Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAKSA 1.

Gender, Sex at Sexuality

- Ang Gender ay tumutukoy sa mga katangian, gapanin, at pag-uugali na pangkaraniwang kaakibat ng pagiging isang
lalaki o babae ng isang tao. Ito ay natututunan, nakukuha, napag-aaralan sa pamamagitan ng kultura at mga
panlipunang institusyon tulad ng pamilya, gobyerno, paaralan, relihiyon, at media.

- Gender Roles - nalilikha bilang tugon sa kapaligiran, kabilang ang mga interaksyon sa mga tao. Ganunpaman,
pinaniwalaan na ang gender roles ay hindi awtomatikong itinatalaga ng genetika.

- Ang Sex ay tumutukoy sa biyolohikal na kaibahan ng lalaki at babae. Nauuri lamang sa dalawa ang sex; male at female,
di gaya ng gender na ang uri ay hindi limitado sa dalawa lamang.

- Seksuwalidad (sexuality)- tumutukoy ito sa seksuwal na oryentasyon ng isang tao o sa kaniyang seksuwal na atraksyon
sa iba at sa kaniyang kapasidad na tumugon dito. Sinasabing ang seksuwalidad ay hindi awtomatikong itinatakda ng
mga ito. Ang ilan sa mga salik sa pagkakaroon ng isang uri ng seksuwalidad ay ang kultura, pagpapalaki (upbringing),
impluwensiya ng kaibigan at media.

PAKSA 2. MGA URI NG SEKSUWALIDAD AT GENDER

1. ATRAKSIYON SA ISANG URI NG KASARIAN


- Heterosexuality: Ito ay atraksiyong seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian (opposite sex). Halimbawa nito ay ang
atraksiyon ng isang tuiwd (straight) na lalaki sa isang tuwid na babae (straight) at vice versa.
- Homosexuality: Ito ay atraksiyong seksuwal sa miyembro ng kaparehong kasarian (same sex). Dito kabilang ang
lalaking may atraksiyong seksuwal sa kaparehong lalaki (gay/bakla) at babaeng may atraksiyon sa kaparehong babae
(lesbian/tomboy).

2. ATRAKSIYON SA IBA'T IBANG URI NG KASARIAN


- Bisexuality. Ito ay atraksiyong seksuwal sa babae at lalaki. Bukas sila sa pakikipagrelasyon anumansa dalawang uri ng
kasarian
- Pansexuality/Omnisexuality Ito ay atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian. Ayon sa kanila, sila ay genderblind at
hindi raw mahalaga ang gender at kasarian sa atraksiyong seksuwal. Sila ay bukas sa pakikipagrelasyon sa mga
heterosexual, homosexual, bisexual at pansexual kaya 't mas malawak ang pansexuality kaysa bisexuality.
3. WALANG SEKSUWAL NA ATRAKSIYON SA KANINUMAN
- Asexuality: Kawalan ng atraksiyong sekswal kaninuman. Ang mga asexual ay hindi aktibo sa gawaing seksuwal
(sexually inactive) o walang seksuwal na pagnanasa.

PAKSA 3. ILANG ISYUNG MAY KINALAMAN SA GENDER AT KASARIAN

1. ISYU SA KARAPATAN NG KABABAIHAN:


- Mula pa noon may mga karapatang ipinagkakaloob sa kalalakihan na hindi ibinibigay sa kababaihan at magpasa
hanggang ngayon mayroon pa ring mga kaso ng hindi magandang pagtrato at pagtingin sa kababaihan bilang
mahihina, sexual objects, at prostitutes.
- Sa kasaysayan, may mga bansa kung saan ang mga babae ay walang karapatang bumoto (suffrage).
- Sa edukasyon, may mga kultura na ang mga babae ay walang karapatang magaral sa paaralan o kaya naman ay may
mga kursong hindi nila maaaring kunin (halimbawa ng abogasya).
- May mga uri din ng hanapbuhay na hindi maaaring pasukin ng mga babae. Malimit ding ang mga babae ay biktima ng
mga pang-aabuso gaya ng panggagahasa (rape), pangmomolestiya, pambubulas (bullying), at pang-aabuso sa
pananalita (verbal abuse).
- Sa kasaysayan ng Pilipinas, may mga Pilipinang ginawang comfort women ng mga sundalong Hapones noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
2. ISYU SA KARAPATAN NG LGBTQ+
- Ang pagiging lesbian, gay, bisexual, transgender, at queer sa Pilipinas ay pinapayagan o pinahihintulutan ngunit
iginigiit ng mga kasapi ng LGBTQ+ community na wala pa rin daw silang malinaw at mga tuwirang karapatang tulad ng
sa kalalakihan at kababaihan.
- Mayroon pa ring konsepto na sila ay mga second-class citizen at hindi kapantay ng lalaki at babae.
- Sa kasalukuyan, hati pa rin ang bansa hinggil sa kanilang mga isinusulong gaya ng same-sex marriage, civil union, at
karapatang mag-ampon ng mga anak.

PAKSA 4. GENDER ROLES O BAHAGING GINAGAMPANAN NG KASARIAN SA MGA INSTITUSYONG


PANLIPUNAN
1. Trabaho
- Pangkaraniwan nang ang mga gampanin ng kababaihan sa larangan ng hanapbuhay ay yaong hindi mabibigat na
gawain. Ang mga babae ay inaasahang makapapasok sa mga trabaho gaya ng pananahi, pagna-nurse, magagaan na
gawain sa opisina, at iba pang hindi gaanong nangangailangan ng pisikal na lakas.

- Ang kalalakihan ang karaniwang nakapapasok sa mga hanapbuhay gaya ng pagsusundalo, pagpupulis, pagsasaka,
pangingisda, at iba pa.
- Ganunpaman, sa kasalukuyan ay nagagampanan na ng parehong kasarian ang maraming uri ng hanapbuhay. Marami
nang kalalakihan ang nagiging nurse, chef, cook, at sastre, at parami naman nang parami ang mga babaeng
pumapasok sa kapulisan at militar.
- Sa larangan naman ng sining, nagtatagumpay ang may ibang seksuwalidad gaya ng mga gay o bakla.
- Sa kasalukuyan ay kinikilala ng lipunan ang kanilang mahahalagang kontribusyon sa pelikula, fashion design,
pagpapaganda (beauty treatment and cosmetic), teatro, at mga kauri nito.
2. Pamilya
- May pagkakahati ng mga gawain at gampanin ang asawang lalaki (husband) at asawang babae (wife) sa pamilya
- Ang gampanin ng isang babae ay ang pagpapanatili ng kalinisan ng kanilang tahanan, paggawa ng mga gawaingbahay,
at pangangalaga sa buong pamilya.
- Ang isang lalaki naman ay inaasahang magsusustento sa kaniyang pamilya o magbibigay ng mga pinansiyal na
pangangailangan at proteksiyon para sa pamilya.
- Subalit sa kasalukuyan, hindi na ganoong kalimitado ang hatian ng gampanin sa pamilya. May mga mag-asawa ngayon
na parehong naghahanapbuhay. Mayroon ding mag-asawa na masasabing nagpalit ng mga gampanin. Dumarami kung
ganoon ang mga tinatawag na career woman at house husband.
3. Edukasyon
- Ang karaniwang kinukuhang kurso ng kababaihan at kalalakihan ay ang mga kursong itinuturing ng kultura na naaayon
sa kanilang kasarian. Subalit gaya sa trabaho, ang gampanin sa edukasyon ng mga kasarian ay nagbago na. Ang mga
kursong dati-rati ay itinuturing na angkop lamang sa isang kasarian ay iniaalok na rin sa mga miyembro ng ibang
kasarian.
- Ang pagpipiloto halimbawa, na dati-rati ay para lamang sa mga lalaki, ay maaari na ring kunin ng mga babae at ng
sinuman o anuman ang kaniyang seksuwalidad.
- Noong 1995 naman, nagtapos ang unang batch ng kababaihang pumasok sa Philippine Military Academy (PMA).
Dumarami rin ngayon ang demand sa mga babaeng welder kung kaya 't ang kursong teknikal na welding ay iniaalok na
rin sa mga babae.
4. Gobyerno
- Sa maraming bansa, ang nakagawiang pinipili bilang namumuno sa gobyerno ay ang kalalakihan. Bago nahalal ang
pinakaunang babaeng presidente ng Pilipinas-si Gng. Corazon "Cory " Aquino- ay sunod-sunod na mga presidenteng
lalaki ang namuno sa bansa.
- Sa ngayon ay marami nang babae ang humahawak sa matataas na posisyon sa gobyerno. Masasabing napasok na ng
kababaihan ang mundo ng politika. Mula sa pagiging kapitan ng barangay hanggang sa pinakamataas na posisyon na
pagkapangulo, mayroon nang lugar ang kababaihan.
- Ang ng kababaihan ng karapatang bumoto at kumandidato ay nagbigay sa kanila ng karapatang humatol at maging ng
pagkakataong makapaglingkod sa bayan.
5. Relihiyon
- Sa mga sekta ng relihiyon, may mga bahaging ginagampanan ang parehong kasarian. Sa Katolisismo, nananatiling
kalalakihan lamang ang pinapayagang magpari at kababaihan nagmamadre. Sa Iglesia ni Cristo (INC), bagaman ang
kalalakihan lamang ang pinapayagang maging ministro, ang mga babae naman ay pinapayagang maging diakonesa,
mang-aawit, kalihim, at iba pa.
- Sa Seventh Day Adventist, Born-again Christian, at iba pang sektang Protestante, maaaring maging tagapangaral
maging ang mga babae nilang miyembro.

PAKSA 4. ANG PAGTANGGAP NG MGA BANSA SA IBA'T-IBANG GENDER AT SEKSUWALIDAD


1. ANG KATAYUAN NG KABABAIHAN SA LIPUNAN
a. Sa iba’t ibang bansa:
- Pataas ng pataas ang pagtingin sa mga karapatan at gampaning (roles) ipinagkakaloob sa mga babae sa mga babae sa
iba 't-ibang bansa.
- Sa ika-30 anibersaryo ng Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW) Inter
Press Service (IPS), itinala nito ang ilang repormang nagsusulong sa karapatan ng kababaihan sa iba 't-ibang bansa sa
mga nagdaang taon.
- Sa Morocco, naisulong ang pangangalaga sa mga karapatan ng mga babae ukol sa matrimonyo at diborsiyo sa
pamamagitan ng pagpasa sa bago nitong Family Code noong 2004.
- Tinanggap ng India ang legal na obligasyong pawiin ang diskriminasyon laban sa kababaihan at sexual harassment sa
pinagtatrabahuhan.
- Ipinasa ng Mexico noon pang 2007 ang batas na nagpapaigting sa umiiral na batas laban sa karahasan sa kababaihan.
- Ang komite ng CEDAW sa Austria ay nagdesisyon tungkol sa dalawangreklamong patungkol sa karahasan sa tahanan
(domestic violence) simula noong 2007.
- Ayon kay dating UN Secretary-General Ban Ki-moon, mismong sa organisasyon ng UN, naragdagan ang bilang ng
kababaihang nasa matataas na posisyon ng mga 40 porsiyento.
b. Sa Pilipinas:
- Kumpara sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya, ang kababaihan sa Pilipinas ay sinasabing higit na nagtatamasa ng
pantay na karapatan sa kalalakihan.
- Dalawang babae na ang naging pangulo ng Pilipinas-sina Corazon Aquino at Gloria Macapagal-Arroyo.
- Maging ang Korte Suprema ay dating pinamumunuan ng mga babae-sina Punong Mahistrado Teresita De Castro at
Punong Mahistrado Ma. Lourdes Sereno.
- Bukod pa rito, marami sa mga senador, kongresista, miyembro ng gabinete, punong bayan, at punong siyudad ang
pawang mga babae.
- Sa Pilipinas ay matatagpuan din ang kababaihan na may matataas na pinag-aralan. Halimbawa nito ay si dating
Senadora Miriam Defensor-Santiago.
- Sa hanapbuhay, marami rin ang nakapapasok sa matataas na posisyon sa mga kompanya. Bagaman hindi pa rin
lubusang pantay ang katatayuan ng kababaihan kumpara sa kalalakihan sa Pilipinas, ganunpaman, halos wala nang
larangan sa bansa ang hindi maaaring pasukin ng kababaihan.

2. ANG PAGTANGGAP SA LGBTQ


a. Sa iba’t ibang bansa:
- Ayon sa Pew Research Center, may 39 na bansa sa North America, European Union, at Latin America ang may
malalawak na pagtanggap sa homosexuality, samantala ito ay mahigpit namang tinututulan sa mga bansa sa Africa,
mga bansang Muslim, at iba pang mga lugar sa Asya at sa Russia.
- May mga bansa namang kontra sa homosexuality at LGBTQ+.Sa Armenia, Azerbaijan, Belarus, Bulgaria, Croatia,
Hungary, Latvia, Lithuania, Moldova, Montenegro, Poland, Serbia, Slovakia, at Ukraine ay ipinagbabawal ang same-sex
marriage.
b. Sa Pilipinas:
- Noong Eleksiyong 2007 at 2010, hindi inaprubahan ng COMELEC ang paglahok sa eleksiyon ng Ang Ladlad-ang party
list ng LGBTQ+ community. Subalit noong Abril 8, 2010, kinatigan ng Korte Suprema ang petisyon nito na mapabilang
sa mga pagpipiliang party list sa halalan (bagaman hindi to nakakuha ng sapat na boto para magkapuwesto sa
Kongreso noong Eleksiyong 2010 at 2013).
- Noong Marso 3, 2009, inanunsiyo sa Pilipinas na ang pagsali at pagseserbisyo sa Sandatahang Hukbo ng Pilipinas
(Armed Forces of the Philippines o AFP) ng mga bakla at bisexual ay pinapayagan na.
- Ayon sa survey ng Pew Research Center, ang Pilipinas ang tinanghal na ikasampu sa mga pinaka-gay-friendly na bansa
sa mundo at ang nangunguna sa Asya. Ganunpaman, iniaangal pa rin ng LGBTQ community sa ba isa na sila diumano
ay nananatiling hindi pa rin lubusang tanggap, kakaunti ang kanilang mga karapatan, at nakararanas pa rin sila ng iba 't
ibang uri ng diskriminasyon.

You might also like