Hubad Na Makata

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

HUBAD NA MAKATA

Panulat ni: Marvin T. Abao


October 27, 2021

Akoy makata
Na sa pagkakataon,
Lugmok ang diwa
Hinulma sa isipan
Ang larawan ng sarili
Ang bakas nga kahapon
Ang imahe ng ngayon
Ang nawong ng bukas
Inukit
Mula sa kirot at puot
Sakit at hapis
Nakalublob sa iskenita
Ang damdaming sadlak sa dusa
Tinaob sa dusa
Mula sa tanikala ng hinagpis
Umahon mula sa karagatan
Ng mga salita
Ng mga larawan, imahe at nawong
Mga salitang pinilit kumuwala
Sa pagkalublob sa luha
Akoy hubad
Walang wala, salat
Bagamat may nakadaklot sa mga palad
Masasayang ala-ala
Bagamat may antas at bihis
Ngunit Akoy hubad
Lumilipad ang isipan sa lawak ng kawalan
Sumisid sa larangan ng mga salita at letra
Akoy hubad
Akoy makata
Akoy hubad na makata.

-----------wakas------------------------

You might also like