
E W J D W U T E I Q W S D R R T I O Y K
T T K S A L H R O O B H E T I B O C D S
G U I W A A W Y T E D G R T Y I A S Z T
B M L F N R A U U W E N Q U T I S I O K
X P R G R Y N O I S O W W Q Z S W W Q H
N A S Y W O I F O Y W S D R T I O P Z Q
F K D T A E L D S S D R R T Y I O P S M
K F H H Q R A A Q W E D R T Y Q W E R G
E S W T R S M W R T Y I O W Q R Y R S B
U J K E G R A M A T I K A L Q E R Y U V
O Y W S O W G H Q Y G T Y I K A W L O S
Q E L P A M A N T A Y A N Q W C S R T W
B A M R Y G A D R E I D N I K A D L W DH
M I R D R Y G A W G H U K L I O C Y P W

3. “Malayang Talakayan”
Basahin at unawain ang paksang-aralin: katangian ng isang mabuting teknikal-bokasyunal na sulatin.
4. Daloy ng Kaisipan
Kapwa isang gawaing personal at sosyal ang pagsulat. Personal na gawain ito kung ang pagsulat ay
ginamit para sa layuning ekspresibo o sa pagpapahayag ng iniisip o nadarama. Sosyal na gawain naman ang
pagsulat kung ito ay ginagamit para sa layuning panlipunan.
5. Sintesis/Pagwawakas
Kailangan tandaaan ng sino mang mag-aaral ang bawat uri ng teknikal at bokasyonal na sulatin ay
mayroong iba’tibang layunin. Para mas maging epektibo ito mayroon itong mahahalagang hakbang na
sinusunod; bago magsulat, habang nagsusulat, at pagkatapos magsulat.

Task 5-6
1. Pagbabalik-tanaw
Upang matukoy ang pag-unawa ng mga mag-aaral nagdaang gawain ang guro ay magbibigay ng
formative assessment.
• Write it down
Ang mga mag-aaral ay susulat ng pagpapaliwanag sa kanilang naintindahan at paano nila napahalagahan
ang paksa. Isulat sa isang buong papel.
2. Gawain “Malayang Talakayan”
Basahin at unawain ang paksang-aralin: Simulain ng pagsulat ng teknikal-bokasyunal na sulatin.
3. Daloy ng Kaisipan
Ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang komplikado. Nag-iiba-iba rin ito depende sa manunulat.
Magkagayon man, mabubuo dito sa tatlong pangunahing hakbang (pre-writing, actual writing, at rewriting). Sa
kabilang banda, mauuri rin ang pagsulat ayon sa iba’t ibang pangangailangan ng mga tao sa lipunan. Maaaring
magbigay-impormasyon ukol sa isang paksa o isyu, tumatalakay sa kasaysayan ng isang bagay, pangyayari at
pook o kaya’y magsulat ng isang simpleng akdang nagbibigay-aliw sa mga mambabasa.
4. Pagpapalawak ng Konsepto
Ang mga mag-aaral ay magtatala ng kahit ilang halimbawa ng teknikal at bokasyonal na sulatin at
susuriin ng mga mag-aaral ang ibinigay na sulatin ayon sa layunin at uri nito.
5. Sintesis/Pagwawakas
Totoong ang pagsulat ay komplikado ngunit hindi ibig sabihin na hindi tayo makasusulat ng isang
sulating gawang atin. Tayong lahat ay may kakayahan nito kailangan lamang nating maging matiyaga at
kakikitaan ng pagtatagumpay sa larangan ng pagsulat.

Task 4
III- Pagpapahalaga
Values Istandards
Pagtitiwala
Sa buong linggong talakayan ay tinalakay ang kahulugan, kalikasan, at katangian ng pagsulat ng sulating
akademik. Sa kabila ng lahat, ang mga mag-aaral ay kakikitaan ng pagtitiwala sa sarili na maiintindihan ang
mga terminong kaugnay sa akademikong pagsulat. Higit sa lahat, ang mga mag-aaral ay kakikitaan ng
pagtitiwala sa Poong Maykapal na mapagtagumpayan ang bawat aralin at gawain kaugnay sa paksang tinalakay.

Kaalaman tungo sa Disiplina


Ingles- Nailalapat ang mga dating kaalaman tungkol sa teknikal at bokasyonal na sulatin sa bagong
kaalaman sa Filipino.
CLVed- Napapahalagahan ng mga mag-aaral ang mga kaalamang angkin ng bawat isa.

Biblikal na sipi /Isyung Panlipunan


Sa henerasyon natin ngayon kung saan talamak na ang mga makabagong teknolohiya mapapansin na malimit
na lamang ang mga mahilig magsulat. Sa ganitong sitwasyon nakakaligtaan ng mga kabataan ngayon ang
kahalagahan ng pagsulat mapa anong uri man ito. Ang pagsulat ay hindi lamang makatutulong sa isang mag-aaral
kundi mas mapapayabong pa nito ang kaalaman at kahusayan niya sa pagsulat na makatutulong sa ano mang
propesyong nais niya. Sa aralin na ito, mapahahalagahan ng mga mag-aaral kung gaano kahalaga ang pagsulat at
kung paano nila ito mas mapapayabong pa.

IV- Performance Task/Product


Ikaw ay na-imbitahan na dumalo sa isang binhisipan patungkol sa pagsusuri ng mga piling sulatin. Sa
nasabing pagtitipon, ang mga kalahok ay inaasahang makakritik ng isang kliniping teksto ng iba’t ibang uri ng
pagsulat batay sa layunin at uri. Pagkatapos, ipepresenta ito sa harap ng lahat ng mga kalahok.

Pamantayan 10 8 5
Nilalaman
Hindi masyadong
(Kabisahan ng Mabisa ang sinuring Hindi mabisa ang
mabisa ang sinuring
sinuring sulatin. sinuring sulatin.
sulatin.
sulatin)
Paglalahad
(Kaangkupan Hindi masyadong
Hindi angkop ang mga
ng mga Angkop ang mga salitang angkop ang mga salitang
salitang ginamit at hindi
salitang ginamit at malinaw ang ginamit at hindi
malinaw ang
ginamit at pagkalahad. masyadong malinaw ang
pagkalahad.
paraan ng pagkalahad.
paglalahad)
Wasto at Wasto at angkop ang Hindi wasto at angkop
Hindi masyadong wasto
Angkop na pagkakasuri at ang mga ang pagkakasuri ng
at angkop ang
Pagsusuri kalakip na ideya nito. sulatin.
pagkakasuri at ang mga
kalakip na ideya nito.
V- Mga Sanggunian
Filipino sa Larangang Akademiko (Bernales, R., et al.) pp. 2-11
- Mutya Pub lishing House Inc.
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Dipolog, S. &Avanceña, J.) pp. 119-121
- Diocesan Printing Press and Publishing, Inc.

Iniwasto ni: Petsa:

You might also like