SALAWIKAIN

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

CUASAY, VERNELLE STEPHANIE D.

BSED-2A3
Ipaliwanag ang mga salawikaing Zamboangueno
1. El comida para uno,
Puede venemo con ptros
What is food to one man, maybe poison to another

 Ayon sa aking sariling pagkakaunawa sa nasabing salawikain ay hindi lahat ng


makakabuti o maganda sa isang tao ay maaaring magiging Mabuti din sa iba. Lahat ng
tao ay may pagkakaiba hindi lahat ng bagay na maganda sa atin ay ganun din ang
magiging epekto sa ibang tao, maaaring maayos para sa atin ngunit makakasama naman
sa ibang tao. Maaaring may mga bagay na makakasaya sa atin ngunit magdudulot ng
lungkot sa iba. Halimbawa na lamang nito ay sa eskwelahan kapag tayo ay nakakuha nng
mataas na karangalan tayo ay nanguna sa klase ay ito ay magdudulot ng saya o maganda
para sa atin ngunit may mga taong makakaramdam ng hindi maganda o lungkot minsan
pa ay inggit.

2. Si no quire vos quema no juga Fuego


Fire that has been distinguished can easily be ignited again.

 Ang mensahe na nais ipabatid ng salawikain na ayon sa aking pagkakaunawa ay


kailangan natin pangalagaan ang ating ugnayan sa ibang tao halimbawa na lamang
kapag nagkaroon ng galit sayo ang isang tao ay dapat itong maayos at ingatan ang
relasyon na meron tayo dahil kung makakagawa ulit tayo ng kasalanan sa tao na iyon ay
maaring mas sumiklab o madagdagan ang galit na meron sila sa atin. Kaya napakahalaga
na magkaroon at pag ingatan natin ito upang hindi na mas lumala pa ang galit na iyon.
3. No hay que confiar
Al que roto su confianza
Trust him not who had once broken the faith

 Mahalaga ang tiwala na ating ibinibigay sa isang tao. Hindi lang isang malaking
karangalan ang tiwala kundi malaking bagay ito sa ano mang uri ng pakikipagrelasyon sa
iyong kapwa tao. Kapag nawala ang tiwala ito ang tuluyang pumuputol sa inyong
ugnayan.Ang mensahe na nais iparating ng salawikain na ito ay tungkol sa pagbibigay ng
tiwala, sinasabe dito na huwag tayong magbigay ng tiwala sa taong minsan ng sumira ng
tiwalang iyong ibinigay dahil hindi malabo na maaring ang tiwalang ulit n aiyong ibibigay
ay muling masira na magdudulot sa atin ng sakit. Dapat matuto tayong magkilatis ng
mga taong dapat nating pagkatiwalaan upang sa huli ay hindi tayo masaktan dahil sa
mga taong ito.

You might also like