Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

May 4: Ang Nanay Ko at Ako sa Gitna ng COVID-19

Praktis lang ito. Mini challenge ika nga. Dahil malapit na ang Mother’s Day, ang gusto
nating maging bida sa ating Challenge ay ang ating mga Nanay. Ano ang inyong
gagawin mga beshies?

Una, mag-isip ng isang bagay na natutunan ninyo sa inyong Nanay ngayong tayo ay
naka-ECQ. Meron ba syang bagong recipe na nagustuhan mo? Meron ba syang
paalala na tumanim sa isip mo? Pwede rin namang mag-isip ng isang bagay na natutu-
nan ng Nanay mo sa yo tulad halimbawa ng paggawa ng IG story, paano gamitin ang
Zoom App, at iba pa.

Ikalawa, mag-selfie kasama si Nanay. Ilagay sa caption ang nais ninyong sabihin base
sa natutunan mo sa kanya. Halimbawa, SIya ang Nanay ko. Laging nagpaparalala
kung ano ang tamang paraan ng paghuhugas ng kamay para makaiwas sa sakit.Dahil
dyan, winner ka Nanay!

Ikatlo: Mag-fill-up ng consent form sa paggamit ng larawan.

Ikaapat: Ipadala ang iyong picture at ang consent form sa (_________). Magkakaroon
ng screening kung maaaring i-post ang inyong ginawa sa PKKK Youth Page. Mahigpit
na paalala na kung walang consent form, automatic na hindi ipo-post sa Page ang iny-
ong ginawa.

Dahil praktis lang ito, lahat ay panalo! Ang premyo? Makikita ninyo ang inyong mga gi-
nawa sa PKKK Youth Page sa Mother’s Day, Mayo 10. Tandaan lang ang paalala ukol
sa consent form para kayo ay makasama. Maraming salamat!

You might also like