Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

EDITORYAL

“Face-to-face classes, di pa kaya”

Nais ibalik ng Department of Education (DepEd) ang face-to-face classes


pagkatapos ng dalawang taong blended learning dahil sa pandemyang
kinakaharap ng Pilipinas. Ayon sa Deped, may ilan ng paaralan ang
nagsagawa ng pilot testing na kabilang sa low-risk area sa bansa.
Ganunpaman, patuloy pa rin ang pag-aaral ng DepEd kung paano ito
masosolusyunan. Nagsasagawa sila ng mga monitoring sa bawat paaralan
upang malaman kung ano-ano ang dapat pagtuunan ng pansin at mga
kakulangan ng mga paaralan.
Nagkaroon din ng surbey ang mga paaralan para sa mga magulang kung nais
na nilang papasukin sa paaralan ang kanilang mga anak. Mapapansin na ilan
pa rin lamang ang nagnanais na mapabalik ito. Marami pa ring mga magulang
ang natatakot para sa kanilang mga anak. Ngunit may ilan din naman na
gusto nang papasukin ang kanilang mga anak sapagkat di nila ito
nasusubaybayan dahil sa kanilang pagtatrabaho.
Ngayon ay kabilang na rin ang mga kabataan sa pinabakunahan bilang handa
na rin sa face-to-face classes. Gayunpaman, hindi pa rin ito lubusang dahilan
upang ibalik agad ang face-to-face classes. May mga paaralan ang kulang pa
rin sa mga classroom, sapagkat bilang lamang ang maaaring pumasok sa loob
ng isang araw.
Napakarami pa ng dapat isaalang-alang upang patuloy itong maisagawa. Hindi
tumitigil ang DepEd upang ito ay maisaayos para sa kinabukasan ng mga
mag-aaral sa buong bansa.

You might also like