Professional Documents
Culture Documents
Final Script Nagid
Final Script Nagid
Mga Tauhan
Romie John Latorza as Florante
Denver Tupaz as Batang Florante
Queen Schame Laude as Laura
Kristian Felongco as Adolfo
Khian Khurt Lusanes as Duke Briseo
Mary Queenie Villaflor as Floresca
Kyle Denzel Alcala as Menandro
Welgem Belarmino as Haring Linseo
Redeemer Allain Taroy as Aladin
Felix Jan Alph Presga as Sultan Ali- Adab
Jessa Rose Chiva as Flerida
Arnold Hidalgo as Menalipo
Jerico Ansino Dela Cruz as Heneral Osmalik
Kent Cedric Prado as Emir
Justine Serbito as Antenor
Abel Dimalen at Angelo Tonogbanua as Dalawang Leon
Iba pang karakter
Laika Budiongan
Daniela Ignacio
Jodel Marie Dublas
Jovhem Magdaluyo
Rica Tirado
Zenaida Salilawan
1|P a g e
Tagapagsalaysay:
Jane Michelle Ferrer
Mga Direktor
Nathaniel Jayme & Denver Tupaz
Tagapagsalaysay: Ang Florante at Laura ay naglalarawan ng dalisay na pag-ibig. Ito ay tungkol sa unang pag-
ibig ng may akda na si Francisco ”Balagtas” Baltazar kay Maria Asuncion Rivera na tinatawag niyang Selya.
Halina’t tunghayan natin ang pag - iibigan ni Florante at Laura na nagpapatunay na kapag ang pag-ibig ng
dalwang tao ay tunay kahit anumang problema at unos ang darating, sila ay ipagtatagpo pa rin ng tadhana. Ang
tunay na pag-ibig ay marunong makuntento sa kanyang iniirog.
(KAGANAPAN 1)
Tagapagsalaysay: Sa gitna ng masukal at madilim na kagubatan, sa mga puno ng Higera at Sipres ay nakatali
ang nananaghoy, kaawa-awa at sugatang mala-Adonis ang kaanyuan. Florante ang bansag sa kaniya, isang
matipunong anak ni Duke Briseo na dinakip, pinahirapan at ipinatapon sa labas ng kahariang Albanya.
Florante: Oh Diyos na makapangyarihan, bakit ba to nangyayari sa akin? Oh, mahal kong Albanya, ako’y iyong
patawarin sapagkat hindi kita nagawang ipagtanggol sa kamay ng mga taong sa iyo ngayo’y nang-aalipin.
Oh, Laura na aking iniibig, bakit ka nagtaksil?
Napakapait mo tadhana, bakit mo to ginagawa? Laura, aking mahal at Albanya na aking sinilangan, ako sa inyo
ngayon ay nagpapaalam.
2|P a g e
(KAGANAPAN 2)
Tagapagsalaysay: Habang nakagapos si Florante ay umalingawngaw sa buong gubat ang kanyang tinig.
Makalipas ang ilang sandali, isang gererong moro na nagngangalang Aladin ang napadpad sa di kalayuan.
Sukdol langit ang pagmamahal niya sa kasintahang si Flerida na inagaw ng mismo niyang ama.
Aladin: Oh tadhana, ‘bat kay lupit mo? Di ko mawari ang nadarama ko ngayon. Ang iniibig kong si Flerida ay
inagaw ng aking ama. Kay lupet mo kapalaran ba’t ama ko pa?! Hindi ko hiniling na magdurusa ng ganito dahil sa
pag ibig kong dalisay at totoo.
Tagapagsalaysay: Sa kalagitnaan ng kaniyang pagdadalamhati, ay may narinig siyang tinig. Animo’y malapit
lang sa kaniyang kinaroroon. Sinundan niya ang mga taghoy nitong kaawa-awa.
Florante: Oh Laura bakit akoy iniwan at pinagtaksilan? Tadhana’y kay lupet akoy naiipit ang sakit sakit! Ama
kong pinakamamahal ika’y pinatay ng walang kalaban laban. Sa panahon ng iyong kamatayan ako’y nasa iyong
isipan. Oh, mahal kong ama. ako’y nagdurusa ‘pagkat ikaw’y wala na.
Aladin: Kay pait ng kanyang sinapit. Pupuntahan kita sa iyong kinaroroonan. (sinundan ang tinig ni Florante)
Tagapagsalaysay: Sa pagtunton ng boses ay agad natagpuan ni Aladin si Florante. Agad niya itong nilapitan
subalit nakita niya ang dalawang leon na akmang sisilain na ang binata. Hindi nag atubili si Aladin na tulungan
ito.
3|P a g e
Florante: Mahal kong Laura, ikaw ba ’yan? Tulungan mo ako!
Tagapagsalaysay: Humanap si Aladin ng lugar upang may mapagpahingahan sila. Kinabukasan, nang magising
si Florante…
Florante: Sino ka? Balak mo ba akong paslangin? Anong pakay mo at iniligtas mo ako?
Aladin: Huminahon ka kapatid. Narinig ko iyong paghihinagpis kaya agad kitang pinuntahan. Ako si Aladin.
H‘wag kang mag alala’t wala akong masamang hangarin sa iyo.
Florante: Hindi ba’t magkaaway ang ating mga lahi?
Aladin: Ako’y taga Persya at isang moro. Ikaw naman ay isang kristiyano. Magkaiba man tayo ng kahariang
pinanggalingan, wala pa rin’g pinipili ang pagtutulungan. Sino ka nga pala?
Florante: Ako si Florante, taga Albanya. Ikinagagalak kong makilala ka.
Florante: Ako’y nagpapasalamat sa pagligtas mo sa akin. Di ko alam kung paano ako makakabawi sa kabutihang
ginawa mo.
Aladin: Walang anuman iyon. Sya nga pala, ano ba ang dahilan ng iyong pagtangis?
Florante: Sakit at poot ang aking nararamdaman. Ang aking pinakamamahal na sinta ay nagawa akong
pagtaksilan. Isa pa, ang aking mahal na bayan - ang Albanya, ay inaalipin ni Konde Adolfo na siya rin’g pumatay
sa aking ama at ng aking mga kaibigan ay hinati ang katawan.
Aladin: Ikinalulungkot ko ang mga nangyari sa ‘yo. Sana’y malampasan mo ito at kung nais mo ng tulong ay
maaasahan mo ako.
Florante: Alam kong mayroon kang katapatan aking kaibigan, kaya’t hayaan mong ikwento ko sa iyo ang mga
naganap.
(KAGANAPAN 3)
(FLASHBACK)
Tagapagsalaysay: Si Florante ay ipinanganak sa kaharian ng Albanya. Anak siya nina Duke Briseo at Prinsesa
Floresca. Noong si Florante ay sanggol pa lamang, may isang malaking ibon ang nagtangkang kunin siya.
Sa mga panahog iyon ay si Menalipo ang naatasang magbantay sa sanggol.
(KAGANAPAN 4)
4|P a g e
Tagapagsalaysay: Lumipas ang maraming taon nang si Florante ay labing-isang taong gulang na. Pinag-aral siya
ng kaniyang ama sa Atenas na dahilan ng pagkalungkot ng kaniyang ina at mapapawalay siya sa piling nito.
(KAGANAPAN 5)
Tagapagsalaysay: Naglakbay si Florante patungong Atenas upang doon mag-aral. Nakilala niya si Adolfo,
gurong si Antenor na may busilak na kalooban, at si Menandro na naging matapat at malapit niyang kaibigan na
pamangkin ng kaniyang maestro. Si Adolfo ang tinitingala ng karamihan. Ngunit nang siya’y dumating, tila ito’y
inagawan. Nagkakaroon sila ng isang pagsasadula tungkol sa trahedya ng dalawang apo.
Antenor : Ikaw Forante ang gaganap bilang Polinise at si Adolfo naman bilang Etyokles.
Tagapagsalaysay : Nang handa ng magsadula’y nanlisik ang mga mata ni Adolfo. Balak niyang totohaning
paslangin si Florante. (magsasadula, may hawak na espada ang dalawa)
Menandro: Ano’ng nangyayari sa ‘yo Adolfo? Nasisiraan ka na ba ng ulo? Ito’y pagsasadula lamang. Bakit mo
gugustuhing patayin si Florante ng totoohanan?
Tagapagsalaysay: Si Adolfo ay umuwi sa Albanya’t hindi na nakabalik muli sa Atenas. Nang lumaki na si
Florante ay may natanggap itong liham mula sa Albanyang sinilangan.
Tagapagsalaysay: Unti-unting binuksan ni Florante ang liham at tumambad sa kanya ang balitang
sumakabilang buhay na ang kanyang ina.
Florante: Oh aking ina’ng pinakamamahal, bakit mo ako nilisan? Matagal tayong hindi nagkasama. Ama,
hintayin mo ako, pupunta ako’t handang kitang damayan.
5|P a g e
Tagapagsalaysay: Dahil sa nangyari, kinausap ni Florante ang kanyang guro.
Florante: Maestro, kailangan ko munang magpaalam sa inyo. Labis ang aking pasasalamat sa lahat ng naibahagi
niyong tulong sa ilang taong pamamalagi ko rito. Hanggang sa muli nating pagkikita.
Antenor: Walang anuman Florante. Ngunit mag iingat ka sa mga banta ng Konde Adolfo. Nawa’y
mapagtagumpayan mo ang dagok na iyong susuungin. Huwag kang magpapadala sa magiliw niyang pakikiharap.
(KAGANAPAN 6)
Tagapagsalaysay: Niyapos siya ng kanyang guro at doon ay pinayagan niya si Menandro na sumama kay
Florante upang magtungo sa Albanya. Nang makarating sa Albanya.
Florante: Aking ama, nagkita rin tayong muli. (niyakap ang ama).
Duke Briseo: Anak, salamat sa Panginoon at nakauwi ka nang ligtas at matiwasay. Alam kong masakit ngunit
kailangan nating tanggapin na wala na ang iyong ina.
Tagapagsalaysay: Sa gitna ng kanilang pagtatangis ay may isang sulat na ipinadala ang lolo ni Florante.
Naglalaman ito ng balitang paglusob ng mga Moro sa bayan ng Krotona.
Tagapagsalaysay: Nakadama ito ng magkahalong kaba’t pag-ibig nang masulyapan ang anak ng hari. Isang
dilag na may angking karilagan at mabuting kalooban. Ang kaniyang mga bilugang mata ay animo’y bituing sa
langit na kumikinang-kinang sa ganda.
6|P a g e
Tagapagsalaysay: Mabilis silang nagkapalagayan ng loob.
Florante: Aking mahal! Sa sandaling nasilayan kita ay agad akong nahalina sa iyong kagandahan. Ikaw lang ang
aking iibigin.
Laura: Ganoon din ang nararamdaman ko Florante. Hangga’t nabubuhay ako ay ikaw lang ang aking paka-
mamahalin!
Tagapagsalaysay: Ngunit panaho’y sadyang kay bilis at kailangan ng umalis ni Florante upang makipagdigma
at ipaglaban ang bayang mahal.
Tagapagsalaysay: Hindi mapigilan ni Laura ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. Niyapos na lamang siya
ni Florante upang gumaan ang kaniyang kalooban. Ang luha nito’y tanda ng kaniyang malalim na pagmamahal.
Narating nila ang bayan ng Krotona. Sinagupa at nakipagdigma sila sa mga moro. Sa gitna ng labanan, naaninag
ni Florante ang pinuno ng hukbong Persya na si Heneral Osmalik, ang mga mata nito’y tila nakamasid sa kanya.
Heneral Osmalik: Heneral Florante, magsisisi ka na ako’y iyong kinalaban. Ang matalim kong sandata ang
siyang pupuksa sa iyo. Babalik ka sa mahal mong Albanya na isang malamig na bangkay.
Florante: Heneral Osmalik, ika’y bibigyan ko ng pagkakataong umatras, kung hindi, wala na akong magagawa
kundi ika’y paslangin.
7|P a g e
Heneral Osmalik: Walang pinuno ang gugustuhing umatras sa anumang laban, ika’y mamamatay sa aking mga
kamay.
Florante: Puwes, humanda ka’t magtutuos tayo ngayon din!
(Sa gitna ng labanan ay napaslang si Heneral Osmalik)
Florante: Paalam, Heneral Osmalik.
Mga kawal ni Heneral Osmalik: Wala na ang pinuno. Umalis na tayo habang may pagkakataon pa.
(nagsitakbuhan)
Menandro: Sige, takbo. Atras na mga moro! Tayo ang nagtagumpay! Magbunyi! Mabuhay!
(KAGANAPAN 7)
Tagapagsalaysay: Sa kabilang dako, may mga grupong nais sumakop sa Albanya na kinabibilangan ni Emir.
Ikinulong nila sina Adolfo, Duke Briseo, at si Haring Linseo. Si Emir ay nagtapat ng pag-ibig kay Laura at akma pa
sanang gahasain ito. Subalit:
Tagapagsalaysay: Nang makarating ang hukbo ni Florante sa bayan ng Albanya ay pinahinto niya ang mga ito
sa paanan ng bundok dahil nakita niya ang pulutong ng mga Moro na may babaeng kinakaladlkad at tila
nakagapos.
Laura: Oh, Florante. Salamat at iniligtas mo ako sa kamay ng mga morong kalaban. Mahal ko, aking ama at ang
iyong ama ay kanilang binilanggo. Tulungan mo sila’t iligtas sa kamay ng mga moro.
Florante: Dito ka na muna aking irog. Si Menandro muna ang aakay sayo. Babalikan kita.
Tagapagsalaysay: Nagtungo si Florante sa bilangguan upang iligtas ang mga ikinulong na kinabibilangan ni
Haring Linseo, Duke Briseo at Konde Adolfo.
(KAGANAPAN 8)
Tagapagsalaysay: Sa isang dako ay mas lalong nanibugho si Adolfo nang tinanghal ng hari na bayani at
tagapagligtas si Florante. Nanlilisik ang mata nito sa galit at poot. May kung ano sa Albanya dahil sunud-sunod
itong nilulusob. Gayunpaman tanging kabiguan lamang ang kanilang natatamo. Pagbalik ni Florante sa Albanya,
may tatlumpung libong (30,000) sandatahan ang dumakip sa kanya.
Florante: Bitawan niyo ako! Mga lilo! Konde Adolfo anong ginagawa mo?
Adolfo: Florante, ngayon ikaw naman ang maghihirap! Ikulong siya!
Tagapagsalaysay: Ipinagapos ni Adolfo sa puno ng Higera si Florante upang malagay sa alanganin ang buhay
neto. Dalawang araw nanatili doon si Florante bago siya nakita ni Aladin. At sa araw na iyon nalaman rin ni
Florante na ikakasal si Laura kay Adolfo.
(KAGANAPAN 9)
(KASALUKUYAN)
Aladin: Kaypait naman pala ng iyong mga pinagdaanan aking kaibigan. Dahil natalastas mo na ang iyong buhay,
ako nama’y magpapakilala ng pormal. Ako si Aladin ng Persya - anak ni Sultan Ali-Adab. Ako ay isang gerero na
nakaranas at nakipaglaban sa napakaraming digmaan. Ngunit, wala nang mas hihirap pa sa pag-agaw ng aking
sariling ama sa mahal kong si Flerida.
(flashback)
Sultan Ali-Adab: Iniwan mo ang Albanya at ang buong hukbo? Ika’y nasa gitna ng digmaan, kaya’t ano ang
dahilan ng iyong pag-uwi?
Aladin: Ama ko, sandali! Magpapaliwanag ako…
9|P a g e
(hindi pa siya tapos magsalita ay sinunggaban siya ng mga kawal, nagpupumiglas si Aladin ngunit wala itong
magawa)
Flerida: Tama na iyan! Bakit mo ginagawa ang mga ito sa sarili mong anak? Wala ka bang puso? Sarili mong
anak pinahihirapan mo?
Aladin: Mahal kong Flerida!
Sultan Ali-Adab: Puwes! Wala akong gagawin na masama sa kanya basta ay pumayag kang magpakasal sa akin.
At hindi na siya maaaring bumalik sa Persya. Kapag hindi ka sumunod sa kasunduan siya ay ikukulong sa
bilangguan at pupugutan.
Flerida: Sige, magpapakasal ako sa iyo. Umalis kana Aladin habang hindi pa nagbabago ang desisyon ng iyong
ama (humihikbi).
Aladin: Ama ko, ano ang ibig sabihin nito? Isa kang huwad! Sana’y di na lang ikaw ang naging ama ko.
Flerida: Umalis ka na Aladin! Ayaw na kitang makita pang muli (napilitan).
(KAGANAPAN 10)
(KASALUKUYAN)
Tagapagsalaysay: Sa madilim na parte ng Albanya, mapagnasang si Adolfo’y kabig -kabig si Laura.
Laura: Bitiwan mo ako Adolfo! Ang tulad mong taksil at duwag ay hindi makatitibag sa pag-iibigan namin ni
Florante.
(hihigpitan ni Adolfo ang pagkakahawak sa kamay ni Laura dahilan kung kaya ito’y mapapasigaw sa sakit at
takot.
Adolfo: Oh Laura, huwag mo akong galitin. Ang Floranteng sinta mo’y hindi na aabutin sa dilim. Katawan niya
ngayo’y pinagpipyestahan na ng mga mababangis na leon, kaya’t wala kang ibang pagpipilian kundi, mapasa-
akin.! (tatawa ng malakas)
Laura: Mas pipiliin ko pang mamatay Adolfong sakim. Kung wala na si Florante, wala nang silbi pa ang aking
buhay. Hindi ako papayag na mapasaiyo at ipinapangako kong ‘di ka magtatagumpay sa iyong mga hangarin.
Adolfo: Inuubos mo ang pasensiya ko! Wala na si Floranteng sinta mo!
Tagapagsalaysay: Akmang sasaktan at gagahasain ni Adolfo si Laura subalit isang pana ang tumama sa dibdib
na siyang kumitil sa buhay nito.
Flerida: Oh abang dalaga, maayos ka lang ba? Anong kalagayan mo’t gusto kang saktan ng lalaking ito?
Laura: Ayos lang ako. Maraming salamat at iniligtas mo ako.
Flerida: Ako nga pala si Flerida, ako’y nagmula sa kaharian ng Persya.
Laura: Laura naman ang ngalan ko. Anak ako ng hari ng Albanya, ni Haring Linseo na tubong Krotona.
(iikot sa kagubatan ang dalawang kababaihan habang nagkukwentuhan)
Tagapagsalaysay: Tumungo ang dalawa sa masukal na kagubatan upang hanapin sina Florante at Aladin at
doo’y nagkita ang kanilang mga landas. Kapwa nila niyakap ang isa’t isa.
10 | P a g e
Florante: Salamat sa Diyos at ika’y ligtas mahal kong Laura. Ako rin ay nagpapasalamat kay Aladin na siyang
nagligtas sa aking buhay laban sa mga mababangis na leon.
Laura: Florante, irog ko. Ang Albanya’y naging pipi sa gulo. Namatay ang haring Linseo at Duke Briseo sa
kagagawan ni Adolfo. Kinubkob niya ang bayang Albanya at inalipin ito.
Flerida: Ako’y nahabag kay Laura nang makita kong nilalapastangan siya. Kinuha ko ang aking busog at pana’t
kinitil ang buhay ni Adolfo.
Tagapagsalaysay: Habang nag uusap ang magkakasintahan ay dumating si Menandro at iba pang mga kawal na
wari’y hinahanap si Adolfo. Laking tuwa niya nang makita ang kaibigang si Florante. (niyakap nito ang kaibigan)
Mga tao: Viva, Floranteng hari ng Albanya! Mabuhay ang Prinsesa Laura! (Mabuhay)
Tagpagsalaysay: Si Florante ang pumalit bilang hari. Kaagapay nito si Laura. Nanumbalik ang dating katangian
ng Albanya. Nagkaroon muli ng kapayapaan, kasaganaan at kaunlaran. Habang si Aladin at Flerida ay
pinamunuan ang kanilang kaharian sa Persya.
11 | P a g e