Fildis Groupings 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Laguna State Polytechnic University


Province of Laguna

BILINGGUWALISMO: EPEKTO NITO SA KAKAYAHANG


PANGKOMUNIKASYON SA KOSTUMER NG MGA PILING
MAG-AARAL MULA SA KURSONG BSBA NG LAGUNA
STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY

Isang Papel ng Pananaliksik na


Iniharap sa Faculty ng College of Business Administration Accountancy
Laguna State Polytechnic University
Santa Cruz Main Campus

Sa Bahaging Katuparan
ng mga Kinakailangan para sa Asignaturang
Filipino sa Iba't Ibang Disiplina

CASAO, KEITH MEDINA


CRUZ, TRICIA RECHA
FUNA, NENORS HERSEY PORTUGUEZ
LUNA, ALLIAH CYRE DELOS REYES
May 2023
Kagalingan at Kahinaan ng Pananaliksik

Kagalingan Kahinaan

Mas mapagtutuunan ng pansin ang Ang napiling paksa ay limitado lamang

espisipikong saklaw ng napiling paksa. sa piling mag-aaral ng LSPU mula sa

kursong BSBA.

Mabibigyang diin ang pangunahing Ang paksa ay limitado lamang sa

epekto ng bilingguwalismo sa paggamit ng dalawang wika

pakikipag-komunikasyon sa kostumer (bilingguwal) sa pakikipag-

ng mga mag-aaral. komunikasyon sa kostumer ng mga

mag-aaral.

Ang paksa ay malinaw at direktang Ang paksa ay maaaring hindi pamilyar

nakapahayag. sa mambabasa.

Kahalagahan at Layunin ng Pananaliksik

Layunin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang Epekto ng Bilingguwalismo

sa Kakayahang Pang Komunikasyon sa Kostumer ng mga Piling Mag-aaral mula sa

Kursong BSBA ng Laguna State Polytechnic University. Lalo na't isa ang kahusayan

sa pakikipagtalastasan sa mga pangunahing kakayahang dapat taglayin ng isang

manggagawa mula sa propesyong patutunguhan ng mga mag-aaral mula sa kursong

BSBA. Layunin din ng pag-aaral na ito matulungan ang bawat isa na maunawaan ang

kahalagahan ng pagkakaroon kakayahang gumamit ng higit pa sa isang wikang

pangkomunikasyon na s'yang ginagamit sa pakikipagtalastasan. Sapagkat hindi naman

lingid sa kaalaman ng lahat na may iba't-ibang uri ng kostumer ang maaaring

makasalamuha ng mga mag-aaral sa kanilang tatahaking propesyon sa hinaharap.


Kahalagahan

Ang mga pangunahing tao na nakasaad ay magkakaroon ng benipisyo sa pag-

aaral na ito. Ang mga Mag-aaral, Negosyante, Naghahanda maging Negosyante,

Mananaliksik at mga Mananaliksik sa Hinaharap.

Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay benepisyo sa mga mag-aaral

sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman sa mga posibleng positibo at negatibong

epekto ng bilingguwalismo sa kakayahang pang komunikasyon ng mga mag-aaral.

Mga Negosyante. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila upang

mapagbuti ang kanilang mga kasanayan pagdating sa pakikipagkomunikasyon sa mga

kostumer.

Naghahangad maging Negosyante. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa

kanila na magkaroon ng ideya patungkol sa epekto ng paggamit ng higit sa isang wika

sa pakikipagkomunikasyon nila sa kostumer kung magsisimula sila ng kanilang

sariling negosyo.

Mananaliksik. Ang mga mananaliksik ay magagawang mapahusay ang

kanyang kaalaman sa partikular na paksang ito.

Mananaliksik sa Hinaharap. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay benipisyo

sa mga mananaliksik sa hinharap na may kauganay na pag-aaral. Dahil ang resulta ng

pag-aaral na ito ay naglalahad at binubuo ng mga impormasyon na makakatulong sa

kanilang pananaliksik.
Konseptwal na Balangkas

Malayang Baryabol Di-Malayang Baryabol

Pagiging bilingguwal ng Kakayahang


mga mag-aaral: pangkomunikasyon sa
Kostumer
 Tagalog
 Ingles  Flexibility

Pigura 1. Balangkas ng Pananaliksik

Ang konseptwal na balangkas ng pag-aaral ay inilarawan sa anyo ng paradaym

ng IV-DV Model. Ipinakita ng mga balangkas ang ugnayan at ang aktwal na pattern

na ginamit sa pag-aaral.

Sa paradaym na ito, ang arrow ay nagpapakita ng epekto ng Bilingguwalismo

sa Kakayahang Pang Komunikasyon ng Piling Mag-aaral mula sa Kursong BSBA ng

Laguna State Polythecnic University.

Ang unang pigura sa balangkas ay nagpapakita ng mga malayang baryabol na

binubuo ng mga pangunahing wikang ginagamit sa pakikipagtalastasan tulad na

lamang ng wikang tagalog at ingles. Sa kabilang banda, ang nakapaloob naman sa

ikalawang kahon ay ang flexibility na nagsasaad ng di-malayang baryabol ng pag-

aaral.

Mula sa mga balangkas na ito, sinuri ang epekto ng pagiging bilingguwal sa

kakayahang pang komunikasyon ng mga mag-aaral sa mga kostumer. Iminumungkahi

nito na ang pagiging bilinguwal ay s’yang nagbibigay daan sa pagpapaunlad ng

kakayahang pangkomunikasyon sa mga kostumer ng mga mag-aaral mula sa kursong

BSBA ng Laguna State Polytechnic University.

Paglalahad ng Suliranin
1. Ano ang propayl ng mga pangunahing impormante sa mga tuntunin ng:

1.1. Pangalan (Opsyonal)

1.2. Edad

1.3. Kasarian

1.4. Kurso

2. May naging epekto ba ang bilingguwalismo sa pag-unlad ng kakayahang

pangkomunikasyon sa kustomer ng mga piling mag-aaral sa mga tuntunin ng:

2.1. Flexibility

3. Ano ang antas ng pag-unlad ng kakayahang pang komunikasyon sa

kostumer ng mga piling mag-aaral gamit ang dalawang pangunahing wika sa

pakikipagtalastasan?

3.1. Tagalog

3.2. Ingles

4. May signipikong epekto ba ang pagiging bilingguwal sa kakayahang

pangkomunikasyon sa kostumer ng mga mag-aaral ng BSBA?

TALASANGGUNIAN

A. Aklat

B. Internet

C. Dyornal

You might also like