Professional Documents
Culture Documents
Ap Fourth Quarter Reviewer
Ap Fourth Quarter Reviewer
Green- title
Pink- important
Purple- reason or description
Blue- dates
Yellow- summarize; additional information ; footnote
Silk Route o silk road - tinatawag itong silk road dahil ang pangunahing ikinakalakal ng
mga tsinong dumadaan dito ay ang seda kasama ng tsaa at porselana.
Marco Polo
- Isang mangangalakal at manlalakbay mula sa Venice, Italy.
- Naging opisyal ni Kublai Khan habang siya ay naninirahan dito.
- Kinulong ng mga Genoan at nakasama si Rustichello da Pisa isang historyador na
isinulat ang mga kuwento ni Marco Polo tungkol sa kaniyang paglalakbay sa
Persia (Iran ngayon), China, India, at Indonesia — The Travels of Marco Polo.
Krusada- Dinala ng mga mandirigmang Kristiyano ang simbolo ng krus at may basbas ito
ng Papa. Layunin ng Krusada na labanan ang mga Muslim na mananakop upang
makalaya ang mga lupain Kristiyano .
______________________________________________
PAG- IRAL NG MERKANTILISMO SA EUROPA
⭑ Nakabatay ang prinsipyo ng sistemang iyo sa paniniwalang ang pambansang yaman at
kapangyarihan ay makakmit sa pamamagitan ng pagpaparami ng mamahaling metal at
lalong-lalo na ang ginto at pilak. Ang pagnanais ng mas maraming ginto at pilak sa
Europeo ay nauwi sa pagsisimula ng kolonyalismo at imperyalismo.
Mamahaling metal lalo na ang ginto at pilak = rich = simula ng kolonyalismo &
imperyalismo
_____________________________________________
MGA MAKABAGONG IMBENSYONG PANLAYAG
Magnetic Compass
Mariner’s Astrolabe
Portolani
- Isang kasunduan sa pagitan ng Spain at Portugal kung saan hinati ang lupain sa
labas ng Europa sa dalawang spheres of influence. Napunta sa Spain ang
Kanluran at ang Silangan ay napunta sa Portugal.
Vasco Da Gama
- Pinakaunang manunuklas na Europeo na Europeo na nakarating sa India sa
pamamagitan ng rutang pandagat.
- Nakapagbukas ng sentrong pangkalakalan sa Calicut India.
- Pinangunahan ang pinakamahalagang ekspedisyong inilunsad ng Portugal.
Alfonso de Albuquerque
- Nakubkob ang Hormuz sa Persian Gulf laban ang mga Persian.
- Ang nagpadala ng mga barkong Portugese patungong Moluccas.
______________________________________________
MGA INGLES SA INDIA
Digmaan sa Swally
- Matapos ang Amboina Massacre, dahil nais ng mga Ingles na makapagtatag ng
panahanang pangkalakalan sa India tinalo ng British East Indian Company ang
mga Portugese sa Digmaan sa Swally noong 1612.
Kapitalismo
- Sa sistemang ito, may kalayaan ang mga namumuhunang indibidwal na magmay-
ari ng mga salik ng produksiyon.
Kolonya
- Ito ang tawag sa mga lupaing Asyano na nasakop ng mga Europeo kung saan
tuwiran nilang pinamahalaan ang ekonomiya at pamahalaan ng lupain nasakop.
Protectorate
- Binibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng mga lupain nasakop ng
independence. Gayunpaman, ang lahat ng batas, patakaran atbp. ay ipinatupad
ng mananakop.
Covenant of the League of Nations
- Nang matalo ng mga bansang Allied ang mga alyadong Central sa Unang
Digmaang Pandaigdig, ang kontrol sa mga lupain sakop nito ay napunta sa
Covenant of the League of Nations
Mandate System
- Pansamantalang pagkontrol ng mga bansang Allied sa mga lupain dating sakop
ng germany at Imperyong Ottoman bilang paghahanda para sa pagsasarili.
Labanan sa Plassey
- Isang labanan sa pagitan ng Bengal at France. Naipanalo ng British East India Company
ang labanan na nagsimula dahil sa pagtutol ng hari ng Bengal sa panahanan ng mga
Ingles.
Sepoy
- Binubuo ng mga sundalong Muslim at Hindu.
- Sinasanay ng British East India Company upang makatulong sa pagpapanatili ng
kanilang kapangyarihan sa mga lupaing kontrolado nila sa rehiyon.
Hugh Rose
- Ang kaniyang kontribusyon ay ang pang-apat na bunga ng Rebelyong Sepoy.
Pinamunuan niya ang tuluyang pagsupil ng mga sundalong Ingles sa mga
rebelde noong Hulyo 1858. Nang matapos ang rebelyon, umabot sa isang milyon
ang namatay.
Kasunduan sa Amiens
- Ito ang pormal na pagsuko ng mga Dutch (The Netherlands) sa mga lupain sakop
nila sa Ceylon sa pamumuno ng mga Ingles.
Cyprus Convention
- Isang kasunduan kung saan binibigyan ng Imperyong Ottoman ang mga Ingles ng
karapatan na pamunuan ang Cyprus.
Central Powers
- Germany, Imperyong Ottoman, at Austria-Hungary
Ibun Saud
- Tagapagtatag ng Saudi Arabia.
Bolshevik
- Noon ay namumunong angkan sa Russia
- Nalaman nito na hindi makikinabang ang Russia sa kasunduang ito kung kaya
isiniwalat (disclosed) nila noong Oktubre 1917 upang ipahiya ang England.
Zionista
- Ang internasyonal na na kilusang nagtataguyod sa karapatan ng mga Hudyo.
Holocaust
- Malawakang pamamaslang ng mga Nazi sa mga Hudyo sa Germany.
Zionism
- Muling pagbalik ng mga hudyo sa itinuturing nilang Lupang Pangako — ang Israel.
Mohandas Gandhi
-pinakamaimpluwensiyang Indian sa kasaysayan ng India
-abogadong Indian na nakapag-aral ng abogasya sa England
-hindi marahas na paraan ng pagsalungat sa isang patakarang panlipunan (passive
resistance)
-nagsilbing inspirasyon kay Martin Luther King Jr. ang mga nagawa no Gandhi na
tinawag niyang Gandhian Philosophy.
● Satygraha- hindi marahas na paraan ng pagtutol.
● Jainismo na ahimsa- hindi paggamit ng dahas
● British Salt Laws- ipinatupad upang masiguro ang pagkuha ng malaking buwis
mula sa asin
● Salt March- Isang protestang pinangunahan ni Mahatma gandhi kasama ang
humigit na 80 iba pang Indian
● Mahatma- titulo ni Gandhi dahil sa mga nagawa at impluwensiya niya sa
maramiing Indian na ang ibig sabihin ay “dakilang kaluluwa”.
Ponnambalam Arunchalam
-nagtatag ang nasyonalistikong partido na Ceylon National Congress upang makamit
ang higit na awtonomiya ng Ceylon sa England.
● Ang pangunahing dahilan ng pagkakahati ng partido ay ang pagtanggi ng Tamil
(minoridad na pangkat etniko ng Ceylon) na tanggapin ang pagiging katayuang
minoridad sa ipinakilalang reporma sa panlehislatibong konseho ng mga Ingles
noong 1921.
● Swaraj- ganap na kalayaan sa England
______________________________________________
T at K Asya: Sa Panahon ng Dalawang Digmaang Pandaigdig
Masidhing Nasyonalismo
● Nagdulot ng sigalot sa pagitan ng mga Europeo ang pagnanais nilang
mapasakamay ang mga lupaing pinaniniwalaan nilang bahagi ng kanilang
teritoryo kung lokasyon at etnisidad ang pagbabatayan
● Tinawag itong “Panslavism” sa mga bansang Balkan dahil ang mga mamamayang
nais maging malaya ay mga lahing Slav(slay).
Udyok ng Imperyalismo
● Sa pagpasok ng ika-19 na siglo, ang pagpapalawak ng impluwensiya ng mga
bansang Europeo sa mga lupain sa loob at labas ng Europa lalong-lalo na sa
Asya at Africa ay nauwi sa lantarang tinggalian.
Pagpapaligsahang Militarismo
● Ang pagpaparamihan at pagpapalakasan ng mga hukbo at kagamitang
pandigma na tinawag na militarismo ay lumikha ng malaking impluwensiya sa
pampublikong patakaran ng mga bansang Europeo.
Treaty of Versailles
- isa sa mga pangunahing kasunduang pormal na nagpawakas sa Unang Digmaang
Pandaigdig. Ito ay kasunduan sa pagitan ng Germany at mga nanalong bansang Allied
Napilitan ang germany na “akuin ang mga responsibilidad” sa mga nasira sa digmaan
dahil ito ang nagpasimula sa digmaan. Kailangang magbayad ang Germany ng malaking
halaga sa mga bansang Allied bilang bayad-pinsala sa lubhang bumagsak ang
ekonomiya ng Germany, nakaranas ang mga mamamayan ng gutom, at nalagay sa
kaguluhan ang pamahalaan.Ilan pa sa mga pangunahing nilalaman ng Treaty of
Versailles ay ang pagbabawas ng armas (disarmament) ng Germany upang hindi na ito
muling makapagsimula pa ng isa pang digmaang pandaigdig.
Suttee (sati)
- Boluntaryong pagtalon sa sunog ng asawang babae sa libing ng kaniyang
yumaong asawa.
Indira Gandhi
- Nakakuha ng malawakang suporta ng publiko dahil sa kaniyang pagpapaunlad
sa agrikultura na nagbunga sa malakng produksiyon at kasiguraduhan sa
pagkain.
Sonia Gandhi
- Daughter in Law ni Indira Gandhi
- Pangulo ng Indian National Congress – ang pinakamakapangyarihang partido-
politikal ng India.
Sheikh Hasina
- Kasalukuyang punong ministro ng Bangladesh ; pinamunuan niya ang
Bangladesh Awami League — ang isa sa dalawang pinakamalakking partido-
politikal sa Bangladesh
Benazir Bhutto
- Siya ang pinakaunang babaeng naging pinuno sa isang bansang Muslim sa
modernong kasaysayan. Tinatag din niya ang makasosyalismo at
demokratiokong Pakistan People’s Part (PPP).
- Binansagan siyang “Iron Lady”
Golda Meir
- Ang unang babaeng humawak ng pinakamataas na posisyong politikal sa israel sa
kabila ng eksklusibong pagkontrol ng kalalakihan sa politika ng bansa simula nang
maitatag ito bilang nagsasariling estado.
Hadith
- Batay sa kasabihan na ginawa ni Muhammad, ang pinakamataas na posisyon sa
pamahalaan ay hindi makukuha ng kababaihan.
Neokolonyalismo
- Tumutukoy ito sa pag-impluwensya ng isang makapangyarihang bansa sa mahihirap at
pag unlad ng bansa sa aspetong pang-ekonomiya, pampolitika, at pangkultura.
Labanan sa Mactan
- Ito ay isang labanan na naganap sa Mactan dahil ayaw magpasakop ni Lapu
Lapu.
Ferdinand Magellan
- Siya ay isang Portugese, nakarating siya sa Pilipinas noong 1521 dahil sa rutang ni
Vasco De Gama. Dahil sa ekspedisyon ni Magellan nakarating sa silangan ang
mga Spanish gaming ang pakanlurang ruta. Ang ekspedisyong ito ay pintunayan
rin na bilog ang ating mundo.
Ilhas do Oriente
- Ang tawag ng mga Espanyol sa Pilipinas, ito ay nangangahulugang “mga isla ng
Silangan” dahil maaring masilayan ang mga isla gamit ang pansilangang ruta.
San Antonio, Concepción, Victoria, Santiago, Trinidad ang mga barko na binigay ni hari
Charles V kay Magellan para sa kaniyang ekspedisyon, dalawang barko ang nakarating
sa Pilipinas, ang Victoria at Trinidad ngunit ang Trinidad ay lumubog.
Antonio de Abreu
- Siya ang namuno sa mga barkong pinadala ni Alfonso de Albuquerque patunong
Moluccas
Antonio de Brito
- Siya ang kapitan sa ekspedisyon patungong Banda Islands noong Pebrero 1522 at
lalong pinalawig ang pakikipagkaibigan ng mga Portugese sa mga pinuno ng mga
isla.
- Noong Mayo 1522 narating ni Antonio De Brito ang Ternate at nagtatag siya ng
daungan dito na tinawag niyang Sao Joao Baptista de Ternate.
Antonio Galvao
- Siya ay isang Portugese Governor. Isinaayos niya ang Ternate, at itinaguyod niya
ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Nagtatag din siya ng tanggulan sa bayan
ng Ternate kung saan nagpatayo siya ng mga paaralan, ospital, at mga pader na
gawa sa bato palibot sa bayan. Dahil dito tinagurian siyang “Apostol ng Moluccas”
Noong Hulyo 1575 isinuko ng mga Portugese ang kanilang sakop sa Ternate dahil sa
pagpatay sa kanilang pinuno na si Sultan Hairun.
Malacca Strait
- Isang kipot na nagsilbing rutang pangkalakalan
Haring Mongkut
- Isa sa mga mahuhusay na pinuno ng Thailsand, siya ay datign budistang monghe,
at naging bihasa sa kulturang banyaga ang kaniyang mataas na kaalaman sa
wika at teknolohiya ay napakinabangan ng Thailand.
Haring Chulalongkorn
- Anak ni Haring Mongkut
- Ipinahinto niya ang pang-aalipin at sapilitang paggawa ng mga mamamayan
para sa pamahalaan, nagpagawa rin siya ng mga riles ng tren.
Haring Gojong
- Siya ay naging hari ng Dinastiyang Joseon noong siya ay 13 taong gulang lamang,
dahil wala pang kakayahang mamuno ang bagong hari, naging Daewongun o
pansamantalang pinuno ang kaniyang ama na si Yi Ha-eung. Sa panahon ng
Daewongun, nanatiling matatag ang Korea sa kabila ng hamon na kaguluhang
panloob dahil sa pakikidigmaan ng mga estado at tumitinding interes ng mga
tagalabas tulad ng mga Kanluranin sa Korea.
Sentralisadong Pamahalaan
Cabeza De Baranggay
- Karaniwang kinauupuan ng mga dating datu at sultan ng mga katutubong
Pilipino. Tungulin din ng cabeza de baranggay ang pangongolekta ng buwis sa
mga katutubo upang ibigay sa mga Spanish.
Polo y servicios
- Sapilitang paggawa ng kalalakihang Pilipino na may edad 16-60. Sapilitang
pinagtayo ang mga ito ng mga simbahan, tulay, daan, at mga gusaling
pampamahalaan sa malalayong lugar nang walang sahod at sobra-sobra sa oras.
Tributo
- Tumutukoy sa buwis na binabayaran ng mga katutubo sa mga Spanish. Ilan sa
maaring ibigay bilang buwis ay mga mamamhaling metal tulad ng ginto at pilak,
mga produkto at kalakal, at maging mga ari-arian tulad ng lupa, at mga alagang
hayop, Dahil dito nawalan ng kabuhayan ang maraming katutubo na nagbunga
ng matinding kahirapan.
Monopolyo
- Tumutukoy sa pagkontrol ng mga Spanish sa agrikultura at pakikipagkalakalan
ng mga Pilipino. Isang anyo nito ay monpolyo sa tabako na kung saan sapilitang
pinagtanim ang mga Pilipino ng mga tabako na kung saan sapilitang pinagtanim
ang mga Pilipino ng mga tabako sa kanilang mga bukirin at ibebenta ang mga ito
sa mga Spanish sa napakababang halaga.
Reduccion
- Upang masiguro ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ipinatupad ng mga
prayle o mga paring spanish ang reduccion or sapilitang pagpapalipat sa mga
katutubong naninirahan sa malalayong nayon patunong kabayanan at
manirahan malapit sa simbahan.
Treaty of Paris
- Nilagdaan noong Disyembre 1898, isinuko ng Spain ang Pilipinas sa United States
kapalit ng P20 Milyon bilang kabayaran. Tumagal ang pananatili ng mga
Amerikano sa Pilipinas nang halos 50 taon.
Thomasites
- Ang mga sundalong Amerikano na tinawag na thomasites ang unang mga naging
durong Amerikano ng mga pilipino. Tinawag silang Thomasites dahil nang
dumating sila sa Pilipinas ay lulan sila ng barkong SS Thomas.
East Indies
- Unang tinawag ng mga Dutch sa Indonesia.
Dahil natalo ang mga dutch sa Napoleonic Wars nagdulot ito sa pagbagsak ng kanilang
ekonomiya. Dahil dito hinigpitan ng mga dutch ang kanilang hawak sa Indonesia at
pinairal ni Johannes Van Den Bosch ang cultivation system kung saan sila ay magtatanim
ng mga produktong makakapakinabang sa mga Dutch. Dahil dito, hindi na mga pananim
para sa pangunahing pangangailangan ang itatanim ng mga Indones kung kaya
nakaranas ang mga ito ng matinding kahirapan tulad ng pagkagutom.
Digmaang Anglo-Burmese
- Ito ay isang labanan sa pagitan ng England at Burma. Ito ay sinimulan nga mga
Ingles dahil para sa kanila, mainam ang burma bilang depensa sa silangang
hangganan ng India.
-
Unang Digmaang Anglo-Burmese
- Dahil ginuguso ng mga Burma na higit na mapalawak ang kanilang teritoryo,
nilusob nila ang silangang estado ng India. Ang paglusob nila ay itinuturing ng
mga Ingles na paghihimagsok sa kanilang kapangyarihan sa India. Kung kaya
sumiklab ang Unang Digmaang Anglo-Burmese.
Kasunduang Yandabo
- Nakuha ng British east India Company ang Arakan at Tenasserim bilang kapalit
ng pakikipagsundo ng England sa Burma at Siam. Isinaad din sa kasunduan ang
pagbibigay ng Burma ng bayad-pinsala sa england at ang pagtanggap ng hari
ng Burma sa British Resident.
Nais nilang sakupin ang Malaysia at Singapore upang mas makikinabang sila sa kalakal
ng rehiyon. Hinati nila ang Malaysia sa tatlo: Ang Strait Settlements, Federated at
Unfederated States.
Resident System
- Tumutukoy sa pagpayag ng England na ipagpatuloy ng mga sultan ang kanilang
pamumuno sa mga estadong Malay.
Treaty of Bangkok
- Napunta sa pamumuno ng mga Ingles ang ilang mga estadong malay na dating
controlado ng Siam (Thailand ngayon).
French Indochina
- Kinalaunan, higit na nakilala ang Indochina bilang French Indochina dahil sa
impluwensiya ng mga French, Indian, at Tsino sa kultura at kasaysayan ng mga
bansang bumubuo.
Napoleon III
- Nang makarating sa noon ay pinuno ng France
Digmaang Opyo
- Dahil akala ng mga Tsino na mas nakikinabang ang mga Ingles sa kalakalang
namamagitan sa pagitan ng dalawang bansa nagpasok ang mga Ingles ng opyo
bilang kanilang pangunahing kalakal na tradisyonal an ginagamit bilang
halamang gamot.Gayunpaman ang labis na paggamit o pagkalulong sa opyo ay
nagdudulot ng panganib sa katawan at lason sa kaisipian. Mula sa India ang
opyong ikinakalakal.
Treaty of Bogue
- Isinasaad sa kasunduang ito ang pakilala ng Qing sa England bilang kapantay
nito sa kapangyarihan at pagkakaloob ng karapatan sa mga INlges na
makipagkalakalan sa mga daungan ng China.
Kasunduang Tianjin
- Bunga sa pagkatalo ng China sa Ikalawang Digmaang Opyo, nakasaad sa
kasunduang ito ang pagpayag ng China na magtayo ang mga Ingles ng kanilang
embahada sa Beijing, pagbubukas muli ng China ng 10 daugan para sa mga
dayuhan, apgbibigay ng kalayaan sa mga dayuhang makapaglakbay saan mang
dako sa China upang magpalaganap ng kanilang relhiyon, pagbibigay ng china
ng tatlong milyong halaga ng pilak sa mga Ingles at dalawang milyon naman sa
mga French bilang bayad-pinsala, at gawing legal ang kalakalan ng opyo sa
China.
Extraterritoriality
- Tumutukoy ito sa pagpapairal ng isang dayuhang bansa sa mga batas nito sa
isang bansa.
Kasunduang Kanagawa
- Napagtanto ng japan na hindi nila kayang pantayan ang puwersa ng untied
stated ate ayaw nilang matulad sa China sa dalawang digmaang opyo kaya
nilagdaan ng Japan ang Kasunduang kanagawa kung saan magbubukas sila ng
dalawang daungan — Hakodate at Shimoda.
Meiji restoration
- Nagwakas ang paghahari ng Tokugawa Shogunate
Mutsuhito
- Sumunod sa Tokugawa Shogunate at naging emperador ng Japan sa 14 taong
gulang.
● Nagalit ang United Stated sa japan dahil itinuturing niyang bants sa kaniyang
interes sa China ang naging pagkilos ng japan. Hindi na rin sinunod ng japan ang
mga napagkasunduan sa Washington Conference
● Rape of Nanking- Naging biglaan din ang kaniyang pagsalakay sa china noong
HUlyo 1937 na kung saan naging puntriya ng Japan ang nanking na noon ay
sentro ng pamahalaang Tsino. Sa pagsalakay na ito, lumaganap ang kaguluhan
sa nanking at libo-libong Tsino ang pinaslang ng mga Hapones dito.
Tripartite Pact
- Isang pact sa pagitan nina Adolf Hitler ng germany, Benito Mussolini ng Italy, at
emperaror Hirohito ng Japan.
- Tinatawag din silang Axis Powers
Allied Powers
- United States, England, France
Superpower
- Japan at United Stated
Bataan March
- Pinagmartsa ng mga Hapones ang tinatayang 60,000-80,000 mga sundalogn
Pilipino at Amerikano ng 97 kilometro mula bataan hanggang Camp O’ Donnel sa
Tarlac.
Pamahalaang Puppet
- Isang pamahalaang itinatag ng mga Hapones sa PIlipinas sa pamumuno ni Jose P
Laurel gayundin sa Burma.
Peace Treaty
- Sa bisang ito na binuo sa San Francisco, California, nagwakas ang pananatili ng
mga Allied sa Japan noong 1952