Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

“ANASTHASIA”

Isang babae ang aking ipakilala

Pangalan niya’y Anasthasia

Babaeng singkit ang mga mata

Sobrang lakas kung tumawa

Mahilig din siyang sumulat at magbasa

At Ang paborito niyang kulay ay pula

Pag magkasabay kami,

Yung height namin magkapantay lang talaga

“MATAAS NGA LANG YUNG PRIDE NIYA!”

Pero Hindi naman yun problema

Bawi naman sa talino at itsura

Nakatalikod pa lang “ Ang GANDA NA!”

Paano pa kaya pag kaharap mo na

MATAKOT KANA! Este sobrang ganda talaga!

Ang gantong klase ng paglalarawan ay normal lang sa amin

Ganto ko siya tratuhin at kausapin

Siya si Anasthasia

“Ang babaeng MAHILIG KUMAIN”

Sa pagkain ay Wala namang problema

Ang pinagtataka ko lang ay kung saan napunta

Yung mga kinain niya

Kasi kakain niya lang kanina

Di pa lumipas Ang Isang Oras GUTOM na naman siya…


Ang pinapangamba ko lang

“Paano kung tumaba ka?”

Mahilig ka pa naman karneng, BABOY KA!”

Hindi naman sa nilalait kita…

Pero iniisip ko lang “Paano nga kung tumaba ka?”

Yung hampas ng kamay mo MABIGAT NA!

Pero wag Kang mag-alala pag tumaba ka!

Samahan naman kitang mag exercise…

Sabay tayong TUMAKBO!

“MAUNA KANA! SASAKAY LANG AKO”

Paano ka naman Kasi magiging “PHYSICALLY FIT”

Kung para Sayo “ANYTIME, EVERYTIME IS A PERFECT FOR YOU TO EAT”

Pero kahit ganun ka

Tanggap at mahal ko pa rin kita

Ang daming mong tinuro sa akin ,

Mga payong walang kwenta at may halaga

Isa sa mga importanteng turo niya

Ay Ang “ tumawa kahit walang namang nakakatawa”

Pampagaan daw ng loob pag may problem

Siya rin Ang unang nagpaunawa sa akin ng hikonsepto ng Basic Algebra

Ang Sabi niya

“Sa mundong puro NEGATIBO

Manatili Kang Kalmado at POSITIBO

Kasi Hindi LIMITADO ng NUMERO

Ang taglay mong KAKAYAHAN at TALENTO”


Kakaiba talaga si Anasthasia

Sa kaniya ko lang nagawang tumawa

Kahit akoy hinampas, sinakal, sinampal bugbug sarado na ng mga kamay niya..

Minsan nga nahulog ako sa punong mangga

Nung nasa Bahay na ako dumalaw siya

Alam niyo sabi niya..

“HAYOP KA TALAGA BUTI NA LANG BUHAY KA PA”

Pero yun Ang unang beses

Na nagdala siya sa akin ng isang platong pagkain

Ngumiti ako Kasi akala ko nag alala siya para sa akin

Di ko lang maintindihan kung Ang dala niyang pagkain ay para ba talaga sa akin

Kasi sa isang platong pagkain

Dalawang kutsara lang Ang naisubo sa akin

Yung natira siya na Ang KUMAIN…

Ganun siya kalakas Mang trip sa akin

Parang hayop man Kong tratuhin

Ngunit parang MAGKAPATID Ang TURINGAN

Yun Ang Isang bagay na di ko malilimutan

Kaya nung Isang araw

Nang lumabas Ang balitang “SI ANASTHASIA ay PUMANAW”

Hindi ako makagalaw

Sa dami ng pwedeng mawala

“BAKIT IKAW?”
Sa Balita akoy Hindi kumbinsido

Kaya Dali akong pumunta sa Inyo

At kumpirmado Ikaw nga to…

“ISA KA NG BANGKAY, AT NGAYON AY ANDYAN KANA SA KABILANG BUHAY”

Ikaw NGA to !

Ang kaibigan Kong di marunong tumupad ng pangako

Kasi diba’t Ang sabi mo “ Sasamahan mo ko sa mga pangarap mo”

Diba’t sabi mo “Sabay tayong aakyat sa entablado at TUTULA tayo”

Ngayon ANDITO NA AKO

ASAN KANA KAIBIGAN KO?

Naalala ko dati tinuruan mokong SUMULAT

NG TULA

Tinawanan mo pa nga ako Kasi di ako marunong TUMUGMA

Ngunit di ko akalain na Isang araw sa gagawin Kong TULA

Ikaw na pala “ANASTHASIA” Ang gagawin Kong PAKSA

At habang iniisip ko Ang bawat tugma

Pinilit Kong kumalma

Dinadaan ko na lang sa TAWA

Bilang AWAT sa pusong may KARET

Kaya REKTA ang Sakit

TAGOS ang SUGAT

Kaya ang tagal maghilom

At wala na ring saysay ang pagbabaliktad ng mga letra…

Kasi kahit ilang beses ko pang pag “BABALIKTARIN”


Hindi ko na maisip na ika’y “BABALIK PA RIN”

Kasi kahit anong gawin

Hindi na maibabalik pa ang “NABASAG NG SALAMIN”

Pasensya pero akin pang naalala

Ang turo mo sa akin sa larong Chess

Ang sabi mo makapangyarihan Ang QUEEN

Nung NAWALA ka dun ko pa NAINTINDIHAN

Ganun ka pala ka IMPORTANTE sa akin

Isang beses naglaro tayo ng “TRUTH OR DARE”

Nag truth ka at Ang sabi mo sa akin

“MAWAWALA KA LANG KAPAG NALUNOK MO YUNG KUTSARA”

Bat ganun Ang dami pang kutsara sa kusina

Andami pang pagkain sa Mesa

“Pero BAKIT Wala na Ang NAG IISA KONG Anasthasia?”

Ang talagang ng punto ng tulang ito ay bigyan mo ng halaga Ang taong nagpapasaya at nagpapangiti
Sayo..

Dahil sa panahon natin Ngayon uso Ang Anxiety at depression.

Nawawalan ng saysay Ang buhay at nagpakamatay.

Kaya makipagkaibigan at makipaghalubilo. Dahil Kong naranasan mong “MAGMAHAL at MASAKTAN”


sana’y “Wag mong maranasan Ang MAWALAN ng TUNAY na KAIBIGAN “

You might also like