Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 46

EL FILIBUSTERISMO

FULL SCRIPT

MARCH 20, 2023


GRADE 10 – ST. MATTHEW
EL FILIBUSTERISMO MAIN CHARACTERS

Simoun: Matthew
Doña Victorina: Ed
Don Tiburcio: Lucito
Paulita Gomez: Angellie
Ben- Zayb: Vince
Padre Sibyla: Shan Carby
Padre Camorra: Marko
Don Custodio: Denver
Padre Salvi: Rem
Padre Irene: Eli
Padre Florentino: Gehyonn
Isagani: Ivan
Basilio: Roue
Kapitan Basilio:
Juli:
Kabesang Tales:
Tandang Selo:
Hermana Pechang:
Sinang:
Kapitan Tika:

1
Kapitan Heneral:
Juanito:
Placido:
Ginoong Pasta:
Quiroga:
Kabesang Andang:
Camaarroncocido:
Tiyo Kiko:
Don Premitivo:
Kapitan Tinong:
Mananahi:
Hermana Bali:
Sinong:
Chickoy:
Mataas na Kawani:
Tulisan:
Gwardia Sibil 1:
Gwardia Sibil 2:
Gwardia Sibil 3:

2
3
EL FILIBUSTERISMO

SCENE 1: KUBYERTA

Narrato: Umaga ng Disyembre ng maglayag ang bapor tabo sakay ang nakaparaming pasahero
patungog Laguna, nilalakbay nito ang paliko-likong ilog Pasig. Nahahati ang sakay nito sa
dalawa, Mga intsik at indio sa ibaba habang ang mga empliyado ng pamahalaan, prayle at mga
mahahalagang tao sa kubyerta.

Donya Victorina: (annoyed tone)


Ano ba' t napakabal naman ng bapor na ito! Wala na ba itong mas maibibilis pa? Hmp! (looks
around) kasalanan talaga ito ng mga indio! Mga sagabal sa mundo. Umagang-umaga sinisira
ninyo araw ko, mga perwisyo!
(Looks for Kapitan)
Donya Victorina: KAPITAN!! Bakit ba napakahina ng takbo ng bapor? pwede bang bilisan mo
ang takbo ng makina?
Kapitan: lo siento señorita pero no es possible sapagkat tayo'y sasadsad sa palayan (bored tone)

Narrator: Abala sa pagkukwentuhan ang mga pasahero sa kubyerta ngunit ni isa ay walang
lumapit kay Donya Victorina dahil sa kanyang kayabangan.

Ben Zayb: Qué es esto!! Napakaliko-liko ng ilog na ito, kailangan natin itong i tuwid! Kailangang i
tuwid!
Padre Camorra: Nakita mo ba ang proyekto ng isang prayle sa Puente Del Capricho? Hindi ito na
tuloy dahil sabi ay hindi ito ligtas sa sakuna at kulang sa tibay.
Donya Victorina: estan equivocados señores, ang tanging rason ng lahat ng ito ay dahil walang
mabuting lawa dito sa pilipinas! (stress fan)
Simoun: Bien, eso es fácil! Hindi ko nababatid kung bakit wala pang nakaisip nito. Kailangan lang
na mag hukay ng isang tuwid na daan mula pagpasok hanggang sa paglabas ng ilog.

(The three fathers and Donya Victorina nods)

4
Simoun: Ang mga nahukay na lupa ay ating gagamitin bilang pangtakip ng dating ilog.
Pagtatrabahuhin nating ang mangabilanggo upang hindi tayo mag-aaksaya ng malaking pera at
pati narin ang mga mayayaman ng sapilitan at walang bayad.
Ben Zayb: Tu plan es muy bueno! Magaling Magaling (nodding)
Don Custodio: (Fake cough) Paumanhin Señor Simoun ngunit hindi ako sang-ayon sa plano
mong ito. Masyado atang magasto at mapaminsala nang proyektong ito. (Mayabang tone)
Simoun: Edi atin itong sisirain (insisting tone)
Don Custodio: Hindi ito maari dahil magbubunga lamang ito sa isang himagsikan
Padre Salvi: lo que dices es correcto, marami ng naging himagsikan ang bansang ito
Simoun: Ano nga ba ang silbi ng mga prayle sa bansa kung hindi nila kayang pigilin ang mga
rebolusyon? (Tease tone)
Don Custodio: Nahihibang ka na ata señor (Fake katawa) Ang aking na isip sa ilog na ito ay ating
piliting mag alaga ng mga itik ang lahat ng naninirahan malapit sa ilog, sa gayon ay mas lalalim
ang lawa dahil sa mga susong pagkain nito.
Donya Victorina: No, eso no se puede detener! Hindi ako sang-ayon dito sapagkat dahil sa mga
itik na yan ay dadami ang balot! Nandidiri ako sa balot! eso es una tontería!

Scene 2: Ibabang Kubyerta

Narrator: Masakip na masikip sa ilalim ng kubyerta dahil sa rami ng mga pasahaero at mga
kargamento. Katabi nila ang mga maleta, tampipi, at mga bakol, malapit din sila sa makina kung
kaya’t nag halo na ang mabahong singaw ng langis at singaw ng tao. May mga batang naglalaro
ng baraha, may roon ding nag uusap at may mga tao ding nakahanay na parang mga patay dahil
sa himbing ng kanilang mga tulog. Sa kabila ng lahat ng ito ay may tatlong lalaking nag-uusap…

Kapitan Basilio: Kumusta na ba ang kalagayan ni Kapitan Tiago?


Basilio: Ganon pa rin, ayaw pa rin nyang magpagamot. Pinapunta niya nga ako sa San Diego
upang tignan ang kanyang paupahang bahay na sapalagay ko ay kanyang ginawa upang siya ay
makahithit ng opyo.

5
Kapitan Basilio: Kasalanan talaga ng mga tsino ito! Salot na opyo! Sayang talaga at ginagamit pa
naman iyang gamut noon kundi dahil sa mga tsinong walang alam ni isang Latin na salita. (Iling-
iling)
Kapitan Basilio: Oh por cierto, kumusta na nga pala ang balak mong magpatayo ng Academia de
Castellano? Palagay ko ay mahihirapan tayo dyan…
Isagani: Matutuloy po ang pagpapatayo. Hinintay na lamang naming ang permiso galling sa
Kapitan Heneral, kakausapin sya ni Padre Irene
Kapitan Basilio: Ngunit hindi sang-ayon si Padre Sibyla kaya’t balewala rin yan
Isagani: Oo nga po, kaya nandito siya para kausapin ang Kapitan Heneral sa Los Banos
Kapitan Basilio: Kahat na bigyan kayo ng permiso ng Kapitan Heneral ay saan kayo hahanap ng
pondo?
Isagani: Pag-aambagan po, magbibigay ng isang real ang bawat mag-aaral at hati din sa Pilipino
at Kastila ang mga mag tuturo.
Kapitan Basilio: at kaninong bahay ang gagamitin ninyo?
Isagani: Ang bahay ng mayamang si makaraig po. Ibibigay niya ang kanyang bahay sa amin.
Kapitan Basilio: hindi naman sa hindi ako saying-ayon sa iyong mga plano ngunit noong
panahon naming ay kami pa mismo ang nag-aaral ng Wikang Latin dahil naka sulat sa wikang ito
ang aming mga libro. Nasa Wikang Kastila na nga ang iyong mga libro at hindi itinuturo sa inyo
ang wikang ito. Masama na talaga ang panahon ngayon. Vere alia nunc sunt tempora!

(Pagkasabi noon ay umalis si


Kapitan Basilio at napangisi
sina Basilio at
Isagani

6
(Pagkasabi noon ay umalis si
Kapitan Basilio at napangisi
sina Basilio at
Isagani
(Pagkasabi noon ay umalis si Kapitan Basilio at napangisi sina Basilio at Isagani)
Isagani: Ang mga matatanda talaga gustong-gusto talaga mang hugsa ng bagay-bagay,
pakinabang kaagad ang gustong makuha ni hindi mn lang pinaghihirapan.
Basilio: (katawa) teka, maiba ako, anong sabi ng iyong tiyo tungkol kay Paulita?
Isagani: Hindi siya sangayon sa napili kong mapangasawa, sabi ko naman ay wala na siyang
maipipintas kay Paulita. Maganda, mayaman at mabait kahit na siya ay isang ulila
Basilio: Oo nga naman, napaka perpekto ng iyong dilag! Liban sa isa..
(nagtinginan silang dalawa then katawa)
Basilio: Ang kanyang tiya! Si Dona Victorina
Isagani: Alam mo ba na inutusan niya akong hanapin si Don Tiburcio
Basilio: oh eres pobre amigo, sigurado akong nangako ka upang hindi mawala sayo si paulita
Isagani: si! es una locura (katawa) ngunit ang problema ay sa amin nagtatago ang kanyang
asawa
Basilio: La mierda kaya pala ayaw umakyat ng iyong tiyo sa kubyerta dahil sigurado ay uusi-sain
sya ng Dona tungkol kay Don Tiburcio
(Nadatnan ni Simoun ang dalawang binata habang nagkukuwentuhan)
Simoun: oh basilio nandito ka pala, magbabakasyon ka ba?
(Tumingin kay Isagani)
Simoun: sino itong kasama mo? Kababayan mo ba sya?
(Tiningnan ni Simoun ulo hanggang paa si Isagani at napangisi)
Simoun: Kamusta na ba ang probinsiya?

7
Basilio: Hindi niyo po ba alam?
Simoun: Hindi gaano akong nagpupunta doon dahil wala naming bumibili ng alahas. Marahil ay
puro mahihirap ang mga tao doon.
Isagani: Ayaw na naming bumili ng mga bagay na hindi naman naming kailangan
Simoun: Huwag kang magalit binata, wala akong masamang ibig sabihin doon. May
nakapagasabi sa akin na ang mga parokya dito ay hawak ng isang klerigong Indiyo. At kapag
hawak ito ng isang paring Indiyo, tiyak na mahirap ang bayang ito. Ang mabuti pa siguro’y
uminom na lamang tayo ng serbesa para sa ikauunlad ng inyong lalawigan.
(Tumanggi ang dalawa sa serbesa)
Simoun: sige na, maganda sa katawan ang serbesa. Ang sabi pa nga ni Padre Camorra ay walang
sigla ang baying ito dahil sa rami ng tubig na iniinom.
Isagani: Matamis ang tubig at nakakapatay ng apoy, ang tubig rin ay maaring pumuksa ng
sangkatauhan o lumunod ng mundo kapag naging dagat.
Simoun: Magaling ngunit pagtatawanan lamang ni Padre Camorra ang iyong mga sinabi. Hindi
kapanipaniwala ang ganyang mga bagay
(Bago pa maka salita ang dalawa ang umalis na si Simoun at lumapit ang katulong upang
sabihan si Isagani na hinahanap siya ng kanyang tiyo)

**

Isagani: Ipanapatawag niyo raw po ako Tiyo Padre?


Padre Florentino: bueno y aqui estas. Napipilitan ako sa kahilingan ng Kapitan na pumunta sa
kubyerta. Kaya ikaw, iwasan mong magpakita sa Kapitan upang hindi ka maanyayahang
pumunta ng Kubyerta, Klaro?
Isagani: Opo, Tiyo Padre
Padre Florentino: O sya, aalis na ako baka sabihin nila ay inaabuso natin ang Kapitan

SCENE 3: MGA ALAMAT

8
Narrator: Wala na ang init ng pagtatalo ng dumating si padre Florention sa Kubyerta. Sa halip ay
napuno na nang ingay dahil sa tawanan at kwentuhan. Nagkumpulan ang mga pari’t
mahahalagang tao sa lipunan at pinag-uusapan ang pagtanggi ng mga Pilipino sa pagbayad ng
buwis at bayarin sa simbahan.
Don Custodio: oh Simoun bakit ka ba nagpunta doon sa ilalim? Sayang at hindi mo nakita ang
mga tanawin habang naglalakbay ang bapor.
Simoun: ayos lang at wala rin naming halaga ang mga magagandang tanawin kung wala itong
alamat.
Don Custodio: te equivocas senior, may alamat ang magandang tanawin na iyan. Narinig mo na
ba ang tungkol sa Alamat ng Malapad na Bato?
Don Custodio: Noong hindi pa nakakarating sa Pilipinas ang mga Kastila ay sinasamba ng mga
tao ang Malapad na Baton a pinaniniwalaang tirahan ng mga espiritu. Ito ay nagsimulang
maging tirahan ng mga tulisan na humaharang sa mga Bangka nang mawala na ang pamahiin na
iyon.
Padre Florentino: Ngunit wala pa ring kasing-ganda ang Alamat ng yungib ni Donya Geronima,
Alam mo ba na si Donya Geronima ay tumandang dalaga dahil sap ag-iintay nito sa kanyang
kasintahan. Nag-arsobispo ang lalaki at ang Donya naman ay pinatira niya sa isang yungib.
Padre Salvi: at ang himalang ginawa ni San Nicolas kung saan ay ginawa niyang bato ang isang
buwaya.
Ben Zayb: Teka ma iba ako. Kapitan, alam mo ba kung saan pinatay si Crisostomo Ibarra?
Kapitan: Tumingin kayo doon….
Kapitan: Ayon sa kwento, labintatlong taon na ang nakakalipas,tinutugis noon ng mga kawal si
Ibarra nang siya’y tumalon sa lawang ito at pag babarilin hanggang sa siya’y maglaho sa
kanilang paningin at sadakon iyon sa may pampang, ang tubig ay nagkulay-dugo.
Padre Sibyla: Kasama na nya ang kanyang ama sa lawing ito
Padre Salvi: Hindi ba’t isang pilibustero ang kanyang ama?
Ben Zayb: Kaya pala’t napakamura ng kanyang libing, hindi ba Padre Camorra?
Padre Camorra: Ang isang pilibustero ay hinding hindi magkakaroon ng marangyang libing
Ben Zayb: Tahimik ka ata Ginoong Simoun, ayos ka lang ba?

SCENE 4: KABESANG TALES

9
Narrator: Si Telesforo o mas kilala sa pangalan na Tales ay anak ni Tandang Selo. Si Selo ay isang
mangangahoy na bagamat puti na ang buhok ay malusog at malakas pa rin pangangatawan.
Inaalagaan ni Tales ang isang bahagi ng lupain sa kagubatan dahil palagay niya ay wala ng
nagmamay-ari nito, kasama niya roon si Tandang Selo ay ang kanyang asawa’t anak.
Nangmalapit ng anihin ang mga unang tanim ay inangkin ng korporasyon ng mga pari ang
lupain at hinihingian nila si Tales ng dalawangpu hanggang tatlumpong piso kada taon. Habang
lumalaki ang mga ani ay lumalaki rin ang buwis na hinihingi.

BAHAY NI KABESANG TALES:


Kabesang Tales: dahil maganda ang ani sa mga nakaraang buwan ay napagdesisyonan naming
na pag-aralin kayo sa maynila
Juli: Totoo po ama?!
Kabesang Tales: Oo naman anak
Juli: Naalala mo pa ba si Basilio ama? Nasa maynila siya ngayon at nag-aaral balita ko ay
napakagaling niya
Tandang Selo: Sa susunod na taon ay magtutungo ka na sa maynila at mag-aara; kagaya ng
ibang mga dalaga
Juli: Opo, nasasabik na ako (giggles) makikita ko na ulit si Basilio

(Ni tuktok si Padre Camorra sa Door)

Padre Camorra: Oh selo! Maganda at ikaw yan nandyan baa ng anak mong si Tales?
Tandang Selo: Nandito po sya padre, tuloy po kayo
Padre Camorra: Sisingil ko lamang siya sa kanyang buwis
Kabesang Tales: Buwis? Ano’t buwis nananam kababayad pa naming noong nakaraang buwan
ah
Padre Camorra: Noong isang buwan pa yon, kailangan mong magbayad at ang buwis ngayon ay
dalawang daang piso
Kabesang Tales: Dalawang piso?! Sumusobra nay an ah saan ako kukuha ng ganyang kalaking
pera?

10
Padre Camorra: (annoyed laugh) magdahan-dahan ka sa pananalita mo Tales at saka hindi ko na
problema iyan kung ayaw mo ay umalis na kayo at sa iba ko ipapatanim itong lupa
Kabesang Tales: Madali mo lang sabihin yan kase ako ay isang mangmang ngunit hindi ko
ibibigay ang lupang ito sa taong hindi kayang higitan ang ginawa namin para sa lupang ito
Tandang Selo: Tama na anak
Kabesang Tales: Hindi tay, Diligan nyo muna ng dugo’t pawis ang lupaing ito at isusuko ko ito sa
inyo.
Padre Camorra: ¡Callarse la boca! ¡No tienes respeto por los que están por encima de ti! Kung
ayaw mo mag bayad ay gagawin naming gwardiya sibil ay iyong anak! Dakpin siya
Kabesang Tales: Wag! Wag ang aking anak!
Tano: Ama! Tulong Ama!
Tandang Selo: Bitawan ninyo ang akin apo
Guard: Wag kang makialam ditto (push selo)
Juli: Lolo!!
Tano: Bitiwan ninyo ako! Tulong Ama!
Gwardiya Sibil: Tahimik!
(punch tano in the tiyan)

Narrator: Hindi nag bayad ng anumang pera si Tales upang makuha ang kanyang anak at kahit
na utos ng Kapitan Heneral na babawiin ang lahat ng baril ay patuloy pa rin ang pagbabantay ni
Tales sa kanyang pananim gamit ang Gulok at Panakol. Nalaman ni Juli na nakuha ng mga
tulisan ang kanyang ama at makukuha niya lamang ito kapag makapagbibigay siya ng Limang
daang piso. Ibinenta ni Juli ang kanyang mga alahas upang siya ay makapagbayad liban sa isang
isang agnos na may brilyante at esmeralda na bigay sa kanya ng kasintahang si Basilio. Ngunit
hindi ito sapat kaya namasukan siya bilang isang kasambahay.
Tandang Selo: Wag mo akong iwan apo, wag kang umalis..
Juli: Kailangan kong gawin ito
Tandang Selo: oh apo ko…

KABANATA 5:

11
ANG NOCHE BUEANA NG ISANG KUTSERO

Narrator: Dumating si Basilio ng San Diego sa kasagsagan ng Bisperas ng kapaskuhan at


kasalukuyang inililibot ang prusisyon ng Noche Buena sa mga lansangan.

Guard: detener el carrito!


Kutsero: Magandang gabi po..
Guard: ahí abajo!
Guard: bakit walang ilaw ang karomata mo?
Kutsero: po? Ah.. ehh..
Guard: sagot!! Bawal yun, ilabas moa ng iyong sedula!
Kutsero: wala po akong sedula..
Guard: Talaga naman!
Kutsero: nagmamakaawa po ako.. ihahatid ko lamang ang aking sakay
(Inupakan ng mga guwardiya sibil ang kutsero, saka dinala sa kanilang
komandante)

Tahanan ni Kapitan Tiago:

Mayordoma: Dumating kana pala Basilio!


Basilio: Nakapaghanda ka na ba ng makakain?
Mayordoma: aba syempre naman! Naka handa na ang pagkain mo sa hapag.
Basilio: ano ba ang mga balita habang wala ako?
Mayordoma: wala naman masyado.. dalawa sa ating mga katulong sa bukid ay nakulong at ang
isa’y naipatapon sa isang malayong bayan at ang isa po nating katulong ay namatay
Basilio: anong ikinamatay?
Mayordoma: Katandaan at hindi siya na bigyan ng magandang libing dahil hindi hamak na
mahirap lamang siya

12
Basilio: wala ka na bang ibang balita? Nakakawalang gana ang mga balita mo..
Mayordoma: Ah! Naalala ko na! Si Kabesang Tales ay nawawala at ang sabi sabi ay nadakip na
siya ng mga tulisan. Kawawang Juli para maka hanap ng pangtubos sa kanyang ama ay
namasukan bilang kasambahay..
(ni tindog si Basilio)
Mayordoma: Oh akala ko ba kakain ka?
Basilio: Busog pa pala ako.

KABANATA 6 at 7:
SI BASILIO AT SI SIMOUN

Narrator: Maghahating gabi na ng nalalakad si Basilio sa kagubatan na noon ay pagmamay-ari


ng mga Ibarra dahil wala na sila ay binili ito ni Kapitan Tiago. Tumigil si Basilio sa harap ng
malaking bato sa gilid ng malaking puno ng balete.
Basilio: Ina, kumusta ka na po? Maligayang pasko po sa inyo. Dalawang buwan nalang at
magiging isang ganap na doctor na ako tapos babalik ako ina, babalik ako at pakakasalan ko si
Juli
(naay nakita na light si Basilio from a far)
Basilio: May tao ba doon?
(lumapit si basilio then naka tunod siyag something maong naka create ug noise)
Simoun: Sino ka? Magpakita ka!
(nagpakita si basilio)
Basilio: Maari ko ba kayong tulungan ginoo?
Simoun: at bakit naman ako papayag?
Basilio: Labintatlong taon na ang nakakaraan ng tulungan ninyo akong maglibing sa bangkay ng
aking ina at sunugin ang bangkay ng isang lalaki. Hayaan niyo namang makapagpasalamat ako
sa inyong ginawa.
(nag bunot ug baril)
Simoun: Bakit? Sino ba ako sa tingin mo?

13
Basilio: Akala naming ay patay ka na, maski ako ay nalungkot sa balita ngunit heto ka ngayon sa
akong harapan at buhay na buhay
Simoun: Ngayon at alam mo na ang aking plano ay magigin sagabal ka lamang. Kayang-kaya
kitang patayin at walang niisa ang makaka-alam kung sino ang pumatay sayo iisipin lamang nila
na mga tulisan ang pumatay sayo. Ngunit ay hahayaan kitang mabuhay dahil alam ko ang mga
dinanas mong hirap at pareho tayong may utang na kailangan singil kaya’t bakit hindi tayo
magtulungan
Basilio: Ngunit..
Simoun: Yan ang problema sa mga kabataan wala kayong ginawa kundi purihin ang mga kastila,
akala nyo ba ay magiging pantay ang pagtrato nila?
Basilio: gusto naman na magkaisa tayong lahat
Simoun: ¡Un absurdo! Ang dali ninyong malinlang sa kanilang mga pangako, kailanman ay
hinding hindi magiging kastila ang pambansang wika ng bayang ito. Habang angkin ng bayan ang
sarili nitong wika ay may sarili itong pag-iisip. Kailangan ng bayang ito ang tulong mo Basilio, gamitin mo
ang iyong talino’t lakas upang matuwid ang lihis na pamamahala sa bayang ito.

Basilio: Ngunit ang nais ko lamang ay maging doctor

Simoun: Wag mong kalimutan ang nangyari sa ina’t kapatid mo

Basilio: Kailanman ay hindi ko sila kinalimutan, ngunit wala akong pera’t pangalan

Simoun: tutulungan kita

Basilio: Ano bang mangyayari pag ipinaghiganti ko sila? Hindi naman sila mabubuhay ito at higit sa lahat
maramang tao ang madadamay!

Simoun: Isipin mo nalamang na mabibigyan mo ng hustisya ang mga mahal mo sa buhay

Basilio: Gusto ko lang ng tahimik na buhay, pwede bang ipagbahala nalamang natin ang suliraning ito?

Simoun: Ang pagsasawalang bahala ay isang Gawain ng duwag! Walang maaalipin kung walang
magpapaalipin. Bakit sa tingin mo, kapag nagkaroon ka na ng sariling pamilya at tahimik na buhay,
masasabi mo ba na tuluyan ka nang malaya?

Basilio: …….

Simoun: Pag-isipan moa ng aking alok alam mong bukas ang aking tahanan para sayo

Basilio: Maraming salamat ginoo, mauuna na po ako sayo

(leaves)

KABANATA 8:

14
MASAYANG PASKO

Hermana: Bukas ka na magsisimula Juli

Juli: Bukas po? Pero pasko po bukas

Hermana: Aba’t kung ganyan ay ibalik mo ang perang pinahiram ko sayo

Juli: Opo, babalik po ako

(nasa bahay nila uli)

Juli: Lolo, maligayang pasko po.. aalis na po ako sabihin mo nalang kay tatay na nakapasok ako sa isang
murang coloheyo.. paalam po

KABANATA 9:

SI PILATO

Narrator: Mabilis na kumalat sa buong bayan ang pagkapipi ni Tandang Selo at nang makarating ito sa
amo ni Juli na si Hermana Pechang ay sinabi niya na ito ay parusa ng Diyos dahil hindi marunong
magdala ang dalaga.

Hermana Pechang: Alam mo na baa ng nagyari sa lolo mo juli?

Juli: Bakit? Ano po baa ng nagyari sa lolo ko? May masamabang naganap?

Hermana Pechang: Alam mo Juli, pinaparusahan talaga nang Diyos ang mga tao para malaman nila na
maka-salanan sila?

Juli: Ano po ang ibig ninyong sabihin?

Hermana Pechang: Na ang babaeng katulad mo na malapit na ikasal ay hindi marunong mag dasal!
Napakalaking kahihiyan iyon!

Juli: po? Opo, pasensya nap o…

Hermana Pechang: Heto basahin mo ito dios por santo nang matuto kang magdasal pero linisin mo
muna ang bahay bago mo basahin AMP!!

Narrator: Nalaman ni Hermana Penchang ang pagluwas ni Basilio ng Maynila upang tubusin si Juli sa
pagpapaalila gamit ang naipon nitong pera. Para sa kanya maihahalintulad niya si Basilio sa isang
demonyong nagbabalatkayo bilang isang mag-aaral. Sa pag-asang maililigtas pa niya si Juli sa kamay nito,

15
ipinabasa niya kay Juli ang aklat na may pamagat na Tandang Basyong Makunat. Sa kabilang banda,
nagdiriwang naman ang mga prayle sa pagkapanalo hingil sa pinag-aawayang lupain ni Kabesang Tales.

KABANATA 10:
KAYAMANAN AT KAGUSTUHAN

Narrator: Nagtungo si Simoun sa bahay ni Kabesang Tales upang magtinda at makipagpalitan ng


alahas. Kabiling sa mga bumili sina Kapitan Basilio, ang kanyang asawa at anak na si sinang, at si
Hermana Penchang. Marami ang humanga at bumili nang ilabas ni Simoun ang mamahaling
hiyas.
Hermana Pechang: Oh Kapitan Basilio, nandito rin ba kayo para bumili ng mga alahas?
Kapitan Basilio: Oo, kasama ko ang aking asawa’t anak
Hermana Pechang: Mabuti naman kung ganon, Oh! Kapitana Tika
Kapitana Tika: Amiga! Magandang araw, anong balita?
Hermana Pechang: Naku! Alam mo ba na si Juli ay magpa hanggang ngayon ay hindi parin
marunong mag dasal! en el nombre del padre y del hijo y del espiritu santo kaawaan sana sya
ng Diyos
Simoun: Mabuti at nandito na kayo heto at mayroon akong antigong mga alahas na binibenta
(nag bukas ng kahon na may alahas)
Simoun: Mayroon akong kwintas ni Cleopatra, Singsing ng senador at kabalyerong Romano at
hikaw ng mga dalaga sa Roma
Simoun: Narito pa ang ibang mga alahas, lahat ng ito ay mga antigo
(Nagkuha ng ibang kahon at binuksan ito)
Simoun: Singsing ng isang prinsesa ng Lambelle at hikaw ng dating dama ni Maria Antoineta.
Sinang: Gusto ko to!
(nag kuha pa ng isang kahon si simoun)
Simoun: Narito rin ang iba pang mga bato. Ang esmeraldang ito ay galling Peru, ito naman ay
galing India at perlas na galing sa silangan. Sapiro na kinuha mula sa Ceylon.
Simoun: Marami kayong mapagpipilian, subukan ninyong tignan.

16
Sinang: Ginoong Simoun, wala po ba sa inyo ang agnos ni Maria Clara? Isa iyong relikaryong
may brilyante at esmeralda, alahas iyon ng aking kaibigang mongha.
Hermana Pechang: Bihira nang Makita ang agnos na iyon at balita ko rin ay nangangayat na raw
ang dating may-ari niyang si Maria Clara sa kumbeto kaya kung sayo ay wag ka ng mangarap pa
(Kabesang Tales rushes to Simoun showing the necklace)
Kabesang Tales: Heto!
Simoun: hmm maganda, magkano mo ba ito ipagbibili sa akin?
Kabesang Tales: Pag-iisipan ko muna, pagsasabihan ko muna ang aking anak na ipagbibili ko ang
kanyang alahas. Babalik ako mamayang gabi
Simoun: Sige, kung yan ang iyong nais
Narrator: Nakatulog na si Simoun habang naghihintay kay Kabesang Tales. Kinabukasan ay
nakita niyang bukas ang lalagyan ng kanyang rebolder at doon niya nakita ang Agnos ni Maria
Clara na may katabing sulat
Kabesang Tales: (dubbed)
Patawarin ninyo sana ako at ninakawan ko kayo. Ipagpapalit ko ang agnos ni Maria Clara pa
inyong rebolder, kailangan ko talaga ito sa aking pamumundok kasama ang mga tulisan.
Ipinagpayo ko na mag iba nalaman kayo ng landas upang hindi ka mahulog sa aming mga kamay

Nagpapaalam,
Telesforo Juan De Dios
Simoun: Sa wakas ay natagpuan ko na rin ang aking hinahanap hahahahhaha (evil laugh)

KABANATA 11:
LOS BANOS

Narrator: Pumunta ang Kapitan Heneral sa Busobuso upang mangaso kasama ang banda ng
musiko, ngunit wala itong nahuli kaya ipinag-utos din na bumalik na sa Los Banos. Naglaro si
Kapitan Heneral kasama sina Padre Irene, padre Sibyla, at Padre Camorra.
Kapitan Heneral: Talaga naman oh! Napakaswerte ko naman!

17
(nag tinginan si Padre Irene at Padre Sibyla)
Padre Camorra: Akala niyo ata ay umuutot ako ng pera! Galit nag alit na ang mga indio sa
pagbabayad ng buwis! *walks out
Padre Irene: (fake cough) Kapitan Heneral, Hindi bat magiging maganda kung Isasara ang mga
paaralan para pasugalan?
Padre Sibyla: Oo nga at simulant na rin ang pagpapato ng Paaralan para sa wikang kastila upang
sila ay matuto
Kapitan Heneral: Isasara ang mga paaralan parapasugalan? Magbibitiw na muna ako! May
binabalak ako ukol diyan.
Kapitan Heneral: At isa pa payag na akong palayain ang matanda. Baka sabihin nila na hindi ako
marunong maawa.

KABANATA 12 at 13:
SI PLACIDO PENINTENTE AT ANG KLASE SA PISIKA

Narrator: Si Placido Penitente ay isang mag-aaral muna sa Unibersidad ng Santo Tomas,


dalawang beses na nitong sinulatan ng liham ang kanyang ina dahil nais na nitong tumigil sa
pag-aaral. Likas na matalino at itinuturing na pinakamahusay na mag-aaral ni Padre Valerio si
Placido. Isang araw habang naglalakad si Placido sa Daang Escolta patungong Unibersidad ng
Santo Tomas ay may tumapik sa kanyang isang lalaki. Ito ay si Juanito Pelaez, Si Juanito ay
mapaglaro at bolero kahit na maypagka kuba ito, paborito din ito ng mga guro kahit na bulastog
at manloloko ito sa mga kamag-aral

Juanito: Oh, kamusta ka na Placido?


Placido: Mabuti naman, ano bang ginawa mo sa bakasyon?
Juanito: Alam mo bang nagbakasyon kami sa Tiani? Inanyayahan kami ni Padre Camorra. Hindi
ko alam napakaliberal niya palang klase ng pari. Mahilig siya sa mga kasiyahan katunayan nga
niyan pulos panghaharana ang aming ginawa. At isa pa ay (whisper to Placido) hinarana naming
ang nobya ni Basilio. Hhahhahaaha
Juanito: Ano nga pala ang leksiyon kahapon?
Placido: Walang klase kahapon

18
Juanito: Ganon ba? Magbigay ka nalang ng ambag para sa ipapatayong monument.
Placido: Ano? Magkano ba?
Juanito: Dalawang Piso lamang
Placido: Heto (Nag bigay)
*bell sounds
Juanito: Halika na! Mahuhuli na tayo
Kamag-aral: Placido! Sandali!
Kamag-aral: Pwede bang lagdaan mo ito?
Placido: Hindi ako basta-basta lumalagda ng kung ano-ano
Kamag-aral: Problema ba yon? Ang dalawang carabineros celestials ay lumagda na
Placido: kahit na, babasahin ko muna
Kamag-aral: Napakahaba nito! Patisyon ito para sa hinihinging permiso ni Makaeaig para sa
pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila.
Placido: Mamaya na nariyan na ang aking guro
Kamag-aral: Ha? Ngunit Placido, hind- (Tumakbo na si placido) hay nako!

(Classroom)

Padre Millon: Upo! Juanito, sagutin mo ang aking katanungan. Ang salamin ay nasa ibabaw ng
pinagkakapitan nito’y isang substansiya na walang pinagbago at di esensiyal na ibabaw, dahil
ang ibabaw ay isang insidente lamang ng substansiyang katawan nito? Anong masasabi mo
tungkol dito?
Juanito: Hindi ako sumasang-ayon
Padre Millon: ipaliwanag mo ang iyong sagot
Juanito: Placido! Pst! Anong sagot?
(steps on Placidos feet)

19
Placido: Aray! Walanghiya ka!
Padre Millon: Anong sabi mo?! Ikaw! Tayo! Sagutin moa ng tanong ko. Ang sabi sa aklat, ang
salamin ay gawa sa tanso o sa iba pang metal. Tama o mali?
Placido: Yan po ang sinasabi sa aklat, Padre.
Padre Millon: Pilosopo! Huwag kang magmarunong! Talagang hindi moa lam ang leksyon palagi
ka kaseng lumiliban!
Placido: Tama na! Wala kang karapatang alipustahin ako, iyo na ang klaseng ito dahil wala na
akong balak na mag-aral pa!
(umalis dala ang mga gamit)

KABANATA 14
ANG TIRAHAN NG MAG-AARAL
(Nag-uusap sina Pecson, Isagani, Macaraig at Juanito sa sala.)
Macaraig: Kaninang umaga ay nakipagkita ako kay Padre Irene, at sinabi niya ang nangyari sa
Los Banos. Ang lahat daw ay tutol. Ngunit hinayaan na nila na ang Kataas-taasang Lupon ng
Paaralang Primarya ang mag-desisyon.
Pecson: Ngunit hindi naman kumikilos ang lupong iyan!
Macaraig: Yan din ang sinabi ko kay Padre Irene. Ang sabi niya’y si Don
Custodio, isang kasangguni ng lupon ang magdedesisyon.
Pecson: Ngunit, kung hindi sang-ayon si Don Custodio?
Macaraig: Sinabi ko rin iyan kay Padre Irene at sinagot niya ako na malayo na raw ang ating
narating, nagawa na ang ating kahilingan ay maiumang sa isang kapasyahan. Kung makukuha
natin si Don Custodio sa ating panig ay makakamit natin ang tagumpay.
Sandoval: Sa papaanong paraan?
Macaraig: Dalawang paraan ang sinabi sa akin ni Parde Irene.
Pecson: Ang intsik na si Quiroga!
Sandoval: Ang mananayaw na si Pepay!
Isagani: May isang paraan pa. Maaari tayong lumapit kay Ginoong Pasta.
Sandoval: Ang abugadong hinihingian ng payo ni Don Custodio?

20
Isagani: Oo, siya nga. Isa siyang kamag-aral ng aking amain. Ang problema lang ay kung papaano
natin siya lalapitan upang pakiusapan si Don Custodio na paburan tayo.
Macaraig: Hindi ba’t si G. Pasta ay may kalaguyong isang mananahi.
Isagani: Wala na bang ibang paraan bukod sa paghahandog ng kanilang mga kalaguyo?
Pelaez: Huwag ka na ngang maarte! Isipin mo na lang ang kaginhawaang magagawa noon. Kilala
ko ang babae, si Matea.
Isagani: Huwag mga ginoo, gumamit muna tayo ng mabuting paraan. Ako ang kakausap kay
Ginoong Pasta. Kung ako’y hindi magtatagumpay, tsaka natin gawin ang ibang paraan.

KABANATA 15
GINOONG PASTA

Isagani: Magandang Umaga po, Naparito ho ako para makiusap po sa inyo na mamagitan sa aming
panig. Naniniwala ang mga kabataan, na labis kayong nagmamahal sa inyong baying sinilangan. Kaya
nais naming humingi ng tulong upang mapakiling sa amin si Don Custodio.

Ginoong Pasta: Ayaw ko makialam sa ganyang mga usapan! Oo nga’t mahal ko ang lupang sinilangan at
naghahangad ng pag-unlad ngunit hindi maaaring sumulong nang basta-basta. Maselan ang aking
kalagayan at maraming ariarian kaya kailangan ko ng ibayong pag-iingat.

Isagani: Ngunit, kahit napaka-kaunti ang nalalaman ko sa mga batas at mga pagpapasya sa ating bayan,
ipinagpapalagay ko na hindi masamang makiisa sa mga adhikain ng pamahalaan at sikaping siya’y
maalinsunod ng mabuti. Iisa lamang po ang aming layunin, nagkakaiba lamang ng pamamaraan.

Ginoong Pasta: Kahanga-hanga ang iyong kasagutan binate ngunit hindi niyo pa rin ako
mapapapayag, napakapanganib ang makealam. Ang maipapayo ko ay pabayaan mo na lang gumawa
ang pamahalaan.

Isagani: Kung gayo’y… (Tumayo na) Mauuna na po ako. (Lumabas na at isinara ang pinto.)

KABANTA 16

MGA KAPIGHATIAN NG ISANG INSIK

Simoun: Nasaan na ang siyam na libong piso na iyong inutang?

21
Quiroga: Wala na akong pela. Empleyado, opisyal, tinyente, sundalo. Lahat sila utang akyen pelo wala
bayad. Hindi akyen alam kung paano bayad utang. Tulong ka ke Quiroga.

Simoun: Ngayon ko pa naman kailangan ng salapi pero alam mo namang kaibigan kita. Kung gusto mo,
gawin na lang nating pitong libo ang utang mo. Kayo’y nakapagpapaok ng aduana ng lahat ng inyong
naisin, mga kahon ng lampara, bakal, porselana at mga baril para sa mga kura. O, ano, papayag ka ba?

Quiroga: sige, payag ako basta kikita pela. Pe..pelo delikado kontlabando. Ba…baka huli tayo sundalo?

Simoun: huwag kang maingay. Ngayong gabi, may darating na ilang kahong baril. Gusto kong tulungan
mo akong itago ang mga ito sa iyong bodega.

Quiroga: Takot si Quiloga. Meron ako balil.

Simoun: Madali akong kausap, kung ayaw mo ay mag bayad ka na ngayon

Quiroga: Sige, sige, ako hindi na takot. Tulong na Quiloga sa kaibigan. Pelo ikaw ingat. Huwak damay
Quiloga, ha?

Simoun: Wag kang mag-alala sagot kita

KABANATA 17
ANG PERYA SA QUIAPO

Padre Camorra: Kay ganda naman ng mga babae ditto! Ang ganda ganda ganda!!
(ni agi si paulita)
Padre Camorra: Napakaganda talaga!
Padre Camorra: Ay kamukha mo ito (gets the statue)
Ben Zayb: Kamukha mo rin ito
Padre Camorra: Kamukha nito si Ginoong Simoun
Padre Camorra: Teka nasaan na pala si Simoun? Natakot ata pagbayarin natin sa palabas ni Mr.
Leeds
Ben Zayb: : Baka nama’y nangangambang mapatunayan na may daya ang palabras

KABANATA 18
ANG PANDARAYA

22
Mr. Leeds: Pumasok kayo sa aking tanghalan. Makikita niyo rito ang ulong nagsasalita ng
pawang katotohanan.
Mr. Leeds: Deremof! (Bumukas ang kahon at nalantad sa paningin ng mga naroroon ang isang
ulo. Idinilat ng ulo ang mga mata at iginala ang paningin at napatitig kay Padre Salvi.) Espinge,
sabihin mo sa amin kung sino ka.
Imuthis: Umibig ako sa anak ng isang saserdote. Ang batang saserdote ng Abydos ay umibig din
dito. Gumawa ito ng kaguluhan at ako ang idiniin na may kasalanan. Ikinulong ako ngunit
tumakas at nagpunta sa lawa ng Moeris pero doon ay pinatay ako. Nabigyan ako ng
pagkakataon na bangunin ang kaluluwa. Naririto ako upang isigaw sa lahat ang mamamatay
taong naglibing sa akin sa hukay! Mamamatay taong, lumapastangan sa aking kasintahan!
Mamamatay taong alagad ng kadimonyohan! Kadimonyohan! Kadimonyohan! Kadimonyohan!
Padre Salvi: Huwag! Hindi ako! Hindi ako! Hindi ako! (Nagsusumigaw habang
umiiling.Napatingin lahat sa kanya, nanginginig siya.) (ibinalik niya ang mata sa lamesa at nakita
niyang nakatingin sa kanya ang espinge habang pinandidilatan siya nang mata.)
Imuthis: Oo, ikaw nga kurang may maitim na buto! Ikaw na mapagparatang sa kapwa! Ikaw na
lumapastanganan sa Diyos! Ikaw na pumatay sa kapwa! Ikaw na dimonyo! Dimonyo! Dimonyo!
Pinatay mo ang dalaga! Pinatay mo siya! Pinatay mo siya!
Padre Salvi: Pa…patawad. Buhay pa siya! Buhay! Mahabag ka! (nahimatay) (naging abo ulit si
Imuthis. Ang mga dalaga ay naghima-himatayan din ngunit nang mapansing walang
dumadamay sa kanila, nagsibangon kaagad at naghilu-hiluhan sa upuan.)

KABANATA 19
PAGLISAN

Placido: Nakaka-inis na! Hinding hindi na ako babalik doon!


Kabesang Andang: Oh! Bakit nandito ka na? hindi ba’t may klase ka pa?
Placido: Ayoko na, hindi na ako papasok.
Kabesang Andang: Ngunit anak nangako ako sa iyong ama na pagtatapusin kita ng pag-aaral
Placido: Pero ina..
Kabesang Andang: Sige na anak ko

23
Placido: Hindi ko alam, lalabas muna ako ina
( Lumabas and after a few minutes bumalik)
Kabesang Andang: Yan kase sinasabi ko, wala kang mamarating pag hindi ka nag aral. Ngayon
aalis-alis ka tapos babalik lang din yan din ang mangyayare sayo pag hindi ka nag aral
(Lumabas uli si placido)
Narrator: Nang lumabas muli si Placido ay nagtungo ito sa Daungan. Doon ay nag-intay siya ng
kaibigang mandaragat ngunit nabigo kaya’t nagtungo siya sa perya. Nakita ni Placido si Simoun
na dinala siya sa kung saan – saan, hatinggabi na ng maka-uwi si Placido. Kinabukasan ay
masaya niyang pinariringgan ang mga pangaral ng ina.

KABANATA 20
Ang nagpapasiya

Don Custodio: mga indio nga naman. Tsk tsk.. wala nang ginawang maayos at kahanga hanga!
Walang angking talino ang mga Indio na dapat ipagmalaki dahil pag ganon, siguradong
masasawi lamang sila
Don Custodio: Wag na nating pag damitin ang mga bilanggo sa halip ay magbahag na lamang.
Ah! Napakagaling ko talaga! ANG AKING PAGPAPASYA AY NATAPOS NA!

KABANATA 21
MGA AYOS NG MAYNILA

Narrator: Nang gabing iyon ay may pagtatanghal sa teatro de Variendades, ang Les Choches de
Corneville ng bantog na mga Pranses. Ubos kaagad ang tiket, at mahabangmahaba ang hanay
ng nagsipasok. Isang Kastila ang tanging walang bahala sa pagpasok sa dulaan.Ito’y si
Camarroncocido na anyong pulubi o palaboy. May lumapit sa kanya na isang kayumangging
lalaki na matanda at may amerikanang mahaba’t hanggang tuhod. Siya’y si Tiyo Kiko. Pinakitaan
nito ng mga mamisong Mehikano si Camarroncocido. Iisa ang kanilang hanapbuhay: pagdidikit
ng mga paskil.

24
Camarroncocido to Tiyo Kiko: magkano naman ang ibinigay nila sa mga prayle? Dapat mong
malaman na ang buong kikitain ng palabas ay mauuwi sa mga kumbento.Ang palabas ayhumati
sa Maynila. Mayroong nagsitutol dito bilang masagwa at laban samoralidad, tuladnina Don
Custodio at ng mga prayle. Mayroon namang nagtanggol dito. Mga pinuno ng hukbo at mga
marino, angkawani, at maraming matataas na tao. Laban ang mga babaing may asawa o may
kasintahan. Ang walanama’y sang-ayon sa opera.
Narrator: Habang naglalakad at nagmamatyag si Camarroncocido ay may narinig ito
Voice Over (simoun): Ang palatandaan ay isang putok
Narrator: Ngunit hindi niya ito pinansin

KABANATA 22
ANG PALABAS

Narrator: Maraming tao ang nakapila sa Teatro de Variadades dahil may pagtatanghal ng isang
nagngangalang Ginoong Jouy. Ang palabras ay isang dulang Pranses na pinamagatang “Les
Cloches de Corneville” Naging usap-usapan and bantog na opera sapagkatbalitang mahuhusay
umawit, at magaganda ang mga mukha at katawan ng mga artistang nagsisiganap. Bandang alas
siyete y medya pa lamang ay naubos na ang mga tiket at may mahabang pila para makapasok
ang mga tao.

(Dumating sina Paulita Gomez at Dona Victorina)


Padre Camorra: Napakaganda mo ngayong gabi Paulita
Paulita: Maraming salamat Padre
(Dumaan si Isagani)
Paulita: Isagani!
Isagani: Magandang gabi Paulita
(Nag walk-out si Padre Camorra)
Paulita: Naghintay ka ba ng matagal mahal ko?
Isagani: Hindi naman… sa katunayan ay –
Juanito: Paulita!
Paulita: Juanito

25
Juanito: Kakarating niyo lang ba??
Paulita: oo, ikaw ba?
Dona Victorina: Magandang gabi sa iyo Juanito
Juanito: ah, ang napakagandang donya, kumusta po Dona Victorina?
Dona Victorina: Estoy bien, bien y tu preguntaste.. narito ka rin ba upang manood?
Juanito: oho
Dona Victorina: bien entonces, sumabay ka na samin
(Inakay palakad ni Doña Victorina si Juanito papasok ng teatro)

Dona Victorina: Paulita ven aquí

Paulita: si tía. Mauuna na ako sa loob, sumunod ka ha?

Isagani: *nod*
(pumasok na sa loob)
Sandoval: Isagani! Naghintay ka ba ng matagal? Ang haba kasi ng pila doon sa palikuran.
Patawad.
Isagani: Ayo slang. Halika na, pasok na tayo.
(Nagsimula na ang palabas at nagsimula nang kumanta si Gertrude)
Juanito: Doña Victorina, alam mo ba na ang kantang iyan ay sikat sa Europa?
Dona Victorina: Nakakabilib ka naman Juanito ang dami mong alam.
(Agad na hinanap ni Isagani sa lupon ng mga taong naroon sina Paulita at nakita niyang
nakikipagmabutihan ito ka’y Juanito dahil sa inis ay naisipan niyang huwag nang umupo kasama ang
kasintahan)

Sandoval: Oh, andito din pala si Juanito? Hindi ba’t si Paulita yung kasama niya? Isagani saan ka
pupunta?

KABANATA 23

ISANG BANGKAY

26
Narrator: Hindi nanood ng dula si Simoun. Malungkot siya at balisa. Hindi rin nanood si Basilio matapos
niyang tubusin si Juli sa pagpapaalila kay Hermana Penchang. Wala siyang inatupag kundi pag-aaral
kundi nama’y pag-aalga sa may sakit na si Kapitan Tiago.

(Tahanan ni Kapitan Tiago)

Basilio: Napadalaw ho kayo Ginoong Simoun.

Simoun: Kamusta ang may sakit?

Basilio: Malubha ang kanyang kalagayan, mahina na ang kanyang pulso at halos hindi na tumitibok ang
kanyang puso. Wala na rin siyang kaganaganang kumain. Kumalat na ang lason sa buo niyang katawan at
maaari na siyang malagutan ng hininga anumang oras

Simoun: *buntonghininga* Makinig ka sa sasabihin ko Basilio, mahalaga ang bawat sandali. Sa loob ng
isang oras ay sisiklab ang rebolusyon sa hudyat ko. Naihanda ko na ang lahat at natitiyak kong ako’y
magwawagi. Nandito ako para ialok sayo ang iyong kamatayan o ang iyong kinabukasan. Kanino ka
papanig? May panahon ka para pumili.

Simoun: Naghihintay sa iyo sa labas si Kabesang Tales. Sasama ka ba sa amin o ituturing mo kaming
kalaban? Anong pasya mo?

Basilio: A-ano ba ang maari kong gawin?

Simoun: Napakadali lang Basilio, mamuno ka sa pangkat na papasok sa kumbento at kunin mo ang isang
taong bukod tangi sa akin at kay Kapitan Tiago.

Basilio: Si Maria Clara!

Simoun: Oo, nais kong iligtas mo siya.

Basilio: Pero.. Si Maria Clara ay … patay na

Simoun: Anong patay na! *kinwelyuhan si Basilio*

Basilio: Kaninang hapon ho lamang, ganap na alas sais...

Simoun: Hindi yan totoo! Buhay pa si Maria Clara! Sinasabi mo lang yan dahil ayaw mo siyang kunin.

Basilio: Ilang araw na siyang matamlay at maysakit. Nagpunta ako ng kumbento para malaman ang
kanyang kalagayan...Ginoong Simoun... si Maria Clara ay...

Simoun: Namatay siyang hindi ko man lang nakita. Namatay siyang hindi nalalaman na nabubuhay ako
para lamang sa kanya. Namatay siyang nagdurusa...

Basilio: Ginoong Simoun..

KABANATA 24

MGA PANGARAP

27
Narrator: Sa sumunod na araw ay nagtakdang makipagkita ni Isagani sa kasintahang si Paulita Gomez.
Naglalakad siya sa Paseo de Maria Cristina bago pa man lumubog and araw Dumidilim na ang paligid
subalit wala pa rin si Paulita. Tila nawawalan na siya ng pag-asang darating pa ang kasintahan nang
marinig niya ang papalit na karwaheng hila ng dalawang kabayong puti.

(Paseo de maria cristina)

Dona Victorina: Nasaan ang asawa ko isagani?

Isagani: Ho?

Dona Victorina: Sabihin mo sa akin kung nasaan ang asawa ko

Isagani: Lo siento seniora pero hindi ko po alam

Dona Victorina: Sabihin mo sa kanyang patay man o buhay gusto ko pa rin siyang makita. Matagal na ang
sampung taong paghihintay upang makapag-asawa akong muli.

Dona Victorina: Anong tingin mo kay Juanito?

Isagani: Uhh… masayahin siyang tao…mapagbiro at magiliw… Hahaha

Paulita: Tiya! Maghahanap sayo

Dona Victorina: Ha?? Sino!?

Paulita: Tiya… (warning tone)

Dona Victorina: Hmp!!

Paulita: *sigh* Buti naman at nagkaroon din tayo ng oras na mapag-isa. *tiningnan si Isagani* Galit ka ba
sa akin?

Isagani: *silence

Paulita: Kaya ka ba nagkakaganyan ay dahil sa pagsama ko kay Juanito? Ang aking tiya lang naman ang
may gusto kay Juanito eh. Ikaw nga diyan eh kung kani-kaninong magagandang dilag mo na lang
ibinabaling ang iyong mga tingin. Ni hindi mo nga ako pinansin nuong palabas.

Isagani: Sa tuwing pinagmamasdan ko ang kabundukan ay nakakaramdam ako ng kalayaan. Pangarap ko


na makitang Malaya at maunlad ang aking bayan.

Paulita: Pangarap! Pangarap! Ang sabi ni Tiya Torina, kalianma’y hindi na mahahango sa pagkabusabos
ang bayang ito.

Isagani: Isa naman kasi siyang hangal! Hindi siya mabubuhay ng walang alipin

Paulita: Paano kung walang mangyari sa inyong pinaglalaban?

Isagani: Makinig ka sa akin Paulita, alam mo kung gaano kita kamahal. Kung walang mangyari at namatay
ako sa aking paniniwala, mamamatay akong maligaya ipinaglalaban ang karapatan ng Inang Bayan.

Dona Victorina (VO): Paulita! Kailangan na nating umuwi maggagabi na.

28
Paulita: Sumabay ka na samin Isagani

KABANATA 25

TAWANAN AT IYAKAN

Narrator: Nagtipon-tipon sa “Pansiteria Macanista de Buen Gusto” ang labing apat na binate upang
idaos ang piging na iminungkahi ni Padre Irene at upang ipagidwang ng kabiguan ng balak na pagtuturo
ng wikang kastila sa kamay ni Don Custodio.

(dumating si Isagani at 2 intsik)

Macaraig: Mga ginoo… Isang natatanging sopas ang pancit lanlang na napakaraming halo, at ang mga
buto ng manok na ito’y ihandog kay Don Custodio.

Macaraig: Mayroon pa tayong tatlong ulam. Para kanino ang lumpiyang-intsik na yari sa lamang baboy?
Tadeo: Para kay pare Irene, ngunit dapat ay alisin muna ang ilong

Lalaki2: At ang tortang alimango ay ipatungkol sa mga prayle, tatawagin itong tortang prayle.

Macaraig: Ang pancit ay sa mga intsik daw o sa mga hapon ngunit inaangkin ng mga dayuhan at sila ang
nakikinabang, tulad na tulad ng pamahalaan sa Pilipinas. *sandaling tumingala ito*. Lahat ay nabubuhay
at binubihay ng baying ito ngunit pagkatapos ay walang pinakamasama kundi siya rin.

Lalaki1: Huwag kayong lubhang maingay. Alalahanin ninyong ang mga dingding ay may pandinig at
maaaring ngayon pa lang ay may mga lihim nang nagmamanman sa atin.

KABANATA 26

MGA PASKIN

San Juan de Dios

Propesor: Nasa piging ka ba kagabi?

Basilio: Este, sa dahilan pong masama ang lagay ni Kapitan Tiago at ako’y kailangang… *nagkamot ng
batok

Propesor: Mabuti kung gaon at hindi ka dumalo, ngunit hindi ba kasapi ka sa kapisanan ng mga
estudyante?

29
Basilio: Nagbigay lamang ako ng bitaw.

Propessor: Kung ganon ay dapat kang umuwi ngayon din at punitin ang lahat ng papel na maaaring
mapasangkot sa iyo.

Basilio: Wala po akong sukat ipangamba tungkol diyan, ngunit si Ginoong Simoun po kaya’y wala…

Propesor: Sinugatan siya ng isang kung sino at salamat sa Diyos, hindi maaaring may kinalaman siya
roon, ang mga estudyante ang nasasangkot dahil sa mga paskil na may masasamang sinasabi at sa
unibersidad pa raw natagpuan. Ang Vice Rector ang nagpatanggal at ipinadala sa pamahalaan

Bahay ni Macaraig

Macaraig: Basilio, marangal kong kaibigan, ngayo’y naparito ka samantalang noo’y waring nilalayuan mo
kami?

(Nagtanong ang kabo samantalang may isang talaang tinitignan.)

Guwardiya Sibil: Kayo ang taga-kalye Anloague at nag-aaral ng Medisina? Mabuti at kayo na ang kusang
naparito, kayo’y aming dinarakip. *at inakbayan ito

Basilio: Bakit po pati ako’y…

Macaraig: Huwag kang mag-alala, kaibigan. Halina sa aking sasakyan at ibabalita ko sa iyo ang nangyari
sa piging na dinaluhan naming kagabi.

(Sa loob ng sasakyan)

Macaraig: Kaibigan, ang tulong ko’y maaasahan o at sa iyong pagtatapos ay anyayahan natin ang mga
ito. *tinuro ang kabo at alguacil.

KABANATA 27

ANG PRAYLE AT ANG PILIPINO

Capista: Isagani, nais po kayong kausapin ni Padre Fernandez

Isagani: Ano kaya ang kailangan niya? *Nagkibit balikat ang capista at sinundan si Isagani*

Narrator: Si Padre Fernandez ay isa sa mga prayle na kasama sa mga usapan sa Los Banos. Nung
pumasok si Isagani sa silid ay nakitang naghihintay ito.

*pumasok si Isagani sa silid ni Padre Fernandez. Si Padre Fernandez ay malungkot, kunot ang noo, at
malalimang iniisip. Tumayo nang nakita si Isagani. Kinamayan ito at binati. Ipininid ang pinto at naglakad.
Nanatiling nakatayo si Isagani*

30
Padre Fernandez: Ginoong Isagani, mula sa aking bintana ay narinig ko kayong nagtatalumpati. Marami
naakong kabataan na naturuan ngunit wala pa akong nakitang naglalakas-loob sa kanyang paninindigan
tulad mo. May mga naninira sa amin nang talikuran ngunit sa harapan ay humahalik sa kamay. Ano ang
ibig mong gawinnamin sa mga taong ganoon?

Isagani: Hindi n’yo po sila masisi, Padre. Naturuan sila ng maging mapagkunwari at pigilin ang
kalayaannamagsalita. Sapagkat, kapag ang kanilang sinasabi ay hindi ninyo sinasang-ayunan, ito’y
itinatak bilang isang pag-aalsa.

Padre Fernandez (nagbubuntong-hininga): Hay. Ngayon matanong kita, ano ang gusto ng mga mag-aaral
naPilipino na gawin namin?

*Nagulat si Isagani at sumagot nang mabilisan*

Isagani: Tuparin ninyo ang inyong tungkulin

Padre Fernandez: Bakit? Hindi ba namin yun ginagawa?

Isagani: Padre Fernandez, kayong mga prayle, bilang mga guro, ay may tungkulin na hubugin sa
lalongmabuting paraan ang pangangatawan at paguugali ng mga kabataan .. Ngayon, ako naman ay may
tanong, natupad ba ng mga prayle ang kanilang mga pinananagutan?

Padre Fernandez: Oo, tumutupad kami

Isagani: Ngunit bakit hinahadlangan ang pagtuturo! Kahit ang mga bilanggo ay tinutulungan at
pinakikingganng pamahalaan ngunit kaming mga mag-aaral ay napapabayaan!

Padre Fernandez: Lumalagpas ka sa ating pinagkasunduan, Isagani.

Isagani: Hindi, Padre. Tinatalakay ko pa rin ang mga suliranin ng mga magaaral. Ang paghadlang ng mga
prayle sa aming pagkatuto ang sanhi ng aming kawalang kasiyahan.

Padre Fernandez: Ang karunungan ay ipinagkakaloob lamang sa sadyang karapat-dapat pagkalooban.


Angipagkaloob iyon sa mga taong walang malinis na kalooban at mabuting asal ay kahalay-halay lamang.

Isagani: Bakit may mga taong walang malinis na kalooban at mabuting asal?

Padre Fernandez: Iyan ang mga kasiraang nasanay mula pagkabata, na nagmula sa kapaligiran ng
pamilya.

Isagani: Hindi po, Padre Fernandez. Ayaw ninyong suriing mabuti ang ugat ng suliranin. Kung ano man
kami, ay kayo ang may gawa. Sumasang-ayon ako sa inyo na kami’y mayroong mga kahinaan. Sino ang
dapat sisihinsa mga ito? Kayo ba na nagturo sa amin o kami na sumunod sa inyo?

Padre Fernandez: Nauunawaan ko. kayo at kami’y nagsasayaw sa himig ng isang tugtugin. Naniniwala ka
bana kaming mga prayle ay walang budhi at hindi nagnanasa ng kabutihan? Ngunit gaya rin ninyo,
kinakailangang sumunod kami sa himig ng tugtugin. Kung hindi kayo ang magpapalayas sa amin, ang
pamahalaan ang gagawa niyan.

Isagani: Kung gayo’y, hinahangad ng pamahalaan ang aming kasamaan.

31
Padre Fernandez: Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin ay may mga paniniwala, mga
batasna mabubuti ang layunin, ngunit nagbubunga ng di magandang pangyayari. “Corruptissima in
republica plurimaeleges” ang sabi ni Tacito. Ang bayan ay lalong sumasama kung napakaraming mga
batas. Ang pagkawala ng pagtitiwala sa kabaitan ng bayan ang mag-uudyok sa kanila ng gumawa ng
kasamaan.

Padre Fernandez: Lumalayo na tayo sa paksa. Ngunit aking masasabi na hindi nasa pamahalaan o sa
amin ang kasalanan, kundi sa aming lipunan mismo. Ang lipunan, na puno ng mga kapinsanan, ay
nagiging dahilan ngkanyang sariling pagkasira.

Isagani: Ngunit hindi n’yo binibigyang pansin ang inyong sariling kasiraan at nagbigay pokus sa pag-ayos
sa mga kasiraan ng iba.

Padre Fernandez: Ang Pilipinas ay nasa kamay ng mga Kastila. Ito’y kailangan mong tanggapin, Isagani.
Ngunit, masyado na tayong napalayo sa paksa. Muli kong itatanong, ano ba ang hinihiling ng mga mag-
aaralmula sa aming mga prayle?

Isagani: Huwag humadlang sa kalayaan ng pag-aral. At sa halip, itaguyod ito.

Padre Fernandez: Ito’y isang malaking hiling. Para mo na ring sinabing kami ay magpatiwakal. Ang
dapatninyong hilingin muna ay ang hindi napakabigat.

Isagani: Kung gayo’y tumungo tayo sa mga kasanhian. Ikabubuti ng mga magaaral kung ayusin ng mga
propesor ang kanilang mga ugali.

Padre Fernandez: Ano?! Mayroon ba akong inuugali na di naiibigan ng mga mag-aaral?

Isagani: Padre, hindi ko po kayo tinutukoy. Pinag-uusapan natin ang pangkalahatan. Marami sa mga
mag-aaralay pumapasok sa silid-aralan at umaalis nang walang natututunan at paggalang na rin sa sarili.

Padre Fernandez: Walang pumipilit naman sa kanila na mag-aral. Marami namang trabahong
mahahanap sakabukiran

Isagani: Tungkulin ng bawat tao ang kagalingang pansarili. Bukod dito, ang tao ay may katutubong
hangarin namatamo ang karunungan, lalo na kung ito’y pinipigil. Oo, Padre, may nag-uudyok sa kanilang
mag-aral, ngunitwalang tigil ang inyong panlalait. Kinukuha niyo ang lahat mula sa amin, tapos
pinagtatawanan ang aming mga pagkulang. Sapat na ba sa inyo na kami’y maging isang bayan ng mga
magsasaka? Ang karunungan ba ay parasa inyo lamang?

Padre Fernandez: Hindi! Ang karunungan ay para sa taong karapat-dapat na magkaroon nito. Kung may
mgamasasamang guro,ito ay dahil sa mga estudyanteng palaging nagrereklamo!

Isagani: Kung kailan magkaroon ng tunay na propesor, magkakaroon din ng tunay na mag-aaral

Padre Fernandez: Simulan ninyo. Kayo ang nangangailangan ng pagbabago. Susunod kami

Isagani: Sisimulan nga namin, Padre. Ngunit, alam natin kung ano ang naghihintay sa isang mag-aaral
nanakikipagtalo sa kanyang guro. *ngumiti si Isagani ng malungkot*

Padre Fernandez: Kakausapin ko ang aking mga kapatid tungkol sa iyong mga sinabi. Ngunit baka hindi
nila paniwalaan na isang taong tulad mo’y totoo.

32
Isagani: Iyan din po ang pangamba ko. *nagkamay sina Isagani at Padre Fernandez. Namaalam si Isagani
at umalis*

Mag-aaral: Saan ka pupunta, Isagani?

Isagani: Sa tanggapan ng pamahalaang sibil. Titingnan ko ang mga paskin at makikisama sa iba!

Mag-aaral: HA?!

KABANATA 28

PAGKATAKOT

*Eksena: Sa may labas ng tindahan ni Quiroga at sa may kalye*

Ben Zayb: Ako lang naman ang nag-iisip sa Pilipinas! Ang pagpapaaral ay masama, napakasama sa
Pilipinas! Dahil dito, tignan ninyo ito ang mga nangyayari ngayon… Ang Maynila ay punung-puno ng
takot at pagkabalisa. Ang balita ng napipintong paghihimagsik ay nagresulta sa iba’tibang mga reaksyon
mula sa mga mamamayan.

Quiroga: Hala! Hindi na napunta sa aking tindahan ang mga prayle! Meron pa naman ako bago paninda!
Anona ba itong nangyayari? Napakasama nito, napakasama! Naku, kailangan na kausapin si Ginoong
Simoun! Alam niya ano gagawin ko sa aking tindahan! Alam niya ano gagawin sa nakatago na baul at iba
pa gamit! Ako ay takot na, baka mahuli ang itinatago sa aking tindahan!

Inihanda ni Quiroga ang kanyang tindahan para madaling isara kung may nangyari mang kaguluhan o
paghahanap. Magpapasama ito sa guardia civil patungo sa bahay ni Simoun.

Guardia Civil: Nandito na po tayo sa tahanan ni Ginoong Simoun ngunit ayaw niya makipagkita kahit
kanino.

Quiroga: Eh si Don Custodio?

Guardia Civil: Si Don Custodio naman po ay ‘di tumatanggap ng panauhin.

Quiroga: Hay naku, Ben Zayb na lang…. Ako hingi balita.

Nang pumunta si Quiroga sa bahay ng batikang manunulat na si Ben Zayb, katulad ng kanyang
naunang dalawang binisita, ay naghahanda din ito. Napakahanda nga, na may dalawang rebolber na
nakalabas at ginamit pa itong pamatong ng papel. Dahil marahil sa takot sa armas, umuwi at
nagkulong si Quiroga sakanyang bahay, at nagpalusot na masama raw ang pakiramdam.

*Nagbubulung-bulungan ang mga tao, tutunog ang relo na ikaapat na ng hapon

Bali-balita raw na kakaligtas lang ng kapitan heneral mula sa tila tiyak na kapahamakan. Muntikan na
daw mahulog sa mga kamay ng mga “batang pilibustero” ang Kapitan Heneral, ngunit iniligtas daw
siya ng Maykapal. Dinakipi ang mga mag-aaral.

33
Padre Irene: Magpakahinahon, ‘yan ang ipinayo ko. Ano na lang siguro kung wala ako doon noong
panahonna ‘yon, dumanak na sana ang dugo. Ngunit naalala kita, kapitan. Walang napala ang pangkat
nila sa heneral. Nanghihinayang sila na wala si Simoun… kung ‘di lang sana siya nagkasakit!

Pagkasabi nito ni Padre Irene at nalaman ni Kapitan Tiyago na nahuli si Basilio, lumubha ang
kalagayanng maysakit. Nagsimula itong maghingalo sinakmal ito ng takot.

Kapitan Tiyago: *Nangangatal at hindi na makapagsalita, humawak sa bisig ng prayle at sinubukang


bumangon* Uuuuhhhhhhh… *

Umungol ng makalawa at bumagsak sa unan*

Namatay na si Kapitan Tiyago. Sa takot at pagkataranta, dali daling lumisan si Padre Irene at sa
pagmamadali ay nakaladkad nito ang bangkay mula sa kama papunta sa gitna ng silid, dahil sa
nakakapit pa ito sa bisig.

*Mga mamayan na nagtatakbuhan, nagsisigawan, nag-uusap, nagdarasal, etc.

KABANATA 29

ANG HULING SALITA TUNGKOL KAY KAPITAN TIAGO

Narrator: Maganda ang naging wakas ni Kapitan Tiyago. Napagusapan ng kura paroko at ni Padre Irene
ang kanyang pagkamatay.

Kura Paroko: Ipinapaalala ko sa’yo Padre Irene, hindi nakapangumpisal si Kapitan Tiyago bago siya
namatay

Padre Irene: Hindi dapat ipagkait ang exequias sa lahat ng namatay na di nakapangumpisal mas lalo na
sa mga makapagbabayad tulad ni Kapitan Tiyago. Ang mahigpit na pagkakait ng exequias ay ginagawa
lamang sa mga hindi makapagbabayad.

Narrator: Ginawang tagapangasiwa at tagapagpatupad ng mga huling habiling ni Kapitan Tiyago si Padre
Irene.

Padre Irene: Nag-iwan si Kapitan Tiyago ng kanyang ari-arian sa Kumbento ng Santa Clara, sa papa,
saarsobispo, at sa korporasyon ng mga pari. Nag-iwan rin siya ng dalawampung piso para sa matrikula
ng mahihirap at masisipag na batang mag-aaral. Tungkol naman sa pamanang dalawampu’t limang piso
kay Basilio na ibinawi ni Kapitan Tiyago ng mga huling araw niya. Kukunin ko na lamang ang ganitong
halaga sasarili kong bulsa upang maibigay kay Basilio

Narrator: Kinabukasan ay nagkatipun-tipon ang mga kakilala at kaibigan ni Kapitan Tiyago sa bahayng
namatay. Napagusapan nila ang himalang nangyari sa kaluluwa ni Kapitan Tiyago noong mga
panahongnanghihingalo na siya.

34
* Pagsasalaysay ng Nakaraan (tapagagsalaysay): Nagpakita ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago na naliligo
saliwanag sa mga mongha. Siya daw ay nakasuot ng prak at ang kanyang mga pisngi ay nakaumbok dahil
sa sapal ng hitso. Meron din daw siyang dalang kuwakong panghithit at manok na pansabong.
Sinasabing iniligtas ng Diyos ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago sa dami ng pamisa at pamana niya sa mga
banal na bagay.

Narrator: Napag-usapan rin nila ang mga haka-haka tungkol sa kabilang buhay. Pinagtalunan ni Don
Primitivo at Martin Aristorenas ang tungkol sa pagsasabong sa langit at kung sino ang mananalo
kunghahamunin ni Kapitan Tiyago si San Pedro kung walang kamatayan ang mga ibon sa langit.

Don Primitivo: Sinuma’y hindi maaring matalo. Ang pagkatalo ay lumilikha ng kalungkutan, walang
sinumanang maaring malungkot sa langit.

Martin Aristorenas: Ngunit kinakailangang may manalo. Nasa pananalo ang sarap!

Don Primitivo: O, di sige, kapwa sila mananalo! Gano’n kasimple!

Narrator: Hindi matanggap ni Martin Aristorenas na kapwa mananalo ang mga manok. Patuloy
nanangatwiran si Don Primitivo, nagsasalita siya ng Latin habang umiiling si Martin Aristorenas sa
kanyang mgasinasabi.

Don Primitivo: Pecarás amigo Martín, mahuhulog ka sa isang erejia! Cave necadas! Hindi na ako
makikipagmonte sa iyo, ni hindi na tayo magkakabakas! Magdahan-dahan ka! Si alguno no pregunta, sea
anatema.

Narrator: Sa ibang pulong ng mga bisita, napag-usapan ang tungkol sa patay. Napagtalunan angisusuot
ng bangkay ni Kapitan Tiyago.

Kapitan Tinong: Damit ng Pransiskano ang dapat isuot ng bangkay. Maililigtas nito ang bangkay ni
Kapitan Tiyago sa apoy ng impyerno.

Mananahi: Ngunit nakita ng mga mongha na naka-parak si Kapitan Tiyago papuntang langit. Dapat prak
angsuot ng bangkay. Meron akong nakahandang prak na aking maibebenta sa halagang tatlumpu’t
dalawang piso. Binabaan ko ang presyo ng apat na piso sapagkat naging suki ko si Kapitan Tiyago nung
buhay pa siya.

Padre Irene: Dadamitan ang bangkay ng alin mang damit na luma nito. Hindi napupuna ng Diyos ang
damit naisinusuot.

Narrator: Napakaringal ng exequias ni Kapitan Tiyago. Tatlong prayle ang nagdiwang ng misa para
salibing at ginawang katulad ng isang katangi-tanging palabas ang mga seremonya. Maraming sinunong
nakamanyang, maraming awit na Latin. Nagbendisyon ng agua bendita. Nag-alay rin ng awit si Padre
Irene atnagkaroon ng paulit-ulit na pagtugtog ng kampana para sa patay. Tunay na kinainggitan ni Donya
Patrocinio ang libing ni Kapitan Tiyago. Siya ang nakalaban ni Kapitan Tiyago sa pagkamasamabahin.
Ninais rin niyang mamatay kinabukasan upang masaksihan ng mga tao ang seremonya ng kanyang
paglibing.

35
KABANATA 30

SI JULI

NARRATOR: Napakarangal ng libing kay Kapitan Tiago. Habang nakaburol ang katawan ni Kapitan Tiago
sa bahay nito napabalita naman ang pagkakahuli kay Basilio. Higit na dinamdam ang balita tungkol kay
Basilio dahil maari ipatapon o patayin ang binata.

Tahanan ni Kabesang Tales:

Juli: Oh, Hermana Bali napadaan po kayo, pasok po

Hermana Bali: Kumusta ka juli?

Juli: Mabuti naman po

Hermana Bali: Mabuti? Hindi mo pa siguro alam ang balita

Juli: Ano pong balita?

Hermana Bali: Nakulong si Basilio.

Juli: Ano?

Hermana Bali: Ngunit hindi ako naniniwalang sangkot si Basilio sa nakasaad sa paskil. Tahimik at mabait
na tao si Basilio kaya’t hindi niya yun magagawa.

Juli: (murag makuyapan na murag dili basta)

Hermana Bali: Hermana Bali: Juli! Diyos ko Juli!

Juli: *umiyak* Ano na ang mangyayari kay Basilio.

Hermana Bali: Buti pa ay magdasal na lamang tayo para sa kanyang kaligtasan.

Juli: Ngunit..

Hermana Bali: Huwag kang mag-alala kasama mo ako. Sige na, magbihis ka na, madali.

Hermana Bali: Gagabihin tayo Juli

Juli: Umuwi na lang po tayo kung ganon

(Mahigpit na hinawakan ni Hermana ang bisig at bahagyang kinaladkad si Juli)

Hermana Bali: Hindi ba sabi ko sayo kasama mo ako kaya’t huwag kang matakot. Wala namang gagawin
sayo si Padre Camorra, dalagang tagabukid ka lang naman.

Juli: Parang awa niyo na po Hermana Bali, pauwiin niyo na po ako.

Hermana Bali: Nauubusan na ako ng pasensya sayo Juli ha! Huwag ka ngang hangal!

Juli: Bitawan niyo ako! *kinalas sa pagkakahawak ni Hermana Bali ang kamay nito*

36
Hermana Bali: Wala kang galang! Sige, pabayaan mong ipatapon si Basilio o ipabaril sa daan!

(Naiyak na lamang si Juli dahil sa inis, wala siyang magagawa kaya’t sumunod na lamang siya sa
matandang babae)

KABANATA 31

ANG MATAAS NA KAWANI

Nag-uusap ang isang mataas na kawani at ang Kapitan Heneral

Narrator: Totoo ang sinasabi na nakalaya na ang mga mag-aaral. Gaya ng inaasahan siguro ng lahat, si
Makaraig ang unang nakalabas samantala’y si Isagani ang huli. Ngunit mas malubha pa sa huling
nakalabas, ayang kaawaawang si Basilio, na nanatiling nakapiit.

Kapitan Heneral: Si Basilio daw ay isang estudyante at alipin! Huwag siyang pakawalan!

Mataas na Kawani: Paumanhin po Kapitan, pero isa raw po siyang estudyante na nag-aaral ng medisina
atmabuting mag-aaral batay sa kanyang mga guro. Kailangan niya nalang ng isang taon na pag-aaral at
patapos nasiya. Sayang naman po.

Kapitan Heneral: ‘Di mas mabuti na mapanatili siyang nakakulong. Mas mabuti ngang madagdagan ng
isangtaon para maging mas mahusay siyang doktor. At para hindi masabihin ng iba na wala akong
pakialam para sa bansa!

Mataas na Kawani: Pero siya ang pinaka innocente sa lahat! At ang hawak niyang mga libro ay para
samedisina na sinulat ng mga Kastila. At wala siya sa kainan at wala siyang ginawa.

Kapitan Heneral: Ito ay mas mabuti pa! Para ang parusa niya ay makakatakot sa iba! Ganyan ang dapat
na pamamahala! Isakripisyo ang isa para sa ikabubuti ng lahat. Sa hakbang ko na ito, itinatama ko ang
mali ngating mga opisyal at iba pa

Mataas na Kawani: Pero Kapitan, hindi ka ba natatatkot na sisihin?

Kapitan heneral: Bakit ako matatakot? Hindi ba’t ako’y may kapangyrihan? Hindi ako pwedeng dalhin
sakorte ng isang-alipin. Ang pinaka importante sa akin ay ang aking konsensya at wala akong pake kung
ano anginiisip ng iba.

Mataas na Kawani: Oo Kapitan ngunit ang bansa?

Kapitan Heneral: Psh! May responsibilidad ba ko sa bansa? May utang na loob ba ako sa bansa para sa
aking posisyon?

Mataas na Kawani: Hindi po ito importante. Nandiyan ka dahitl sa Espanya kaya’t mas lalong bigyan mo
nangmabuting pagtrato ang mga Pilipino para hindi sila magalit sa Espanya. Pinangako ninyo noong
dumating kayodito na mamahala ng tama at mabuti.

37
Kapitan Heneral: Ano pa ba ang aking ginawa? Tinuturuan mo ba ako kung paano gawin ang aking
trabaho? Kung hindi mo ako naiintindihan, ako ba ang dapat sisihin?

Mataas na Kawani: Wala po akong sinasabing ganon. Ayaw ko mawala sa Espanya ang bansang
sinasakupannito na puno ng mga taong masunurin at matiisin. Ayaw ko maging masama na tao dahil sa
pasasamantala sakanila. Ayaw ko rin masabi kailanman, na bagaman hindi na ginagawa ang pagbibili ng
mga alipin, ay patuloy pa rin ang Espanya sa paggawa nito. Ang Espanya ay hindi kailangang maging
mapaniil upang maging dakila! Mas dakila pa ito noong wala pa tayong sinasakupan na bansa. Patawad
po kapitan pero pinaglalaruan po natinang kalayaan at buhay ng mga Pilipino. Kapag hindi magbabago
ito ay siguradong maghihimagsik sila balangaraw. Pinapanigan ko ang mga Pilipino kapag sila’y naapi,
kaysa magtagumpay kapanig ng isang bansa na anghangarin ay ikasasama lamang sa sarili, kahit ang
bansang iyon ay Espanya.

Kapitan Heneral: Alam mo ba kung kailan aalis ang susunod na barkong pangkoreo?

*Nagbitiw na sa tungkulin ang Mataas na Kawani at bumalik sa Espanya

KABANATA 32

MGA IBINUNGA NG PASKIN

Sinong visiting Basilio sa kulungan

Sinong: Balita po galing sa Tiyani

Basilio: Tungkol saan?

Sinong: Tungkol po sa mga mahal ninyo

Basilio: Sino?

Sinong: Sina Juli at Tandang Selo po

Basilio: Anong nangyari sa kanila?

Sinong: Si Tandang Selo po’y nawawala

Basilio: Ano?! Kailan pa? Anong nangyari?! Si Juli?!?!?!

Sinong: Si Juli po…

Basilio: Ano?!

Sinong: Si Juli po ay… patay na

Basilio: Ano?!?!?! Bakit?! Anong nangyari?!?! Paano?!?

Change scene with paulita and Juanito

38
Paulita: Hindi na maaaring ipagpatuloy namin ni Isagani ang relasyong ito. Hindi matatawaran ang
pagkakamali niya. Nabilanggo siya. Hindi ko kayang umibig sa isang lalaking mali ang pagkakakilala
salipunan at sinisisi ng lahat

*Lumabas si Juanito Pelaez at kinausap ang sarili

Juanito Pelaez: Ito na ang pagkakataon ko na mapaibig si Paulita sa akin.

Lumapit kay paulita

Juanito: Paulita! Paulita! Sana ay mapakinggan mo muna ang aking hiling. Ako ay matalino, maliksi,
masayahain at anak ng isang mayaman na mangangalakal. Mas makabubuti para sa iyo kung ako ang
pakasalan mo.

Paulita: Kung sabagay, mas komportable nga ang magiging buhay ko kung ikaw ang pakakasalan ko

Juanito: Kalimutan mo na ang Indiong si Isagani. Ako na ang mahalin mo

Paulita: Oo, Ikaw nga ang mas nababagay sa akin.

KABANATA 33

ANG HULING MATUWID

NARRATOR: Si Basilio ay nanatili sa kulungan at tuwing ikatatlong araw ay sumasailalim siya sa


pagsisiyasat at pagtatanong ng iba’t ibang tao. Makaraan ang ilang linggo, buwan ng Abril napabalitang
ikakasal si Paulita Gomez kay Juanito Pelaez. Pagkaraan ng buwan ng Abril ay tuluyan nang naglaho ang
mga pangamba at naging abala ang mga tao sa nalalapit na pagdiriwang para sa kasal nina Paulita at
Juanito.

Bilangguan:

Guwardiya Civil: Basilio! Laya ka na. May naghihintay sayo sa labas. (Umalis sa loob ng selda si Basilio at
kinausap ng taong hindi niya kilala)

Tao ni Simoun: Sumunod kayo sa akin, hinihintay tayo ni Maestro.

Basilio: Maestro? Sinong Maestro.

Tao ni Simoun: *smile* Makikilala mo siya kapag sumama ka sa akin.

(Walang nagawa si Basilio kundi ang sumunod sa lalaki)

Tao ni Simoun: Narito na po kami, Maestro.

Simoun: Iwan mo muna kami.

(Agad umalis ang utusan at pumasok ng silid si Simoun)

Basilio: Ginoong…. Simoun?

39
Simoun: Basilio, mabuti at laya ka na.

Basilio: Ginoong Simoun, isa akong masamang anak at kapatid, kinalimutan kong sila’y pinaslang kaya
ako pinarusahan ng Diyos. Ginoong Simoun, nakahanda na akong maghiganti at bigyang katarungan ang
kanilang pagkamatay.

Simoun: Magaling! Tama yang gagawin mo. Halika sumunod ka sa akin.

(Sumunod si Basilio kay Simoun sa loob ng kanyang laboratory)

Basilio: Pampasabog!

Simoun: Tama! Nitro-gliserina! Hahahah! Isang malaking kasiyahan ang magaganap at sa ganap na alas
nuwebe ng gabi’y ay sasabog ang bomba. BOOM!

(Nagulat si Basilio sa sinabi ni Simoun)

Basilio: Papatayin natin silang lahat?

Simoun: Bakit? Natatakot ka ba Basilio? Basilio: Hindi, dahil ang mundo ay walang malasakit. Bakit ko sila
pagmamalasakitan? Nagmalasakit ba sila sa akin?

Simoun: Hahahah! Yan ang gusto kong marinig sayo Basilio! Hintayin mo ako ng alas diyes sa harapan ng
simbahan ng San Sebastian. Tandaan mong sa oras pa lamang na alas nuwebe dapat ay malayong-
malayo ka na sa Kalye Analogue.

(Kinuha ni Basilio ang baril saka ito isinuksok sa panloob na Americana)

KABANTA 34 AT 35

ANG PAGDIRIWANG NG KASAL NI PAULITA AT ANG PIGING

NARRATOR: Naglakad sa ganap na ikapito ng gabi si Basilio at naalala niya ang biliin sa kanya ni Simoun
na lumayo siya sa Kalye Analogue kung saan naroon ang dating bahay ni Kapitan Tiago. May magaganap
na kasayahan sapagkat doon idaraos ang piging ng kasal ni Paulita at Juanito. Nakita ni Basilio na
dumating ang karwahe lulan sina Paulita at Juanito.

Basilio: Kawawang Isagani, ano na kayang nangyari sa kanya?

(Nasa harapan na ng bahay si Basilio at nakikita niya ang pagdating ng mga panauhin.)

Basilio: Dapat ay hindi ako magkulang sa pagtitiwalang ibinigay sa akin ni Señor Simoun. At wala akong
utang na loob sa mga taong narito. Nagpakabuti ako, ngunit anong naging kapalit? Mabuti nga’t
mamatay at magkadurog-durog kayong lahat!

(Nakita ni Basilio na bumaba na ng bahay si Simoun dahil may ilaw na nag lampara, agad na itong
sumakay sa karwahe)

Simoun: Sa Escolta magmadali!

40
(Nagmadali rin sa paglalakad papalayo sa pook si Basilio ng makita niya ang kaibigang si Isagani na
paparoon)

Basilio: Saan ka pupunta?

Isagani: Bitiwan mo ako, kailangan kong makita si Paulita sa huling sandali!

Basilio: Gusto mo bang mamatay?

Isagani: Huh? Ano bang pinagsasabi mo Basilio?

Basilio: Makinig ka sa akin, huwag ka nang tumuloy dahil sasabog ang bahay na yan!

Isagani: Ano?....Bitawan mo ako…

Basilio: Mas makabubuting umalis na tayo sa lugar na ito..

Isagani: BITIWAN MO AKO!

NARRATOR: Sa loob ng bahay ni Kapitan Tiago ay may nakita silang piraso ng papel na ang nakasukat ay
Mane thecel pares, na ang ibig sabihin ay “ang hinaharap ay paunang natukoy” At ito’y nilagdaan sa
ilalim ng pangalang Juan Crisostomo Ibarra.

Padre Salvi: Sino bang hangal ang naisipang maglagay ng papel na ganito rito?

Don Custodio: *nagulat* Ito’y lagda ng isang pilibuterong may sampung taon nang namamatay ah.
(Natakakot ang lahat)

Kapitan Heneral: Ipagpatuloy niyo ang kasiyahan, huwag nating hayaan sirain ito ng isang masamang
biro.

(Habang nagkakagulo ang lahat, walang may nakakaalam na ninakaw na ni Isagani ang lampara at
inihagis ito sa ilog.)

Don Custodio: Hindi ba’t ang kahulugan ng Mane thecel pares, ay papatayin tayong lahat?

Kapitan Heneral: Magmadali, itaas ang mitsa ng lampara!

Don Custudio: Nasaan na ang lampara? Nandito lang iyon kanina? Sinong kumuha?

Kapitan Heneral: Ano? May magnanakaw? Guwardiya Civil!

Guwardiya Civil: Po, Kapitan Heneral. *salute*

Kapitan Heneral: Sabihan ang lahat ng iyong mga kasama na hanapin ang magnanakaw ng lampara,
magmadali ka!

Guwardiya Civil: Masususnod po! *salute*

KABANATA 36

MGA KAGIPITAN NI BEN ZAYB

41
Narrator: Sa kanyang mabulaklak na salaysay ay kung anu-ano ang mga kasinungaling inilagay at ginawa.
Ipinakita ang pagkabayani daw ng Kapitan Heneral at ng katapangan ni Pader Irene sapagkat ito ay
dumaan sa ilalim ng mesa sa paghahabol sa nagnanakaw ng lampara.

Ben Zayb: *nag-iisip habang nagsusulat. Makabulubuhan na kaya ito? Hmm * nagsulat ulit.

KABANATA 37

ANG HIWAGA

SA TAHANAN NG ORENDA

Narrator: Nabatid din ng madla, sa likod ng pagpipigil sa balita, ang mga pagbabangon at mga supot ng
pulbura.

Nag uusap ang lahat ng panauhin sa sala.

Nakikinig lang si Isagani sa mga pinagsasabi ng mga naroon

Isagani: *nagsmirk*

Chickoy: Ayon ditto, dumating daw ang mga sibil at wala naman silang magpagpintangan kung sino man
ang gumawa ng krimen na iyon. Si Don Timoteo at Simoun lamang daw ang nangasiwa sa pag-aayos ng
bahay na iyon. Pinaalis daw ang lahat ng mga di kailangan sa imbestigasyon.

Nakikinig lamang ang mga panauhin sa sinabi ni Chickoy.

Isagani: Di niyo lang alam… *umalis

KABANATA 38

KASAWIAN

(Lalabas si Tales at dalawang tulisan)

Kabesang Tales: Tiyak na dito sila dadaan. Hindi tayo dapat mabigo sa lakad nating ito!

Tulisan1: Ngunit, nasaan na si Simoun? Diba’t kelangan ay nandito siya?

42
Tales: Hindi na tayo maaring umaatras pa! (humarap sa mga tulisan) Pag tayo’y di pa kumilos ay
mamatay kaagad tayo rito!

Tulisan2: May tiwala akong susunod si Simoun! [Magnonod ang iba] Halika’t sumugod na tayo!

(Lalabas ang mga tulisan at susuntukin ang sibil; Babarilin. Lalabas ang ibang sibil at magkakalad lahat;
Maraming tulisan ang mamatay at iisa ang nahuli; Hihilahin ng dalawang sibil ang nahuli; sinusubukan
kumawala)

Sibil 3: Sino ang namamahala sa inyo?

Tulisan: Hindi ko alam!

Sibil3: (susuntukin; hahawakan ng maayos ang tulisan) Magsalita ka kung ayaw mo mamatay!

(Duduraan ang sibil; Magagalit ang sibil; at susuntukin muli ang tulisan)

Sibil 3: Magsalita ka! (hahawakan ang buhok)

Tulisan: (mapapa-aray) Si—Si…

(kukuha ng baril sa likod ang sibil3; manlalaki ang mata ng tulisan)

Tulisan: Simoun…

Sibil3: Ang mag-aalahas?! (gulat) Mga kawal!

[Dalawang sibil ang lalapit]

Sibil 3: Ibalita na ang mag-aalahas ang may kapana nito! Bilis!

(Lalabas ang mga sibil na tila ay nagmamadali; Haharap muli ang Sibil3 kay Tulisan)

Sibil3: Wala na akong gamit pa sayo. (babarilin)

(Bibitawan ng mga sibil ang bangkay)

Narrator: Naging madugo ang labanan. Iilan lamang ang nakaligtas sa mga tulisan. Si Tandang Selo ay
naging tulisan na rin subalit nahuli ito at napatay ng sarili niyang apo, si Tano. Napagalaman ng lahat na
si Simoun ang may kagagawan ng lahat. Hinalughog ang kanyang bahay at nakita dito ang ilang armas at
bulbura. Pinaghahanap na siya ng mga sibil. Ayaw niyang magpahuli ng buhay kaya uminom siya ng
lason at nagtungo kay Padre Florentino upang mangumpisal. Malala ang mga sugat nito ngunit ayaw
nitong magpaggamot sa ibang doctor liban na lamang kay Tiburcio de Espandaña.

KABANATA 39

KATAPUSAN

NARRATOR: Nasa tahanan ni Padre Florentino si Simoun. Sugatan ito ng dumating may dalawang araw
na ang nakakalipas at humihingi ng tulong sa Pari. Walang pagaalinlangan itong tinanggap ni Padre
Florentino. May dala itong maleta, duguan at pagod na pagod. Ang tanging nasa isip ng pari ay wala na

43
ang Kapitan Heneral, wala na itong padrino kaya’t tinutugis siya ngayon ng bagong Kapitan Heneral
upang makuha ang dala-dala nitong mga kayamanan

SA TAHANAN NI PADRE FLORENTINO:

Donselya: Padre, ipinapatawag raw ho kayo ni Señor Simoun.

Padre Florentino: Salamat. Nasa silid ba siya?

Donselya: Opo.

(Nagtungo ng silid ni Simoun si Padre Florentino)

Padre Florentino: May dinaramdam ka ba? *agad inalalayan si Simoun na humiga*

Simoun: Mawawala din ito.

(Nakita ni Padre Florentino na walang laman ang isang botelya ng gamot)

Padre Florentino: Diyos na mahabagin! Anong ginawa ninyo Señor Simoun?

Simoun: Wala kayong dapat na ikabahala, huli na rin naman ang lahat. Huhulihin rin naman nila ako
buhay o patay. Hindi ko ibig mahulog sa kanilang kamay. Makinig kayo Padre Florentino, sasabihin ko sa
inyo ang aking lihim. Nalalapit na ang takdang oras.. Ughh…

Padre Florentino: May mga pangontra sa lason Ginoo…

Simoun: Huwag niyo nang sayangin ang inyong oras… ayokong mamatay na baon ang aking lihim.

(Ibinulong ni Simoun sa pari ang kanyang lihim at nahindik ang pari sa narinig.)

Padre Florentino: Ang Diyos ay mapagpatawad Ginoo… Sa kabila ng inyong pagkakamali ay nakita niya
ang inyong paghihirap..

Simoun: Kung ganoon ay bakit niya ako pinabayaan?

Padre Florentino: Sapagkat mali ang pamamaraan ninyo..Pag-ibig ang tanging tagapagligtas, Ginoo.

Simoun: Kung ganoon ay nagkamali ako…

(Ginagap ni Simoun ang kamay ng pari at masuyong pinisil)

(Aga na naghari ang katahimikan, si Simoun ay pumanaw na)

Padre Floretntino: Nasaan ang mga kabataang handang magpakasakit sa bayan? Nasaan ang kanilang
mga pangarapat kasiglahan alang-alang sa kabutihan ng bayan? Hinihintay naming kayo, kabataan,
kayong mga walang bahid ng dungis at karapat-dapat ng isang karangalan!

Donselya: Padre? Magsisindi na po ba ng ilawan?

Padre Florentino: Tawagin mo ang iba at magdasal.

Donselya: Ahh.. opo..*agad na umalis ang donselya*

Padre Florentino: Kaawaan nawa ang taong nagbuyo sa kanya na maging masama.

44
(Group of people praying in latin)

(Kinuha ni Padre Florentino ang maleta at nagtungo sa talampas, agad na inihagis sa karagatan ang
maleta)

Padre Florentino: Manatili ka na sana sa kailaliman ng karagatan na walang hanggan, kasama ang mga
korales at perlas…. Kung dumating man ang isang panahon na kailanganin ka sa isang dakilang mithiin,
iluwa ka sana ng dagat sa pamamagitan ng utos ng Diyos.

WAKAS

45

You might also like