Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

Angono Private High School

(Operated by: JUAN SUMULONG MEMORIAL SCHOOLS SYSTEM,


INC.)
Binangonan, Rizal

ANG PAMUMUHAY AT KOMUNIKASYON NG LAHING ILOKANO

Bilang Pagtupad sa mga Pangangailangan sa


asignaturang

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA
WIKA AT KULTURANG FILIPINO
S.Y. 2022 – 2023

HUMSS 101 Pangkat 6

Mga Miyembro :
Buenviaje, Jamie Claire B.
Canillas, Princess Mariel N.
Capistrano, Jasmin Iris A.
Galope, Hannah Alexis Iona G.
Jacob, Edgar Jr. P.
Legario, Giuseppe John E.
Manalang, Jerome Lloyd S.
Sta. Ana, Samantha B.

Ika-11 Enero, 2022


TALAAN NG MGA NILALAMAN

KABANATA I – SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO


Rasyunal…………………………………………………………………………………………………………………………1-2

Paglalahad ng Suliranin........................................................................................................2

Kahalagahan ng Pag-aaral....................................................................................................3

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral.......................................................................................3

KABANATA II – MGA KAUGNAY NA LITERATURA…………………………………………………………………4-6


KABANATA III – DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik…………………………………………………………………………………………………..7

Mga Respondente……………………………………………………………………………………………………………7

Instrumentong Pananaliksik…………………………………………………………………………………………...7

Tritment ng Datos…………………………………………………………………………………………………………..7

KABANATA IV – RESULTA AT INTERPRETASYON NG DATOS

Pagtalakay sa mga Katanungan sa Pananaliksik……………………………………………………………..8-9

KABANATA V – LAGOM, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Lagom…………………………………………………………………………………………………………………………………..10

Kongklusyon………………………………………………………………………………………………………………………….10

Rekomendasyon……………………………………………………………………………………………………………………11

REPLEKSYON…………………………………………………………………………………………………………….12-16
ANG PAMUIMUHAY AT KOMUNIKASYON Pangkat 6
NG LAHING ILOKANO 1

KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Rasyunal

Maraming pangkat-etniko ang nabibilang sa ating bansa. Isa sa mga pangkat etniko na ito
ang pag-uusapan o tatalakayin natin sa pananaliksik na ito. Karamihan sa kanila ay hindi kilala o
pamilyar sa nakararami, kaya’t hindi natin alam o wala tayong ideya kung ano at saan sila
nagmula. Napapatanong ka ba? Na kung iisipin, bakit natin kailangang pag-aralan ang lahi nila?
Bakit natin kailangan alamin ang pagkakakilanlan ng mga pangkat-etniko? Bakit natin kailangan
alamin ang kanilang tradisyon at paniniwala? Sa pananaliksik na ito’y masasagot ang mga
katanungang naiisip mo.

Ang mga pangkat-etniko ay isang matibay na samahan na sinisikap mapanatili ang kanilang
katutubong kultura. Mahalaga ang pagkakakilanlan sa mga pangkat-etniko upang mas lalong
magkaron ng pagkakakilanlan sa sarili. Binubuo nila ang kabuuang bilang ng tao sa Pilipinas na
may sariling wika, kaugalian, tradisyon at paniniwala. Sa paraan din na ito’y maipapakita natin
ang ating pagiging maka-tao.

Ang lahing Ilokano ay pangatlo sa pinakamalaking pangkat-etniko sa Pilipinas. Makikita sa


gawing hilagang-kanlurang bahagi ng Luzon. Sila ay nangunguna kung sa usaping Lingua Franka,
“Iloko” ang tawag sa wika ng mga Ilokano. Ang mga Ilokano rin ang nagbibigay ng
pagkakakilanlan para sa Rehiyon ng Ilocos.
ANG PAMUIMUHAY AT KOMUNIKASYON NG LAHING Pangkat 6
ILOKANO 2

Karamihan sa mga Ilokano ay namumuhay sa pamamagitan ng pag- aani at pagsasaka sa bukid.


Isa rin ang tobako sa kanilang pananim na pangunahing ikinabubuhay nila. Pagdating naman sa
usaping kasal, ang mga Ilokano ay may sinusunod na tradisyon. Ang mga kalalakihan ay dapat na
magbigay ng “dote” sa magulang ng babae. Ito ang gagamitin sa kanilang panimula bilang isang
ganap na mag-asawa. Gaya ng ibang lugar, ang mga taga-Ilocos ay nagdiriwang din ng mga
piyesta sa kani-kanilang mga barangay. Ang pinakatanyag na piyesta sa Ilocos ay ang
Pamulinawen Festival sa Laoag City. Kilala rin ang “The Festival of Festivals” na naglalayong
bigyang pagkakataon ang mga lumahok na ipakita ang kanilang pagkakakilanlan.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay bigyan ng tuon ang pamumuhay at


komunikasyon ng lahing Ilokano.

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, nilalayong masagot ang mga katanungan sa ibaba:

1.) Anong pangkaraniwang na tradisyon ang isinasagawa pa rin ng mga Ilokano ngayon?

2.) Nakatulong ba ang pag-usbong at patuloy na pag-unlad ng teknolohiya sa mamumuhay nila?

3.) Anong dominanteng wika ang ginagamit nila sa araw-araw?


ANG PAMUIMUHAY AT KOMUNIKASYON NG LAHING Pangkat 6
ILOKANO 3

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga talakaying nakapokus sa pamumuhay


ng mga Ilokano. Nais nitong magbigay ng kaalaman patungkol sa natatanging paraan ng pamumuhay
nila na maaaring may bahagyang pagkakapareha sa pamumuhay natin. Maaaring makatulong ang
pag-aaral upang maintindihan at magkaroon ng kamalayan sa kultura nila. Magbibigay ito ng
karagdagang kaalaman sa larangan ng Etnograpiya nang sa gayon ay masinsinang mawari ang
pamumuhay ng lahing ito.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Naglalayon ang pag-aaral na malawakang maipaliwanag kung sa paanong paraan mamuhay


ang lahing ito. Ang pag-aaral ay magbibigay tuon lamang sa mga Ilokano, na walang pinakamaraming
respondante. Ang pananaliksik ay isasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng archival na mga
materyal, gayundin sa mga panayam ng mga may lahing Ilokano. Dahil dito, ang pananaliksik ay
magbibigay ng pokus sa iisang lahi, at iyon ay ang Ilokano.
ANG PAMUMUHAY AT KOMUNIKASYON Pangkat 6
NG LAHING ILOKANO 4

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA


Bilang isang mamamayan ng ating bansa, mahalagang malaman o magkaroon man lang tayo ng
kamalayan sa paraan ng pamumuhay ng iba’t-ibang lahi, maging sa mga kultura at isinasagawa nilang
mga tradisyon nang sa gayon ay hindi magbunga ng kawalang galang ang mga aksyon na maaaring
normal lamang para sa atin. Nararapat na bigyan ng kamalayan ang pamumuhay nila sapagkat

Pinagmulan ng mga Ilokano

Ang kasalukuyang mga Ilokano ay mga inapo ng magkakahalong lahi, na nakararami sa lahing
Austronesian (Malay). Malaki ang halo-halong dugo ng Chinese, Indian, at Spanish. Ang mga unang
Austronesian na ninuno ng mga Ilokano ay dumating sa Pilipinas sa pamamagitan ng paggamit ng mga
barangay (mga bangka) at nanirahan sa baybayin ng hilagang-kanlurang Luzon. (History of Ilokano n/d)

Noong 2000, ang mga taong nagsasalita ng Iluko ay may bilang na 6,938,920, o halos pitong
milyon, na bumubuo ng 9.07% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas na 76,504,077, kaya ginawa silang
ikatlong pinakamalaking etnolinggwistiko na grupo, pagkatapos ng Tagalog at Cebuano. Kahit na ang
mga Ilokano ay malawak na nakakalat sa buong bansa, kung hindi man sa mundo, ang pinakamalaking
konsentrasyon ng kanilang populasyon ay matatagpuan pa rin sa kanilang orihinal na mga probinsya na
Ilocos Sur, La Union at Ilocos Norte. (NSO 2010)
ANG PAMUMUHAY AT KOMUNIKASYON Pangkat 6
NG LAHING ILOKANO 5
Wikang Ginagamit

Ang Iloko (o Iluko, maari ring Ilokano o Ilocano) ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas. Ito
ang wikang gamit (lingua franca) ng halos kabuuan ng Hilagang Luzon lalo na sa Rehiyon ng Ilocos, sa
Lambak ng Cagayan at sa maraming bahagi ng Abra at Pangasinan. Marami ring mga nagsasalita ng Iloko
sa Nueva Ecija, Tarlac, Mindoro at sa lalawigan sa Mindanao. Ang wikang Ilocano ngayon, bukod sa
gamit nito bilang lingua franca ng Hilagang Luzon, ay kinikilala rin bilang Heritage Language ng Estado ng
Hawaii. Idagdag pa na ang wika ay itinuturo sa Unibersidad ng Hawaii bilang isang kurso. (Kultura at
Wika ng mga Ilocano n/d)

Kanilang Hanapbuhay
ANG PAMUMUHAY AT KOMUNIKASYON NG LAHING Pangkat 6
ILOKANO 6

Ang mga Ilokano ay bihasa sa paggawa ng sisidlan ng tubig o imbakan ng bagoong o (burnay) na
yari sa semento, buhangin at mga lalagyan ng bulaklak na yari sa luwad (paso). Mahusay din silang mag
tanim ng tabako (virginia) na siya nilang pangunahing produkto. (Ilocano 2020)

Ang mga pangunahing ikinabubuhay ng mga naninirahan dito ay ang pagtatanim ng palay, mais,
tabako, bulak, kamote. kamatis, bawang, sibuyos, tubo at niyog. Nag-aalaga rin sila ng mga hayop tulad
ng kalabaw, baka, kambing, manok at kabayo. Gumagawa rin sila ng mga sandok, basket, tapayan,
palayok, salakot, abel/kumot, lusong/stone mortar, tsinelas, gulok, lingkaw, at mga upuan.

Sa panahon ngayon, mas pinalawak nila ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pag-lipat
sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas pati din sa ibang bansa upang maipalawak pa nila ang kanilang
pagbenta ng kanilang mga produkto para sila ay umunlad.

Mga Paniniwala at Tradisyon

Ang komunidad ng Ilokano ay may ilang pagkakatulad sa ibang mga pangkat etniko sa bansa.
Ang mga halimbawa ay ang mga aspeto ng kanilang pang-araw-araw na buhay at ang mga prinsipyong
ideya ng kanilang komunidad. Sinasabing ang kahirapan ay hindi kailanman nakikita bilang isang
malaking balakid sa kanilang buhay. Naniniwala rin sila sa mga halaga ng kung ano ang maibibigay ng
pag-aaral at pasensya. Ang mga tradisyong ito ay karaniwang ipinapasa mula sa isang henerasyon
patungo sa isa pa. Isang halimbawa nito ay kung paano tratuhin ng mga Ilokano ang mga patay. Kung
ang isang ama ng isang pamilya ay namatay, binibihisan ng asawang babae ang kanyang namatay na
asawa nang mag-isa upang ang espiritu ng lalaki ay makapagsabi sa kanya ng anumang natitirang mga
mensahe na hindi niya masabi noong siya ay nabubuhay pa. Pagkatapos ay inilalagay ang katawan sa
isang kabaong na inilagay sa gitna ng bahay na kahanay ng mga slats ng sahig. Ang isang malaking troso
ay inilalagay sa harap ng bahay upang ang espiritu ng mga patay ay makapunta sa langit kasama ng usok.
Kilala sa kultura ang mga Ilokano sa pagiging mura sa kanilang mga mapagkukunan. Ito ay itinuturing na
isang biro lamang sa mga Pilipino at hindi dapat ipagkamali bilang isang stereotype.
ANG PAMUMUHAY AT KOMUNIKASYON Pangkat 6
NG LAHING ILOKANO 7

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay ginawa sa pamamagitan ng interview study. Ang mga mananaliksik ang
kumalap ng mga impormasyon sa pagtatanong sa kanilang mga respondente ng mga katanungang
sasagot sa pananaliksik. Nakakatulong ito upang mas maiging maintindihan at ipaliwanag ang pag-aaral.

Mga Respondente

Ang mga napiling respondent ay sampung respondente na may lahing Ilokano. Sila ang napiling
respondente sapagkat sila ang mayroong mas mabuting pag-unawa sa kanilang kultura at pamumuhay
kung kaya’t angkop sila sa pag-aaral na ito.

Instrumentong Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng panayam. Ginamit ang instrumentong ito upang
kumalap ng mga datos na gagamitin upang suriin ang paraan ng kanilang pamumuhay na kakailanganin
sa pananaliksik.

Tritment ng mga Datos

Sa pamamaraang sarbey gamit ang Google form ang isinagawa sa pagkalap ng datos. Dahil sa
sarbey makukuha ang porsyento ng datos na makikita sa pag-aaral na ito.
ANG PAMUMUHAY AT KOMUNIKASYON Pangkat 6
NG LAHING ILOKANO 8

KABANATA IV

RESULTA AT INTERPRETASYON NG DATOS

Pagtalakay sa mga Katunungan sa Pananaliksik


1.) Anong pangkaraniwang na tradisyon ang isinasagawa pa rin ng mga Ilokano ngayon?
“Naglalagay ng itim na tela sa noo kapag may patay.” –Kalahok #8
“Paghain handa upang i-alay sa mga namayapang myembro ng pamilya tinatawag itong
‘atang’” –Kalahok #6

Batay sa naging kasagutan ng mga kalahok, masasabi at makikitang buhay na buhay pa ang
tradisyon ng mga Ilokano sapagkat marami pa ring iba’t ibang tradisyon ang isinasagawa pa rin sa
panahon ngayon. Ayon naman sa pahayag ni Kalahok #2, isinisagawa pa rin ng kanyang pamilya
ang “gulgol” upang dumiretso ang kaluluwa ng kamag-anak na kamakailan lamang inilibing sa
langit. Ayon naman kay Kalahok #10, sa usapang kasal, ang lalaki ay nararapat na magbigay ng
“dote” sa magulang ng babae upang gamitin sa pagsisimula ng buhay mag-asawa ng dalawa. Ayon
kay Frauline Tadle (2012), mayroong samu’t saring kwento ang mga Ilokano upang bigyan ng
dahilan ang mga nangyayari sa kanilang paligid, sa paniniwalang may mga hindi nakikitang nilalang
na nananahan sa kapaligiran gumagamit sila ng mga ritwal nang sa gayon ay manatiling payapa ang
kalooban ng mga nilalang na ito.

2.) Nakatulong ba ang pag-usbong at patuloy na pag-unlad ng teknolohiya sa mamumuhay nila?

“Oo, para mapadali ang mga gawain.” –Kalahok #1

“Oo, dahil napapadali nito ang pang-araw-araw na gawain.” –Kalahok #7

Halos lahat ng kalahok ay sumang-ayon na mas napadali ang kanilang pamumuhay sa tulong
teknolohiyang patuloy pa ring umunlad at umuusbong ngayon. Ayon kay Kalahok #3, nagbigay ng
mga bagong oportunidad sa paghahanapbuhay ang pag-unlad ng teknolohiya sapagkat naging
mas madali ang pagkakalap ng impormasyon kung anong mga lugar ang naghahanap ng
empleyado.
ANG PAMUMUHAY AT KOMUNIKASYON Pangkat 6
NG LAHING ILOKANO 9

Sinabi rin ni Kalahok #4 na napadali ng pag-usbong at unlad ng teknolohiya ang


komunikasyon niya sa mga kapamilya at mga kabigan na nasa malalayong lugar, bukod dito sinabi
niyang napadali rin nito ang kanyang pag-aaral sapagkat naging mas madali ang paghahanap ng mga
impormasyong nais niyang malaman o pag-aralan pa.

3.) Anong dominanteng wika ang ginagamit nila sa araw-araw?

“Ilokano dialect.” –Kalahok #9

“Tagalog.” –Kalahok #5

Base sa naging sagot ng mga kalahok, marami ang nagsagot na Ilokano o Ilokano dialect ang
dominanteng wika na ginagamit nila sa araw-araw, ngunit may kaunting kalahok na nagsabing Tagalog
ang dominanteng wika nila. May ilang nagsabi na Tagalog ang dominanteng wika nila sapagkat ito ang
kinalakihan nilang ginagamit mula pagkabata. May ibang kinalakihan ang Ilokano bilang kanilang
dominanteng wika ngunit lumipat ng lugar kung saan ang dominanteng wika ay Tagalog. May mga tao
ring Ilokano ang gamit na dominanteng wika sakanilang tahanan ngunit Tagalog ang dominanteng wika
sakanilang bayang tinitirhan. Meron ding ang kanilang mga magulang ay parehong gumagamit ng
Ilokano at Tagalog sakanilang tahanan. Maraming iba’t ibang pangyayari kaya ang mga tao ay may iba’t
ibang dialekto at mga nakasanayan.
ANG PAMUMUHAY AT KOMUNIKASYON Pangkat 6
NG LAHING ILOKANO 10

KABANATA V
LAGOM, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Lagom

Ang pananaliksik ay naglalayong suriin ang pamumuhay at komunikasyon ng lahing Ilokano sa


pamamagitan ng pag-aaral ng mga datos na nakalap upang malaman ang paraan ng kanilang
pamumuhay sa araw-araw.

1.) Anong pangkaraniwang na tradisyon ang isinasagawa pa rin ng mga Ilokano ngayon?

2.) Nakatulong ba ang pag-usbong at patuloy na pag-unlad ng teknolohiya sa mamumuhay nila?

3.) Anong dominanteng wika ang ginagamit nila sa araw-araw?

Sinuri ng mga mananaliksik ang datos na nakuha mula sa mga panayam at doon natuklasan na
nananatiling buhay ang tradisyon ng mga Ilokano. Mas lalong napadali ng teknolohiya ang kanilang
pamumuhay at komunikasyon. Hindi lamang iisa ang dominanteng wika na ginagamit ng mga ilokano.

Kongklusyon

Mula sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik napag-alaman na patuloy na isinasagawa


at inaalagaan ang mga iba’t ibang tradisyon ng mga Ilokano na nakakatulong upang preserbahin ang
kanilang mayamang kultura. Karamihan naman ay sumang-ayon na nakatulong ang tuloy-tuloy na
pagsulong ng teknolohiya sa kanilang araw-araw na pamumuhay, komunikasyon, paghahanapbuhay, at
pag-aaral. Napakita rin na hindi homogenous o magkakatulad ang dominanteng wika ng bawat Ilokano,
sa halip ito ay heterogeneous o magkakaiba dulot ng iba’t ibang kinamulatang kapaligiran o wikang
kadalasang ginagamit ng mga magulang tuwing kausap ang mga respondente.
ANG PAMUMUHAY AT KOMUNIKASYON Pangkat 6
NG LAHING ILOKANO 11

Rekomendasyon

1) Para sa mga mananaliksik sa hinaharap na nais pag-aralan ang araw-araw na pamumuhay ng


mga Ilokano, subuking mas palawakin ang pananaliksik sa pamamagitan ng pagkuha ng mas
maraming respondente

2) Para sa mga bihasa sa larangan ng Etnograpiya, gamitin ang pag-aaral upang mas
maipaliwanag at ilarawan ang pamumuhay at komunikasyon ng mga Ilokano.

3) Para sa mga guro, gawing gabay ang pananaliksik upang ipakita ang mga epekto at uri ng
bilingguwalismo sa mga mag-aaral .
ANG PAMUMUHAY AT KOMUNIKASYON Pangkat 6
NG LAHING ILOKANO 12

Repleksyon

Maraming impormasyon ang aking natutunan sa aming paksang tinalakay. Iba’t ibang impormasyon
patungkol sa pamumuhay ng mga Ilokano ang aking nalaman. Importanteng mapag aralan din ang
paksang ito upang magkaron tayo ng kamalayan sa iba’t ibang pamumuhay at tradisyon ng mga taga
ibang bahagi ng ating bansa. Ang mga Ilokano ay may masasayang tradisyon at may magang kultura
kagaya ng iba. Ang kanilang lenggwahe ay marami rin ang nakakaalam salitain kaya marami pa rin ang
gumagamit nito hanggang sa ngayon. Ang mga Ilokano ay hindi lang Ilokano dialect ang alam na salitain
kundi marami pang iba o higit lalo maraming nakakaalam nang Tagalog bilang kanilang pangalawang
wika. Isa rin ito sa mga pinaka malaking pangkat etniko sa bansa at isa rin ang wikang Ilokano sa mga
pangunahing wika sa ating bansa.

Natutuwa ako dahil bilang estudyanteng mahilig sa history, nagkaroon ako ng pagkakataong
palawakain ang aking kaalaman pagdating sa kultura, tradisyon, paniniwala, at pamumuhay ng isang
lahi. Nagbigay rin ito ng pagkakataong mabigyang pansin at maintindihan ang paraan ng kanilang
komunikasyon. Napadali ng pag-aaral nito ang pagtukoy ng pamumuhay ng mga Ilokano sa iba pang lahi
sa pamamagitan ng pagsuri sa mga nakuhang sagot sa mga interview. Kapansin-pansin din na karamihan
ng mga Pilipino ay marunong o nakakaintindi ng Ilokano. Maliban dito, nagsilbi itong patunay na ang
Pilipinas ay mayroong mayamang kultura na nararapat kilalanin at ipagmalaki. Nararapat lamang na
patuloy itong kilalanin at suportahan nang sa gayon ay mapreserba ang mga tradisyon na nagbibigay ng
pagkakakilanlan sa ating kultura at bansa.
ANG PAMUMUHAY AT KOMUNIKASYON Pangkat 6
NG LAHING ILOKANO 13

Marami akong natutunan tungkol sa kasaysayan ng mga Ilocano dito sa ating bansa. Naging
masaya ako sa pag aaral tungkol sa Rehiyon ng Ilocos na isang rehiyong administratibo ng Pilipinas
na matatagpuan sa hilagang bahagi ng pulo ng Luzon, na inuri bilang Rehiyon I. Ito ay nasa
hangganan sa silangan ng Cordillera Administrative Region, hilagang silangan at timog silangan ng
Cagayan Valley, at timog silangan ng Gitnang Luzon. Ang mga Ilocano ay masasabi mong may
magandang kultura dahil sa paraan ng kanilang pamumuhay sa kanilang lungsod at ang mga
paniniwala nila at tradisyon. Ang lenguahe ng mga Ilocano ay sinasalita ng halos lahat ng populasyon
dito sa bansa. Ang Ilocos Sur ay isa sa mga pinaka makasaysayang rehiyon sa bansa, na pinaghalo
ang masiglang kultura ng mga Ilocano sa isang pamana ng kolonyalismo ng Espanya. Dahil sa mga
nakaka lumang arkitektura ng mga gusali dito, masasabi mong dayuhin ito ng mga turista.

Maraming Pangkat- Etniko sa Pilipinas pero namangha ako sa Lahing Ilokano. Mula sa tradisyon,
paniniwala at kagawian mamamangha ka sa kanila. Marami rin silang mga katangian na pupukaw ng
pansin natin. Nakakamangha rin yung kung pano nag evolve yung lahi nila compare noon sa ngayon.
Nagulat ako kasi mga Ilokano pala yung pangatlong pinakamalaking pangkat. Nahirapan ako habang
ginagawa kasi wala akong ideya tungkol sa mga Ilokano. Wala rin akong ideya kung paano gumawa
ng introduksyon na rasyunal dahil ito yung unang beses na gumawa ako ng research. Marami rin
natutunan sa mga ka grupo kung paano gumawa at iba pang impormasyon tungkol sa Lahi nila.
6
ANG PAMUMUHAY AT KOMUNIKASYON Pangkat 6
NG LAHING ILOKANO 14

Bago sinaliksik ang paksa, halos wala akong alam tungkol sa mga Ilokano at kultura sa
pangkalahatan. Nakilala ko lang sila bilang isa sa maraming pangkat etniko sa bansa. Nahirapan
akong maghanap ng mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan para makuha ang impormasyon.
Ngunit ngayon na tinitingnan ang panghuling output ng grupo, ako ay medyo mas alam tungkol sa
kung ano ang kultura at kasaysayan ng Ilokano. Mayroong ilang mga tradisyon na hindi ko alam na
nagmula sa mga Ilokano. Tungkol naman sa bahagi ng pagsasaliksik, alam kong mas magagawa ko
ito, dahil hindi ako nagbigay ng pinakamaraming pagsisikap.

Ang mga Ilokano ay kilala sa pagiging masipag, mapagpahalaga, simple at determinado.


Gayunpaman, kilala rin sila bilang kuripot o "kuripot". Syempre, ang mga Ilokano na tinatawag na
kuripot at mura ay tinatrato lamang bilang biro o puntahan sa mga Pilipino at hindi bilang
negatibong panrehiyong stereotype. Isa itong katangiang panrehiyon na nauunawaan ng kanilang
mga kapatid na Pilipino. Maaaring tangkilikin ng mga bisita ang Vigan, isang maayos na
napangalagaang Spanish-Filipino village at isang tunay na pagpapakita ng impluwensya ng mga
Espanyol sa mga isla, sa Ilocos, isang balwarte ng makasaysayang pangangalaga sa Pilipinas. Ang mga
ancestral home ng mga makukulay na pigura mula sa kasaysayan ng Pilipinas, na ngayon ay museo,
ay kabilang sa iba pang mga atraksyon ng bansa. Sa Marcos Museum at Mausoleum sa Batac, Ilocos
Norte, ang bangkay ng pinakakilalang anak sa rehiyon, si dating pangulong Ferdinand Marcos, ay
nakalagay sa isang basong kahon. Hindi tulad ng mga Manileño, mas mahirap para sa mga Ilokano na
kumita ng pera dahil napakalayo nila sa sentro ng kalakalan at industriya. Aabutin ng mahabang oras
ng paglalakbay (sa lupa) upang maipadala ang kanilang mga produkto (karamihan ay prutas at gulay)
sa Maynila. Sa oras na dumating ito, ang mga prutas at gulay na ito ay hindi na sariwa.
ANG PAMUMUHAY AT KOMUNIKASYON Pangkat 6
NG LAHING ILOKANO 15

Noon ako ay gumagawa lamang ng sariling ideya sa aking isipan sa tuwing napaparinggan o
napapagusapan ang salitang lahing ilokano. gumagawa rin ng sariling espekulasyon at impresyon batay
lamang sa kung ano ang aking nalalaman. Minsan man ay binabalot ng maraming katanungan patungkol
sa kung ano nga ba talaga ang mayroon sa lahing ilokano? paano ang pamumuhay nila? paano nga ba
nag simula ang pangkat-etniko nila? saan nag simula? kelan nag simula?. Ngunit sa kabila ng katanungan
at interes sakanila ay hindi ko parin sinubok pang alamin at lawakan ang aking mumunting nalalaman sa
kanilang lugar at lahing pinagmulan.

Ngunit, sa kabila nang itinagal na hindi pag bibigay oras sa interesanteng lahi at lugar. Akin din na
pag-aralan, malaking tulong ang kompan na asignatura sa pag hubog ng aking interes sa lugar at
pangkat-etniko na ito. Ang dating katanungan ay ngayon ay mayroon nang malinaw na kasagutan gaya
nalang ng Iloko (o Iluko, maari ring Ilokano o Ilocano) ay isa pala sa naging pangunahin wika sa Hilagang
luzon na hanggang sa kasalukuyan ang buhay parin ang wikang ito. Ang wikang ito ay maririnig ninyo
parin sa mga partikular na lugar sa Rehiyon ng Ilocos at marami pang iba. At batay din sa aking nabasa
na hindi lamang lingua franca ng Hilagang Luzon ang iloko, Ito rin pala ay kinilala bilang Heritage
Language ng Estado ng Hawaii. At isa pang patungkol sa wikang talaga nama nakakamangha sapagkat sa
libu-libong panahon napayaman at naipapatatag ang bokabularyo nito. Na kung sa akin na rin napag
aalamanan ay may humigit kumulang na 20 milyon na native speaker nitong aking nasabing wika.

Bagoong, tiyak na tayo ay lahat pamilyar dito at nasasabi ko ito, marahil napagalaman ko rin na ang
mga ilokano ay bihasa sa sisidlan ng o imabakan ng bagoong sa (Burnay) na gawa aa semento. At
karamihan sa mga Ilokano ay namumuhay sa pamamagitan ng pag- aani at pagsasaka sa bukid. Kaya't
ang mga ilokano rin ay mahusay sa pagtatanim ng tabako o virginia na ito rin pala ang kanilang
pangunahing produkto. Mayroon din ang mga ilokano ng pantradisyon kung ating mapag-uusapan ang
kasalan sapagkat isinasagawa ang tradisyon na ang lalaki ay magbigay "Dote" sa pamilya ng babaeng
pakakasalanan. Sakanila ay sinasagawa ito bilang kanilang panimula sa pagiging mag-asawa. Kilala rin sa
ilocos ang " The Festival of Festivals" na naglalayong bigyang pagkakataon ang mga lumahok na ipakita
ang kanilang pagkakakilanlan. Pagkatapos malaman ang mga kaalaman na ito ay masasabi kong talaga
nga naman na marami pa akong hindi nalalaman at ito'y akin na rin na natuklasan. At talaga rin naman
na ito rin ay ka'y gandang lahi at pati rin ang lugar na ilocos, kung kaya't ito ay sana patuloy na
pangalagaan.
ANG PAMUMUHAY AT KOMUNIKASYON Pangkat 6
NG LAHING ILOKANO 16

Ang Ilokano ay tumutukoy sa wika at kultura na may kaugnayan sa Ilokano, Ito din ang pangatlong
pinakamalaking pangkat-etniko sa Pilipinas.

Ilokano ang pangunahing wika na ginagamit ng 95% ng populasyon na may kabuuang 594,206 noong
2000. Ang iba pang wika na ginagamit sa lalawigan ay Tagalog, Pangasinense, Bisaya, Ingles, Kankanay,
Tinggian at Muslim

Nakatulong ang sinaunang kabihasnan sa paghubog at pagunlad ng pagkakakilanlang Asyano sa


pamamagitan ng kanilang iba’t ibang kultura at relihiyon na sumasalamin sa kanilang pagiging malikhain
at sa kanilang pagsamba sa iba’t ibang pananaw na nakakaimpluwensya sa mga Asyano.

Humigit-kumulang na 20 milyon native speakers ang Ilokano sa buong mundo. Ang mga Ilokano ay
taimtim na relihiyoso, masiglang maggawa, at mahuhusay na mandirigma.

Nakakaimpluwensya ang kanilang mga tradisyon, marami rin silang pinaniniwalaang pamahiin
maaari rin natin itong mapag kuhanan ng aral at magkaroon tayo ng kamalayan tungkol sa tradisyon ng
mga Ilokano.
ANG PAMUMUHAY AT KOMUNIKASYON Pangkat 6
NG LAHING ILOKANO 17

SANGGUNIAN

 Telagen, Zoilo. (n/d.). History of Ilokano. Nakuha noong Disyembre 31, 2022, sa
https://www.scribd.com/doc/97755267/History-of-Ilokano#
 “The Ilocano People of the Philippines: History, Culture, Customs and Tradition [Ilocos Region]”. (2022,
Setyembre 01). Nakuha noong Disyembre 31, 2022, sa https://www.yodisphere.com/2022/09/Ilocano-
People-History-Culture.html
 “Kasaysayan ng mga Ilocano”. (2018, Agosto 15). Nakuha noong Disyembre 31, 2022, sa
https://kasaysayanngilocos.blogspot.com/2018/
 “Sulyap sa Buhay ng Ilokano”. (n/d.). Nakuha noong Disyembre 31, 2022, sa https://buhay-ng-ilokano-
blog.tumblr.com/post/148974891056/kasaysayan-ng-ilokano-ang-ilokano-ay-
ang#:~:text=Ang%20terminong%20%E2%80%9CIlocano%E2%80%9D%20ay%20nagmula,ito%20ay%20a
ng%20aming%20wika
 Nicer, Judhie. (2020, Pebrero 29). Ilocano. Nakuha noong Disyembre 29, 2022, sa
https://www.slideshare.net/JudhieNicer/ilocano
 “Kultura at Wika ng mga Ilocano”. (n/d.). Nakuha noong Disyembre 31, 2022, sa https://ilocano-
ilocos-sur.yolasite.com/
 Tadle, Frauline. (2012, Oktubre). Mga Pagbabago sa Tradisyon sa Patay ng mga Ilokano sa
Pagpasok ng Ika-21 Dantaon. Nakuha noong Enero 7, 2023, sa
https://www.scribd.com/doc/150840782/MGA-PAGBABAGO-SA-TRADISYON-SA-PATAY-NG-
MGA-ILOKANO-SA-PAGPASOK-NG-IKA-21-DANTAON
 “The Ilocos Region and the Ilocanos”. (n/d). Nakuha noong Enero 10, 2023, sa
https://www.livinginthephilippines.com/culture-and-people/philippine-culture/culture-and-
traditions/1286-ilokanos-customs-and-traditions
ANG PAMUMUHAY AT KOMUNIKASYON Pangkat 6
NG LAHING ILOKANO 18

Puntos sa Bawat Miyembro

Legario, Giuseppe John – Leader


Capistrano, Jasmin Iris – 20/20
Canillas, Mariel – 20/20
Buenviaje, Jamie Claire – 20/20
Galope, Hannah Alexis Iona – 20/20
Jacob, Edgar – 20/20
Manalang, Jerome – 20/20
A QUANTITIVE STUDY OF 8–AMETHYST’S Group 4
GRADES IN MATHEMATICSFROM FIRST 20 23
TO SECOND GRADING PERIOD

You might also like