Professional Documents
Culture Documents
IKALAWANG MARKAHAN: Mga Sitwasyong Pangwika
IKALAWANG MARKAHAN: Mga Sitwasyong Pangwika
KULTURA PANITIKAN
Sitwasyong
Pangwika
sa Pilipinas
TEKNOLOHIYA
EDUKASYON
SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON
▪ 1. Ang telebisyon ang itinuturing na
pinakamakapangyarihang media sa
kasalukuyan dahil sa dami ng mga
mamamayang naabot nito.
▪ 2. Ang mabuting epekto ng paglaganap
ng cable o satellite connection para
marating ang malalayong pulo at ibang
bansa.
▪ 3. Wikang Filipino ang nangungunang midyum
sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga
lokal na channel.
▪ 4. Mga halimbawa ng mga programang
pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino
ay mga teleserye, mga pantanghaliang palabas,
mga magazine show, news and public affairs,
reality show at iba pang programang
pantelebisyon.
5. Ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon
partikular ang mga teleserye o pantanghaling
programa na sinusubaybayan ng halos lahat ng
milyon-milyong manununood ang dahilan kung
bakit halos lahat ng mamamayan sa bansa ay
nakakaunawa at nakakapagsalita ng wikang
Filipino.
SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DYARYO
▪ Wikang Filipino ang nangungunang wika sa
radyo sa AM man o sa FM.
▪ Ang mga estasyon sa probinsya ay gumagamit
ng rehiyonal na wika ngunit kung may
kapanayam sila ay karaniwan sa wikang
Filipino sila nakikipagusap.
▪ Sa diyaryo ay wikang Ingles ang ginagamit
sa broadsheet at wikang Filipino naman sa tabloid.
▪ Tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao
sapagkat mas naiintindihan nila ang wikang
ginagamit dito. Ito ang mga katangian ng isang
tabloid:
– Nagtataglay ng malalaki at nagsusumigaw na headline na
naglalayong maakit agad ang mambabasa.
–Ang nilalaman ay karaniwang
senseysyonal na naglalabas ng
impormalidad
–Hindi pormal ang mga salita.
SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA
▪ Ingles ang kadalasang pamagat ng
mga pelikulang Pilipino.
▪ Filipino ang lingua franca o
pangunahing wika ang ginagamit.
▪ Ang pangunahing layunin ay makaakit ng mas
maraming manunuod na malilibang sa
kanilang mga palabas at programa upang
kumita ng malaki.
▪ Malawak ang naging impluwensya dahil sa
tulong nito mas marami ng ng mamayan ng
bansa ang nakauunawa at nakapagsasalita ng
wikang Filipino.
▪ Ang nananaig na tono ay
impormal at waring hindi gaanong
istrikto sa pamantayan ng
propesyonalismo.
SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO
NG KULTURANG POPULAR
FLIPTOP
▪ Pagtatalong oral na isinasagawa ng pa-rap.
▪ Nahahawig sa balagtasan dahil ang bersong
nira-rap ay magkakatugma bagamat sa fliptop
ay hindi nakalahad o walang malinaw ang
paksang tinatalakay.
▪ Gumagamit ng di-pormal na wika at walang
nasusulat na iskrip kaya naman kadalasan ang
mga ginagamit na salita ay balbal at impormal
at mga salitang nanlalait.
▪ Ang kompetisyon ay tinatawag na “Battle
League” at kung isinasagawa sa wikang Ingles
ay tinatawag na “Filipino Conference Battle
PICK-UP LINES